When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
KANINA pa nag-aabang sina Nicolo sa palengke ng bayan ng Castillana sa Zambales. Ang sabi kasi ng asset nila na si Ginalyn, na madalas sa Subic, dito raw sa bayang ito may namataang Malaysian group na kakaiba ang ikinikilos. Pero wala pa naman silang nababalitaan na bank robbery. May tatlong araw na rin silang pabalik-balik sa lugar na iyon. At ngayong araw ay isang oras na silang naghihintay at marami na ring mga foreigner sa paligid, pero hindi pa rin nila namamataan ang grupo ni Azwan bin Musa. Nakakalat na rin sa paligid ang mga tauhan niya. Nagkukunwari ang mga ito na namimili sa palengke. Silang tatlo na lang ni Reuben at isang Malaysian INTERPOL ang magkasama sa labas ng palengke at nagkukunwaring kumakain sa isang maliit na carinderia. "Matinik talaga ang grupo ni Azwan, Sir," w