CHAPTER TWO

1227 Words
"Good evening, Daddy, Mommy." Lumapit si Marga sa mga biyanan saka nagbigay-galang. "Kaawaan ka ng, Dios, Iha. How's your day, anak?" sagot at tanong naman ni Ginang Ashley. "Okay lang po, Mommy. As usual marami pa ring pasyente. Maiba ako, Mommy, may naganap bang labanan sa Marcos High Way kanina?" tanong ni Marga sa biyanang babae pero ang asawa niya ang sumagot matapos makapagmano sa mga magulang. "Bakit, Babe? Saan mo nalaman iyan?" tanong nito saka umakbay sa kaniya. Ganoon ito ka-showy. Kahit sa harapan ng mga magulang niya o magulang nito ay laging nakaakbay. "May pasyente ako kanina, Babe. Narinig ko ang usapan nila. Sabi ng isa babae at lalaki lang naman daw pero astig kung kumilos ang babae. Akalain mo ba raw na ito ang lumabas sa sasakyan. Sa bilis daw ng galaw nito ay hindi ito nadaplisan o natamaan saka lang daw lumabas ang kasama ng babae na lalaki nang dumami sila. Masuwerte lang daw silang nakatakas para raw ipo-ipo sa bilis ang mga ito," paliwanag naman ni Marga sa mga kausap. "Baka may operation ang mga iyan, anak. Kasi wala namang naibalita tungkol diyan," ani Ginoong Allen na sasang-ayunan sana ng asawa kaso hindi naituloy dahil sa pagbaba ng magkapatid. "Mommy!" "Daddy!" Sabayang sigaw nina Shane at Gareth saka patakbong lumapit sa mga magulang nila at nag-unahang magpakanlong sa kanilang ama pero naunang nakalapit si Gareth dito. "I miss you, Daddy! May crush na si Kuya. Nakita ko po sa school. Sabi nga po niya na hindi siya magka-crush para paglaki namin sabay kaming magka crush," agad na sabi ng huli ng makalapit sa ama. "Garreth, big boy na ang Kuya Shane mo. Normal iyan sa binatilyong tulad niya. Hindi maaring sabay kayong magka-crush. Kapag big boy ka na rin ay mauunawaan mo ang Kuya mo," paliwanag naman ni Marga saka binalingan ang step-son niya o ang anak ng asawa niya sa naunang pag-ibig. Oo hindi ito galing sa sinapupunan niya pero kung gaano niya kamahal si Gareth ay ganoon din si Shane II. "Tama ang Mommy ninyo anak kaya huwag ka nang magtampo sa Kuya mo. Isipin ninyo bad ang nagkakatampuhan o nagagalit kayo sa isa't isa," segunda naman ni Shane I. "Sorry na po, Kuya Shane. Bati na tayo ha. I love you po, Kuya. Basta sabihin mo sa akin iyong crush mo ha." Niyakap ni Gareth ang kaniyang Kuya. Lihim namang napapangiti ang mag-asawang Allen at Ashley sa nasaksihan. Alam at dama nila na magiging mabuting anak ang mga ito lalo at responsable ang kanilang mga magulang. Sa ilang taon nilang kasama sa kanilang bahay si Marga alam nila na totoo itong tao hindi kagaya ng yumaong ina ng panganay nilang apo. Napakamaunawain nito sa kanila. Pilya man siguro noong kabataan nito pero mapagmahal na asawa at ina sa mag-aama nito. Marespeto rin ito sa kanila kung ano ito sa mga magulang nito ganoon din sa kanilang mga biyanan. They love her at all. She is one of a kind hearted woman. "Tara na sa kusina upang sabay-sabay na tayong mag-dinner naihanda na si Jhelai ng dinner," sabi ng Ginang sa kanila. Pero bago sila makahakbang patungong dinning area ay nagsalita si Gareth. "Mamita, Papa, nasaan po si Momsky? Bakit lagi po siyang wala minsanan ko lang siya nakikita, I miss her po," anito saka bahagyang tumingala sa mga ninuno. "May trabaho siguro ang Momsky ninyo apo. Hayaan mo pag-uwi niya ay kakausapin ko. Pero sa ngayon ay kakain na muna tayo," paliwanag ng Ginang dahil pati silang mag-asawa ay walang alam sa pinaggagawa ng babae anak nilang babae. Sa kabilang banda, saka lamang muling nagsalita si Grace bang naihatid nila ang babaeng tinulungan. "Huh! Grabe ang babaeng iyon. Paano kasing hindi hahabulin ng mga manyakis na iyon eh halos makita ang singit? Kahit naman sinong kabaro ni Ada kung makakakita ng singit ay lilibugin." Nakangiwing baling ni Grace kay MJ ng pauwi na sila sa bahay nila matapos naihatid ang babaeng tinulungan nila. Napag-alaman nilang bread winner ito. "Tsk! Tsk! Hindi lahat, Grace. Dahil hindi ko siya tiningnan. Sa iyo kaya ako nakatingin," pabirong sagot ng binata. Umismid naman si Grace. Pero napangisi rin na kalauna'y nauwi sa ngiting may ibig sabihin. "Oh bakit, Grace? Para ka nang naeengkanto riyan? Ismid, ngiti at ngisi. Baka naman saan tayo pupunta niyan sa hospital o uuwi tayo," buska tuloy niya. "Andami mong sinasabi, MJ. Wala, hindi ako tatablan ng engkanto baka ikaw puwede pa dahil alam kong sa akin ka nakatingin. Alam kong nagagandahan ka sa akin kaya hanggang ngayon ay wala kang girlfriend dahil akala nila girlfriend mo ako." Nakangisi ring biro ng dalaga. "Kung alam mo lang Grace matagal na. Matagal na kitang iniibig pero ayokong masira ang pagkakaibigan natin kaya pilit kung tinatago itong nararamdaman ko," wika ng binata sa kaniyang isipan saka ngumiti para hindi mahalata ng imbistigador niyang mahal ang saloobin niya. "Wala takot sila sa iyo, Grace. Baka raw baliin mo ang buto nila," ganting biro niya. Kaso nasamid ito dahil kasalukuyang umiinum ng soft drinks. Tig-isa sila ng binili kanina sa nadaanan nilang grocery store. Ewan ba niya kung saan napupunta ang kinakain o iniinum nito dahil hindi naman ito tumataba. Mas malakas pa itong kumain sa kaniya pero still good looking and sexy pa rin ito. "Tado ka, Iyakin. Kapag nabilaukan ako kasalanan mo eh. Bakit sila natatakot sa akin samantalang hindi naman ako ang magiging nobyo nila. Abah babae ako as in B-A-B-A-E ako, MJ. Alam mo iyan hmmp!" Ingos niya rito. Aba'y babaeng-babae siya tapos pag-iisipan na tomboy?! Samantalang agad ding umupo ng maayos si MJ dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone. "Sagutin mo cellphone mo, MJ. Baka importante iyan," wika naman ng dalaga saka muling isinandal ang katawan sa upuan. Ayaw sanang sagutin ng binata dahil ang tawag ay galing sa Car Racing. Hanggat maari ay ayaw niyang sumasali sa mga ganoong patimpalak ang dalaga. Oo car racer champion ito pero sa bawat laban nito ay hindi niya maiwasang mag-alala dahil hindi alam ng mga magulang nito ang ganoong trabaho. Idagdag pa ang hilig nito sa car racing. Kaso... Dahil hindi mahintay ni Grace na sagutin ng binata ang cellphone nito ay siya na ang sumagot. "Yes, hello. Okay, we will come and be ready. Ayaw ko ang illegal na laban kilala n'yo ako. Ayoko ang illegal para matalo man o manalo walang problema. How much the deal? Ah, okay deal! Two million. Bye!" mga katagang binitawan ng dalaga sa pakikipag-usap sa cellphone. Then... "Sa race track tayo, MJ. Total itong sasakyan mo gagamitin ko." Binalingan niya ang binata. Nangalumbaba sa mismong harapan nito. Alam niyang tututol ito pero kapag nilalambing niya bibigay lalo pa kung naka-puppy eyes siya. Kagaya ng oras na iyon. "Alam na alam mo kung paano ako mapapayag, Gracia. Hala, umayos ka na riyan nang magka-good vibes ka," sukong sagot ng binata. Iyon siya eh ang pinakamalaking kahinaan niya ay ang dalaga. "Yes, MJ! Thank you very much, My Forever Iyakin," masayang sagot ng dalaga. Kulang na lamang ay magtatalon siya. Well, that's her! She love doing the things specially car racing. She knew it, she will be having a great time in the race track! ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD