Bagyo: NAIILING NA LAMANG ako at hinahayaan ang mga staff ng salon na pinasukan namin nila kuya Tyrone, Typhus at Taylor na asikasuhin ako mula ulo hanggang paa. Kagagaling lang namin sa dermatologist nila para sa recommend nitong safe gamitin sa balat ko para mag-glow. Kahit tumanggi ako ay wala na akong nagawa ng bitbitin ako nila kuya na pinagkaisahan. Kahit paglilinis ng mga kuko ko pinagawa pa talaga nila. Kita ko naman ang effort nila para madagdagan ang self confidence ko at makalabas sa comfort zone na nakasanayan ko. Ayon kay ate Yonyon masanay na raw ako sa tatlong kuya namin dahil kung sinabi nila ay gagawin talaga nila. Wala namang masama sa kagustuhan nilang mag-level-up ako lalo sa panlabas na anyo at pananamit. Sobrang tuwa ko lang na inilalabas nila ako sa publiko. Kita