Hindi maunawaan ni Grace ang kaniyang nararamdaman ng oras na makita niyang may ibang kawak-kamay ang binata. Alam naman niyang wala siyang karapatang pagbawalan ito. Dahil bukod sa
binata ito ay wala naman silang relasyon bukod sa magpartner at mag-bestfriend.
Pero hindi niya maunawaan eh!
Masakit sa kaniyang damdamin!
Hindi!
Marahil ay nasanay siyang wala itong ibang baby o babaeng kausap o kakuwentuhan kaya't ganoon na lamang ang pakiramdam niya.
"Mahal mo siya ano? Oy, aminin!" her inner ego teases her.
"Tumahimik ka hindi partner lang kami!" sawata niya sa sarili.
"Hhmpp! Manhid ang isa torpe naman ang isa tapos may pabulong-bulong pang nalalaman tse!" muli ay pangangantiyaw ng isipan niya.
Ah! Talagang nababaliw na siya sa nangyayari! F*ck!
"Anak naman ng tokwa kang pag-iisip ka. Hindi okay? Period at manahimik ka lamang ha may
gagawin pa ako." Salungat ng dalagang opisyal sa sarili. Ang hindi niya alam ay inoobserbahan din siya ng dalawa.
Tuloy!
"Oh, Boss, akala ko ba pupuntahan mo si Boss Marc?" pamumuna sa kaniya ni Andaya.
"Mamaya na lang may kausap siya," tipid niyang sagot nito.
Nagkatinginan ang dalawa ng makahulugan dahil kahit sino pa ang kausap ng Boss nilang
lalaki kung ang dalaga ang may kailangan. Mas ito pa ang aasikasuhin nito. Ngunit mas nagtataka sila dahil ang dalaga ay parang matamlay samantalang kay lapad nang ngiti nito nang lumabas. Ganoon pa man ay ayaw nila itong pakialaman. Abah, mahirap na. Baka sila ang mabali-bali ang bones!
Samantala, inanyayahan ni MJ ang mag-amang Lovely at Francis sa kanyang opisina para makausap ng maayos ang mga ito.
"Pasok ho kayo, Mang Francis at Lovely. Ito po opisina ko." Paanyaya niya sa mag-amang bisita.
"Salamat, Sir," sagot ng mag-ama.
"Ah, Sir Mckevin, ano nga pala pag-uusapan natin at pinapunta mo ako rito," ilang sandali pa tanong ni Mang Francis nang nakaupo sila.
"Ah, Tata, huwag n'yo sanang masamain pero gusto ko po kayong tulungan. Matanda ka na po para magtinda pa ng mais at mani sa kalsada. Kung mamarapatin mo po ay bibigyan kita ng puhunan at doon ka na lang sa inyo magtinda. Kasi matanda ka na po para sa kalsada pa magtinda," paliwanag ni MJ. Ewan na niya kung bakit ganoon ang eagerness niyang tulungan ito samantalang bagong kakilala lamang ito. Sa kalsada rin lamang niya ito nakilala.
"Ah Sir Marc, huwag na po. Nakakahiya naman po sa iyo malaking tulong na po sa amin ni Tatay ang ibinigay niyo sa amin. At isa pa po, paano kung
hindi kami makakabayad? Hindi po natin hawak ang buhay kaya huwag na po. Makakabayad na po ako sa school namin at makakapagtapos na ako sa March at marami pa pong matitira. Iyon na lamang po ang gagamitin namin ni Tatay para sa karagdagang puhunan." Umiling-iling na panggtanggi ni Lovely sa opisyal. Ayaw nilang magsamantala sa taong wala na yatang ginawa kundi tumulong sa kapwa.
"Tama ang anak ko, Sir. Nakakahiya na at kalabisan na kung ipupuhunan mo pa ako. Maraming salama, Sir sa pagtitiwala." Sang-ayon ni Mang Francis sa pagtanggi ng anak. Dahil talaga namang nakakahiya kung maging mapaglamang at abusado silang mag-ama. Bagong kakilala nila ito kaya't ayaw nilang gawin ang sinasabi nito dahil sa nakakahiya.
"Huwag ka na pong mag-alala, Tata Francis. Talagang ganyan po talaga ang negosyo. Kaya huwag ka na pong tumanggi. Dahil tutulungan kita. Kayong dalawa ni Lovely. Hindi laman po kayong mag-ama ang nakatanggap ng tulong ko," aniya rito bago bumaling sa dalagang halatang hindi pa rin makapaniwala.
