CHAPTER EIGHT

2038 Words
"Pare, anong balita?" salubong na tanong ni Nemar kay Guilbert nang napagbuksan niya ito. "Lagot na, Pare. Alam kong hindi kakanta si Daniel pero dinakip daw siya ni Mckevin kaninang umaga sabi ng katulong nila," sagot nito. "Patay! Siguradong nasa kamay ng taong iyon ang cellphone ni Pareng Daniel at ang masaklap baka numero ni Boss ay nandoon. Naku!" Sa kaisipang naroon ang mga numero ng mga taong back up nila l lalong-lalo na ang Boss nila ay napasabunot siya. "Ano ngayon ang gagawin natin mga, Tol? Hindi natin puweding pabayaan si Tol Dan sa kulungan. Siya ang champion natin, siya ang nagdadala sa pangalan ng car racing ni Boss," saad na rin ni Nemar. "Iyon na nga eh mga, Tol. Ano kaya kung sabihin natin kay Boss? Pero ano ang idadahilan natin sa pagkakulong ni Tol Dan? Alangan namang sabihin nating siya lang gumahasa sa bobang iyon." Napangiwi pa rin si Denver dahil ayaw manuot sa isipan niya ang pagkadakip ng kaibigan nila. Mga anak mayaman sila subalit ito ang pinakamayan. At ang alaga ng Boss nila sa car racing. Sandaling katahimikan ang naganap sa oras na iyon. At lahat ay nag-iisip kung ano ang gagawin nila lalo at nasa kulungan ang isa sa kaibigan nila. Nanahimik sila nang biglang napapitik sa ere si Nemar. "Kausapin natin ang abogado ng mga Montero mga Pare. Isa pa ay wala pa namang pormal na kaso ang nakahain sa kaniya kaya't maari pa tayong umapela para kay Tol Daniel." Suhestiyon nito na talagang napakumpas pa ang palad sa eri. "Pero paano kung pati tayo ay makulong din Tol?" Salungat dito ni Denver ngunit batok ang natanggap mula kina Guilbert at Clifford. "We will accross the bridge when we will get there, ogag. Ang importante at mahalaga ay matulungan natin ang kaibigan natin gets mo?" nakangising sabi ng dalawa kayat napakamot na lamang ng ulo ang una dahil tama nga naman sila. Samantala... Samantala sa loob ng Grand Pix Race Track, gamit ang device niya ay maingat na naglalambitin si Grace sa bubong nito na gawa sa semento. Animo'y isa siyang pusa na sanay sa paglipat-lipat sa bawat pagitan ng mga yerong nakakabit sa bubong ng race track. Lihim niyang kinakabit ang mga linya ng camera na tanging sa computer nila mabuksan. Nagduda siya nang makita ang pangalang Javier Jiminez sa cellphone ni Daniel. Isa ito sa sponsor ng pinakamalaking car racing sa buong bansa. Tapos na niya ang pagkabit sa linya ng camera nang may maulinigan siyang parang nagtatalo. Lihim siyang lumapit sa mga ito at pinindot ang device niya at kinunan ang mga ito ng picture at video. "Sa una pa lang alam muna, Javier! Ayaw na ayaw kong idawit ninyo ang race track ko!" mariing wika ni Philip. "Baka nakakalimutan mo, Philip, kung wala ako na tumulong sa iyo sy wala ka sa kinalalagyan mo ngayon," taas-kilay na tugon ni Javier. "Kahit na, Javier! Ayaw kong madawit ang race track sa illegal mong gawain. Isa pa ay nakabayad na ako sa utang ko sa iyo! Kaya at solong-solo ang race track na ito. Akin ang buong colusium na ito. Pawis at pagod ko ang binuwis ko dito at hinding hindi ako makakapayag na mauwi ito sa wala!" Mariing pagsalungat ni Phillip sa kumpare. Hindi siya papayag na nauwi sa wala ang pinaghirapan niya. Malaki ang utang niya rito sa naging puhunan niya o one fourth ng cash na naging puhunan niya. Subalit noong kumita ang race track niya ay agad siyang nagbayad. Wala siyang balak talikuran ito o ang samahan nila subalit mas wala siyang balak idamay ang race track sa illegal nitong gawain. "Hmmmm, ganoon pala. Well, sige pagbibigyan kita sa ngayon pero pag-isipan mong mabuti, Philip, kung anu ang kaya kong gawin." Napatango-tango habang nakangisi si Javier. Dahil sa isipan niya ay gagawin niya ang lahat upang mapapayag niya ito. But! "Sh*t! Ano iyon?!" nagulat na tanong ni Javier nang maramdaman ang patak ng dugo sa kaniyang balat. Dahil sa hindi sinasadyang nagalaw ni Grace ang yero sa pinagkakabitan niya ng linya camera ay bumalong ang fresh na dugo mula sa kaniyang balikat. Mabuti na lamang at nakaalis siya agad at tinungo ang nakatago niyang kotse. Pero dinig na dinig niya ang matanda na pinapahanap kung saan galing ang dugo. "s**t! Dugo iyon ah! Saan galing ang dugo na iyon? Hanapin ninyo dali!" malakas na utos ni Javier sa mga tauhan. "Amoyin mo, Javier, baka naman dugo nang pusa o daga?" patanong na wika ni Phillip. "Preskong dugo ng tao, Phillip. Alam ko ang amoy ng dugo ng tao at hayop!" mariin nitong sagot. Lihim namang nanalangin ang may-ari ng race track na nakaalis na si MJ. Sa buong pag-aakala niya ay ito ang gumawa sa pagkabit ng mga CCTV cameras sa mismong racetrack. Mayroon man ngunit limitado ang sakop nito kaya't gusto niyang buong sakop ng race track ang masakupan ng camera. Lihim niya itong kinausap na maglagay nang linya nila para kung sakali mang totoo ang hinala niya na may planong idamay ito sa hawak nitong druga ay may puweba siya. Wala siyang kaalam-alam na ang lady racer niya ang naglambitin na parang pusa. Nakahinga lamang ng maluwag si Phillip nang umalis ang mga ito. Dali-dali niyang hinanap at in-scan ang linya nila ng camera pero wala na siyang makitang tao. Kahit ang bakas nito ay wala! As in wala! Nakapagtataka kung sino man ang pangahas na naglagay sa panganib sa sariling buhay. Kaya't agad-agad niyang tinawagan si MJ upang tanungin ito. "Good morning, puwedi bang makausap si Officer Mckevin?" agad niyang tanong sa taong nakasagot sa tawag. "Out of town siya, Sir. Ano po kailangan mo sa kaniya? Kung gusto mo ay ihabilino mo na lang ang mong sabihin sa kaniya. Ngunit kung confidencial kuntakin mo na lamang siya sa kaniyang personal na numero," magalang na pahayag ni Alferos. "Sige, Sir, pagdating niya pakisabing tumawag ako. Pakisabing si Phillip, salamat." Pinatay na niya ang tawag matapos makapagpaalam sa nasa kabilang linya. Napabuntunghininga siya dahil baka magka-ideya si Javier kung sino at kanino ang dugo. Ginagawa lang naman niya ang tama, ayaw niyang madungisan ang race track niya sa mga illegal na negosyo ng kaibigan niya. Kaya nga siya lumapit sa magkaibigang NBI. Manalo man o matalo ang magiging manlalaro niya sa race track ay walang problema sa kaniya. As long as malinis ang laban. Punong-puno nang dugo ang damit ni Grace dahil sa punong balikat niya ang nasugatan. Subalit agad din niyang naibalot ang jacket niya para hindi nila matunton kung saan ang pinanggalingang ng dugo sa maaring bakas nito. Nanghihina na rin siya pero pinilit niyang makauwi para gamutin ito pero dahil may kalayuan din ang race track halos panawan siya ng ulirat. Sinikap nga lamang niya ang makarating sa bahay nilang dalawa ni Iyakin. "Lord, wala akong masamang intensiyon kundi ang tumulong sa mga nangangailangan. Kaya ko ito nagawang inilihim sa pamilya ko. Kung ano ang tunay kong trabaho. Pero, Lord, huwag mo muna akong kunin marami pa akong ililigpit na mga salot. Alam kong nauunawaan mo ako, Ama, kaya't pakiusap pagalingin mo muna ako." Taimtim niyang dasal habang hawak ng isang kamay niya ang susi at hawak naman ng isa ang kumikirot na balikat niya. But! "Hoy! Allien Grace, umayos ka nga! Malayo iyan sa bituka mo! Nalabanan mo nga ang bala na tumama sa tiyan mo nang saluhin mo ang bala para kay Iyakin!" singhal naman sa kaniyang ng inner ego niya. "Huh! Manahimik ka! Ang sakit ng katawan ko at marami na ang dugong nawala kaya parang nalalanta na ang pakiramdam ko! Saka wala akong panahong makipagtalo sa iyo," kastigo niya sa kaniyang sarili. "Aba'h, hoy! Babae ka, sino ba kasi ang may sabing lumakad ka mag-isa? Bakit hindi ka nag-ingat. Ang trabaho mo ay hindi biro! Mabuti pa ang magtanim ng palay na kahit nakukuba ka sa sakit ng katawan madadaan sa gamot. Samantalang iyang ka-eng-engan mong lumakad mag-isa na hindi mo tininingnan kung secure ang paligid mo!" muling saadd ng inner part niya. "Tsk! Manahimik ka nga!"aniya na lamang niya sa kaniyang sarili pero parang nakikita niya ang sariling pinanlalakihan ng mata. Ikinampay-kampay ang palad na nasa taenga. Kaya't ipinilig na lamang niya ang kaniyang ulo. Agad niyang kinuha ang medicine kit niya kung saan ito nakalagay. Oo, kumpleto ang gamit niya sa sarili niyang bahay simula nang nagpagawa siya ng lihim galing sa sarili niyang pera at sa tulong ni MJ ay dito siya naglalagi lalo na kung may operasyon at lakad ang kanilang grupo. At hindi siya agad makauwi sa bahay nila Sa pagkaalala niya kay MJ ay napangiti siya nang dis-oras ngunit napahiyaw siya dahil hindi niya namalayang napadiin na pala ang bulaak na may alcohol sa kaniyang sugat. "s**t! Mukhang kinakalawang pa ang yerong iyon ah. Mukhang malalim ang nadali sa saril sa balat ko ah!" bulong niya nang nakitang malaki-laki rin pala ang sugat niya sa balikat. Halos bumaba rn pala ito sa kaniyang kilikili. "Masakit b,a Allien Grace? Sige, lumakad kang mag-isa. Bakit hindi mo kasi sinabihan si Iyakin mo para dalawa kayong lumakad!" Heto na naman ang inner part niyang sutil. "Tsk, may lakad nga iyong tao eh! Para sa mga malilibog na tao kailangan naming ang sapat na ebidensiya para madiin sila," sagot niyang muli sa kaniyang sarili at ipinagpatuloy ang ginagawa at hindi na pumasok dahil siguradong kukulitin lamang siya ng mga ito. "Aba'h, himala naghiwalay kayo nang lakad. Para nga kayong kambal na saging eh! Tsk!" "Manahimik ka sabi at ako ay inaantok. Mamaya ko na lang liligpitin mga iyan goodnight!" aniya sa sarili niya at humilata na sa sofa sa main sala. "Sige matulog ka na at kahit sa panaginip mo ay maamin mo ang totoo mong damdamin para kay Iyakin!" Tukso muli nito kaya napabalikwas siya at muling sumariwa ang dugo mula sa kaniyang balikat. "What a f*ck!" napamura tuloy siya dahil sa sakit ng balikat niya. Ah! Talagang nababaliw siya sa panunukso ng isipan niya. Matagal na niyang mahal ang Iyakin niya. Ngunit ayaw niyang gagawa ng hakbang na ikakasira ng friendship nila. Ngunit kung ito siguro ang maunang gagawa ng hakbang ay maaring puwedi pa. Samantala! "Tol, anong maganda nating gawin natin para malihis tayo sa kasong ito?" tanong ni Nemar sa mga kaibigan isang araw na naipon silang muli. "Ang tanong, Pare, kung sino-sino ang kalaban natin. Sino ba ang mataray pa at astang lalaki na iyon na laging nakadikit kay Mckevin? Siguradong may kinalaman ang gagang iyon kaso hindi sapat iyon upang ibaling sa kaniya ang lahat," sagot ni Clifford. "Eh, ano naman kinalaman ng babaeng iyon. Hindi naman siya alagad ng batas. Nobya yata ni Mckevin iyon eh." Napailing na salungat ni Denver. Sa mga kaibigan. "Tarantado! Malaki ang kinalaman niya sa kaso natin. Alam kong hindi kakanta si Pareng Daniel kaya makipagtulungan tayo sa kaniya." Napataas ang kilay ni Guilbert nang nakitang nakangisi si Clifford sa kaniya. "Oh, para saan ang ngising iyan 'Tol? Ano na naman ang pumapasok sa kunti mong kukute?" pabiro niyang tanong. They are just the same as the other group of friends that teasing each other is just normal to them. "Tado, may isusuhestiyon ako kung gusto ninyo at sasang-ayon kayo." Napangiti ito na animo'y isang aso. "Aba'h, huwag mo ng patagalin, gago. Sabihin muna agad-agad dahil ako ay naatat," saad ni Denver na abala sa pagngatngat sa mga kuko. "Walang-hiya ka, Pareng Denver. Akala ko ay hindi na talaga gumagana utak mo nakikinig ka din pala." Tuloy ay nakatawa itong binalingan ni Guilbert. Then... "Ganito iyon mga Tol. Hindi sa lahat ng oras ay magkasama sila ni Mckevin. Ano kaya kung tiyempuhan natin siyang mag-isa at siya ang isunod nating biktimahin? Upang sa ganoon ay malaman niya kung sino ang kinakalaban nila," nakangising pahayag ni Clifford sa mga ito. At dahil iisa lang ang likaw nang bituka nila ay halos yakapin nila ito dahil sa ipinahayag! "Magaling! Magaling! Magaling, Clifford! Genius mo, Tol. Bakit ngayon mo lang iyan sinabi? Aba'y dapat noon pa upang masubukan natin ang galing ng dalawang iyon. Lalo na ang babaeng iyon lalo at mukhang fresh na fresh pa, hmmm." Nakahagod sa armas niya si Denver kaya't napatawa sila bago siya pinagtulungang batukan. Mga malilibog na tao! ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD