DAPAT ay nagbabasa ng files ni Master Gong Lee si Nicolo habang hinihintay ang kape niya na dadalhin ni Jeany. Pero sa halip ay sumandal lang siya sa swivel chair habang nag-iisip nang puwede niyang itanong sa dalaga. For heaven's sake! Sanay siyang mag-investigate ng mga criminal. At kadalasan ay napapaamin niya ang mga ito nang walang kahirap-hirap. Tapos ngayon, itatanong lang niya kay Jeany kung ito ba ang nagbihis sa kaniya,hindi pa niya magawa? Napatuwid ng upo si Nicolo nang sunod-sunod na katok mula sa pinto ang narinig niya. Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok kahit alam niyang maayos naman iyon. "Please come in..." Kaagad siyang humarap sa laptop at nagkunwaring abala sa pagbabasa. Mula sa kaniyang peripheral vision ay nakita niya ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Jeany