CHAPTER ONE
"Cameron! Nandiyan na ang nobyo mo uwi na raw kayo." Nakangising kalabit sa kaniya ng isa sa kasamahan nila sa trabaho.
"Huh! Kailan pa ako nagkaroon ng nobyo, Alferos?" takang tanong ni Grace.
"Ikaw Cameron, hindi ka na nasanay. Sino pa ba ang araw-araw na sumusundo sa iyo kundi si Pogi." Napailing naman si Keith na lumapit sa kanila.
Napailing lamang si Grace sa mga katrabaho niya. Lagi namang ganoon ang senaryo kapag umaga idinadaaan siya ni MJ sa trabaho niya o mas tamang sabihin na sa opisna niya. Sa hapon naman sabay silang umuuwi. Oo may kotse siya regalo ng magulang niya nang nagtapos siya sa kursong Business Management pero mas gusto nilang nagkakasabay na dalawa. Gagamitin niya ito sa pag-alis sa bahay ng mga magulang niya pero hindi patungong opisina ng kompanya nila pero magdrive siya patungo sa sarili nilang bahay at doon siya hihintayin ni Iyakin. Hindi niya namalayan na napangiti siya kaya't nagulat siya nang may pumitik sa harapan niya.
"Ouch! Cameron, naman eh. Gagawin mo pa yatang pango ang matangos kong ilong eh." Nakangiwi nitong angal.
"Good for you,Andaya. Ang hilig mo kasing manggulat eh," sagot ng dalaga mlkaya naman ay nagtawanan sila.
Ganoon sila ng mga kasamahan niya. Sapakan, batukan pero walang seryosohan. Alam ng mga
ito na lihim niya ang ganoong uri ng trabaho kaya sumasabay ang mga ito. Sa ibang opisina si MJ pero iisang trabaho lang mayroon sila.
"So mauna na ako guys, naghihintay na si Mckevin." Tumayo na at nagpaalam si Grace sa mga ito.
"Magpakarami kayo, Cameron..." buska ni Kieth saka mabilis na nagtago sa likod ni Alferos dahil sasapakin sana ito ni Grace.
"Lol!" aniya na lamang saka tuluyang lumabas.
"Mamita! Here we are na po," ani ng dose anyos na si Shane Allick II.
"Oh, Baby. How's your day in the school?" tanong naman ni Ashley sa kaniyang apo.
"Okay lang po, Mamita. Marami po akong friends. Si Daddy po?" sagot at tanong nito.
"He didn't arrive yet, Baby. Sinundo yata ang Mommy Marga mo sa hospital. Change your clothe na apo at magpapagawa ako meryenda ninyo ni Gareth," tugon niya sa panganay na apo bago binalingan ang isa pa niyang apo. Ang panganay
na anak nina Marga at Shane. Si Gareth Shane. Pinagsamang Margareth at Shane para daw hindi
mawala ang pangalan nila.
"Garreth, come to Mamita. Don't you miss, mamita? And whats on that face?" Malambing niyang baling dito. Hindi maganda ang templa ng mukha nito.
"Eh, Mamita kasi po si Kuya Shane," nakasimangot nitong tugon.
"Oist Gareth, anong ako? Anong kasalanan ko sa iyo?" sabad ni Shane habang papanaog sa hagdan galing sa kuwarto nilang magkapatid.
"Diba ikaw naman talaga, Kuya. Sabi mo hindi ka magcru-crush hanggang paglaki natin at sabay
tayong manliligaw someday," anito. Anim na taon lang ito pero kung utak ang pag-uusapan ay matalino ito.
Iyon naman ang senaryong nadatnan ng padre de-pamilya. Nag-unahan ang magkapatid na lumapit dito.
"Papa!" sigaw ng magkapatid pero mas mabilis nagpakanlong si Gareth sa Lolo nila. Abuelo nila pero Papa ang itinurong itawag.
"Slowly, Baby. Baka madulas ka pa at
magkagasgas," saway ng Ginoo.
"Diyan ka kay Mamita, Kuya. Hindi kana makarga ni Papa kaya't diyan ka kasi ako kakargahin ni Papa," sabi pa ni Garreth Shane bago hinarap ang abuelo saka pinaghahagkan.
"Eh, ako Baby. Wala bang hug and kisses?" kunway tampo naman ng Ginang.
"Si Mamita talaga oo. Ganyan din po si Granny Sheryl kapag naglalambing ako kay Grandpa Roy ganyan po ang sinasabi niya. Ganyan ba ang mga babae?" Hinarap ng anim na taong gulang ang abuela. Nakapakanlong ito sa abuelo pero magkakatabi sila sa sofa.
"Ayan, Honey. Kayo talaga oo mabuti na nga lang at lalaki mga apo natin," nakatawang sabi ng Ginoo.
Ilang taon na ang nakakalipas mula ng mangyari ang masalimuot na bahagi ng buhay nila. Para bang naulit lang ang buhay noon ng kanilang anak pero si Marga ang lumayo nang biglang nagpakita si Fatima sa araw mismo ng kasal. Kasalukuyang buntis noon ang manugang nila kaya minadali nila ang kasal pero dahil sa pagmamadali nila ay hindi pumasok sa isipan nila na magbabalik ang Nanay ng apo nilang panganay.
"Oist Iyakin, saan ang lakad natin? Abah hanep naka-japorms ah." Pamumuna ni Grace kay MJ.
"Grace naman hanggang ngayon ba naman Iyakin pa rin kahit adults na tayo." Napakamot tuloy ang binata dahil sa paraan ng tawag ni Grace.
"You will be my Iyakin forever, MJ. Isa pa anong masama roon ikaw nga antukin pa rin tawag mo kay Meljhorie," sagot naman niya.
Hindi tuloy mapigilan ni MJ ang sarili na huwag mapahalakhak.
"Oo na oo na. Wala talaga akong pamana sa iyo eh. Saan tayo ngayon sa bahay o sa inyo?" tanong ng binata.
Pero bago makasagot ang dalaga ay nakita nila ang parang takot na takot na babaing walang dereksyun sa pagtakbo.
"Tulong!"
"Tulungan po niyo ako!"
"Parang awa niyo na po." Humarang pa ito sa kanila para makahingi ng tulong.
Agad namang ihininto ni MJ ang sasakyan niya. Akmang lalabas sana siya pero pinigilan ni Grace.
"Back up, MJ. Wait lang ako ang lalabas. Alam muna ang gagawin mo baka patibong lamang ito ng kalaban." Binunot ang baril saka pabalyang binuksan at isinara ang pinto ng sasakyan na halos ikabingi ng binata.
"Tsk! Tsk ! Tsk! Ang babaeng ito talaga walang pakundangan kung ibalya ang pinto," bulong ni MJ.
"Miss, anong problema? Bakit takot na takot ka?" tanong ni Grace sa babae.
"Please tulungan po ninyo akong makalayo rito," pakiusap nito.
Nais pa sanang alamin ni Grace kung ano ang dahilan nito kaso hindi na nito nagawa dahil pinaulanan na sila ng bala.
"s**t! Sabi ko na nga ba eh! Dapa!" Ngitngit ni Grace saka hinila ang babae pagawi sa kanilang sasakyan.
"Walang-hiya kayo! Balak n'yo pa yata akong patayin mga hudas kayo. Ito ang para sa inyo," ani Grace saka agad na gumanti ng putok. Itinulak niya ang babae pahiga saka slow motion na tumihayang dumagan dito upang hindi ito tamaan.
Nang makita ni MJ na papuputukan na sana ng mga humahabol sa babae ang kaniyang sigang
partner ay agad siyang rumesbak. Inunahan niya ang mga ito. Sabayan sila ni Grace sa pagpapaputok sa mga ito. Siya na nasa harapan ng sasakyan niya at ang dalaga na nakahiga sa may kalsada. Nagpapaulan sila ng bala kaya't agad din siyang sumaklulo. Marahil ay nakahalata ang mga ito na wala silang laban sa kanila dahil nagsilapusan din.
"Tang'na n'yo, nagtatapang-tapangan kayo samantalang wala naman kayong binatbat!" galit na sambit ni Grace nang nakatayo sa tulong na rin ni MJ.
Walang babala niyang pinagpag ang damit sa harap nina MJ at ng babaeng tinulungan.
"Baka naman maaring dahan-dahan lang, Grace. Sa harap ko pa mismo. Papaano kung madumihan ang mata ko?" pananaway ng binata rito kaso parang walang nangyari dahil nginisian lang siya nito.
"Tsk! Tsk! Tsk! Iyakin, nag-iinarte ka na naman. Hindi bagay sa isang alagad ng batas ang mag-inarte." Nakangisi nitong baling sa kaniya.
