MASAKIT ang ulo ni Nicolo nang magising siya kinabukasan. Bagaman mas maaliwalas ang pakiramdam niya kaysa karaniwan niyang nararamdaman kapag nakakatulog siya ng lasing. Nilingon niya sa kaniyang tabi si Gwen pero wala ito. Lagaslas ng tubig mula sa shower room lang ang narinig niya. Himalang nagising ang asawa na hindi niya ginising. Bumangon si Nicolo habang nakahawak sa ulo. Nagulat pa ang binata nang sa pagyuko niya ay nalaman niyang naka-sando at short na lang siya. Wala na rin siyang suot na sapatos at medyas. Alam ni Nicolo na hindi siya ang nagpalit sa sarili dahil kaagad siyang bumabagsak at nakakatulog kapag lasing. Napatingin siya sa pintuan ng shower room. Imposibleng bihisan siya ni Gwen. Never iyong ginawa sa kaniya ng asawa. Never. Baka naman nabahuan sa'yo kaya pinal