Chapter 20

1436 Words

PAGKATAPOS maligo ay nagmamadaling nagsuot ng maid's uniform si Jeany. Nahihiya siyang paghintayin si Nicolo. Baka mainip ito at mainis sa kaniya. Ayaw nga sana niyang sumama dahil hindi pa rin siya maka-move on sa kahihiyang nadarama kanina nang mabuking siya nito. Hindi naman pala naalala ni Nicolo ang tungkol sa paghalik nito sa kaniya. Hindi na sana niya inamin pa. "Manang Tasia, alis na po ako. Baka naghihintay na po si Sir Nic," paalam ni Jeany sa mayordoma. "Mag-ingat kayo." "Salamat po." Pagkatapos niyang magpaalam kay Manang Tasia ay duniretso na siya sa sala kung saan ay posibleng naghihintay ang among lalaki. Saglit na napahinto sa pagpasok sa sala si Jeany nang makita niya si Nicolo na naka-de kuwatro sa sofa at nagbabasa ng magazine. Napakaguwapo nito sa suot na maong jea

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD