Halos hilain ni MJ si Marga nang malamang magka-blood type sila ni Grace. Lahat ay gagawin niya para dito. Kung ang dugo niya ang magdudugtong sa buhay nito ay handa niyang ibigay iyon. Maghirap man siya huwag lang ang dalagang lihim niyang minamahal. Saka na lamang niya haharapin ang mga katanungan ng mga naiwan sa labas. Kapag okay na ang mahal niyang Kaskasera.
Agad nilang pinahiga sa isa pang hospital bed ang binata sa tabi ni Grace upang maisalin dito ang
dugo na kailangan. Wala pa namang inaamin ang dalawa subalit kahit hindi pa sila aamin ay halata namang mayroong spark ng pag-ibig sa pagitan nila. Iyon nga lang ay wala talagang gustong aamin.
"Ready ka na, Marc?" tanong ni Marga sa binata.
"Yes I am, Marga," sagot nito. Halatang-halata rin namang handa na ito dahil kulang na nga lamang ay hilain siya nito nang nagsabi siya tungkol sa pagsalin ng dugo.
Halos patapos na ang pagsalin nila ng dugo kay Grace nang magkagulo sa kabilang room o dibisyon ng emergency. Halatang may panibagong pasyente. Pero hindi ito pinagtuunan ng pansin ni Marga dahil hindi pa siya tapos sa ginagawa. At nang makitang sapat na ang dugong naisalin niya kasama sina Dawn at Weng ay nagbilin siya sa mga ito.
"Make it sure guys. I think I need to go the other room. After that transfer them to the private room make it one. Don't worry about them the cost. They can shoulder it no matter how much it is. I'll be back, okay?" bilin niya sa mga ito.
"Yes, Doc. No problem and thanks God the lady patient's condition is already stable," sagot naman
ni Weng.
Kaso iba naman ang sinabi ni Dawn.
"Ay si Doc Cameron naman. Isinali pa talaga ang tungkol sa pera," anito.
"Hindi na kasi iyan bago sa mundo natin, Miss Dawn. Kaya nga galit na galit si Marc Joseph dahil hindi sila agad pinansin ng mga nurses sa information desk. But by the way, I'll go there in the other side to check what's going on. I'm sure there's a new patient. I'll be back later," aniyang muli. Hindi na niya hinintay na makasagot ang dalawa.
Pagkalipat ni Marga sa kabilang bahagi ng emergency ay agad siyang nagtanong sa mga attending nurses na umaasikaso sa pasyente kasama si Doc Suarez.
"Hi, Doc Suarez and all, what happen to the patient?" tanong niya sa kapwa doktora at agad siyang lumapit sa pasyente. Ngunit ganoon na lamang pagkagulat niya nang napagsino ang pasyente.
"Oh my Jesus! Have mercy on us." Napaantada siya dahil ang mahal niyang asawa ang nasa kabilang bahagi ng emergency room.
"Ayon po sa tumawag ng tulong ay nag-collapsed daw, Doc Cameron," pahayag ng isa pang doctor.
"Dios ko! Talaga bang ganito ang kambal, Doc? Galing ako sa kabilang room nandiyan ang
kambal ni Shane, maraming dugo ang nawala sa kaniya. Kaya siguro nag-collapsed ang kambal
niya dahil naramdaman din ang sakit na pinagdadaanan ng isa." Agad-agad niyang tsi-nek kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng asawa niya. Subalit laking pasasalamat niya dahil wala naman itong damage kahit ano.
Samantala sa labas ng emergency ay nagtatakang lumapit si Allen kay Sheryl.
"Anong ginagawa mo rito, balae? Dont tell that me one of them is inside?" tukoy niya sa pamilya ng una.
"Wala, balae. Naisipan ko lang dalawin ang anak ko kaya't napadaan na rin ako sa room ni baby Shane at masaya pa silang nagbibiruang mag-ama. Sinabi pa nga niyang naiwan sa bahay n'yo ang little brother niyang si Garrette. Ano ba ang nangyari sa kaniya at bigla n'yo siyang naisugod sa loob?" balik-tanong ng Ginang.
"He losses his senses, balae. Tumawag siya kanina upang may magbantay daw sa anak niya. He told us that he's not feeling well. Eksaktong pagbukas namin sa door kanina ay natumba naman siya. Naiwan nga sa bahay si Garrette," paliwanag ng Ginoo sa asawa ng isa sa matalik niyang kaibigan at ina ng manugang nila.
Napatango lamang si Ginang Sheryl. Dahil nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niyang nasa loob din ng emergency ang dalaga nitong anak. Pero siguro hindi kaloob ng Dios na siya ang magsasabi dahil bago siya makapagsalita ay bumukas na ito tulak ng dalawang stretcher. Agad na lumapit ang magbalae upang kumustahin ang mga ito. Subalit gulat ang bumalatat sa mukha ng Ginoo nang napagsino ang isa sa dalawang tulak-tulak nina Weng at Dawn.
"What happen to you, Allien Grace?" tanong niya ngunit agad ding napabaling sa isa pang stretcher.
