"MAY gusto sa'yo ang principal na 'yon," diretsong sabi ni Nicolo nang makaupo sila sa upuan na naka-reserve para sa kanilang dalawa. "P-po? Paano naman ho magkakagusto ang isang principal sa katulad kong yaya lang, Sir Nic? At paano n'yo naman po iyon nasabi?" "The way he looks at you. At maniwala ka sa'kin, Jean, dahil lalaki rin ako. Isa pa akong imbestigador kaya alam ko ang bawat tingin niya sa'yo " Nilingon siya ni Nicolo. "At naiinis ako sa kaniya. I hate him so much..." Namilog ang mga mata ni Jeany kasabay nang pagkabog ng puso niya. "B-bakit naman po kayo naiinis sa kaniya, Sir, Nic?" "Because I know he likes you. At alam ko na ibang klase ng pagkagusto iyon. Gusto ka lang niyang paglarauan, Jean. At ayokong masaktan ka. Kaya gusto kong malaman kung gusto mo rin ba siya." Nan