"Diba Business Administration ka, Lovely ? Maatutulungan kitang makahanap ng trabaho. In God's will na makatapos ka na ay bumalik ka rito upanh matulungan kitang makapasok sa trabaho. Dont worry I'll assure you that," pahayag niya.
Labis ang paghanga ng mag-ama sa kabutihang taglay nito. Kaya't pumayag rin silang mag-ama sa bandang hulian. Dahil gusto nilang makabawi rito kahit sa anumang paraan. Sa unang pagkakataon ay may taong nasa puwesto ang tumulong sa kanilang mag-ama.
Marami pa silang napag-usapan at hindi namalayan ni MJ ang oras magtatanghalian na nang umuwi ang mga ito. Hindi na nga lang niya napilit ang mag-ama na mag-lunch muna silang lahat bago uuwi.
"s**t!" bulaslas niya nang maalala si Grace na hindi pa niya nakakausap simula kaninang umaga.
Actually, simula lumabas ito sa sasakyan niya ay hindi pa niya ito nakita. Ah! Lagot na naman siya sa partner niya. Dali-dali siyang tumayo at muling isinukbit sa kaniyang baywang ang baril saka tumayo at nagtungo sa opisina ng dalaga.
"Palomares, maglunch ka na rin. Dahil pupuntahan ko lang si Grace hindi ko pa siya nakakausap simula kaninang umaga. Pakisara lang ang pinto paglabas mo, mauna na ako." Paalam niya rito at hindi na niya hinintay na makasagot ito. No need for the answer! Dahil mas mahalaga ang grasya ng buhay niya.
Napailing na lamang ang sekretaryo dahil sa kaniyang inasal. Kapwa nila ito alagad ng batas at hindi ito basta-basta sekretaryo sa kaniya. Isa rin ito sa pinagkakatiwalaan nilang tao. Maaring mas mataas siya ng posisyon ngunit kapwa niya itong alagad ng batas.
Samantala, dahil kahit anong pilit ni Grace sa kaniyang utak na mag-fucos sa mga nakalatag na
papeles sa harapan niya na natengga sa halos Isang linggo ay wala pa rin.
"Taena! Anak ng tokwa makalabas na nga! Sh*t!" mariin niyang sambit sa mahinang boses. Sa pag-aakala niyang siya lang ang nakarinig. Ngunit napalakas pala dahil ang alaskador niyang tauhan ay muling nanukso.
"Abah, hindi lang nakita si Boss para ng bubuyog si lady Boss ah." Parinig tuloy sa kaniya ni Andaya.
"Miss niya agad si Boss MJ kaya ganyan ikaw naman..."
"Ah bakit, Boss?" maang na tanong ng dalawa nang nakitang nakalahad ang palad nito.
"Ang dami ninyong sinasabi eh. Dinaig pa ninyo ang alaga ng pamangkin ko na asong sismusa. Akin na ang susi," sagot niya sa dalawa.
"Ha? Aanhin mo, Boss, ang sasakyan? Alas nueve pa lang ah. Saka diba may sasakyan kayo ni
Boss MJ?"maang na sagot ni Alferos. Hindi naman sa ayaw nilang ipahiram ito dahil sa katunayan dati na itong nanghihiram. Pero kadalasan ay kapag pumupunta sila ng operasyon.
"Ahem, Boss, aanhin mo kako ang sasakyan samantalang maaga pa lamang," muli ay wika ni Alferos dahil seryoso ang amo nilang babae. Mukhang wala sa mode!
"Wala, akin na lamang kahit sino sa inyong dalawa may pupuntahan lang ako. Hindi ko dala ang sasakyan ko at may bisita si Mckevin kaya nakakahiyang mangdistorbo," sagot nito at inabot
ang susi ni Alferos at umalis na.
Naiwang nagtataka ang dalawa sa inasta ng kanilang boss. At napailing ng maalala ang biglang pagbabago ng mood nito.
"Ano sa tingin mo, Alferos?" tanong ni Andaya sa kasama.
"Hindi ako makatingin, pare," sagot nito kaya't pabiro niya itong sinapak.
"Tado linya iyan ni Denis Padilla. Huwag kang manghiram." Nakatawa niya itong sinapak. Subalit bago pa sila maghabulan na parang mga bata ay bumalik na silang pareho sa kani-kanilang lamesa.
Firing range...
"Tol, diba siya iyong nakalaban mo dati?" tanong ni Nemar nang makitang palabas ng head quarters ang dalagang mortal nilang kaaway.
"Huh! Alagad din ba siya ng batas 'Tol?" Si Denver na nakasunod ang tingin sa dalaga.
"Wait mga Pare, diba may tauhan si Boss dito baka naman puwedi tayong makakuha ng impormasyon sa kaniya?" saad ni Clifford at agad sinan- ayunan ni Guilbert. Animo'y isa itong bakla dahil nakapitik pa sa ere ang daliri.
"Pero sa ngayon ay kailangang sundan muna natin siya. Upang malaman natin kung saan siya nagtatambay at kung saan natin siya puweding kornerin. Pagkakataon na natin ito mga Tol," anito.
Samantalang tahimik si Daniel na nag-iisip kung paano niya magantihan ang dalaga. Una sa
pagkatalo niya sa car racing at pangalawa sa pambubugbog nito sa kanya at pangatlo ang pagpapakulong ng mga ito sa kaniya. He is Daniel Montero. The sole heir of Mr. Montero and Mrs Montero. And what he wants what he get! At wala siyang pakialam kung may madadamay man dito. HE TOTALY DOESN'T CARE!
"Tahimik ka yata, Pareng Daniel?" Pamumuna dito ni Clifford.
"Nag-iisip lamang, Pare. Kung paano natin mapapabagsak ang babaeng iyan. Tama kayo mga Pare. Bakit nga ba hindi natin naisip na may
tao si Boss dito? Kung noon pa sana naisip ang bagay na iyan ay hindi na sana tayo nagmumukhang buntot ng gagang iyan. Siguradong mukhang pera iyon kaya niya isakripisyo ang sinumpaang tungkulin.Gets n'yo ba ang ibig kong sabihin mga pare?" seryosong pahayag ni Daniel kahit nakatutok pa rin ang mga mata sa daan.
"INIISIP MO, GETS NAMIN IYAN!" sabay-sabay namang sagot ng mga ito saka nagkatawanan.
Kagaya ng nakagawian ni Grace tuwing balisa siya ay sa firing range siya nakababad. Agad niyang inasinta ang kaniyang baril matapos makapaghanda. Wala pa rin siyang kupas sa pag-asinta at paghawak ng baril. Pero kahit panay ang pagpapaputok niya ay palaisipan pa rin sa kaniya ang eksinang nakita niya.
Ubos ang apat na magazine niya pero hindi pa rin humuhupa ang pakiramdam niya. Marahil ay
nagseselos nga siya. Dahil sa tanang buhay niya na magkasama sila ay siya lamang ang babae sa
buhay nito puwera sa magulang nito at mga kapatid.
"What a strange feelings! Damn! Daig ko pa nito ang magseselos na nobya!" bulong niya saka muling itinuon ang paningin sa target area.
"Alferos si Grace nasaan?" nagmamadaling tanong
ni MJ nang makarating siya sa opisina ng mahal niyang pakner na Kaskasera ng buhay niya.
"Ha? As in wala kang alam, Boss?" balik-tanong ni Andaya dahil halatang walang kaalam-alam ang Boss nila.
"Bakit, Andaya? Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot- noong tanong din ni MJ. Aba'y ano ba ang nangyayari sa partner niya?
"Naku, Sir, kaninang alas nueve pa si Boss lumabas gamit ang sasakyan ko. Sana nga lang makabalik siya hanggang mamayang hapon," sagot nito.
Tuloy!
"What?! Saan daw siya nagpunta?!" pasigaw na tanong ng binata dahil sa pagkagulat.
Talagang may mali! Hindi aalis ang mahal niya kung wala itong problema. Baka muling kumirot ang sugat nito. Ah! F*ck! Nasaan na ang mahal niyang Kaskasera!
Ilang magasin din ang naubos ni Grace sa firing range. Tulad ng dati wala pa rin siyang mintis sa
pag-aasinta ng baril. Kaya ng napagod siya ay napag-isipan niyang lalabas na lamang. Kaysa naman maubos niya lahat ang mga bala.
"Oh, Miss Cameron, mukhang mag-isa ka lang yata ngayon ah? Problem?" Salubong ng kapwa
nila opisyal at nakatalaga sa firing range.
