CHAPTER ELEVEN

2355 Words
"Ano ngayon ang plano ninyo, guys? Ano ba kasi ang nakain ninyo at pinatay n'yo? Aba'y imbes na tinira ninyo na lang ngunit sinayang n'yo ang grasya." Nakailing na pinaglipat-lipat ni Javier ang paningin sa mga racers niya. Kasalukuyang nasa mansion niya ang mga ito. Dinala niya roon ang mga racers niya dahil gusto niyang malaman kung ano nga ba ang nangyari. Aba'y natalo na nga ang world champion nila sa kakatapos na car racing ng dalawang milyon tapos nakulong pa ito. Kung hindi nga lang sana asset ang binata ay hindi na niya ito pag-aaksayahan ng panahon. "Boss, kilala mo naman kami. Hindi kami nagsasayang ng grasya. Ang sabihin mo po ay hindi niya kinaya ang sarap kaya't namatay," nakangising saad ni Denver. "Aba'h, aba'h, mukhang tinubuan na nga kayo ng libog sa katawan ay nakatira pa kayong lima ah. Tama ba ang nasa isip ko? Aba'y hindi ko kayo pijahbabawalan na gawin ang ninanais ninyo, guys. Ngunit nais ko ring ipaalala na huwag na huwag kayong gagawa ng ikapapahamak ninyo. Tandaan ninyong walang magandang maidudulot ang pabigla-biglang desisyon." Muli ay pinagala niya ang paningin sa mga racers niya. Aware na aware naman siyang humihithit ang mga iyo. Dahil sa katunayan ay siya rin ang supplier nila iyon nga lang ay sa ibang katauhan. "Ipagpaumanhin mo na, Boss. Ang nangyari ngunit aksidenti lamang ang nangyari. Babawi kami sa iyo, Boss," ani Daniel na hindi rin matapos ang pagpapasalamat. Iyon ang isa pa sa nagustuhan niya sa mga racers niya. Kailanman ay hindi nagkaila sa mga kasalanan. Umaamin sila kapag siya ang kausap. Malaki rin ng respsto nila sa kaniya bagay na labis-labis din niyang hinahangaan. "Don't worry, Boss. Hindi mangyayari iyan. Dahil tama na ang minsang pagkakamali kahit pa sabihing Aksidente lamang ang nangyari. Aksidenti lang kasing nahulog cellphone ni Daniel kaya siya natunton ni Mckevin," pahayag ni Clifford. Kaso sa narinig niya ay napalingon-lingon siya sa mga nandoon. Di yata't mayroon siyang hindi nalalaman. Kung hindi siya nagkakamali ay isang NBI ang taong tinutukoy ng mga kausap niya. "Did I heard it right? Isang NBI officer iyon kung hindi ako nagkakamali," paninigurado niya. "Tama ka, Boss. Siya ang kasama ng nag-champion noong laban sa Grand Prix. At kung hindi rin ako nagkakamali ay AG ang pangalan ng babae." Agad na hinarap ni Nemar ang Boss nila lalo at kitang-kita niya ang pagkalito sa mukha nito. "Hmmm, so he is NBI official. Akala ko ay nagkamali lamang ako sa pagkarinig noon sa race track. But by the way, speaking of Miss AG, do you know where she leave?" tanong ni Javier. Binalit ng makahulugang ngiti ang buong mukha niya. Kaso! "What's on those look, men? Aba'y huwag n'yo akong tingnan ng ganyan. Tinatanong ko lang naman kung may nakakaalam sa inyo kung saan ito nakatira. Who knows, we can convince her to join our group. Aba'h alam n'yo na," mukhang advance mag-isip ang mga racers niya. Aba'y sa tingin pa lamang nila ay halatang nanunukso na sila. Ganoon na ba siya katransparent? Huh! Tinanong lang naman niya kung may nakakaalam sa bahay nito dahil mayroon siyang plano. "Kung sa car racing ay maasahan mo pa ang maton na iyon, Boss. Ngunit kung ang dalhin ka sa langit at paligayahin ka all night long ay malabo iyon, Boss. Mabilis at animo'y maton ito kung kumilos kaya't mas mabuting pag-isipan mo muna ng maayos. Kagaya ko, dahil sa kabiglaan ko ay wala pa yatang dalawang segundo ay naiposas niya ako." Umiling-iling na pagsalungat ni Daniel. "Hmmmpp... Mukhang interesting ang buhay ng babaeng iyan ah," muli ay wika ni Javier. "Aba'h, Boss, mukhang type mo si Miss AG. Ngunit baka balian ka lang noon ng buto. Kita mo naman ang nangyari kay Daniel." Nakatawang pangggatong ni Guilbert. Kaya naman! "Hoy, kayong lima! Aba'y tigilan n'yo ako kung gusto ninyong magkapera. Basta magpagaling ka, Daniel. Para sa susunod ninyong sasalihan!" paangil niyang pananaway kaso pinagtawanan lamang siya ng lima. Sa lahat ng mga tauhan niya ay ang limang nasa harapan niya ang malapit sa kaniya. Nakikipagbiruan kahit pa Boss siya. Mga anak mayaman naman sila upang isipin sana niyang pera ang habol nila. Mga pagkawala nga sila. Dahil ayon na lamang sa galawan nila ay walang kaalam-alam ang kanilang mga magulang o kahit sino man sa membro ng pamilyang pinanggalingan. Ngunit lahat iyon ay pabor sa kaniya. Lalong-lalo na si Daniel Montero. Malaking halaga na ang napasakanya o sa kaniyang negosyo. Lalong-lalo na ang car racing. Sa kabilang banda... "Boss, telepono," magalang na pukaw ni Andaya sa wireless telephone sa Boss niya. "Salamat, Abaya." Hinintay niyang nakalabas ang kausap niya bago niya muling pinagtuunan ng pansin ang tawag. "Hello, who are you?" tanong niya. Kaso agad-agad umakyat sa ulo niya ang lahat ng dugo sa katawan niya dahil sa naging sagot nang tumawag. "Binalaan ko na kayo dati pa, Mckevin. Diba't sabi ko sa inyo ng babae mo na huwag kayong magpakasigurado? Ito na iyon, Mckevin." Patuyang tumawa ang nasa kabilang linya. Kahit hindi niya ito nakikita ay kilalang-kilala niya ang boses. Ngunit ang tanong ay paano ito nakalaya? Bakit wala man lang nagsabi sa kaniya? F*ck! There's something wrong about that madman! "Wala akong pakialam kahit nakalaya ka, Montero. Dahil kaya kitang ibalik sa loob kahit anumang oras. Kamo huwag akong magpakasigurado? I'll return that word to you. Live to the fullest while you are free. Dahil ipinapasigurado ko rin sa iyo na hindi lang sa City jail ang bagsak mo kundi sa Muntinlupa!" malakas niyang sabi. Paano ito nakalaya ang drug addict na iyon? Bakit nila ito pinalaya samantalang siya at ang partner niya ang may hawak sa kaso? But wait! What if? "Oh, no! Hindi maaring may ahas sa departamento ko! F*ck! But who is he? Who is that traitor?!" aniya sa isipan. Malaking problema na naman iyon lalong-lalo na sa partner niya. Sigurado siyang magwawala na naman ito. Kung bakit kasi nakalaya ang hayop na wala silang kaalam-alam! Damn it! "OH, natahimik ka, officer? Hindi ang kagaya ninyo ang magpapataob sa career ko. Dahil kayo ang pababagsakin namin!" malakas at mariin nitong sabi bago nawala sa linya. Hindi niya akalaing sa loob ng tatlong araw ay napakarami na ang nangyari. Tuloy ay napasabunot siya sa kaniyang ulo dahil halos ayaw tanggapin ng isipan niya ang nangyari. "What a f*ck! Paano ko ito ipagtatapat kay Grace? No! There must an answer." Sa pag-aanalisa niya sa nangyari ay ang intercom ang napagbalingan niya. "Alferos! Andaya! Where are you men? Come here n my office now!" malakas niyang sigaw sa intercom na kahit umalingawngaw pa sa buong headquarters ay wala siyang pakialam. Pagkarinig ng dalawa sa kaninang Boss ay lakad-takbo ang ginawa nila upang makarating agad sa opisina nito. Sa lakas pa lamang ng boses nito ay alam nilang galit na galit. Kilala na nila ito dahil matagal na sila sa iisang departamento. "Pambihira naman, Boss. Ano ba ang problema bakit kailangan mo pa ang intercom?" kakamot-kamot sa ulo na bungad ni Alferos nang nakapasok na sila. Samantalang tahimik lang si Andaya dahil sa nakikitang galit na aura ng Boss nila. Hindi nga siya nagkamali dahil animo'y kidlat na biglang napunit. "BAKIT WALA MAN LANG SA INYO ANG NAGBALITA SA AKIN NA NAKAPAGPIYANSA NA PALA ANG GAGONG IYON HA?" mahina man ang pagkasabi niya ngunit kulang naman ang salitang mariin upang ilarawan ang tenor ng boses niya. "Sino, Boss?" nanahimik siya ngunit sa binitawang salita ng Boss nila ay biglang napatanong si Andya dahil na rin sa lakas ng boses nito. Aba'y sino ang hindi magugulat? Sa lakas ba naman ng boses nito. "Alam mo naman, Boss. Pare-parehas tayong walang pasok kapag weekend. At noong Lunes lang ako pumasok," wika ni Alferos. "Iyon na nga, Alferos. Nandito ka kahapon ngunit hindi mo man lang naitawag sa akin na nakalaya pala si Montero! Sige ipaliwanag ninyo kung sino ang nagpalaya sa hayop na iyon!" Mataas pa rin ang boses niya dahil sa mix emotion. "BOSS," "BOSS," "Sabayan pa talaga kayong sumagot? Ano kaya kung sabayin ko rin kayong ipabugbug kay Cameron! Alam ninyong hawak niya ang gagong iyon ah, bakit hindi kayo tumawag?!"sita pa niya sa dalawa. "Ano? Paano nangyari iyon, Boss? Aba'h wala akong kaalam-alam diyan hindi pa ako dumalaw doon sa presinto ah." Nakailing na saad ni Alferos. "Si Javier Jiminez nandito kahapon, Boss. Kasama ang abogado ni Montero. Si Chavez ang nakita kong kausap nila," hindi na rin nakapagtimpi si Andaya kaya't naipahayag din niya ang saloobin. "Alam mo naman pala eh bakit hindi ka nagsabi, Andaya? Naku naman!" Napatingin bigla si MJ sa tauhan. "Pasensiya na, Boss. Pero napadaan lang ako roon nang nakita ko sila kaya't nawala sa isip kong ilalabas na pala nila ito. Ako na lang kakausap kay Cameron." Pang-aamin nito. "Baka next week pa ang pasok ni pakner eh kaya nga ako lang pumasok ngayon. Ewan ko kung saan niya nakuha ang sugat na iyon muntik pang mabuking. Hala, huwag na tayong magsisihan. Ito lang masasabi ko talasan ninyo pang-amoy ninyo. You may now go back to your work." Pagtatapos niya sa dalawa pero lihim na nag-oobserba sa mga ito. May tiwala naman siya pero sa nangyari parang nagkahinala siyang ang isa sa mga tauhan niya ay balimbing iyon ang aalamin niya. Iyan ang trabaho nila by the way. They are all NBI agents. Dahil ayaw niyang malaman ng mga magulang niya ang tungkol sa tunay niyang trabaho ay mas minabuti ni Grace na sa bahay ng mga magulang niya siya magpapagaling. Iyon nga lang bored na bored siya. Walang magawa! As in WALA! Eh paano kasi baby pa siya kung ituring ng mga kasambahay nila! Ayaw siyang pahawakin ng trabaho. Ang rason anak daw siya ang amo nila kaya dapat siyang pagsilbihan. Iyon ang ayaw niya. Ayaw niya ang special treatment. Kaya nga naisipan niyang magsarili ng bahay iyon bang siya ang gumagalaw hindi iyong nakapalibot ang mga katulong para siyang imbalido! "What a f*ck! It's so boring!" Sinabunuyan niya tuloy ang sarili. Kaso! "Momsky, ano po ang kasalanan ng sarili mo sa iyo? Why your hurting yourself po?" inosenting taong ni Shane II. "Ay anak naman ng tokwa oo. Ano ang ginagawa mo riyan, baby?" tanong niya. "Momsky naman ang pogi ni Daddy of course anak niya ako. Aba'h Momsky anak ako ng tokwa? Hindi makatarungan iyan isusumbong kita kay Mamita." Pananakot ng makulit niyang pamangkin. Ito na naman ang makulit niyang pamangkin sa kakasumbong! Pero masisisi niya ba ito eh totoo naman anong anak siya nang tokwa eh anak ito ng kambal niya at ni Fatima! Ang malanding malibog na iyon huwag na huwag magpapakita kung sakali mang buhay pa ito baka madurog-durog niya ito ng pinong-pinu! "Momsky, nakatulala ka na naman namimiss mo si Tito MJ ano? Alam mo bagay kayo." Hagikhik na pambubuyo ng bata. Naku naku! Ang pamangkin niya! "Naman baby, best of buddy ko ang Tito MJ mo kaya natural na mamimis ko siya. Hindi ako type noon kaya huwag ka nanang mambuyo baby ha baka pagalitan ka ng Daddy mo kapag marinig ka niyang nagsasalita ng ganyan," aniya. Itong pamangkin niya ay marunong na! "Momsky, I did'nt say any badwords po. Bakit ako papagalitan ni Daddy? Pasyal naman tayo Momsky tayung tatlo nina Tito MJ." Paglalambing nito sa kaniya. Kaso! "Hindi maari anak, hindi puwedi sa iyu ang mapagod remember hindi ka pa lubusang nakarecover. Next time na lang," saad ni Shane na kanina pa pala nakikinig. "Daddy! Kanina pa po ba riyan? Diba bad po ang nakikinig sa usapan nang may usapan? Bakit ka po nakikinig sa usapan namin ni Momsky?" tanong nito sa ama at para pang matanda na dahil nakapamaywang. Gusto namang matawa ni Grace sa hitsura ng kambal niya. Pakamot-kamot ito sa ulo dahil pagsusupalpal d ng sariling anak. "Anak, naman wala naman akong narinig iyon lang sabi mo na mamamasyal kayo kasi hindi pa puwedi." Umiling-iling na pagtanggi ni Shane I. Aba'y sumubra naman yata ang talino ng anak niya. "Kung ayaw mo, Daddy, na mamasyal kami ni Momsky, tayong dalawa ang mamasyal at bibigyan mo siya nang flowers 'diba favorates ninyong girls iyon momsky?" patanong nitong sagot. Kaya naman! "Kambal, ayan. Ikaw na muna ang bahala sa anak mo. Tawagin ninyo si Garrette upang may kasama kayong mamasyal. Oh, that young boy too. Mukhang maaagang nakasubsob sa libro niya. Well, you may now take the wheels. Give my sister in-law the most beautiful flower." Abot hanggang-taenga ang ngiti niyang umakyat sa ikalawang palapag ng kabahayan kung saan naroon ang silid niya. Gusto niyang paghahagkan ang pamangkin niyang makulit dahil natakasan niya ang kambal niyang abogado! That day... Maghapong balisa si Marc Joseph, iniisip kung paano niya ipagtatapat kay Grace ang katotohanang nakalaya na ang prime suspect nila sa pagkamatay ni Annaliza. He know her very much. At siguradong uusok na naman ang bumbunan nito. Pero karapatan din naman nitong malaman kaya nang uwian ay naghanda na siyang umuwi ay mali papunta pala sa bahay ng mga Cameron. Kakausapin na lamang niya ito. Pagsakay niya sa kaniyang sasakyan ay agad niyang binuksan ang stereo nito at pumailanlang ang isang awitin na kanta ng idol niyang si Kieth Urban. ONLY YOU CAN LOVE ME THIS WAY Napangiti tuloy siya nang napalitan na ang musika. Dahil akmang-akma ito sa kaniya Tama! Mahal niya si Grace at ito lamang ang nag-iisang grasya ng buhay niya. Hindi niya ugaling magtawagan pag nasa sasakyan habang nagmamaneho siya ngunit nang nakitang ang GRACIA ng buhay niya ang tumatawag ay agad niya itong sinagot. "Okay nasa daan na ako. Ano aanhin mo ang mani? Ano? Mamaya sapakin tayo ng kambal mo eh! Ikaw talaga oo sige na nga mamaya na tayo mag-usap. Nasa daan ako at nagmamaneho. At dadaan pa sa bilihan ng pinababili mo. See you later." Wala ito sa tabi niya subalit nakikinita niya ang hitsura nito. Tuloy ay napailing na lamang siya. Kung hindi lamang niya ito mahal ay hindi siya nito mauutusan. But! "Sundan natin mga pare. Sigurado akong pupuntahan niyan iyong kasama niyang babae. Kailangang malaman natin kung saan nakatira iyon." Nakaturo ang palad ni Daniel nang nakita ang sasakyan ni MJ na paalis galing sa trabaho nito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD