"Sino ba talaga ang babaeng iyon! Amazing moves! Unang pagkakataon may nakatalo sa aking grupo. Katanggap-tanggap na sana kaso malala, Panyero, dahil babae! Isang babae ang nakatalo sa international racer ko," ani Javier sa kausap.
"Panyero, ano ngayon balak mo?" tanong nito.
"Kakausapin ko si Phillip, Panyero. Aalamin ko kung sino talaga ang babaeng iyon. Kapag nagkataon ay mabubililyaso ang plano natin para sa Grand Pix. Aba'y, Panyero, hindi biro ang two million. Kaso kasing bilis nang tiktak ng orasan siyang pumayag sa hindi birong halaga." Napailing-iling siya dahil ang totoo ay talagang aminin man niya o hindi ay ayaw pa ring manuot sa kaniyang sistema ang pagkawala on the spot ng dalawang million niya. Wala naman sanang kaso iyon sa kaniya kung wala siyang plano sa Grand Pix Race Track.
"Pero sa totoo lang, Panyero, hindi maitatatwang magaling talaga siya. I admit that she's really amazing. Imagine, she was in the last row. Nakalayo na ang mga kalaban niya subalit nailampaso pa rin ang mga nasa unahan. Natalo pa rin ang ating champion. Baka naman hindi siya nakahithit bago sumabak sa race track," tugon nito.
Tuloy!
Napaisip si Javier sa tinuran nang kausap.
"Hmmm, may punto ka, Panyero. Sabagay ang Grand Pix pa ang hindi ko nakukuha sa pera at ito pa ang malinis na race track. Hindi nasangkot sa anumang krimen. Subalit balang-araw ay magtatagumpay tayo, Panyero. Malawak at magandang gawing laboratoryo ito kung walang kukuntra." Nakangising nagpalakad-lakad si Javier.
Paanong hindi siya mapapangisi? Alam niya ang likaw ng bituka ng mga taong gamahan sa pera. Alam niya kung ano ang kayang gawin ng champion niyang sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo. Tama nga siguro ang kumpare niya, hindi ito nakahithit ng ipinagbabawal na gamot. Kaso sa pag-iisip niya ay hindi rin nakaligtas sa kaniya ang pag-ismid nang kaharap.
"What's on that smirked, Panyero?" tanong niya rito. But his mind has something already. He just wants to have confirmation from him.
"Panyero, matagal na tayong nasa illegal na paraan. Laging panalo ang bata natin dahil na rin sa kinang ng salapi. So, what's on your worry to those who will oppose you? You know what to do those obstacles, Panyero. There's only way to clean up our path. We just need to eliminate them all." Nakangisi nitong suhestiyon.
In his mind! Hindi siya nagkamali ng hinala. Tumpak na tumpak ang pahayag nito sa iniisip niya. Sabagay, hindi na iyon nakapagtataka dahil mahigit isang dekada na ang nakalipas simula kasama niya ito sa mga legal at illegal na negosyo. Kaya naman ay itinaas niya ang wine glass na may lamang mamahaling alak.
"Cheers for that, Panyero!" Itinaas niya ang hawak-hawak na wine glass. Hindi man ito sumagot o nagsalita ngunit itinaas naman ang hawak kaya't kalansing ng baso ang sumunod na narinig.
Samantala...
Sa pagkalat ng balita sa barangay nina Aling Nena, dumting din ang grupo nina Daniel at kitang-kita nila ang mga kapulisan na nakakalat. Halatang-halata nilang pagpapatrolya sila.
"Pare, mukhang lapitin ng mga polis ang boba ah." Bumaling si Clifford kay Nemar na kapwa niya kakababa mula sa sasakyan.
Kaso si Guilbert ay iba.
"Teka lang mga, Pare. Anong gagawin natin dito?" tanong niya.
"Tol, magmamasid tayo. Malay natin baka may makita tayong next target." Natawa at pabirong ismid ni Denver.
"Mga gago umayos nga kayo. Nandito tayo upang sumagap ng balita. Next time na ang paghahanap
ng target. Ang cellphone ko, alalahanin ninyong mahalaga iyon. Hindi lang para sa akin kundi sa ating lahat. Siguradong masasabon tayo na walang banlaw dito kay boss." Pananaway ni Daniel sa mga ito.
Subalit ang hindi nila alam ay naririnig sila ng ilang
residenti. Wala silang kamalay-malay na hinukay na rin nila ang kanilang libingan. Dahil ang ilan sa mga inaakala nilang ordinaryong mamamayan ay mga NBI.
Nang nagsimula na ang palaro ng namatayan, nandiyan ang mga naglalaro ng baraha, nandiyan
ang nag-aawitan para sa patay, nandiyan ang naglalaro nang bingo at ilang uri ng sugal. Bagay na hindi pinalampas amng magkakaibigan. Hindi naman sila sugarol ngunit sumali sila upang may rason silang makapag silang magtagal doon.
"Pare, wala namang dayaan oh," ani ng isang manlalaro.
"Pare, naman hindi ako nandadaya alam mo iyan. Baka ikaw?" patanong na sagot nang isa.
"Anong ako? Hoy! Kahit mahilig ako sa baraha ay hindi ko ugaling mandaya para lang manalo! Huwag mo akong ihalintulad sa kagaya mong mandaraya!" malakas at mariing sagot ng isa.
"Tarantado ka ah! May pruweba ka bang nandadaya ako ha?"galit na ring sigaw ng isa akmang susuntukin na ang kalaro ngunit naging maagap ang grupo ni MJ.
"Mawalang galang na po. Huwag po sana tayong mag- away-away dito. Lamay po itong ating pinuntahan. Kung ano man po hindi ninyo
pagkakaunawaan pag-usapan po ninyo
iyan," mahinang sawata ni Aalferos sa dalawa.
"Ito kasing si Juan nandadaya eh. Tingnan mo, Sir, ang baraha niya." Panunumbong dito ni Pedro.
"Ayan ka na naman, Pedro. Ilang beses ko na bang sinasabing hindi ako nandadaya?" angal ni
Juan.
"Sige ganito na lang po, Kuya Juan at Kuya Pedro, gusto niyo bang maglaro pa ng baraha?" tanong
sa mga ito ni Alferos.
"Yes, Sir!" mabilis namang sagot ng dalawa.
"Kung ganoon po mga Kuya ay huwag kayong mag-away. Kapag marinig ko pa kayong magbangayan ay ewan ko na lang diyan sa inyo. Baka mabulabog ang pamamahinga ng ating binabantayan at kayo ang ilagay niya sa kabaong at babangon siya. Gusto n'yo ba iyon? Isa pa po ay nakakadistorbo na kayo sa mga kapwa ninyo manlalaro." Kitang-kita niya ang panlalaki ng mata nila kaya't lihim siyang napatawa dahil sa reaksyon ng dalawa.
"Opo, Sir, maliwanag." Nagsikuhan pa sila bago muling hinarap ang kani-kanilang baraha.
Lamay ang dahilan kung bakit nagsipunta sila sa pamamahay ni Aling Nena subalit hindi nila maiwasang natawa sa simpleng pananakot ng opisyal. Ganoon pa man ay nauunawaan nila ang punto nito. Dahil totoo naman kasing hindi lamang ang dalawa ang manlalaro at talagang nakakabulahaw na sila.
"Tol 'diba taga NBI ang Alferos na iyan? Anong ginagawa niya rito?" tanong ni Denver sa mga
kasama.
"Oo nga mga, Pare. s**t! Mukhang hindi basta-basta itong nadali natin ah," kabadong saad ni Nemar.
"Umayos nga kayo at huwag kabahan diyan. Dahil baka mas mapahamak tayo kung patuloy kayong magbubulungan. Huwag kayong magpahalata." Pagsaway ni Daniel sa mga kaibigan.
Mabuti na lamang at may mga naggigitara sa may tabi nila kaya't hindi naririnig ng karamihan ang
kanilang usapan. Aminin man niya o hindi ay talagang nakakakaba ang pinasok nila.
Sa kinaroroonan nina AG at MJ.
"MJ, 'diba grupo nang nakalaban ko sa car racing ang nasa isang table?" tanong ni Grace dito.
Nasa loob sila ng bahay ni aling Nena at nagmamasid. Sinadya nilang hindi nagpakita upang malaya silang makapagmasid para sa ikalulutas ng hawak nilang kaso. At kagaya nang binitawan nilang salita, sila ang gumasto mula morge hanggang punerarya hanggang sa lamay. Dahil kahit bali-baliktarin nila ang pagkakataon at pangyayari ay wala ring magagawa ang naiwang ina.
