"SIAGA, pakitingnan mo nga ang profile ni Burnok," sabi ni Nicolo kay Reuben bago sila nag-out sa trabaho ng araw na iyon. "Sir?" may himig-protesta na tugon ng kaibigan niya. "Alam mong hindi sakop ng jurisdiction ng INTERPOL ang local crimes, unless ni-request ng local authorities. At oras na pinakialaman mo ang kaso ni Burnok, siguradong mananagot ka sa superiors natin." "Hindi ko naman totally pakikialaman, eh. I just want to help, Gwen. Ayokong ma-depress siya dahil sa pagtakas ng Burnok na 'yon. Naaawa na ako sa kaniya kapag nakikita kong problemado." Napabuntong-hininga si Reuben. "Hays. Sabi na nga ba, eh. Pagdating talaga sa misis mo, lahat na lang ay hahamakin mo. Kahit ikatanggal mo pa sa trabaho. First love na first love talaga." Tinawanan lang ni Nicolo ang kaibigan. "Alam