"Huh! Porke ba't nandito ako sa firing range ay problema na agad, Captain? Baka naman puweding nagpapawis lamang o di kaya ay nagtanggal boredom." Nakangisi niya itong hinarap.
Pero umiling-iling ito habang nakatingin sa kaniya.
"You might hide to your parents your real job, Cameron but you can not hide it to me. Abah kung tutuusin hindi muna kailangang magtrabaho
pero heto ka nagpapakahirap at nagpapakabayani sa ganitong trabaho? Tsk! Tsk! Tingnam mo ang mga iyan, kumbaga sa isang patay na hayop ay double dead." Nakailing nitong pagsalungat sa kaniya.
Sa dami nang sinabi nito ay tunog nang pagkasa niya sa baril ang tangi niyang sagot. Kitang-kita pa niya itong namutla nang makitang iniumang niya ang hawak-hawak niyang baril.
"C-cameron! What the hell you are doing?" nautal nitong tanong.
But she didn't answer him. Instead she pulled the trigger!
"Dios ko naman, Cameron! Papatayin mo na ako sa nerbiyos! Bakit naisipan mong iputok ang mga iyan sa likuran ko?!" malakas nitong tanong habang hawak-hawak ang dibdib.
Subalit tawa lamang ang isinagot ng dalaga. Aba'y para saan ba at isa siyang sharpshooter kung hindi niya maasinta ang paghawak ng baril. Tsk! Tsk!
"Sh*t! Muntik na tayo doon ah! Langya takbo na tayo," yakag ni Guilbert sa mga kaibigan. Subalit nahihirapan silang kumilos dahil natamaan sa paa si Nemar.
"Walastik ang babaeng ito. Sharpshooter pa yata ang hayop!" Ngitngit ni Nemar lalo at natamaan ang paa.
"Putragis ng babaeng iyan makikita niya! Lintik ang walang ganti!" muli ay sabi ni Nemar ng nasa sasakya na sila.
Napatingin ang apat sa kaniya dahil sa tinuran pero ngisi lamang ang isinagot niya mga ito.
"Aba'h, 'Tol, may binabalak ka yata?" tanong ni Clifford.
"Well, tell us Pare upang masuportahan ka namin," saad naman ni Denver.
"Huh! Hindi n'yo yata nagegets ang iniisip ko ngayon ah mga 'Tol?" nakangisi niyang sagot.
"Hanep, idol muna yata mga UNGAS lagi nang nasa linya mo iyan ah. Ano ba kasi iyon?" dahil kahit siya ay napapaisip ay hindi na napigilan ni Daniel ang sumabad at nagtanong.
"Tado ano ang kinalaman ng sinumang poncio pilatong ungas na iyan sa atin? Sila lang ba
may karapatan?" tuloy ay wika nito.
Sa simpleng biruan nila ay nauwi sa maugong na halakhakan. Ngunit dahil sa pag-iisip kung ano ang nararapat nilang gawin ay muli silang sumeryoso.
"Mga Tol hindi n'yo ba naisip mag-isa lamang siya kumpara sa ating lima," kumbaga sa isang hayop ay isa itong aso dahil sa uri nang pagngisi.
"Wow! I love that, Pare. Ngayon ay gets ko na ang iniisip mo, hanep," tumatawag sambit ni Denver.
"Ganito iyan mga, Pare. Paimbistigahan natin ang ano ang buhay mayroon siya para may panangga tayo laban sa kaniya. Kumbaga BLACK MAIL natin siya. Pero sa ngayon ay alamin muna natin kung bakit mag-isa siya at kung may pagkakataon tayo ay damputin na natin agad," muli ay pahayag ni Nemar.
But!
"Wow! Hanep I like that, Pare. At dahil matagal na ring hindi nahasa ang mga alaga natin puwera kung binabalikan noyo ang mga pokpok sa LUNINGNING CLUB HOUSE ng malibog baklang iyon?" birong totoo ni Clifford kaso batok lang napala niya sa katabing si Guilbert.
"Gago, magkakasama tayong lahat araw-araw. Simula nang namatay sa sarap ang huli nating biktima, Pare, parehas na tayong hindi nakaranas ng s*x tado," anito.
Kaya't tuluyan nang napuno ng tawanan ang kanilang sasakyan. Ganoon naman talaga silang magkakaibigan. Problema ng isa ay problema nilang lahat. Ganoon din sa tagumpay.
ITUTULOY