Bagyo: NAPANGISI AKO SA isip-isip ko ng mapalunok itong bumaba ng tingin sa mga labi ko. Sinadya kong iawang ang mga labi kong bahagyang ikinakibot ng mga labi nitong napaawang din. Dahan-dahan kong iyinuko ang mukha ko at mahinang natawa ng itingala din nito ang mukha na tila hinihintay dumapo ang mga labi ko dito at napapikit. "Tingin mo ba talaga.....hahalikan kita Lieutenant?" bulong kong ikinamulat nito. Napangisi akong ikinamula ng magandang mukha nito at bigla akong ....tinuhod! "Urrgghhh!! Lintek naman oh! ahhh!! Sh*t!" sunod-sunod kong hiyaw na napasapo sa alaga kong nagka-crack na yata ang eggs ko sa lakas ng pangtuhod nito. Namutla naman ito na bakas ang pag-aalala sa mga mata nito at 'di alam kung tatakbo ba o dadaluhan ako! "S-Sorry! M-Masakit ba?" sinamaan ko ito ng tingi