"Lord of mercy! My gracious! What happened to both of you?" muli niyang tanong. Ngunit ano pa nga ba ang aasahan niya. Walang sumagot sa dalawa dahil parehas naman silang tulog.
Kaya naman ay lumapit si Ginang Sheryl sa balae at siya na rin ang nagpaliwanag.
"Wala ako sa posisyon upang magsalita, Balae. Hintayin nating magising sila upang makausap
natin sila ng maayos. Sila rin ang makakasagot saangating katanungan. Papunta ako kanina sa office ni Marga pero nakita ko si MJ dito na duguan at parang balisa. Siya rin ang nag-donate ng dugo na naisalin kay Grace iyon lang ang alam ko, balae," pahayag niya.
"Kindly stay here for a while, balae? I'll take a look to my wife and Shane II kung nadischarge na
ba ang apo ko para kung lalabas ang doctor ay may makakausap siya." Pakiusap ng Ginoo sa balae.
"Go ahead, balae. Don't worry everything gonna be alright." Tumango-tango ang Ginang bilang pagsang-ayon.
Ang hindi nila alam ay gising na gising ang binata. Ayaw lamang niyang salubungin ang mga katanungan nng lahat. Wala siyang karapatang
pangunahan ang dalaga kaya pinili niyang magtulog-tulugan na lamang.
Sa presinto kung saan pansamantalang nakakulong si Daniel. Dinalaw siya ng mga kaibigan niya.
"Tol, kumusta? Mukhang nangangayayat ka rito ah," ani Clifford.
"Tado sino ang hindi mangangayayat kung walang sapat na tulog at pagkain." Kaso sinapak ito ni Denver.
"Pagkain kamo, 'Tol. Baka naman pagkaing live ang tinutukoy mo. Iyon bang titirik mata niya sa pagkain." Nakangisi ring panggagatong ni Nemar.
"Mga gago akin na nga iyang dala ninyo at makakain na tayo." Tuloy ay pabirong angil nang dinalaw nilang si Daniel.
At agad naman nilang inilatag ang pasalubong nilang pagkain. Kumuha ng ilan si Guilbert saka bumaling kabilang prisson's table.
"Mga Pare para sa inyo. Marami kasi at hindi namin mauubos iyan." Iniabot niya ang tatlong supot ng pagkain.
"Salamat, kaibigan," tugon nang umabot sa tatlong supot ng pagkain.
"Walang anuman, kaibigan," sagot na rin niya bago bumaling sa mga kaibigan. Kahit naman mga halang ang kaluluwa nila ay may balun-balunan at puso pa sila lalo at nakatingin sa gawi nila ang mga kapwa preso ng kaibigan nila.
"Tol, anong balita sa labas? Dumating na ba ang mga magulang ko?" tanong ni Daniel ilang sandali pa ang nakalipas.
"Wala pa, 'Tol. Bukas yata kaya kailangang makalabas dito bago sila dumating," sagot ni Denver na eksaktong nakaupo mula sa pamimigay ng pagkain sa kanilang lamesa.
"Eh, dito anong balita, Pare?" balik-tanong ni Clifford.
"Wala pang nagdedemanda, Pare. Kaya nga sabi ni Attorney ay puwedi akong lalaya pansamantala. Hindi ko lang alam kung ngayon o bukas," sagot niya.
Pero hindi pa sila tapos mag-usap-usap ay dumating ang abogado ni Daniel kasama ang Boss nilang si Javier. Madilim ang mukha at para bang may alam na ito. Kaya't walang nangahas na nagsalita sa kanila.
"Anong katarantaduhan itong kinasangkutan ninyong lima?!" mahina man ang pagkasabi ngunit kulang na Lang ay mapisa ang itlog dahil sa mariin nitong pagkabigkas.
"Boss, maupo ka muna upang makausap natin sila ng naayos." Inilahad ng abogado ang palad sa bakanteng upuan.
"A-ah maupo ka, Boss." Nag-unahang tumayo ang magkaibigan dahil sa pagkataranta. Hindi naman kasi nila inaasahang bihisitahin nito ang kaibigan nila.
Agad naman itong umupo subalit hindi maipagkakailang galit ito. Patunay lamang ang madalim pa rin nitong mukha.
"Inuulit ko, Daniel, Clifford, Nemar, Guilbert atlt Denver, anong gulo itong kinasangkutan ninyo?" muli ay tanong ng Boss nila. At dahil alam niyang nadamay lamang ang mga kaibigan niya ay siya na ang nagkusa at naglakas-loob na sumagot.
"Boss, puweding ilabas mo muna ako bago ko sagutin ang tanong mo?" pauna niyang tanong. Umaaasa siyang hindi ito tuluyang magalit. Agad namang sumegunda ang apat dahil alam nilang damay sila.
"Okay, pagbibigyan ko kayo. Ngunit siguraduhin n'yo lang na may nakahandang sagot at paliwag
bukas. Dahil kung hindi ay kayong lima ang ibabalik ko rito sa kulungan. Nagkakaunawaan ba tayo?" patanong na pahayag ni Javier.