"Oo, Grace. Pero teka ano ang ginagawa ng mga iyan dito?" may pagtatakang napatingin si MJ sa lamesang kinaroroonan ng mga lalaki.
"Iyakin, naman. Baka naman trip lang nilang maglaro ng sugal," tugon ni Grace subalit nakatanaw sa bakuran ng naturang bahay at nagmamasid sa mga ito. Kaya hindi niya nakita ang pag-iling ng kasama niya. But in her mind, hindi simpleng sugal ang rason ng mga hayop. Ramdam niyang may mas malalim silang dahilan.
"Siguro nga, Grace. Ngunit nagtataka lang kasi ako dahil mga anak mayaman sila ngunit nagtitiis silang maglaro ng tong-its sa lamayan. They can afford going in casino," muli ay wika ni MJ.
Dahil sa narini ay biglang humarap ang dalaga. Animo'y naihipan ang nasa isipan niyang hinala. Kaso dahil hindi napaghandaan ito ng binata ay nagkauntugan pa sila ng ulo na halos magkadikit ang kanilang mga labi. Para kay Grace normal lamang iyon dahil wala siyang iniisip na malisya. Minsan magkatabi pa nga silang natutulog at naghihilaan ng kumot. Pero para sa binata iba ang impact nang bawat pagdidikit ng katawan nila.
Pitik sa ilong ang pumukaw sa nagsisimulang imahinasyon ni MJ at nakita niya ang nakangising mukha ng dalagang pakner niya.
"Tama na ang pag-iilusyon mo, Iyakin. Baka matunaw ako. Ngunit alam mo bang nararamdaman kong may ibig kang ipahiwatig sa mga kuwagong iyan ah. Dahil tama ka naman. Bakit sila nagtitiis sa ordinaryong sugal samantalang kayang-kaya nilang magtungo sa casino," anito sa kaniya.
"Huuh, detective ka nga, Grace. Ang talas pang-amoy mo tinanggal mo na ba mga kulangot mo?" patanong niyang biro upang mapagtakpan ang pamumula ng mukha niya. Dahil sapol na naman siya nito.
"Tsk! Tsk! Anong kinalaman ng mga kulangot ko? Aba'y kung gusto mo ay ikaw pa ang muling maglinis. Well, akin na ang cellphone na iniabot ni Mang Tonyo kanina." Nakailing na inilahad ng dalaga ang palad.
Agad namang inilabas ng binata ang cellphone dahil sa sinabi nito. Hindi na niya pinatulan ang pang-aasar nito sa kaniya. He loves her that much and he loves every single ways of this pretty lady besides him.
Nagsuot muna si Grace ng gloves bago kinuha ang cellphone at inilagay sa lamesa ng kusina. At bubuksan na sana nang tumunog ito.
"s**t!" Pagmumura niya nang nakita ang may-ari ng cellphone kaya't agad din siyang napatingin sa labas kung saan naroon ang mga hayop! Lalabas na sana siya subalit hinila siya pabalik ng binata.
"What a f*cking sh*t of them! Mapapatay ko sila! I swear! Ipinagkanulo pa nila ang kanilang sarili! Hayop sila! Kaya pala sila nandito! Magbabayad silang lahat, mga hayop!" gigil pa ring pagwawala ni Grace matapos siyang pinaupong muli ng binata.
Samantala naalarma naman ang magkakaibigan nang marinig ang ringtone ng cellphone ni Daniel.
Isa lamang ang ibig sabihin noon. Nasa nakakuha nang bangkay ang cellphone nito. Patalihis silang
umalis bago man makahalata ang mga tao sa kanila.
Nagdaan pa ang mga araw, sa buhay nina Grace at MJ. Dahil sa hawak na kaso ng dalawa ay
halos sa trabaho at pag-uwi na lamang sila nag-uusap. Hawak nila ang cellphone ni Daniel
Montero isang ebidensiya na magdidiin dito at sa mga kaibigan. Napag-alaman nilang ang grupo nito ang gumahasa at pumatay kay Annaliza. Kaya nang inilibing ang labi ng dalagang maagang nagsauli ng buhay dahil sa karahasan ay isinumpa ni Grace na gagawin niya ang lahat para mabigyang hustisiya ito.
