NALILITO na si Jeany kung ano pa ang sasabihin sa kaniyang panalangin para lang mailigtas si Nicolo. Noon pa mang umalis sila ng Maynila papunta rito sa Zambales ay panay na ang kaniyang dasal. Halos lahat yata ng santo ay tinawag na niya. Nakailang balik na rin siya sa chapel ng ospital na iyon. At ngayon ay nandito siya uli, lumuluhod... Nagsusumamo. Kaninang umaga ay tinawagan siya ni Reuben at pinaalam na kritikal daw ang kundisyon ni Nicolo pagkatapos na matamaan ng bala sa dibdib. Halos himatayin siya kanina nang malaman iyon. Kulang na lang ay liparin niya ang Zambales. Mabuti na lang at pinasundo siya ni Don Henry. Isinabay siya nito sa private chopper para puntahan din ang anak. At ngayon ay nasa operating room pa rin si Nicolo. Ilang oras na raw itong nandoon dahil patuloy na