Para namang nasa ROTC training ang lima na sabay-sabay ding sumagot. Maaring magsasalita pa siguro ang Boss nila subalit eksakto namang dumating amg abogado na umasikaso sa piyansa ni Daniel.
"Okay na ang lahat, Boss Javier. Daniel, puwedi ka nang lumabas ngayon." Pagbabalita nito kaya naman ay halos buhatin ng lima ang kanilang Boss upang pasalamatan ito.
Sa kabilang banda, sa tahanan ng mga Mckevin.
"Babe! Bryan! Asaan ka ba? Naku, halika rito bilisan mo ano ka ba!" sigaw ni Donna sa kaniyang asawa matapos makausap si Ashley sa telepono.
Dali-dali namang pinatay ni Bryan ang kalan at halos madapa na siya sa pagmamadali para lamang makarating agad sa sala kung saan naroon ang asawa niya. Aba'y himala naman kasing matinis ang boses nito. Sigurado siyang may problema ito kaya't agad-agad niya itong pinuntahan.
"Babe, bakit? Anong nangyari, bakit ka
sumisigaw?" puno ang boses niyang tanong.
"Huwag ka nang magtanong, babe. Umakyat ka na lang sa taas at magbihis ka na. Pupunta tayo sa hospital nandoon daw ang magaling mong anak
kasama si Grace. Ah! Kapag ako ang mapuno sa taong iyon ay kahit hindi na siya magtrabaho! Itatali ko na talaga siya sa likod bahay!" Salubong ang kilay ng Ginang. Kaya't halos hilain na niya ang asawa paakyat sa silid nilang mag-asawa. Kaso natigilan siyang muli dahil ang makulit niyang asawa ay ayaw tumigil at nagsalitang muli.
"Ano? Bakit? Ano ang dahilan at naospital sila na hindi pa natin nalalaman?" sunod-sunod na ni Bryan kaso mas nainis yata ang asawa niyang nagiging nerbiyosa na dahil talagang hinila na siya.
"Ay bakit ba tanong ka nang tanong? Ang sabi ko ay nasa hospital ang anak natin kaya't bilisan mo. Huwag kang tanong nang tanong kung ayaw mong samain sa akin!" singhal nito sa kaniya.
Kaya't hindi na siya nagsalitang muli. Ang asawa pa naman walang tigil kapag nagsimulang magalit.
After sometimes...
Nasa hospital sila ngunit dahil sa nangyari ay hindi nila napigilan ang napahalakhak nang pinagkukurot ni Mrs Mckevin ang anak. Hindi nito inalintana kung nandoon ang mga kaibigan o ang mag-asawang Ashley at Allen, ang mag-inang Marga at Sheryl.
Ngunit para kay MJ kahit pa kinurot siya ng kaniyang ina nang nadatnan silang gising ni Grace ay walang problema. Dahil laking pasasalamat pa niya sa pamangkin ng dalaga na makulit dahil nailihis sila sa interogasyon. Dibale nang kantiyawan siya ng bata huwag lang ang mabuking ang pinakamamahal niyang si Grace. Hindi niya kayang mabuking ito lalo at wala yata itong planong magtapat sa mga magulang. Susundin niya kung ano ang nais nito.
Makalipas ang tatlong araw matapos ang pamamahinga ni MJ ay nagreport na siya sa kaniyang trabaho. Pero si Grace ay hindi pa dahil kabilin-bilinan ng doktor nito na hipag din ay nanatili ito sa
"Good morning, Sir." Masayang salubong at pagbati sa kaniya ng mga tauhan niya.
"Good morning, guys. Kumusta naman kayo rito habang wala ako?" Nakangiti siyang tumago ay saludo mga ito.
"Maayos naman, Sir. Heto pomopogi, like you ahem," sagot ng isa kaya't nagtawanan sila.
"Lumamig yata, Boss. Mukhang uulan malakas ang hangin." Nakatawa pang pangangantiyaw ng isa.
They are just the sane as the other group. Sa grupo nila ni Grace ay walang amo, walang tauhan. Pantay-pantay sila kung magturing.
"Oh, siya tama na iyan. Idinadaan n'yo na naman ako sa usapan. Anyway where's Alferos and Andaya?" muli ay tanong niya sa mga ito.
"Baka nasa kani kanilang office na, Boss. Himala wala si saging ah," pahabol na wika ng isa kaya't muli siyang bumaling sa mga ito.
"Tsk, tsk, tsk. Pasalamat ka dahil wala siya. Dahil kapag nagkataon na narinig ka niya ay lagot ka sa kaniya." Napailing-iling siya bago nagpatuloy.
Namiss yata siya ng mga tauhan niya. Aba'y talagang malakas silang manutil dahil wala ang partner niya. Well, wala namang problema sa bagay na iyon dahil gisto rin niyang mawala ang pagka-ilang nila sa kanila ni Grace. Ayaw na ayaw kasi niya ang natatakot anh mga tao sa kaniya.
ITUTULOY