Kaya naman ay napakamot na lamang siya sa kaniyang batok. Wala talaga siyang pamana rito. Lalaki siyang naturingan, isang opisyal ng NBI pero kapag si Allien Grace ang kasama niya ay ewan ba niya at tiklop siya kahit sa simpleng pambabara nito.
"Ahhh Miss, ano pala ang nangyari? Bakit ka hinahabol ng mga tarantadong iyon?" ilang sandali
ay tanong ni Grace sa babaeng tinulungan.
"Pauwi na sana ako kanina, Ma'am. Galing sa trabaho pero nang nasa madilim na akong lugar ay pinalibutan nila ako. Hindi ko po alam ang dahilan kung bakit." Napatungo ito sa pagtatanong niya.
Tiningnan ni Grace si MJ na wari'y tinatanong kung dapat nila itong paniwalaan. Kibit-balikat lang naman ang nakuha niya rito.
"Pasensiya ka na Miss kung itatanong ko kung saan ka ba nagtratrabaho at ganyan ang suot mo?" muli ay tanong ni Grace.
"D-dancer po ako sa LUNINGLING NIGHT CLUB kaya po ganito ang suot ko," sagot nito.
"Amputaness naman, Iha. Mamamiya diosmio marimar! Dancer ka sa club ganyan ang suot mo tapos sabihin mong hindi mo alam kung bakit ka nila hinahabol. Hindi mo ba alam na inantala mo ang lakad namin tapos sabihin mo hindi mo alam ang dahilan kung bakit ka niya hinahabol? Hala, itakip mo ito sa katawan mo para maihahatid kana namin sa lugar ninyo." Napahawak siya sa kaniyang noo kaso agad ding hinubad ang jacket saka iniabot.
Pigil na pigil naman ni MJ ang sarili sa pagtawa dahil sa pagiging taklesa kung magsalita ang dalaga. Pero sadyang matalas yata ang pakiramdam nito dahil nahalata pa rin nito na natatawa siya.
"Oh bakit, Iyakin? Ilabas mo ang tawa mo, mamaya niyan eh mautot ka pa sa loob sasakyan. Abah hindi air freshener iyan gusto ko pang magkaroon ng love
life." Taas-kilay nitong baling sa kanya.
Hindi na nga napigilan ni MJ ang pagtawa niya. Adults na sila, marami nang pinagdaanan pero
hindi pa rin ito nagbabago sa pananalita. Kung ano ang nasa dila at utak nito'y sinasabi agad. Samantalang halos hindi niya masabi-sabi ang kanyang sinasabi dahil sa pagtawa.
"Grace, marami ka nang sinabi sa babae pero hindi mo pa tinanong kung ano ang pangalan niya, kung saan natin ihahatid," nakatawa niyang sabi.
Para namang natauhan si Grace sa sinabi ng binata kaya marahan niya itong binatukan kaso nakailag ito.
"Huh! Salamat sa pagpapaalala, Iyakin" aniya sa binata saka muling binalingan ang babae. "
"Miss, ano pala pangalan mo? Saan ka namin ihahatid?" tanong niya.
"Annaliza po, Ma'am. Sa barangay Di Makita po ako nakatira sa baryo Di Matanao," sagot nito.
Kaso ang seryoso niyang pagtatanong ay binulabog ng halakhak ni MJ. Kaya't ito ang binalingan.
"Hoy Iyakin, anong nangyayari sa iyo? Kanina ka pa tawa nang tawa ah. Baka naman kabagin ka riyan, ayokong matulog ka sa bahay baka mapuno
ito ng airfresshener." Nakaismid na baling ni Grace sa binata kahit alam na niya kung ano tinatawanan nito.
"Ahem wala, Grace. Miss Annaliza, sakay kana sa kotse ng Miss Siga para makauwi na tayo. Ituro mo na lang kung saan ang rota papunta sa inyo." Umilag siya dahil nakaamba ang kamao nito sa kanya.
"Salamat po, Ma'am Grace," ani Annaliza sa dalaga habang nakasunod pabalik sa sasakyan
ng dalawa.
"Drop off the formality, Annaliza. Payong kapatid kung may iba kang mapapasukan na trabaho umalis ka na sa trabaho mong iyan dahil believe me iyan ang magpapahamak sa iyo. Masuwerte ka dahil dito kami dumaan. Grace na lang tawag mo sa akin," sagot naman ng dalaga.
Ilang sandali pa ay tinahak na nila ang daan papunta sa tahanan na sinabi ng babaeng tinulungan nila.
.
.
.
.
ITUTULOY