Chapter 17

1304 Words

MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin umuuwi ang mag-asawang amo ni Jeany. Kaya sinamahan muna niya si Elliana sa kuwarto nito. Naaawa nga siya sa kaniyang alaga dahil nakatulugan na lang nito ang paghihintay sa mga magulang. Kung gagabihin man sila sa pag-uwi, sana tumawag man lang kay Elliana para hindi na maghintay nang ganito ang anak nila. Ilalapat na rin sana sa higaan ni Jeany ang kaniyang likod nang marinig niya ang sunod-sunod na busina sa labas ng gate. Hindi iyon pamilyar sa kaniya kaya akala niya ay sa kapitbahay lang. Pero nang silipin niya sa bintana ay nakita niya ang mukha ng kaibigan ni Nicolo na si Bernard na nakasungaw sa bintana ng kotse. Ilang beses na rin niya itong nakita sa mga espesyal na okasyon na parehong dinadaluhan ng magkakaibigan, at kani-kanilang pamily

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD