HINDI maipaliwanag ni Jeany ang sayang nararamdaman habang pinagmamasdan si Nicolo na naglalagay ng champorado sa bowl. "Here. Ipinagtimpla kita ng paborito mong coffee. Less sugar 'yan, ha." Inilapag ni Jeany ang tasa sa lamesa. "Thank you, my angel." Nakangiti siyang nilingon ni Nicolo at hinalikan sa mga labi. "Dahil hindi mo pa rin nakakalimutan ang favorite coffee ko." Dumukwang siya at hinalikan din sa lips ang binata. "Isa ito sa pinakagusto kong gawin noon tuwing umaga. Kahit alam kong si Nina ang tagatimpla ng coffee mo." "At ito naman ang gusto kong gawin sa'yo dati pero hindi ko magawa." Sumandok ng isang kutsarang champorado si Nicolo at hinipan iyon. "Ang subuan ka sa tuwing nagkakasabay tayong kumain." Dahan-dahan nitong isinubo sa kaniya ang champorado na tinanggap nam