Padating pa lamang si MJ sa headquarters ay sinalubong na siya ni Alferos.
"Sir, akala ko ba ay magkasama kayo ni Cameron?" tanong nito nang makitang nag-iisa siya.
"Huh, akala ko ba ay nandito iyon? Dahil ang sabi niya kaninang umaga ay siya ang magbabantay dito habang wala ako. Wala siya rito sa headquarters, walang nakakaalam kung nasaan siya. Then where the hell is she?" balik-tanong niya.
"Ay, Sir, kung alam ko kung nasaan siya ay hindi ko na tatanungin sa iyo." Nakangising tumakbo at nagtago ang isa pa sa kasamahan nila dahil nakaumang ang kamao ng Boss nila.
"Umayos ka nga, Andaya. Baka gusto mong hindi sumahod?" pabiro niyang sa isa pa niyang tauahan.
Subalit dahil sa narinig ang sahod ay agad itong bumuwelta para lambingin siya. Ganito sila sa kanilang trabaho, mas mataas man ang kanilang posisyon kaysa sa mga ito pero pantay-pantay at walang lamangan sa isat isa. Kasabwat nila ni Grace ang buong departamento tungkol sa lihim nito.
"Boss, naman maaatim ba ng kunsensiya mong hindi ako pauwiin ni Misis kapag wala akong e-remit? Aba'h, Boss, babawiin ko na ang sinabi ko basta may sahod ako." Iyon na nga. Umakbay ito sa kaniya. Well, alam na alam niya talaga kung paano korneren ang mga tauhan niya pagdating sa ganoong bagay.
"Ayan tuloy, Andaya. Mabuti na lang at nakuha ko na ang sahod ko. Mayroon ng pang-chika babes mamaya---"
Kaso hindi na nito natapos ang pananalita dahil sinapak na ito ng bagong dating at galing sa kabilang opisina.
"Aray naman, babe. Bakit ka nanapak?" tanong niya rito. Malay ba niyang susulpot ito sa kinaroroonan nila. Kaya nga malakas ang loob niyang nagbiro dahil nasa kabilang opisina ito. Kaso aba'y biglang pumasok sa opisina nila eh.
"Aba'h, Officer Alferos, maghunos-dili ka. Hindi pa tayo mag-asawa ngunit niloloko mo na ako. Kung hindi kita matantiya ay black eye aabutin mo sa akin kahit nandito tayo sa opisina," nakapamaywang nitong wika.
Kaya't natatawang lumayo sina Andaya at MJ sa kinaroroonan ng couples. Alam naman nilang nagbibiro lamang ito. Kaya't hayaan na lamang nila ang dalawa. Well, that's a part of any relationship to conquer. Kaso hindi pa sila nakalayo ay nagsalita ang iiwan na sana nila kaya't muli silang napatigil.
"Wait, Boss, may tumawag dito kanina Phillip daw mukhang importante ang sasabihin. Babe naman, joke lang iyon kanina. Wala akong ibang ka-date kundi ikaw." Nakangiwing angal ni Alferos dahil muli siyang piningot ng kasintahan.
"Puntahan mo si kambal mo, Boss. Baka mapaano na siya aba'y kaninang umaga pa iyon nawawala!" pasigaw na lamang niya ang sabi. Aba'y dinibdib na yata ng kasintahan niya ang pagbiro niya.
Samantalang sa narinig ay agad nataranta si MJ! His beloved Allien Grace! Pagdating talaga sa Kaskasera ng buhay niya ay natataranta siya.
"Oh my gracious! Lord of mercy! Andaya, ikaw na muna ang bahala rito. Puntahan ko lang siya sa bahay nila. Baka umuwi na iyon. Nag-aalala na talaga kay pakner. Baka napaano na talaga siya. Heto sahod mo basta mag-ingat kayo rito dahil mauuna na ako!" natataranta namang saad ni MJ nang naalala ang babaeng pinakamamahal.
On his way, dali-dali niyang idinayal ang numero nito ngunit walang sumasagot.
"Nasaan ka na Grace sagutin mo!" mariin niyang sambit ngunit nakailang dial na siya ay wala pa ring sumasagot.
Kaya't wala siyang choice kundi ang tawagan ito sa malaking bahay o sa tahanan ng mga Cameron. Kahit naman nangangamba siya na maaring magtanong ang mga magulang nito ngunit hindi niya isasangkalan ang kaligtasan nito.
"Cameron's residence, hello. Ano po kailangan nila?" tanong ng katulong na nakasagot.
"Ah si MJ ito. Nandiyan ba ang Maam Grace mo?" tanomg niya.
"Ay, wala po si Ma'am Grace, Sir MJ. Ilang araw na pong hindi umuwi si Ma'am," anitong muli.
Iisa lamang ang maaring puntahan ng dalaga
kung wala ito sa mansion nila. Sa sarili nitong bahay kaya't agad siyang nagmaniobra upang puntahan ito.
"Sige, salamat." Ilang sandali pa ay pinatay na ang kaniyang tawag.
Agad siyang nagtungo sa lugar kung saan niya ito laging natatagpuan kapag wala sa mga paborito nilang lugar. Hindi nga siya nagkamali dahil nasa kalsada pa lamang siya ay kitang-kita na niya ang paharang na pagkagarahe ng sasakyan nito. Mabuti na lamang at nakasara ang main gate.
"Tsk! Ang babaeng ito talaga oo napakaburara!" Napailing-iling siya at kasabay nang pagparada niya sa sasakyan. Muli niyang isinara ang gate at papasok na sana siya ngunit nagulat siya nang napag-alamang nakabukas ang main door. Pero mas nagulat siya nang makita ang dugo na patak-patak hanggang sa hanggang sa makita niya ang duguang si Grace!
Nanginginig ito na parang nilalamig! Puno ng dugo ang damit!
"Sh*t!" mura niya sa sarili at sinisi pa ang kung bakit hindi niya ito isinama kananing umaga heto tuloy. Inaapoy ng lagnat ang pinakamamahal niya.
Wala siyang sinayang na oras agad niyang hinubad ang jacket niya at ibinalot dito. Kinarga niya ito na parang papel lamang. At isinara ang pintuan saka isinakay ito sa kaniyang kotse. Dahil authomatic ang gate nito hindi na siya nag-abala pang bumaba para isara ito. Agad niyang pinaharothot ang sasakyan niya papuntang hospital.
Halos paliparin ni MJ ang sasakyan niya dahil sa magkahalong tension at takot.
"Langya ka naman kasi Grace eh lumakad kang mag-isa. Sa race track ka na naman siguro nanggaling. Hold on baby malapit na tayo," sabi niya sa nanginginig na dalaga na duguan halos matuyo na nga ito. Animo'y masasagot ba siya.
"Mommy..."
"Mommy..."
"Mommy..."
Ungol ng dalaga na pabaling-baling sa iniayos niyang upuan ng sasakyan.
"Ito na nga ba kinatatakutan ko, Grace. Paano ko ito ipapaliwanag sa mga magulang mo siguradong malilintikan ako nito," sambit niya kahit nakatutok ang mga mata sa daan.
Kaso!
"Papatayin ko sila!"
"Hayop sila mga walang puso!"
"Putang-ina ang mga gagong iyon! Mga edukadong tao pa naman ngunit ginagamit sa kasamaan ang pinag-aralan nila," anito sa pagitan nang pagdedeliryo.
Hindi tuloy maiwasan ni MJ ang mapangiti dahil sa inasta nito. Ganoon pa man ay marahan siyang umiling-iling. Talagang sumubra na naman ito sa tapang. Lumakad na namang mag-isa.
"Tsk! Tsk! Tsk! Nasa bingit ka na nga ng kamatayan pero ang mga kalaban mo pa rin ang iniisip mo," saad niya at ipinarada ang kotse niya sa harap ng hospital saka panakaw niyang hinagkan sa labi ang
dalaga bago binuhat at sinipa pasara ito. Halos magtalon pa ang mga nakita at nakarinig dahil sa gulat. Ngunit ang lahat ng iyon ay hindi inalintana nang binata bagkos agad siyang tumakbo habang karga si Grace papasok sa hospital.
"Nurse! Nurse! Tulungan niyo ako! "sigaw niya sa harap ng information center pero walang umiimik. Kaya muli siyang sumigaw. What a hell of them!
"Anak nang tokwa naman! Anong tinutunganga ninyo riyan? Hindi kayo sinasahuran ng gobyerno upang tumunganga riyan! Kapag tuluyang mamatay ang nobya ko ay ipapasesanti ko kayong lahat kahit
kapalit pa iyan ng lisensiya ko!" galit niyang sigaw. Sa malakas niyang boses ay saka pa lamang natauhan ang mga hayop na nurses.
"S-sorry, Sir. Ano po ang nangyari sa kaniya?" tanong nang isang nurse at kumuha ng papel para
kunan sila ng impormasyon.
"Maraming dugo ang nawala sa kaniya, Miss. Kaya walang malay!" mariin pa rin niyang sagot habang karga-karga pa rin niya ito.
"Advance p*****t po, Sir, for her to be admitted," ani naman ng isang nurse.
Halos panawan siya ng pasensiya at talagang umuusok na ang bumbunan niya dahil sa galit. Waht a bullshit of them! Since when that a certain hospital needed to have advanced p*****t to admit a patient? f**k them all! His beloved Allien Grace's is in danger yet they are asking him an advanced p*****t.
"Ilang milyon ang kailangan ninyo upang e-admit ang nobya ko ha? Kilala n'yo ba ang inaayawan ninyong e-admit dahil sa advance p*****t? Ako, kilala n'yo ba ako? Ano kaya kung isampal ko sa inyo ang ilang milyon para maging pantay ang trato ninyo sa mga pasyente ha? Siya lang naman si Allien Grace Cameron, kaya niya kayong bayaran kahit ilang milyon! At ako! Ako lang naman opisyal sa NBI ngayon kung gusto ninyong magkaroon ng trabaho ay aasikasuhin n'yo ba siya o ipapatanggal ko kayong lahat ngayon din?!" namumula sa galit niyang sigaw
lalo pa nang maramdaman niyang nanginginig ito ang dalaga.
Dahil sa sigaw ng binata ay nakakuha na sila ng atensiyun ng mga tao. Umugong ang bulong-bulungan dahil dito. He doesn't care anyway! He only care about AG's life.
"Grabe naman ang mga nurse na ito. Wala na ngang malay ang pasyente hindi pa nila inaasikaso," bulong ng isang bantay marahil ng ibang pasyente.
"Ayan nakahanap sila nang katapat nila. Isa pa lang opisyal ang tao eh, isa pa mukhang anak mayaman Cameron eh," sabi naman ng isa.
"Sana matanggal ang mga ganyang tao sa trabaho. Paano kung nagkataon na sila ang nasa kalagayan ng babae at hindi sila maasikaso agad? Ang mga tao nga naman," bulong pa ng isa.
"Buti nga sa kanila! Hindi man lang nila isipin na hindi lahat ng tao ay may yamang materyal," saad ng isa.
Lahat nang iyon ay dinig na dinig ni MJ at ang mga nurses na napahiya. Agad humila ng strecher ang mga nurses na nandoon kaya't inilapag ni MJ ang dalagang halos wala nang kulay sa dami nang dugo na nawala dito.
"Hold on baby, Grace. Hihintayin kita rito sa labas. Mahal kita, Grace, kahit Iyakin ang tawag mo sa akin. Ang maalagaan at maprotektahan ka ay sapat na sa akin iyon kahit katumbas ito ng buhay ko." Marahan niya itong hinagkan sa noo.
After sometimes...
"MJ anak, ano ba ang nangyari? Bakit ka duguan? At ano ang ginagawa mo rito sa emergency?" tanong ni Ginang Sheryl nang nakita ang panganay sa kambal ng kaibigan nilang sina Donna at Bryan.
Dahil sa tuliro at balisa siya ay hindi niya namalayang may nakalapit pala sa kaniya at iyon ang kaibigan ng Daddy at Mommy niya. Ang Mommy ni Marga.
"T-tita Sheryl, si G- si..." pautal-utal niyang sagot dahil hindi niya alam kung magtatapat siya o mag-iisip ng panibagong pantakip sa dalagang walang malay.
"Bakit, anak? Ano ba ang nangyari at hindi ka makapagsalita ng maayos?" muli nitong tanong saka bahagyang lumapit sa kanya upang kalmahin siya. Kaya't wala siyang nagawa kundi ang magtapat.
"Si Grace po, Tita. Siya po nasa loob." Nakatungo niyang pang-aamin. Ayaw niyang pangunahan ang dalaga sa pagtapat sa tunay nitong trabaho kaya iyon lamang ang nasabi niya.
"Ha? Ano ang nangyari kay Grace, Iho? Alam ba ito ng mga magulang niya?" patanong nitong tugon.
Huminga nang malalim ang binata bago sumagot pero ang mga mata ay nakatingin sa emergency
room.
"Hindi po nila alam, Tita," iyon lang ang naisagot niya.
"Haysus, maryusep. Kung hindi ako nagkakamali ay nandito rin sa hospital ang pamangkin ni Grace. Naoperahan din ito sa puso," tugon ng Ginang.
Sa narinig ay nakumpirma ni MJ na ang ina ni Grace nga ang sumisigaw kanina. Sasagot sana siya pero bumakas ang pinto ng emergency kaya agad siyang lumapit dito.
"How is she, Marga? Okay na ba siya?" sunod-sunod niyang tanong.
"Marc, I'm sorry to tell you, pero kailangan niyang masalinan ng dugo dahil marami na ang nawalang dugo sa kaniya. At ailangan niyang masalinan ng dugo within twenty-four hours dahil kung hindi ay maaring tuluyan na siyang mamatay," pahayag nito.
"Anong blood type, Marga? Baka magkablood type kami. Ako na lang kung parehas kami. Please do your best to save her please." Pagmakaawa niya dito.
Matamang pinag-aaralan ni Ginang Sheryl ang binata. Hindi maitatatwang mahal nito ang dalaga. Pero ang hindi niya maunawaan ay ang dahilan na parang aligaga ito.
"Type B ang dugo niya Mar---" hindi na natapos ni Marga ang pahayag dahil pinutol na ng binata.
"I can give her, Marga. Magkapareho kami ng blood type. Sige na, tara na baka maubusan tayo ng oras." Kulang na lamang ay hilain na ni Marc Joseph ang doktora. Ang hipag ng pasyente.
Hindi na sila nagsayang ng oras. Agad silang bumalik sa loob ng emergency room kung saan naroon ang dalagang si Allien Grace. Kailangang mailigtas nila ito sa kapahamakan. Dahil mas gugustuhin pa ni MJ na pagtakpan ito sa lahat ng oras.
ITUTULOY