CHAPTER FIFTEEN

2521 Words
"Sorry, Captain, kung natakot kita. Ngunit kasalanan ko ba kung malakas ang pang amoy ko. Alam mo namang ito ang buhay ko kahit lingid ito sa aking pamilya ginagawa ko pa rin. Pasensiya ka na rin." Baling ni Grace sa opisyal na nakatalaga sa firing range matapos niyang pinagbabaril ang mga hudas. "Okay lang, Cameron. Ngunit banaag kasi sa iyong mukha na wala ka sa hulog. Isa pa ay hindi ako sanay na nakikita kang malungkot at mag isa nakasanayan ko nang nakikita kayong magkasama ni Sir Mckevin," tugon nito. Pagkarinig naman ng dalaga sa pangalan ng partner niya ay muling bumalik sa kaniyang isipan ang kahawak-kamay nitong babae kaninang umaga. Hindi niya namalayan na napakunoot-noo na pala siya na hindi nalingid sa opisyal na kaharap niya. Tuloy! "Oh baka naman nagkatampuhan kayo ni Sir?" Nakangisi nitong pangangantiyaw sa kanya pero binatukan lamang niya ito. "Ang dami mong sinasabi, Captain Marasigan. Mauna na ako sa iyo at hapon na. Kailangan ko nang ibalik ang sasakyan ni Alferos huuh," nakangiti niyang saad sa kausap. Ngiti na hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata. Babalikan na sana niya ang sasakyan na hiniram niya sa tauhan nang may naalala siya. Kaya't animo'y nasa ROTC training siya. Muli niya itong hinarap. "Captain Marasigan, one thing more," aniya. "Ano iyon, Cameron?" tanong naman sa pag-aakalang may nakalimutan siya. "Pakiiwas-iwasan ang masyadong pagkakape mo masyado ka ng nerbiyoso." Nakangisi niya itong tinalikutan at agad sumakay sa nakaparadang sasakyan na hiniram niya. Kitang-kita pa rin niya kung paano ito kumamot sa ulo lalo pa at nagsidatingan mga kasama nito. Marahil inulan na naman ito ng tukso. Pabalik na sana siya sa presinto para ibalik ang sasakyan ng tauhan niya pero naisipan niyang dumalaw sa race track. Kaya nag U-turn siya at dinig na dinig at amoy na amoy ang langitngit ng gulong sa kalsada at ang amoy ng usok. Only can do this in a minute! No one else than Allien Grace Cameron. Ang hindi niya alam! Nagsalisihan sila ng Iyakain niya. Pagkaalis niya ay eksakto namang dumating ito. "Magandang hapon, Sir Mckevin. Kaaalis lang ni Miss Cameron ah. Nag-away ba kayo at himalang nagsalisihan kayo." Salubong na pagbati ni Captain Marasigan sa bagong dating na si Marc Joseph. "Carry on, Captain. Saan daw siya pupunta?" tugon niya na hindi maipagkakailang malungkot. "Hindi niya sinabi, Boss. Ang sabi lang niya babalik daw siya sa presinto ibalik niya sasakyan ni Alferos. Boss, dont get me wrong pero may away ba kayo Boss Cameron?" tanong ni Captain Marasigan. Sa tanong nito ay agad siyang napalingon. Malalim ang nais nitong ipakahulugan. "What do you mean, Captain?" maang niyang tanong. Subalit inakay siya nito papasok sa shooting range kung saan nagbabad umano ng ilang oras ang dalaga. Ipinakita sa kaniya ang mga magasin na wala ng laman. "Siya ang gumamit sa lahat ng iyan, Boss. Hindi tumigil hanggang hindi yata napagod at nang tinanong ko kong ano ang problema ay wala naman daw. At nang nabanggit ko ang pangalan mo ay biglang magbago ang ekspresyon ng mukha niya." Pagkukuwento nito. Pilit namang iniisip ng binata kung ano ang dahilan pero wala eh! Wala siyang maapuhap na dahilan para nagkaganoon si Grace, ang Gracia ng buhay niya. "Wala, Captain. Wala kaming problema, nanggaling nga kami kaninang umaga sa kanila at sabay pumasok. Nauna nga lang siyang pumasok sa opisina dahil may kausap ako sa guard house, mga bisita," pahayag niya. "Ah, Boss, babae o lalaki ang bisita mo?" kakamot-kamot nitong tanong. Aba'y masapak niya talaga ito eh! "What do you mean, Captain? Ano ang kinalaman ng bisita ko sa pagkakaganyan niya? Isa pa kahit magpakanlong pa sa akin ang sino mang kalahi ni Eva. They are nothing to me compare to her. Siya at siya pa rin ang the best sa akin." Kaso napataas ang kilay niya dahil napahalakhak ito. Tsk! Bugbugin niya kaya ito! "Hey, what's so funny with you, Captain Marasigan?" nakakunot-noo niyang saka natampal ang noo nang napagtanto ang nasabi niya. "Wala, Boss, huwag kang mag-alala. Walang makakaalam sa nararamdaman ko sa kaniya unless manggagaling sa iyo. Sa pagkaunawa ko lang ay nagseselos siya kaya ka niya iniwan sa lakad niya. Hala, Boss, hanapin mo na siya lalo at may pinagbabaril siya rito kanina. Nakatakas nga lang kung sino man ang mga herodes." Pagtataboy ni Captain Marasigan sa kakamot kamot sa batok na opisyal at numumula pa ang maputi nitong pisngi. Tinawagan ni MJ ang mga tauhan sa presinto para alamin kung nandoon ang dalaga. Wala daw! Hano raw? As in lumakad na namang mag-isa? "Aahh! Grace! Grace! Your driving me crazy! Where are you?" aburido niyang sambit lalo at hindi niya ito makita. Pero teka ani daw? Baka raw nagseselos ito? Kanino? Oh my goodness! Maaaring nakita nito na magkahawak-kamay sila ni Lovely. Ngunit bisita niya mga ito at isa pa tanda lang naman ng pagtanggap niya sa kanila iyon ah! Ipinakilala niya ng maayos ang sarili niya. Naman kasi! "What a f*ck!" Muli ay napahampas siya sa manibela dahil sa pag-aalala niya rito Samantala... Naramdaman ni Grace na may nakasunod sa kaniya. Kaya naman imbes na magtungo siya sa race track para e-follow up ang ikinabit niya dati na camera ay ideniretso niya ang pagmamaneho. Kaso ganoon pa rin! Nakasunod pa rin sa kaniya ang sinumang poncio pilatong may-ari ng sasakyan sa likuran niya. "Putcha naman! Huwag kayong magkakamaling banggain ako." Ngitngit niya nang makitang nakasunod pa rin ang sasakyan sa kaniya. "Tol dikitan mo," utos ni Clifford kay Guilbert na pansamantalang nagmamaneho. "Tol, over take mo siya ayan oh tumigil dali!" saad ni Denver. Ang hindi nila alam ay nakahanda na ang dalaga nang lapitan nila ito. Aba'h Girl Scout yata siya! "Miss, ano ang problema mo at bakit nakaharang ka daan?" kunwa'y tanong ni Denver pero nakasenyas sa mga kasama. Naiwan sa sasakyan sina Nemar t Daniel. "Ah, wala naman saka gilid kaya ito. Sige mauna na ako." Kumukulo man ang dugo niya sa hayop ay nagawa pa rin niyang nagpakahinahon. Lintik ang mga ito eh! "Not that fast, young lady. Nais pa naman sana naming makipagkilala sa iyo," nakangising Saad ni Clifford. Kaya't dali-daling umakyat ang dugo ng dalaga sa ulo! F*ck them all! Are they trying to do to her what they have done to Annaliza? No way! She will never allow it! Over her dead body! "Huwag n'yo akong piliting magalit. Dahil baka hindi ninyo magustuhan ang susunod kong gagawin sa inyo," mahinahon niyang sagot pero nagtawanan lamang sila bago siya pinalibutan. "Mga, Pare, take her!!!" malakas na utos ni Nemar sa mga kaibigan. Samantalang halos mahalughog na ni MJ ang mga lugar na maaring puntahan ni Grace pero wala. Hanggang sa maisip niya ang race track. Tama! Baka nandoon na naman ito! Kaya't agad siyang nagmaniobra patungong race track. Sa kabilang banda... "Ay, anak naman ng putcha! Sandali! Kung ka mang makadoorbell ay wagas na wagas abot hanggang third floor," bubulong-bulong si Lampa na kasalukuyang nagbabakasyon sa bahay ng mga Cameron. Well, Allen Johnson is his cousin by the way. Agad na tinungo ni Surene ang main door at pinagbuksan ito. Nakahanda na sana ang SONA niya este pagtatalak niya pero hindi niya ito itinuloy nang nakitang ang guard ang nagdodoorbell ng sunod-sunod. "Magandang araw po, Ma'am, may nagpapabigay po," magalang nitong sabi at iniabot ang isang brown envelop. "Magandang araw din sa iyo, Kuya. Sin po nagbigay? Salamat." Tinanggap niya ang envelope kasabay ng pasasalamat niya. "Isang Ginoo po pero hindi nagpakilala. Ang sabi niya ay basta ibigay ko sa rito sa loob Sige po babalik na po ako sa guard house,"saad nito at iniwan na siya. Sinipat ng maigi ni Surene ang envelop bago niya inilapag sa center table ng sala. "Hmmmm... Gusto ko mang malaman kung ano ang nasa loob mong envelop ka. Hindi ko naman ugali ang makialam sa gamit ng may gamit. Mr and Mrs Cameron eh Mrs Aguillar ako. Kaya't diyan ka na bahala na si insan at hipag na magbukas sa iyo." Inilapag niya ng maayos ang envelop sa center table. Eksaktong namang pagdating nina Shane Garrette at ShAne II. Nag-unahan at patakbong lumapit sa Mamita nila. Ngunit dahil malaki na si Shane II ay si Garrette na lamang ang kinanlong nito matapos humalik ang dalawa. "Musta ang school mga, apo?" tanong niya sa mga ito. "Okay naman po, Mamita. Marami po akong friends. Si Kuya ay masungit daw sabi ng crush niya," agad na pahayag ni Garrette. At kinakamot ng ulo ni Shane II na nasa ika-anim na taon na sa Elementary. "Ikaw talaga, Garrette. Sabi mo nga ay walang laglagan. Kaso ibinuking mo na naman ako," anito na kakamot-kamot sa ulo. "Eh, totoo naman kasi, Kuya. Binati ka nga ng babaeng iyon kanina ngunit hindi mo pinansin. Kung hindi ka tinapik-tapik ni Yaya ay nanatili kang tahimik." Bunga ng kainosentihan ay nagpatuloy si Garrette. Naman! Lampa umawat ka na! "Enough kids. Ang mahalaga ay hindi kayo nambabastos ng kapwa ninyo. Pero huwag kayong papaapi ha. Tandaan ninyong fighter ang lahi natin." Nakangiting pag-awat ni Rene sa dalawang apo ng pinsan niya. "Opo, Mamita. Change po muna kami ng damit kawawa naman si Yaya kung mapagalitan ni Daddy sungit." Humahagikhik na tumakbo paakyat ng hagdan ang sutil na si Garrette. Samantalang nakailing si Shane II na sumunod. Samantala... "Napadalaw ka, Sir MJ. Ano ang maipaglilingkod ko?" Salubong nitong tanong. "Wala naman, Mr. Delos Santos. Nandito po ba si AG?" lakas-loob niyang tanong. Kaso napakunoot-noo naman ang may-ari ng race track na si Phillip Delos Santos. "Diba ang huling pagpunta n'yo rito ay noong huling laban niya. Hindi ko pa nga siya nakakausap since then," tugon nito. Sa pahayag ng race track owner ay nagsimula na siyang kabahan. Dahil siya ang natatakot para sa babaeng lihim niyang minamahal. Kung siya ang lamang sana ay walang problema. Ngunit wala eh, kahit anong gawin niyang pag-iisip kung nasaan ito ay walang nais manunoot sa isipan niya. Kaya't hindi na rin siya nagtagal. Magalang siyang nagpaalam. "Sige po mauna na ako at hahanapin ko muna siya lalo at maghapon siyang wala." Magalang niyang paalam bago siya tuluyang umalis. Hindi na niya napansin ang pagmamanman nang nakasunod sa kaniyang sasakyan. "Hell! Where are you, Allien Grace!" gigil niyang sambit bago pinausad ang kaniyang sasakyan. Wala siyang choice kundi magtungo sa bahay ng dalaga. Ngunit naisipan niyang tawag ang kaawa-awang hiniraman nito ng sasakyan. Naghihintay pa rin ito sa headquarters. "Alferos, wala pa rin ba si Cameron?" tanong niya sa cellphone sa tauhang naghihintay sa dalaga dahil sa sasakyan nito. "Wala pa nga, Boss. Kung hindi pa siya darating hanggang six ay uuwi na ako. Alam ko namang hindi maaano ang sasakyan ko sa kaniya," sagot nito. "Kung ano ba naman kasi naisip nito at biglang umalis. Siya sige basta mag-ingat ka. Talasan mo ang pakiramdam mo alam ko na alam mo ang tinutukoy ko." Pinatay na rin niya ang cellphone saka ipinatong sa katabing upuan. "Sh*t! Damn! Sh*t!" He silently coursed! Mas kinakabahan na siya sa kasalukuyan kaysa kanina. Halos kabog na lamang ng dibdib ang kaniyang naririnig. "Lord, huwag mo pong ipahintulot na may masamang mangyari sa babaeng pinakamamahal ko. Save her, Lord. Promise magtatapat na ako basta walang mangyayaring masama sa kaniya." Nakatutok man ang paningin niya sa daan ngunit abalang-abala ang isipan niya. Naman! "Magagawa mo iyon, MJ? Eh, tiklop ka nga sa kaniya eh," panunukso ng kabilang panig ng utak niya. "Kaya mo bang isakripisyo ang pagkakaibigan ninyo?" tanong naman ng kabila. Napabuntunghininga naman ang binata dahil sa panunukso ng inner mind niya sa sarili. Tama naman ang magkabilang utak niya. Gusto niyang sumubok. High School pa lang sila ay mahal na niya ito kaya't kahit minsan hindi siya nagka-girlfriend. "Oist, manahimik na kayo. Oo na, walang mawawala kung susubukan ko kaya ituro na lamang ninyo sa akin kung nasaan siya," nagmukha tuloy siyang bubuyog sa loob ng sasakyan dahil bulong siya nang bulong. Sa kabilang banda... Dahil sa pinalibutan ng magkakaibigan ang dalaga wala nang option ang dalaga kundi ang harapin ang mga ito. Inilislis niya ang manggas ng kaniyang damit at ipinusod ang straight long hair kaya't hahaplusin sana ito ni Clifford kaso sipa lamang ang napala. "Mga Pare mukhang palaban. Aba'y iyan ang masarap," anitong hindi ininda ang pagsipa ng dalaga. "F*ck you morron! In your dreams! Kung matatalo mo ako gago!" gigil saad naman ng dalaga. "Well, well, I love that baby. Sayang lang ang katawang iyan kung hindi matitikman eh mukhang gago pa naman ang boyfriend mo." Nakangisi nitong pagsang-ayon. Hahawakan na sana nina Guilbert at Clifford ang dalaga sa magkabilang balikat nito kaso naunahan sila nito. Agad namang yumuko ang dalaga at umatras. Kaya't imbes na siya ang hawakan ng mga hudas na manyakis ay sila-sila mismu ang nagkauntugan. "Sabi ko namang huwag ninyo akong pilitin damn!" mariing wika ng dalaga at animo'y ibon na lumipad. Sapol ang dalawa nang tamaan sila ng flying kick niya. Aba'y! Sino ang hindi mahihilo sa ginawa niya! Mabuti nga sa kanila! F*ck! Hindi na talaga nila pinili ang kinakakalaban! Bumangon agad ang mga ito at akmang susugurin na naman siya. Ngunit muli niya silang pinagsusuntok at pinadapuan ng nakakaliyong sipa. Ang hindi niya napaghandaan ay ang pagganti nang sipa ng isa sa mga manyakis. Kaya't napayuko siya at halos bumalandra sa kalsada. "Tsk! Tsk! Tsk! Ikaw pa lamang ang nakagawa sa amin ng ganyan, babae ka. Ngayon ay patunayan mo ang galing mo pakialamera ka!" galit na saad ni Denver patunay lamang ang lakas ng boses. Kahit nanlalabo ang paningin ng dalaga ay pinilit niyang pinatatag ang kaniyang sarili. Hindi siya nag-aral upang talunin lamang ng mga hayop! Then... "You! And you! And you!" Sunod-sunod niyang pag-atake sa tatlo. Halatang hindi nila napaghandaan ang pagbangon niya. Kaya't wala pang isang minuto ay nakabulagta na ang mga ito at napusasan na niya. "F*ck you demon!" napamura siya nang nakita at napansin ang nakaumang na baril sa kaniya. "Ikaw munang animal ang mauuna sa amo mong si Lucifer, walangya ka!" gigil niyang sambit nang naunahan niya silang pinagbabaril. Kaso madulas ang mga demonyo dahil pinaharuthot ang sasakyan nila. Binalikan ng dalaga ang tatlo na nakaposas at inisa-isa niya silang ikinabit sa hood ng sasakyan. Kaya't nagmiatula silang mga kariton ng mga magbabasura. "Piliin ninyo ang kinakalaban ninyo kung gusto ninyong mabuhay. Kung pinalaya ni Chavez ang kaibigan ninyong si Daniel ay sisiguraduhin ko this time na wala sini man sa inyo ang makakalabas habang nabubuhay ako!" Nahampas niya ang manibela dahil sa panggigigil. Ah! wala siyang pakialam kong nakakaladkad ang mga lalaking nakaposas sa likuran ng kotse. Dahil kailangan niyang ideneretso ang mga ito sa presinto. "Bantayan ninyong mabuti ang mga iyan, Alferos at Andaya. Oras na makalaya ang mga iyan na hindi ko alam o wala ako ay ipinapasigurado kong trabaho at lisensiya ninyo ang kapalit." Namumula ang buong mukha niya dahil sa galit. Animo'y tigre na handang kumain ng buhay na tao. Hindi na nga nagawang sumaludo dahil kung gaano ito kabilis sumulpot ay ganoon din kabilis na naglaho sa kanilang harapan. Kilala nila ito kayang-kaya nitong gawin ang binitawang salita kaya minabuti nilang sundin ang utos nito mahirap na. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD