"Sir Alex, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko habang nakasakay kami sa mamahaling kotse niya.
Tumingin siya sa akin at marahang ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.
"Sir, kinakabahan na ako. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit.
"Malalaman mo rin 'yan," sagot niya sabay pisil sa ilong ko.
Nang makarating kami sa aming destinasyon, napatingin ako sa paligid at pinagmasdan ang lahat.
"Wala namang espesyal sa pupuntahan namin; puro lang mga gusali sa paligid," bulong ko.
"Ma, tara na, bumaba na tayo. Kanina pa sila naghihintay sa'yo," agad akong bumaba ng sasakyan.
Nang makarating kami sa isang silid, nagulat ako nang makita ang dalawang babaeng nakaupo sa upuan.
"Sir, ano ba ang gagawin ko dito?" tanong ko. Tumingin siya sa akin at nagsalita.
"Hindi ba gusto mong matuto kung paano ipagtanggol ang sarili mo?" sabi niya.
"Boss," diretsong sabi ng dalawang babae. Agad akong pinakilala ni Sir Alex sa kanila. Ang dami niya namang tauhan na nagkalat lang kung saan lugar; iba talaga pag mayaman.
"Miss Maria, handa ka na ba para sa unang araw ng training mo?" tanong niya. Napagat-labi ako bago tumango sa kanya.
"Sa unang araw ng training natin, kailangan mo nang mag-exercise," sabi niya. Agad kong sinunod ang mga tagubilin niya. Aba, mas mahirap pa pala ito kaysa sa itinuro sa akin ni Tatay Pedro noong nakatira pa ako sa bukid.
"Makalipas ng tatlong oras, ramdam ko ang pagod at pananakit ng katawan at mga binti ko dahil sa mga lunges at stretches na aming ginagawang pagsasanay. Parang bibigay na ang katawan ko, handa nang bumagsak sa sahig, nang biglang sinipa ni Kristina ang paa ko pababa.
"Matagal pa ba tayong matatapos, Kris?" tanong ko.
"Isang minuto na lang," sagot niya.
"Whew! Mabuti naman, sa wakas nakapaghinga na rin ako. Akala ko hindi na siya titigil," nakahinga ng maluwag habang nagpatuloy naman sa pagsasanay sina Kristina at Jana.
Pagkalipas ng tatlong araw, maaga akong nagising at nag-impake ng aking mga gamit. Ngayon na ang outing namin kasama ang ibang mga modelo sa kompanya. Sabi ni Paula, pupunta kami sa isang beach resort na pag-aari ng mga De Gutierrez.
Iisa lang ang sasakyan namin papunta roon. Mabilis kong inayos sa bag ang matching dress ko, ang susuotin ko mamaya doon sa beach.
Nang matapos kong maayos ang mga gamit, inayos ko naman ang sarili ko. Nagsuot ako ng puting jersey t-shirt at asul na maong. Pinarisan ko ito ng puting Fila na sapatos. Itinali ko ang mahaba kong buhok sa isang ponytail, at hinayaan ko naman ang maliliit na buhok sa paligid ng aking tainga at noo. Nagsuot din ako ng salamin kahit wala namang araw sa loob ng kwarto ko. Inayos ko ang aking damit at itinago ito sa loob ng aking maong. Tiningnan ko ang aking sarili sa malaking salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Pagdating ko sa kumpanya, agad kong nakita ang isang van na nakaparada sa parking area. Ang mga kasamahan ko ay nasa loob na ng van, nakaupo.
Bigla akong napatigil nang makita ko si Ivy na nakaupo malapit sa pinto ng van, nakataas ang isang kilay.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa van, handa nang sumakay, nang biglang humarang si Ivy sa daan ko.
Tumigil ako at tumingin sa kanya bago magsalita. "Ano ba 'to, Ivy?" diretso kong tanong.
"Hindi ka kasama dito," sabi niya habang hinaharangan ng kamay niya. Tiningnan ko siya ng diretso at saka inihagis ang kamay niyang nakaharang sa pinto at naghanda nang umakyat. Ngunit huminto ako at nilingon ang mabilis na pumaradang sports car sa tapat namin.
Lahat ng kasama ko ay lumingon din kung sino ang nasa loob ng Porsche sports car. Mabilis na bumaba si Ivy sa van, nabangga pa ako dahil sa pagmamadali niyang lumapit sa mamahaling sasakyan.
"Alex," diretsong sabi ni Ivy na may malapad na ngiti sa mga labi habang inilalagay ang kamay sa isang braso nito. Napatingin sa kanya si Sir Alex na nakataas ang isang kilay.
"Grabe naman, feeling ko malalaglag panty ko. Ngayon ko lang nakita si Sir Alex na ganyang damit, bagay na bagay sa kanya." Teka, parang may mali. Agad kong tiningnan ang damit na suot ko at ang damit na suot niya. Magkapareho kami ng suot:
Nakasuot siya ng puting jersey t-shirt at asul na maong. Nakasuot din siya ng puting Fila na sapatos. Wow, kamukha kami na parang kambal sa mga damit namin! Medyo magulo ang buhok niya, at nakasuot siya ng itim na salamin, parehong estilo ng akin.
Mabilis na sumakay si Ivy sa kotse nang biglang nagsalita si Sir Alex.
"Hindi ikaw ang gusto kong makasama dito." Kumunot ang noo ni Ivy, at umatras siya ng isang hakbang.
"Ma, ano pang hinihintay mo? Tara na, alis na tayo," diretso niyang sabi. Nagkatinginan silang lahat, at narinig kong nagkukuwentuhan nang malakas ang mga kasama ko.
Sobrang nahihiya ako. Parang nakadikit ang mga paa ko sa lupa; hindi ako makagalaw. Agad bumaba si Sir Alex at lumapit sa akin.
"Ma, ano'ng nangyari?" diretsong tanong niya.
"Ha, wala Sir," sagot ko, pilit na nagpapanggap na walang problema. Agad niyang hinawakan ang kamay ko, binuksan ang pinto ng kotse, at tinulungan akong sumakay.
Umalis kami kaagad sa lugar na iyon. Hindi mawala-wala ang hindi mapakaling pakiramdam ko habang minamasdan siyang nagmamaneho ng sasakyan.
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" tanong niya. Huminga ako nang malalim at sumagot, "Bakit hindi mo sinabi sa akin na sasama ka sa amin?"
Tumingin siya at marahang hinaplos ang buhok ko.
"Gusto ko lang sanang i-surprise ka, Ma," sabi niya nang taos-puso. Hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami sa beach resort na pupuntahan namin. Napasinghap ako nang makita ko ang malawak na karagatan at ang malalakas na alon na humahampas sa dalampasigan.
Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakakita ng ganitong kagandang tanawin.
"Ma, ayos ka lang ba?" tanong niya, hawak ang kamay ko habang bumababa sa mamahaling kotse niya. Naglalakad kami patungo sa malaking bahay, naglilibot ang mga mata ko, sinusuri ang lahat.
"Nananaginip ba ako? Ito ang lagi kong pinapangarap: na makapunta sa isang lugar na tulad nito. Ang lawak ng karagatan, napakaganda; kulay asul na nakakamangha. Ang sariwa ng hangin," sabi ko, huminga nang malalim at inamoy ang paligid. Dati, sa ilog lang ako lumalangoy kasama sina Simon at Cassandra, pero heto ako ngayon. Maglalangoy ako ng mag-isa. Pangarap namin ito: kaming tatlo, lumalangoy at naglalaro sa malawak na karagatan.
"Ma," sabi niya, inilagay ang kamay niya sa baywang ko. "Umiiyak ka ba? May problema ba?" diretso niyang tanong. Mabilis akong umiling at nagsalita.
"Salamat, Sir. Salamat sa lahat ng sakripisyo para sa akin. Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran sa lahat ng ginawa niyo. Binago mo ang buhay ko." Huminga muna siya ng malalim bago sumagot,
"Mahal kita, Ma. Gagawin ko ang lahat para sa'yo, at hindi mo na kailangang magbayad sa akin. Ginagawa ko ito nang buong puso dahil mahal kita."
Mabilis niyang hinawakan ang mukha ko sa kanyang mga kamay at hinalikan sa noo, pagkatapos ay sa dulo ng aking ilong, at panghuli sa aking mga labi.