ANG buong akala ni Jeany ay sa ordinaryong mall lang sila pupunta ni Nicolo. Pero nalula siya sa laki at ganda ng pinasukan nilang mall. Sa entrance pa lang ay halatang kilala na si Nicolo. Niyuyukuran at magalang itong binabati ng mga security guard. Hindi lang ang mga paninda sa loob ng mall ang mukhang yayamanin kundi pati na rin ang mga taong naroon. Puro mga Inglesero at Inglesera. Napakaganda ng kasuotan ng mga ito. Nag-alangan tuloy bigla si Jeany dahil sa lumang dress na suot niya. Lalo siyang nailang nang mapansin niyang may mangilan-ngilang shoppers ang nakatingin sa kaniya na para bang sinasabing walang dudang alalay lang siya ni Nicolo. "Puwede po bang sa ibang mall na lang tayo mamili, Sir Nic?" sabi niya rito. Nilingon siya nito na nakakunot ang noo. "Bakit? Hindi mo ba n