"Phillip, dumating na ba ang ipinagmamalaki mong kalaban ng bata ko?" tanong ni Javier Jiminez sa organizer at may ari nang race track kung saan gaganapin ang car racing compitation.
"Parating na raw, Boss--- oh ayan na pala siya. Sandali lang at salubungin ko muna sila," masaya namang sagot ni Phillip De Los Reyes dito.
"Akala ko ay hindi ka na darating, AG. Abah, this time may makakatalo sa isang katulad mo," biro ni Philip sa dalaga. Pero aminado naman siya na mahihirapan silang makahanap ng katapat ng dalaga. Kilala nila itong hustler sa manibela kahit anong uri ng sasakyan ay kayang maniubrain.
Tumawa naman si Grace nang marinig ang tinuran ng may-ari sa Grand Prix Race Track.
"Tsk! Tsk! Tsk! In your dreams, Delos Reyes. Cash o check?" Taas-noo itong hinarap ng dalaga. Nakangisi pa na hindi mawari kung nang-aasar ba.
"Huwag kang atat, AG. Aba'y guwapo pa naman ang makakalaban mo. Ngayon pa lang yata siya sasabak dito sa Pilipinas ayon sa manager niya. International fight daw lahat," napangiti na ring wika ng Ginoo saka binalingan ang binata.
"Maiwan ko muna kayo, MJ. Babalik na lang ako mamaya pagkatapos kong makausap sina Jiminez." Tumalikod na ito matapos tumango ang kausap.
Grand Prix is one of biggest car race track in their generation. It's famous specially to those people who are involved with the said event. Actually its dangerous because road is the silent killer for human creation.
But for Allien Grace Cameron?
NO!
She believes that if it's your time to surrender and give back your life to Him, wherever you are
and young or adults you can't avoid the door of afterlife.
Sa kabilang bahagi ng race track.
"Pare, siya ba makakalaban mo? Tsk! Tsk! Mukhang nagsasayang lang ng pera iyan. Aba'y akalain mong pumayag agad sa deal na two million?" Nakatingin sa gawi ng dalaga si Guilbert.
"Huwag kayong kampante riyan. Abah, kung hindi ako nagkakamali ay car racing champion ang babaeng iyan." Baling ng isa pa nilang kaibigan.
"What?! Iyang seksing babae ang makakalaban ko? Oh my goodness, akala ko ba iyang boyfriend niya?" gulat na sambit ni Daniel.
"Anong nakakagulat doon, Pare. Siguraduhin mo lang na mananalo ka, Parekoy. Sayang ang two millions bunos mo kay Bossing isa pa ay mas magiging sikat ka nito," wika pa ng isa.
"Ang lakas naman ng loob ng babaeng ito para kalabanin si Pareng Daniel. Abah, baka mamaya ay hindi siya makakalahati sa finishing lines." Umiiling-iling tuloy si Guilbert saka muling sinulyapan ang mga tauhan nila.
"To see is to believe mga, Iho." Nakangiti namang lumapit sa kanila ni Don Javier Jiminez.
Allien Grace Cameron is rich girl and everything is with her. And she became happier when she is with her car or car of MJ. She was called Grace to those who know her personally but when they are in the car racing event she was popularly known as AG but no one knows what does AG means except Marc Joseph.
"Ingat ka, Grace. Alam kong kaya mo iyan pero bawat laban mo ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Walang kaalam-alam ang mga magulang natin kung ano ang totoong trabaho mo." Bilin ni MJ sa dalaga matapos ayusin at ikinundisyun ang ferrari sport car niya para dito.
"Thanks, MJ. Don't worry, sky is the limit tayo mamaya total walang pasok bukas." Nakangiting tapik ni AG sa balikat ng best friend niya.
"Tsk! Grace, naman iyan pa ba ang iniisip mo. Wala akong pakialam sa pera dahil para sa akin lang ay kaligtasan mo. Isa pa bali-balitang hustlers din itong makakalaban mo narinig ko kanina riyan sa umpukan na wala pa daw nakakatalo sa kaniya simulat sapol kaya pinapaalalahanan kita mag-ingat ka take your time I know you can do it but there's nothing wrong in taking care okay?" sabi naman ng binata sa kanya.
"Thank you, MJ. And thank you again for supporting me even I know your againts of it but still you're there for me thanks." Yumakap siya sa binata. Para sa kanya ay walang malisya iyon pero para sa binata ang mga simpleng yakap at halik sa pisngi man o noo na iginagawad nito sa kanya ay napakalaking bagay na sa kaniya.
Dahil simulat sapol marahil mula ng masilayan niya ito noon sa victory party ng detective agency ng mga magulang nila way back then. On his early years of their lives ay na-inlove na siya rito. Ito ang dahilan kaya kahit anong lambing nito sa kaniya ay binibigay niya. Well they started their "friendship" when they are at secondary level. Even he tolerated her when she secretly enrolled herself at UC(BCF formerly) like him. Pero ang pagkakaiba nila alam ng magulang niya na nakaenroll siya sa LUC at SLU sa magkaibang kurso.
"May we call on the attention of all the participants of this event to come forward here and to be started by a prayer," aniya ng emcee.
"Pray for me, MJ. Punta na ako roon," ani Grace sa binata.
"Tsk, namimihasa na ang babaeng ito. Wish ko ang panalo mo mahal sana someday maamin ko rin
ang nararamdaman ko sa iyo. Good luck my precious Grace," bulong naman ni MJ nang makitang papalayo na ito sa kanya.
Everyone was in their possition already. After they formally opened the event by prayer followed by
the welcomed address of the sponsor Javier Jiminez, followed by the presentation of the participants and formally they are now at their respective cars! With their fully attire.
Pigil hininga naman ang mga manonood dahil alam nilang walang itulak kabigin sa mga anim
na kasali sa car racing. At mas napatili sila ng malakas nang makitang nasa malayo na ang
sasakyang dilaw na minamaneho ng
nangangalang Daniel Arevallo.
"Whuah! Sabi ko na nga bang walang pamana ang babaeng iyan eh," ani Guilbert nang makitang nangunguna ang kanilang kaibigan.
"MJ, ano bang nangyayari kay AG? Ipinagmamalaki ko pa naman siya kay Jiminez tapos unang round pa lang ay nasa hulian na siya," kabadong saad ni Philip kay MJ.
Umiling naman ang binata dahil maski siya ay hindi alam ang planong dalaga. Sinigurado naman niyang walang tupak ang sasakyan niya. Ayaw na ayaw niyang ginagamit ito ba hindi nakakondisyun.
"Hindi ko alam, Philip. Hindi ko alam." Napatungo siya dahil kahit siya ay hindi alam kung bakit ganoon ang nangyari. Nasa ganoon siyang posisyon nang biglang umingay ang buong paligid na kanina'y parang sementeryo sa katahimikan.Well sino ba kasi ang ang matutuwa kung matatalo ang ini-idolo at mawawalan pa ng two million? As in WALA!!!
TBC