Chapter 24:PAALAM

1175 Words
"Tatlong araw na tayo rito sa kweba. Hindi pa ba tayo aalis, o hahanap ng paraan para makalabas sa kagubatan?" Tumingin siya sa akin bago nagsalita. "Mas gusto ko rito, Maria. Malayo sa kaguluhan, tayong dalawa lang, walang problema." "Ano po ang ibig ninyong sabihin? May gusto po ba kayong sabihin sa akin? Mayaman na kayo, pero may problema pa rin kayo? Sinasabi nila na ang pera ang nagpapatakbo sa mundo at kaya nitong bilhin ang lahat ng gusto mo." "Hindi lahat ng mayaman at makapangyarihan, Maria, ay ganoon ang nararamdaman. Iba ako. Gusto ko ng tahimik na buhay, kahit hindi gaanong mayaman. Yung tipong kakain ka lang ng asin at patis, basta kasama mo ang taong mahal mo." "Hindi ka pa ba masaya sa buhay mo ngayon, sir?" tanong ko. Lumingon siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Maria, kapag nakalabas na tayo dito, baka matagal bago tayo magkita ulit. Alam mo naman kung bakit. Kailangan kong bumalik sa Maynila. Pero huwag kang mag-alala, babalik ako para sa'yo. Mag-ingat ka dito. Gusto sana kitang dalhin sa Maynila, pero natatakot ako na baka may mangyari sa'yo habang wala ako. Kapag maayos na ang lahat, babalik ako agad dito at kukunin kita sa Hacienda Acosta. Tandaan mo ang sinabi ko: kahit anong mangyari, huwag kang magpaapi. Lumaban ka kung kailangan. "Huwag kang mag-alala sa akin, Sir. Naiintindihan ko, at maghihintay ako rito hanggang sa bumalik ka." "Salamat sa pag-unawa, Maria." Hinalikan niya ako sa noo, tapos sa dulo ng ilong ko, at panghuli sa labi ko. "Maganda ang kwintas na 'yan," sabi niya, hinahaplos ang kwintas na nakasabit sa leeg ko. "Ito? Binigay ito sa akin ng kaibigan ko bago siya... nawala." "Nawala?" "Opo, Sir. Dahil sa akin, kaya siya namatay; dahil iniligtas niya ako mula sa casino." Tumingin siya sa akin nang diretso, nagkulubot ang noo niya at may tatlong guhit. "Sa tingin mo ba'y si Hades Acosta ang may kagagawan sa nangyari sa'yo, sa halos muntik na pagkamatay mo?" "Mag-ingat ka sa kanya. Alam ko ang bituka ng taong 'yan. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Katulad din siya ng ama niya." Bigla akong napalingon sa kanya, nagulat sa huling sinabi niya. "Ano po ang ibig ninyong sabihin, sir?" tanong ko. Huminga siya ng malalim at tumingin nang diretso sa akin. "Basta lagi kang mag-ingat, lalo na kapag wala ako." Tumango lang ako bilang sagot. Sabay kaming napalingon pareho sa pasukan ng kweba nang marinig namin ang papalapit na mga yapak. "Boss," sabi ng isang lalaki sa kanya. Agad na tumingin si Sir Alex at umiling. "Bakit kaya tinawag siyang 'boss' ng lalaking 'yon? Lahat ba sila tauhan ni Sir Alex? Ang dami niyang mga tao, at nakikita ko ang takot sa mga mukha nila habang pinagmamasdan sila ni Sir Alex?" "Matapos makipag-usap sa ilang lalaki, bumalik si Sir Alex at kinausap ako." "Maria, aalis na tayo dito ngayon. At saka, pagkatapos kitang ihatid sa Hacienda Acosta, aalis na rin ako," paliwanag niya sa akin nang may pagkaseryoso. "Pinapatawag ako ni Mama sa Maynila; may problema raw sa kompanya." "Huwag kang mag-alala para sa akin, Sir. Naiintindihan ko," sagot ko. Kahit na alam kong walang garantiya na magkikita pa kami ulit o babalik pa siya rito, ang totoo ay natatakot ako. Paano kung ang ginawa namin sa kweba sa loob ng tatlong araw ay magresulta sa isang bagay? Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan sa pagbibigay ng sarili ko sa kanya. Ito lang ang paraan na makaganti ako sa pagprotekta niya sa akin. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Mabilis ko itong pinunasan ng palihim bago siya lumingon para tingnan ako. "Ayos ka lang ba, Maria?" mabilis akong tumango bago sumagot. "Ayos lang po ako, Sir," pilit na ngumingiti. Pero napatingin ako sa isang lalaki at nakita ko ang pagkislap ng metal sa tagiliran niya. Bakit ba sila may dalang baril? Tanong ko sa sarili ko. Sino ka ba, Sir Alex? Ang misteryoso mo. Ipinagkatiwala ko ang sarili ko sa isang taong halos hindi ko pa kilala. Pero bigla akong naibalik sa realidad nang hawakan ni Sir Alex ang kamay ko habang lumalabas kami ng kweba. Lahat ay nakatingin sa amin. "Sandali lang, Maria," sabi ni Sir Alex, at umalis sa tabi ko. Agad naman may lalaking tumabi sa gilid ko at nagsalita. "Ayos ka lang ba, Miss?" tanong niya. Mabilis akong tumango. "Ang swerte mo kay Boss. Miss. Mabait na tao si Boss Alex." Ito ang unang pagkakataon na nakita kong may kasamang babae ang boss ko. Nagulat ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol kay Sir Alex, pero nahihiya ako. Baka ano pa ang masabi niya tungkol sa akin. "Maria, halika rito!" tawag ni Sir Alex. Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya. "Sir Alex, bumaba ka nga riyan! Baka mahulog ka. Ano ba'ng ginagawa mo sa puno ng bayabas?" sigaw ko, nang makita kong nag-aakyat siya ng bayabas sa itaas na sanga. "Gutom na ako, Maria. Kaya naisip kong umakyat dito," sagot ni Sir Alex. "Sir Alex, kailan ka ba nagsimulang mag-isip na parang bata? Bakit ka umakyat diyan, eh ang dami namang bayabas na nakasabit dito sa baba?" "Hayaan mo na siya. Ganyan talaga siya simula bata pa, mahilig umakyat sa puno," nakangiting sabi ng isa sa mga tauhan ni Sir Alex. Agad namang bumaba si Sir Alex matapos kumuha ng isang bungkos ng bayabas. "Oh! Kain ka muna," aniya sabay abot sa akin ng bayabas. "Salamat po, Sir," sabi ko habang kinukuha ang mga ito at kinakain ang isa. Pagdating namin sa Hacienda Acosta, sinalubong ako ni Agnes na may malalim na pag-aalala sa mukha niya. "Saan ka ba nagpunta, Labanos? Bakit ngayon ka lang bumalik?" diretsong tanong ni Agnes sa akin. "Pasensya na, Agnes. Alam kong nag-aalala ka. Nagkaroon kasi ng problema kaya hindi kami agad nakabalik ni Sir Alex," diretso kong sagot. "Teka, sino ba ang namatay, Agnes? Bakit may puting kabaong sa labas ng bahay at may kasama pang itim na mga bulaklak?" nagmamadali akong lumapit, pero pinigilan ako ni Agnes bago siya nagsalita. "Nakatanggap ulit ng padala si Donya Soledad. Mukhang talagang galit sa kanya ang kalaban niya; nakakatakot siya, Labanos," bulong niya. "Hinahanap ba nila ako, Agnes?" "Oo, hinahanap ka ni Don Miguel. Nag-aalala siya sa'yo, iniisip niyang baka may nangyari sa'yo. Pero huwag kang mag-alala, nakahanap na ng paraan si Senyorito Tamir para mapagaan ang loob ni Don Miguel." Mabilis akong lumingon kay Sir Alex na nakatayo sa gilid, nakikipag-usap kay Senyorito Tamir. "Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawang 'yon, Agnes?" Parang seryoso sila. Agad na napatingin sa akin si Senyorito Tamir habang nakikipag-usap kay Sir Alex. Matapos ang kanilang pag-uusap, nagpaalam si Sir Alex at mabilis na umalis. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Pinanood ko si Sir Alex habang papalayo siya sa Hacienda Acosta, sakay ng kanyang mamahaling kotse. Parang gusto nang tumulo ng luha ko habang pinapanood ko siyang papalayo. "Maria, halika na, pasok na tayo," sabi ni Senyorito Tamir. Kaya mabilis akong pumasok at dumiretso sa aking silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD