"I love when you look at me like that, my angel. It's indeed hot." Napakisap si Jeany mula sa pagtitig kay Nicolo na noon ay kalalabas lang ng shower room at kapirasong towel lang ang nakatakip sa katawan. Kaagad siyang umiwas ng tingin at kunwaring nag-aayos ng bedsheet nang sumilay ang nanunuksong ngiti sa mga labi ng nobyo. Walong buwan na rin silang mag-boyfriend at halos araw-araw na may intimate na nangyayari sa kanila. Ngunit hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ang dalaga kapag nahuhuli siya ni Nicolo na tinitingnan ito nang malagkit. "Nagba-blush ang angel ko kaya ayaw humarap sa'kin," panunukso pa rin sa kaniya ng kasintahan. "Tse! At bakit naman ako magba-blush? Eh, nakita ko naman ang lahat sa'yo. Ultimo nga nunal sa puwet mo ay nakita ko na rin." Natatawa na nilingon niya si