"Yes, Grace. You can go back to your work now. But you should be very careful now," ani Marga sa hipag.
"Thank you, hipag. Ilang araw din akong namahinga kaya't ready to rumble na naman ako." Ngiting-ngiti si Allien Grace na tumalon-talon.
Hindi pa siya nakuntento, sumipa-sipa, nagpasuntok-suntok pa siya sa hangin. Pakiramdam niya ay nabuhay ang dugo niya sa buong katawan dahil sa pagdeklara ng hipag niyang puwedi na siyang pumasok sa trabaho. Well, back to normal of her life. Kailangan niyang maibalik sa kulungan ang mga hayop! At mananagot ang mga taong nasa likod nang paglaya ng prime suspect niya.
"Susme, kambal. Kasasabi lamang ng hipag mo na mag-ingat ka upang maiwasan mo ang muling pagka-detain sa bahay. Ngunit ano iyang ginagawa mo, bukod sa kulang na lamang ay mapisa ang palad mo sa pagkakuyom ay hindi maipinta ng kahit sinumang pinakamagaling na artist ang mukha mo. May kaaway ka siguro ano?" patanong na wika nang papalapit na si Shane I.
"Ikaw naman, honey. Hayaan mo na si hipag. Parang hindi mo kilala ang kambal mo. Hindi nga siya mapakali na walang ginagawa. At isa pa ay okay na siya. Wala ng problema sa dating sugat sa balikat niya," ani Marga sa asawa.
Kaya naman ay napangiti ang dalaga. Maaring ilang taon pa lamang ito sa kanila o simula ikinasal ito sa kambal niya. Subalit matalik na kaibigan ng Daddy Allen nila ang Papa Roy nito kaya't madalas silang nagkikita-kita. Mabait itong tao, hindi kagaya ng hipag niyang hilaw noong nasa sekondarya pa sila.
"Mabuti pa si hipag nauunawaan niya ako. Well, maiwan ko na muna kayo at magbihis lang ako. I'm sure he is on his way here." Mabilis siyang kumilos kaya't hindi naglipat minuto at nakaakyat na siya.
Aba'h! Mahirap na baka makita na naman siya ng mga pamangkin niyang makukulit. Idagdag pa ang kambal niyang mas makulit pa sa mga anak. Well, she need to rock and roll the world.
"Humanda kayo ngayon mga hayop kayo! Hindi kayo ang taong makakabali sa taong nasa tamang landas. Kaya't sirang-sira ang imahe nating mga alagad ng batas dahil sa inyo! Isasama ko kayong lahat sa mga kasing hayop ninyong mga rapist! F*ck!" Kuyom ang kamao niya habang nagbibihis. Hindi siya ang nakaranas subalit babae siya kaya't masakit sa dibdib niya ang nangyari rito. Idagdag pa ang mga ahas sa departamento nila.
Samantalang pagkaakyat ng hipag niya ay binalingan ni Marga ang asawa. May punto ito sa paraan nang pakikipag-usap sa kambal nito ngunit ayaw din niyang magkasakitan sila. Kaso bago pa man niya maibuka ang labi ay umakbay na ito sa kaniya at nagwika.
"I know, I know what you want to say, honey. But don't worry because it will never happen. Mainitin ang ulo ng kambal ko ngunit hindi iyan nakikipag-away sa kapamilya niya. Kung sumunod siguro siya sa yapak ni Daddy ay iisipin kong alagad siya ng batas. Ang mga iskalawag at tiwaling opisyal ang numero-unong papatayin niya. Pero business management naman ang kinuha." Inakbayan niya ito saka iginaya sa dinning room.
"Nagpapaalala lang ako, Honey. Alam mo namang ayaw na ayaw kong may nag-aaway sa pamilya natin. But upon hearing your words makes me feel better," tugon na lamang ni Marga.
Ngunit sa isipan niya ay may ibang trabaho ang hipag niya kaysa ang pagiging manager sa sarili nilang kumpanya. Dahil base na lamang sa sugat nitong nilinis niya ilang araw ang nakalipas. Kalawang ng yero ang pinanggalingan ng tetano ng sugat. Mabuti nga lamang at naagapan niya dahil kung hindi ay baka wala na ito. Ayaw nga lamang niyang banggitin sa mga in-laws niya dahil hindi niya saklaw iyon. Saka ang hipag niya ang may karapatang magsabi sa bagay na iyon.
Samantala...
"Oh, para saan iyan, bunso?" maang na tanong ni MJ sa bunso niyang kapatid. Aba'y papasok na nga siya sa trabaho ngunit hinarang siya nito at nakalahad pa ang palad.
"Baon ko, Kuya," taas-kilay nitong tugon.
"Ah, iyon lang pala eh. Magkano ba? Pero teka lang sa pagkakaalam ko ay may allowance ka galing kina Mommy at Daddy." Binunot niya ang wallet sa likod bulsa.
Lahat naman sila ay may malaking amount sa bangko. Galing sa kanilang magulang at sa ninuno ng ama sa Harvard. Ngunit kahit siya noong nag-aaral pa lamang siya ay binibigyan siya ng cash. Kaso itong bunso niyang kapatid ay mukhang naglalambing na naman.
"Ay, magbibigay na nga lang ay marami pang sinasabi. Ayaw mo siguro ano?" ayon na nga! Nakanguso na ito. Florida Bryana is on her last year in secondary. Ngunit may pagka-baby pa ito lalo at spoiled sa kaniya.
"Hindi naman sa ganoon, bunso. Ang sa akin lang ay baka..."
"Ay baka matulad ako sa ibang tao na nalilihis dahil sagana sa pera. Alam kong iyon ang dugtong nang sasabihin mo. Akin na ang allowance ko at ako'y mahuhuli na. Alam mo namang may kalaban tayong trapiko." Taas-kilay nitong pamumutol sa sasabihin sana niya.
"Here take this." Nakailing na lamang niyang iniabot ang ilang pirasong lilibuhin. May tiwala naman siya rito kaya't ibinibigay niya ang lahat dito.
Kaso!
"Thank you, big brother! I love you! Yes! May pambili na ako ng regalo ko sa mga batang iyon. Well---"
Ngunit kung pinutol nito ang pananalita niya at halos maglambitin ito sa kaniya ay pinutol naman ng katulong ang senaryong iyon.
"Ma'am Yana, nandiyan na po ang sundo mo. Ang sabi niya ay hihintayin ka na lang niya sa labas," anito habang nakatingala sa kinaroroonan nila.
"Sige po, Ate Minang. Ngunit pag-uwi ko mamayang hapon ay magtutuos tayong dalawa," tugon ng dalagita bago muling humarap sa kaniya.
"Don't worry, big brother. Kailanman ay hindi mangyayari ang kinatatakutan mo. Dahil magiging manager pa ako sa kumpanya natin. Well, thank you sa allowance ko. I'm going now." She's giggling already as she go down by the staircase.
Nawala na ito sa paningin niya nang matauhan siya. Kaya naman ay napailing na lamang siya habang pababa sa hagdan. Ngunit kung kailan nakababa na siya ay saka pa niya naaalalang dadaanan pala niya ang KASKASERA ng buhay niya! Kaya naman ay dali-dali siyang bumalik sa kaniyang kuwarto at dinampot ang bag pack na naglalaman sa uniform ng dalagang sinisinta niya. Kaso dahil sa pagmamadali niya ay hindi na niya napansin ang mga magulang sa sala. At mas hindi na siya nakapagbigay-galang samantalang nakasanayan nilang magkakapatid ang ganoon.
"Tsk! Tsk! Ang taong iyon oo. Sa pagmamadali ay hindi na niya tayo napansin." Nakailing na isinunod ni Bryan ang paningin sa anak na halatang nagmamadali.
"Nagtaka ka pa, babes. Baka kamo papasok na sa trabaho si Grace. Dahil bag iyon ng dalaga ni Pareng Allen," ani Ginang Donna.
"Sabagay tama ka sa bagay na iyan, babes. Tara na sa kusina. Mukhang sa kaniya nangulit si Yana ng baon dahil hindi siya dumaan sa likod kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay natanawan ko ang sasakyan ni Terrence sa garahe kanina," sang-ayon na lamang ni Ginoong Bryan.
"Don't worry about them, babes. They are all grownups already. Alam na nila ang kanilang ginagawa." Nakangiti ring sumunod ang Ginang sa asawang kasama niyang nagtungo sa kusina.
After sometimes...
"Thank you, Iyakain," ani Grace.
"For what?" tanong naman ng binata kahit nakatutok ang mga mata sa daan.
"Well para isahang pasalamat ay para sa lahat. Tinatamad akong isa-isahin ang dapat kong pasalamatan." Nakangiti siyang humarap dito.
Well, kahit hindi niya isa-isahing banggitin ang mga dapat niyang ipagpasalamat ay habang-buhay niyang tatanawin ang lahat.
"Ikaw talaga oo. Wala iyon basta ikaw. Hala, umayos ka na at pasok na tayo sa trabaho," napailing na sagot ni MJ. Akala niya ay kung ano na ang sina. Pero masaya siya dahil appreciated nito ang mga effort niya.
Few minutes later...
"Welcome back, Ma'am. Kumusta ka na?" Masayang salubong ng guwardiya sa dalagang walang pakialam kung nabingi ang mga nasa paligid. Paglabas na paglabas niya sa sasakyan ng binata ay basta na lamang niya itong sinipa pasara.
"Thank you, Kuya. Buhay na buhay pa naman. Maiwan muna kita at baka madatnan ako ng mga kasamahan nating hindi pa ako nakabihis." Nakangiti naman itong tinapik ni AG sa balikat bago nagpatuloy.
Hindi na nga niya napansin ang mga bisita na nasa guard house. Dahil bago pa ito makasagot ay nakapasok na siya sa loob! Bitbit ang bag niya ay dumiretso siya sa banyo ng opisina niya.
"Mabuti naman at wala pa sila. Nakakahiya namang makita nila akong hindi nakasuot ng uniform," bulong niya saka mabilisang pumasok sa banyo. Anumang oras ay darating na ang mga kasamahan niya. Kahit pa sabihing kakampi niya ang mga ito sa lihim niyang trabaho ay wala panl ring masama sa mag-ingat.
Tuloy! Napakamot sa ulo ang pobreng guwardiya at ito naman ang nadatnan ni Marc Joseph.
"Oh, Kuya, nasabon Ka sa na naman siguro ni Miss Mckevin, ano?" tanong niya.
"Medyo lang, Boss. Siya nga pala, mayroon naghahanap sa iyo boss ngunit nandiyan sa likod." Kakamot-kamot itong napatingin sa kaniya.
"Who?" agad ding tanong ng binata dahi wala naman siyang inaasahang panauhin sa araw na iyon.
Ngunit bago pa makasagot ang guwardiya ay lumapit na ang mag-amang Francis at Lovely.
"Magandang umaga sa iyo, Sir Marc Joseph," tinig na nagmula sa kaliwang bahagi ng guard house.
"Oh, nandito ka na pala, Mang Francis. So kumusta ang buhay?" masaya niyang tanong kasabay nang paglapit niya rito.
"Magandang umaga po, Sir. Ako po si Lovely. Alam ko po na nabanggit na ako sa iyo ni Tatay. Maraming-maraming salamat po, Sir," wika ng isang babae. Kung hindi siya nagkakamali ay hindi ito nalalayo sa edad niya.
"Magandang umaga rin sa iyo, Lovely. Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo. For formalities, I'm Marc Joseph Mckevin." Nakangiting inilahad ng binata ang kaniyang palad.
"Lovely Fernandez po, Sir." Nahihiya man ngunit tinanggap din ng dalaga ang nakalahad na palad ng binata.
Tama nga ang Tatay niya. In just one glance, a person like him know to be a kindhearted person. Hindi niya masisisi ang ama niya kung nagtiwala agad ito sa bagong kakilala. Dahil kahit siya ay naramdaman niya ang kaseryusuhan nito.
Sa kagustuhan makatulong sa kapwa ay bahagyang nakalimutan ni Marc Joseph ang yayain ang mag-ama sa loob. Bagkus ay nagpatuloy sila sa kanilang pag-uusap kahit nasa harapan pa rin guard house.
Samantala...
"Oh, Ma'am Grace, bumalik ka? Akala ko ba ay susunduin mo si Sir Marc Joseph sa labas?" maang na tanong ni Alferos.
"Oo nga sana dahil may pag-uusapan kami ngunit may bisita siya kaya't bumalik na lang ako rito lalo at mukhang seryoso," kibit-balikat niyang sagot.
"Ay, baka nga, Ma'am kasi kaninang papasok ako ay talagang may kausap siya roon. Gusto mo ng kape, Ma'am?" muli ay tanong ni Alferos.
"Well, sabi nila ay lumalabo raw ang mata nang tumatanggi sa grasya kaya't isama mo ako kapag magtempla ka." Nakangiti niyang kindat.
But!
Deep inside of her is wavering. She can't understand why she is feeling very strange right at the moment. It's normal to a man like Marc Joseph to have affair with any other woman because he is single. But she feels that she's neglected upon seeing him with another lady.
"Umagang-umaga, Ma'am, pero mukhang lumilipad ang isipan mo ah. Heto na ang kape mo." Pukaw ni Alferos sa dalagang mukhang wala pa r in sa hulog.
"Ang sabihin mo, Brod, namimiss niya agad si Sir Marc Joseph kaya't ini-imagine pa niya hanggang ngayon." Pangangantiyaw ng bagong pasok na si Andaya. Maaring magtempla rin ito ng kape sa coffee maker nila kaya't nandoon ito.
"Tsk! Tsk! Ang dalawang ito ay na-miss akong sutilin. Magsipagkape na nga tayo. Aba'y baka masesante tayo nito kapag puro tsismisan ang inaatupag umagang-umaga." Napailing na lamang si Grace kasabay nang paghigop niya sa kapeng umuusok.
Sa bango pa lamang nito ay talagang maeengganyo ka nang magpatempla. Isa pa iyon sa nagustuhan niya sa ito. Bukod sa trusted men sila ay magiliw at marespeto pa sila sa kanilang dalawa ni MJ at sa kapwa. Hindi sila mapagsamantala na tulad ng ibang naka-uniform.
Ngunit kahit anong gawin niya upang maiwaglit ang nadatnang senaryo sa labas ay napailing-iling siya. Pinakiramdaman niya ang sarili kung okay na ba talaga siya ngunit okay naman na siya. Nais tuloy niyang batukan ang sarili dahil kung kailan bumalik na siya sa trabaho ay saka pa yata siya nag-iisip. Naubos tuloy niya ang kapeng mainit na hindi niya namalayan.
ITUTULOY