"Maligayang paglalakbay, friend. Baunin mo ang kapayapaan sa iyong paglalakbay patungo sa kaharian ni Amang Lumikha. Asahan mo, friend, isinusumpa ko na bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay mo. Pangako iyan!" ang mga salitang binitawan niya nang pagkatapos ng libing. Siya ang pinakahuling umuwi sa lahat ng mga makiramay kaya't siya lamang ang nakarinig sa pagngingitngit niya
Dinala nila ang matanda sa orphanage at dahil anak sila ng may-ari nito madali silang naasikaso
at lahat dito ay pantay-pantay.
"Sister, kayo na po ang bahala sa kaniya. Kung ano man po ang kailangan niya ay magsabi lang po
kayo either MJ or me. Sige Nana Nena alis na po kami, sister Judith," pamamaalam nang dalawa.
"I got it, Iho and Grace. You can relay to us. God will bless you both in all your desires." Nagbigay basbas ang madre sa dalawa bago sila umalis.
After sometimes...
Pagkagaling sa orphange ay dumiretso sila sa bahay nang mga Montero. At hindi to sila nagsayang ng oras, agad pinindot ni Grace ng sunod-sunod ang doorbell. Kulang na lamang ay mapudpod ang daliri sa pag-press sa door bell. Dahil talagang kumukulo ang dugo niya. Aminado aiyajg mainitin ang ulo niya ngunit may katuturan.
"Magandang umaga po. Ano po kailangan nila?" magalang na tanong sa kanila ng isang unipormadong katulong.
"Ah, Nana, puwedi bang makausap ang amo mo? Kung maari lang po si Daniel Montero gusto namin siyang makausap," sagot dito ni MJ.
Kaso!
Bago pa makasagot ang walang kamalay-malay na kasambahay ay naunahan ito ng taong gusto nilang pabagsakin. Si Daniel Montero.
"Manang, sino ang kausap---" subalit agad din itong natigilan nang napansin silang dalawa.
"s**t! Ano ba ang ginagawa nila rito? Paano nila nalamang dito ako nakatira?" mga katanungang nagsulputan sa isipan niya. Sa sarili man niya iyon nasambit subalit nagsimula na siyang mamutla.
"Daniel Montero, right? Isang car racer champion. A murderer and rapist!" Hindi mapigilang salubong dito ni Grace.
Kaya naman naging maagap si MJ. Aba'y talagang ang hot tempered niyang partner ay humulagpos na naman ang init sa ulo.
"Grace." Sinubukan pa niya itong pigilan subalit kitang-kita sa mukhang hindi na mapipigilan lalo at sumagot ang suspect.
"Dahan-dahan ka sa pananalita mo, Miss. Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita. Puweding-puwedi kitang kasuhan ng tresspassing," balewalang sagot naman ni Daniel. Ngunit sa isipan niya ay paraan na lamang niya iyon upang pagtakpan ang kabang sumasalakay sa pagkatao niya.
"Then go for it damn you! To hell that
tresspassing compare to your case! Tresspassing is a bailable case and yours as a murderer is not!" sigaw ng dalaga na namumula nang dahil sa galit.
"Tresspassing plus libel na ang kaso mo, Miss AG---"
"f**k you! Go to hell! Go and sue me, stupid! I'm not afraid of it. Meet me in the court if you like but I'll assure you you will spend the rest of your life in
jail together with those f*****g bastard!" Kuyom ang kamao ng dalaga. Kulang na lamang ay sapakin ang kausap.
Dahil alam ni MJ na galit ang dalaga ay agad siyang pumagitna. Mahirap na kung malaman ng iba na isang detective ang dalaga bukod sa pagiging
racer. Walang kaalam-alam ang pamilya nito sa tunay nitong trabaho. Lahat ay gagawin niya para sa babaeng nagmamay-ari sa puso niya.
"Once and for all, Daniel Montero. Ano ang kinalaman ninyo nang barkada mo sa pagkamatay ni Annaliza Mendez? At bakit kayo biglang umalis noong lamay nito?" mahinahon niyang tanong.
Samantalang ang dalaga ay talagang nanggigil na
sa likuran niya. Hindi siya natatakot na may mangyaring masama rito dahil alam niyang kayang-kaya nitong pangalagaan ang sarili. Subalit mas natatakot siyang malaman ng pamilya nito ang trabaho nito. Ang alam nila ay nagtratrabaho sa mining company ng magkakaibigan sa Mancayan
Benguet ito.
"W-wala! Wala akong kinalaman diyan at mas lalong wala akong alam diyan!" sagot nito.
Ngumisi naman ng nakakaloko ang dalaga dahil sa sagot nito. Halatang kinakabahan at nauutal pa. Well, may ibinunga na naman ang pagiging hot tempered niya. She is hot headed woman but it's her assets by the way. Hindi siya ang tipo ng tao na mahilig sa paikot-ikot na usapan lalo na pagdating sa batas.
"Okay, as you say so Mr Montero. Bring with you your best advocate and meet us to the court! And
take note, don't try to escape! Hahanapin at hahanapin kita kahit magtago ka man sa palda nang Nanay mo!" Mula nakakalokong boses ay naging mariin na naman ang tinig niya. Ah! Talagang umiinit ang ulo niya sa taong walang balls!
"Tara na, MJ. Hayaan natin siyang humanap ng sarili niyang advocate. We did our part so let's give him a time to select the advocate for himself." Bumaling si
Grace sa binata pero paglingon niya ay nakita niyang nakaumang ang baril ng una sa kanila kaya't itinulak niya si MJ at animo'y ibon na lumipad at gigil na sinipa ang lalaking may hawak ng baril bago man nito makalabit ang gatilyo ng baril.
"F*ck you! Deny to death ka pa tarantado! Halika rito! Your hands, filthy bastard!" Agad siyang pumaikot kaya't halos mabali ang kamay ni Daniel dahil dahil hawak-hawak niya ito kasabay sa kaniyang pag-ikot.
"Ahhh... f**k!" sigaw nito dahil sa sakit.
"Iyan ang bagay sa isang katulad mo! Piliin mo ang kinakalaban mo, gago!" ganting sigaw na rin ni MJ matapos itong gigil na pinusasan ng dalaga.
Agad namang iginala ni Grace ang paningin at nakita niya ang mga natatakot na mga kasambahay. Marahil ay nabigla sa pagsulpot at sigawan nila. Kaya't lumapit siya sa mga ito at mahinahong nakipag-usap.
"Ah, huwag po kayong matakot, Nana, dahil hindi po kami masasamang tao. NBI po kasama ko at may kasalanan ang amo ninyo sa batas kaya't kailang na niya itong pagbayaran. Sinadya namin siya rito upang kausapin sana siya ng maayos kaso matigas eh. Nasaan po ba ang mga magulang niya?" magalang niyang tanong.
Nagkatinginan ang mga ito pero parang walang balak sumagot. Sinundan niya ang dereksiyon
nang tinitingnan ng mga kasambahay. At agad niyang binunot at ikinasa ang kaniyang baril bago nagpatuloy.
"Saan kayo natatakot? Dito sa baril ko o sa herodes ninyong amo samantalang nakaposas? Isang tanong,
isang sagot, nasaan ang mga magulang ng taong iyan?" muli niyang tanong samantalang hawak ni MJ ang bihag.
"Business trip po, Ma'am," nanginginig na sagot ng
matanda na nagbukas kanina sa pintuan.
"Saan sila nangpunta at kailan dating nila?" muli niyang tanong.
"Hindi po ako sure, Ma'am, kung kailan ang balik nila at kung saan po sila nagpunta. Basta out of the
contry po," anitong muli
"Sige, salamat at pasensiya na po sa abala. Dadalhin lang namin sa presinto ang alaga ninyo. Huwag po kayong mag-alala hindi siya mamatay doon depende sa ugali niya. Pakisabi sa amo ninyo pagdating nila na nasa presinto ang kanilang anak at kung magtanong kung sino ang humuli ay sabihin ninyong officer Marc Joseph Mckevin," pahayag niya.
Lihim namang nangingiti ang lalaki dahil kahit tigasin ito kung tingnan may malambot pa ring puso. Kaya't kahit siya ang itinuro nito ay hindi siya umangal. Good for her as well.
ITUTULOY