Dos: MARIIN AKONG NAPAPIKIT at pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik pa rin dito at ramdam kong nakahiga na ako sa matigas na bagay at nakaunan sa hita ng kung sino at sinusuklay-suklay ang buhok ko. "Rosas, anong gagawin natin? Humihinga pa ba si poging bay? Lagot tayo nito kay Bagyo" dinig kong nag-aalalang saad ni Tight sa paanan ko at....minamasahe ako sa paa. "Kalma ka lang, humihinga pa naman siya. Paano ba 'to naging captain sa duwag niya? Nakakaloka, gusto ko ng maniwalang bakla ito eh" natatawang sagot nitong ikinabungisngis ni Tight. Hindi na ako nakapagpigil at kinabig ito sa batok at siniil ng mapagparusang halik sa labi! Napatili pa si Tight sa paanan habang nanigas itong sweetheart kong hindi makakilos sa pagsisiil ko ng may kariinan! Dawalang beses na niya akong sinab