"Ano na naman kaya ang pakulo ng babaeng iyon? Aba'y dinaig ko na ang naghahanap ng karayom sa buhangin ah. Ah! Kung hindi lang sana kita mahal nungkang mapaghahanap mo ako ng mani---pero teka lang. Parang naalala ko kada buwan siyang--- Huh! Alam ko na! Huh! Sigurado akong may dalaw na naman ang taong iyon kaya't dinaig pa ang naglilihi," kung dinaig niya ang naghahanap ng karayom sa buhangin dahil sa pag-ikot-ikot sa paghahanap ng mapagbilhan ng mani ay mas daig pa niya ang bubuyog sa oras na iyon dahil bulong siya nang bulong.
Paanong hindi siya mapapabulong na animo'y isang bubuyog kung sa dinami-dami ng mga street food vendors ay nagkataon namang wala siyang mahagilap kahit isa sa oras na iyon? F*ck! Nasaan na ba kasi ang mga taong nagtitinda ng kutkutin ng mahal niyang Kaskasera.
Ang hindi niya alam habang siya bulong nang bulong at paikot-ikot sa paghahanap ng peanut vendors ay naiinis na rin ang mga taong nakasunod sa kaniya.
"Tang-ina naman! Nasaan na iyon, Pare? Nakatunog ba siyang sinusundan natin?" napamurang tanong ni Guilbert dahil biglang nawala sa kanilang paningin ang kotse ng mortal nilang kaaway, si Marc Joseph.
"Lagot na naman tayo nito kay Boss. Ilang araw ng wala tayong report at hanggang ngayon ay hindi pa natin alam kung saan nakatira ang babaeng iyon." Napahawak na rin sa batok si Nemar dahil sa pag-aalala.
Kaso kung bakas sa tinig at kilos ang dalawa ay iba naman ang sinabi ni Clifford.
"Hindi ko naman sinasabing huwag tayong mag-alala dahil nakakabala na rin ang kalagayan natin. Yes, natin dahil siguradong kasabay nang pagmamasid natin sa taong madulas sa paningin natin ay naghahanda na rin iyon ng hakbang laban sa atin. Kung wala tayong mapapala ngayon may bukas naman at isa pa, alagad ng batas iyon kaya't siguradong matalas ang pakiramdam. Ayon kay Boss, madalas ang dalawang iyon sa Grand Prix kaya't isali natin ang race track na bantayan. Who knows there we can find the solution," pahayag niya.
"Tama ka, Pareng Clifford. Kaysa naman para tayong mga naghuhunting ng multo. Aba'y nasa harapan lang natin ngunit biglang nawala." Napatangong pagsang-ayon ni Denver.
"Well, nasabi n'yo na ang lahat kaya't ang tangi kong maidadagdag ay magmasid na lamang tayo. Marahil ay nakatunog ang taong iyon sa ngayon. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa kaniya ang pabor. There must be a weak spot of him. At iyon ang kailangan nating tiyempuhan." Nakatutok man ang mata niya sa daan dahil siya ang nasa manibela ay ngunit hindi iyon naging sagabal upang hindi siya makisali sa usapan nila.
So it be! Dahil nawala sa kanilang paningin ang target nila ay mas minabuti nilang mag-ikot-ikot upang magmasid. Hindi nila kailangang magmadali dahil siguradong may iba pang pagkakataon na matiyempuhan nila ang mga taong nais ibagsak.
Samantalang nakahinga ng maluwag ang binata nang nakakita nang peanut vendor sa isang tabi.
"Kuya, magkano po?" magalang niyang tanong sa may edad na nagtitinda.
"Ten ang isa at mayroon din lima, Sir. Ilan po bibilhin mo?" balik-tanong nito.
As ever, his soft heart bleeds upon seeing the old man who is selling those street foods. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa edad na itong seventy at kung tutuusin ay namamahinga na ito. Alagad siya ng batas, taga tugis sa mga taong nagkasala sa batas. Ngunit tao lamang din siyang madaling maawa lalong-lalo na sa kagaya ng nasa harapan niya sa kasalukuyan.
Without hesitation!
"Kuya, magkano lahat ang bayad ng paninda mo?" tanong niya. Bahala na kung saan niya dadalhin ang mga bibilhin niya samantalang mani at mais lamang ang pinapabili ng mahal niyang Kaskasera. May umuusok at sigutado niyang balot iyon base na lamang sa amoy.
"Isang daan at singkuwenta ang mani, dalawang daan ang mais dahi may biyente pa kaya't tatlong daan at singkuwenta lahat," pahayag ng matanda habang kausap siya.
"Ah, Kuya, anong oras ka po umuuwi?" muli niyang tanong.
"Depende, Iho. Kung anong oras ako maubos ang paninda ko rito. Kasi kung hindi ako makabenta ay wala namang pambaon ang dalaga ko. Malapit na ang kanilang exam," pahayag nito at mukhang mayroon pa itong karamdaman.
But!
His mobile phone rang continuously! Ah! Ang Kaskasera ng buhay niya ay naiinip na naman!
"Yes, mayroon na, Grace. Grabe ka namang babae ka. Pakihintay lang bayaran ko lang itong binili ko. Oo na po, sige pakibaba na upang mabayaran ko na itong pinapabili mo. Susme kang tao ka, dinaig mo na naman ang naglilihing tao. See you later, bye." Napailing niyang pinatay ang kaniyang cellphone at muling ibinulsa. Ah mahal niyang Kaskasera talaga ay naiinip na naman.
"Kuya, pakisupot na lang po lahat iyan at akin na. Heres the money and keep the change. Nagmamadali po kasi ako eh. Tawagan mo po ako bukas. Pakisabing Marc Joseph alam na nila. Ah, ano po pala pangalan mo, Tata?" patanong niyang pahayag.
"Tawagin muna lang akong Tata Francis. Naku maraming salamat, Iho. Makakabayad na rin an anak ko. Pagpalain ka ng Dios anak isa ka pa lang alagad ng batas. Maraming salamat talaga." Maluha-luha nitong ibinulsa ang pera.
Agad namang kinapa ni MJ ang kanyang wallet at dumukot dito nang ilang lilibuhin at agad pinahawak sa kamay nito at agad isinara iyon.
"Sige na, Tata Francis, uwi ka na rin po. Hihintayin kita sa opisina ko. Kahit gusto pa sana kitang makausap pero baka puro bukol aabutin ko sa pakner ko mukhang naglilihi." Bahagya niyang tinapik-tapik sa balikat ang matanda bago may pagmamadaling bumalik sa sasakyan.
"Pagpalain ka sana ng Diyos, officer
Mckevin," sambit niya kahit batid niyang hindi na nito naririnig ang kaniyang pasasalamat.
Agad siyang nagligpit ng mga gamit at nagsimula nang maglakad pauwi. Saka na lamang niya titingnan ang perang pinahawak nito mahirap na. Sa tinagal-tagal niyang nagtitinda mais at mani sa parteng iyon ay sa oras na iyon lamang may nakipag-usap at nagbigay ng tulong sa kaniya. Minsan kulang pa ang pambili, minsan sakto lamang, ngunit ang masaklap ay binabastos pa siya ng mga buyers.
"Alam kong mabuti kang tao, officer Mckevin. Sana dumami pa ang tulad mo na marunong tumulong sa aming mga kapos palad," aniyang muli sa kaniyang pagpapatuloy.
Sa kabilang banda...
"Putang*ina naman! Nasaan na iyon? Aba'y nakita ko lang na nakaparada dito ah!" May panggigigil na hinampas ni Daniel ang manibela hindi na nila makita ang sasakyan ng binata.
"Para siyang pusa. Aba'y bigla na lamang nawawala. F*ck!" Kuyom din ang kamao ni Clifford. Dahil kitang-kita naman kasi nilang lima ang sasakyan ng mortal nilang kaaway.
"Pero teka lang mga, Pare. Ano ang ginagawa niya rito? Diba't dito tayo bumibili ng pulutan na mani?
Parang wala rin yata iyong matandang madalas nating kuhanan ng nilagang mais." Napalinga-linga na rin si Nemar dahil sa pagtataka.
"Tara na nga at magreport kay Boss kaysa naman sa mga sipsip pa niya malaman na wala pa tayong nakuhang impormasyon!" inis namang wika
Denver. Agad nilang sinang-ayunan tinuran niyang iyon kaya't ilang sandali pa ay tahimik na silang bumiyahe papunta sa bahay ng Boss nila.
Samantala...
Kulang na lamang ay mabali ang leeg ni Grace dahil sa katatanaw sa main gate kung dumating na ba ang Iyakin niya. Ilang beses na rin siyang nagtanong sa kasambahay nila kung may dumating na ba. Maaring naiinis na rin ito dahil sa paulit-ulit niyang pagtatanong.
"Where are you now, Iyakain? Aba'y talagang makakatikim ka sa akin. Kung saan-saan ka na naman siguro nagsusuot! Ah! What a hell of life!" Inis siyang nagpalakad-lakad sa malaki nilang sala.
Kaso!
"Oh, kambal, what's the matter with you? Aba'y kulang na lamang ay mabali anh leeg mo sa kakatanaw. Ang nguso mo ay maari nang sabitan ng kaldero ni Manang sa kusina," tinig ng kambal niya kaya't napalingon siya.
"Kapag ako ang makalapit sa iyo ay talagang babaliin ko ang leeg mo!" inis niyang singhal sa kambal niya.
"Oh, huwag naman, kambal. Aba'y dadalawa pa lang ang kapalit ko sa mundo. Wala pa akong prinsesa kaya't diyan ka na at kami ay magpaparami ng lahi ni Mahal kong Margarette Jasmine." Nakatawa pa itong tumakbo paakyat sa hagdan nila.
"Anak ng tokwa itong si kambal! Ako na naman ang napagpabalingan!" inis niyang bulong bago sumalampak sa malambot na sofa.
Ang hindi alam ng dalaga, habang ito ay nakaupo at nakatalikod sa may bandang main door ay patihayang pumasok si MJ at pumuwesto sa likod ng sofa. Hindi nito nahalata ang pagdating sasakyan niya dahil sabay sila ni Shane na dumating. Kantiyaw ang inabot niya rito nang nakita ang bitbit niyang mais at mani. Baka mas malala pa ang inabot niyang kantiyaw kung nakita nito ang sangkaterbang mais kanina. Ngunit matapos maihiwaay ang para sa dalaga ay agad niya itong ipinamigay ang mga ito sa mga nadaanan niyang batang lansangan. Nang makaalis ang kambal nito ay agad niyang tinakpan ang mga mata ng dalaga gamit ang kaniyang mga palad.
Pero laking pagsisisi niya!
Dahil isang nakalikiyong upper cut ang natanggap niya!
"Ahhh! Partner naman eh! Bakit ka ba nananapak? Oh, those stars inside your home!" Napangiwi siya kasabay nang dahan-dahang pagtayo. Aba'y upper cut na iyon! Mga bituin sa mismong bahay ng mga Cameron ay nagsilabasan!
Kaya naman!
Biglang napatayo ang dalaga nang narinig ang boses ng kanina pa niya hinihintay na binata. Naawa naman siya dahil nasipa niua ito ng wala sa oras ngunit kasalanan din naman nito. Aba'y may nalalaman pa kasing surprise. Tuloy ay ipinaskil niya sa kaniyang mukha ang pagkabagot at sumimangot saka namaywang paharap dito.
"Hoy, Iyakin! aan ka ba nagsusuot at ngayon ka lang dumating?" Nakapamaywang na nga ay nakataas pa
ang kilay!
Aray naman!
"Grace, nakakahurt ka naman. Aba'y sermon agad-agad? Hindi mo pa nga ako tinanong kung okay pa ba Pagkatapos mo akong sipain sa panga," ani MJ.
"Huwag mo akong dramahan, Iyakin! Ikaw din ang may kasalanan. Ikaw naman kasi eh, may patakip-takip ka pa sa matang nalalaman. Ayan, nandoon sa kuwarto ko ang medicine kit ko ngunit akin muna
ang ipinapabili ko." Ganoon pa man ay inilahad niya ang palad upang alalayan itong makatayo.
"Huwag na, okay pa naman ako. Heto na ang pinabili mo." His right hand is handling those stuffs and his left hand's massaging his jaw.
Sa kabilang banda, sa bahay ng mag-amang Lovely at Francis.
"Lovely, anak halika may sasabihin ako sa iyo dali," tawag ni Mang Francis sa kaniyang anak.
Maganda ito matangkad at makinis ang balat. Kung nagkataon lamang siguro na mayaman sila ay aakalain mong isa itong modelo. Pero hamak lamang silang mahirap. Mahirap pa sa daga. Isang kahig isang tuka kumbaga. Namatay ang kaniyang asawa noon dahil sa panganganak kay Lovely. Naubusan ito ng dugo dahil hindi sila naasikasong mabuti dahil wala silang pera. Kung wala pa sanang nagmalasakit na tumulong sa kaniya noon ay baka pati si
Lovely ay namatay din. Isang batang doktor ang nagmalakasakit sa kaniya ayun sa nakita niya sa name plate nito. Lagi siyang nanalangin noon na sana ay makita pa niya itong muli. Tandang-tanda niya kung paano nito pinagalitan ang nasa information desk noon.
"Tay, bakit parang namamalikmata ka? Ano po iyong sasabihin mo?"
Tinig ni Lovely na pumukaw sa kaniyang pag-iisip sa nakaraan nilang mag ama.
"Masaya lang ako anak. Ngayon lang ulit ako nakaranas na matulungan simula nang naisilang ka ng iyong ina dito sa mundong ibabaw. Heto
anak, bilangin mo ito. Ibinigay ng nasa calling card na iyan. Pinakyaw niya ang paninda ko kaya maaga
ako ngayon." Dali-dali niyang iniabot dito ang perang ibinigay ng pumakyaw sa paninda niya. Marunong din namam siyang magbilang pero mas magaling pa rin ang anak niya. Isa itong Accountancy student. Kung papalarin ay magtatapos nitong Marso.
Agad namang binilang ng dalaga ang pera at halos mamilog ang kaniyang mga mata. Dahil siya hindi makapaniwala. Aba'y sampung libo? Ipinamigay lamang sa ama niya? Unbelievable!
"Thank you, Lord! More blessings to come to that person who gave this blessings to my father." Sa kasiyahang lumukob sa kaibutuwiran ng puso niya ay napatingala siya
"Meron pa anak keep the change raw. Tatlong daan at singkuwenta lamang sana ang bayad ng paninda ko. Ngunit isang libo ang iniabot niya sa akin. Hindi pa siya nakuntento dahil binigyan pa ako cash hindi ko nga lamang binilang dahil mahirap ng mapagkamalang magnanakaw ako." Muli ay iniabot Mang Francis ang buong isang-libo.
"Tay, ang bait naman ng taong iyon. Sampung-libo po ito at iyang isang libo na pinambayad niya. May pambayad na tayo sa university, Tay. Sigurado po na magtatapos na ako sa Marso, Itay. Pagpalain siya ng Diyos." Napatingala ang dalaga dahil sa pag-usal niya ng panalangin. Napakabait naman ng taong namigay ng pera sa Tatay niya.
Alam ng matanda na malaking halaga ang ibinigay ng bago niyang kakilala na si MJ pero hindi niya akalain na ganoon kalaki.
"Officer Marc Joseph Manalang Mckevin po pangalan niya, Itay. Isa po siyang NBI." Pagbalita nng dalaga habang hawak-hawak ang calling card na nakaipit sa sampung-libo.
"Pagpalain sana siya ng Maykapal anak. Sa hitsura pa lamang niya ay nasasalamin na ang pagkatao niya, isa siyang mabait na tao. Ang sabi pa niya ay puntahan ko raw siya bukas," muli ay wika ng matanda.
"Tamang-tama po, Itay. Half day lamang po ako bukas. Masasamahan po kita. Kailangan nating makapagpasalamat sa kaniya dahil sa blessings." Tumango-tango bilang pagsang-ayon naman ng dalaga at napagdesisyunan nilang puntahan
ito. Malaking tulong ang pera na iyon sa kanila. Marahil ay barya lamang ito sa nagbigay pero para sa kanila ay malaki na ito.
Samantala matapos pinapak nina MJ at Grace ang dala ng una ay pumunta sila ng study room
ng pamily Cameron. Napagdesisyonan ng binata na karapatan nitong malaman dahil hawak nito ang kaso ni Daniel Montero.
"Grace, hindi ko alam kung paano ko ito sasabin sa iyo pero alam kong karapatan mo itong malaman." Panimula ni MJ matapos mailocked ang pintuan.
"Huuuh, ano na naman ang bago mong gimmick pakner?" taas-kilay na taong ng dalaga.
"Grace, makinig ka dahil seryoso ito. Alam kong minsan nagbibiruan tayo pero makinig ka, Grace. Nakapagpiyansa at ngayon ay nasa labas na si Daniel Montero!" Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga dahil alam niyang aakyat sa ulo nito ang dugo! Hindi nga siya nagkamali!
Biglang sumulak ang dugo ng dalaga sa narinig. Kaya't walang babala niyang ibinalya ito at
ihinilamos ang mga palad sa kaniyang mukha.
"What a f*ck! Why? Who let him out? Are they still doing their job properly? F*ck them all!" galit na galit siya. Sumusulak ang dugo niya dahil sa nangyari.
Alam ng binata ang tinutumbok nito pero galing ito sa hospital kayat nagdadalawang-isip siya kong
sasabin ba niya o hindi.
"Isa ka pa, Marc Joseph! Tinatanong kita kung sino ang espiya sa departamento natin! Speak up!" malakas pa rin nitong sigaw.
Aba'h!
Mahirap na baka mawalan pa siya ng kaligayahan kaya't magsasalita na lamang siya!
"Si Chavez, Grace. Siya raw ang nagpalaya kay
Montero," sagot niya rito.
Galit ito kaya't mas mabuti na ang magpakatotoo! Aba'h baka siya ang pagbalingan at mapagbuntunan nito ng galit! Mahirap pa naman itong patigilin kapag ito ang nagagalit. Mainitin man ang ulo nito pero iyon naman ang asset. At isa pa ay hindi naman ito nagagalit kapag walang dahilan.
ITUTULOY