Chapter 7

1594 Words
DOS: UMIIKOT ang paligid ko sa mga nangyayari! Sumisikip din ang dibdib ko sa halo-halong nararamdaman ko ngayon na hawak ko si Daddy. Buhay siya. . . at siya nga si Suprimo na pinuno ng mga terorista. Tama lahat ng mga kutob ko. "Dos a-anak, o-okay ka lang ba?" Sa umiikot kong paningin ay napangiti akong marinig ang pagbigkas niya sa pangalan ko at sa pagtawag sa akin ng. . .anak. "D-Daddy. . . h'wag kang umalis," naghihingalong pakiusap ko at mahigpit na nakahawak sa braso nito. Nakaalalay naman ito sa akin na napasandal sa kanya sa kawalang lakas ng mga tuhod ko. "A-Anak." "Nagmamakaawa ako, Daddy." "Dos!" Dinig ko pa ang pagsigaw nito sa pangalan ko kasabay ng tuluyang pagbagsak ko sa bisig nitong ikinangiti ko. NAPAKUNOTNOO ako at pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik dito at parang nakakarinig ako ng hampas ng mga. . . alon?! Napabalikwas ako ng upo at napalunok na mabungaran ang paligid ko! Iginala ko ang paningin at napagtantong nasa baywalk lang naman ako ng Manila bay. Madilim na dito at may mga iilang katao pa rin naman sa 'di kalayuan. Napatayo akong nagpaikot-ikot para hanapin si. . . Daddy. Nangilid ang luha kong napapasabunot sa ulo ko dala ng pagka-frustrated kong iniwan ako nito! "Nandito ako." Nanigas ako sa narinig sa may likuran kong baritonong boses nito. "Akala mo ba, iiwanan na lang kita basta dito?" Napahagulhol akong napatakip ng kamay sa bibig! Ayo'ko mang isipin niyang napakalambot ng Jr niya pero. . . 'di ko mapigilan ang sariling maiyak sa sobrang tuwa na hindi ako nananaginip at nandito siya. Hindi niya ako iniwan kahit pagkakataon na sana niyang makatakas muli. Napasubsob ako sa balikat nito ng magtungo ito sa harapan ko at mahigpit akong niyakap! Natatawa pa itong kumalas at pinahid ang luha kong ikinalabi ko. Napatitig ako sa mukha nito. Kahit balbas sarado siya at mahaba na ang buhok nitong nakapusod ay makikilala at makikilala ko pa rin siya. Buhay nga siya. Buhay pa. . . ang Daddy ko! "Paano ka nakarating ng nayon? Anong mga natuklasan mo, hmm?" tanong nito na nakatitig sa aking mga mata. Namilog ang mga mata ko pero nangingiti lang naman ito. "Alam niyo po? Nakilala niyo ako?" namamanghang bulalas ko. "Paanong hindi kita makikilala, eh dalawang Bagyo ang naabutan kong nahihimbing sa bahay," sagot naman niyo. Napakamot ako sa ulo na nagpipigil mapangiti. Naupo na kami sa buhangin at humarap sa kalmadong dagat. "Bakit po kayo nagtago, Dad? Paano niyo kami natiis?" basag ko sa mahaba-haba naming katahimikan. Napayuko ito at yumugyog ang balikat na ikinatulo din ng luha ko. Parang may tumatarak sa puso kong makita itong tahimik na umiiyak sa tabi ko. Kahit malaki ang pagtatampo ko dito ay mas nanaig ang pagiging anak ko sa mga oras na 'to. Kinabig ko itong isinandal sa balikat ko at hinayaan lang ilabas ang nararamdaman. "Patawad." Basag ang boses nitong saad. Mapait akong napangiti na marinig ang katagang 'yon sa kanya. "You don't have to apologize, Daddy, naiintindihan ko. Isa lang ang ipapakiusap ko." Napalingon ito sa akin kaya nilingon ko rin at matamang nakipagtitigan sa namumula na niyang mga mata. "Bumalik ka na, please? Awang-awa na kami kay Mommy. Hanggang ngayo'y nagdudusa pa rin siya at hindi tanggap ang nangyari sayo. Alam mo ba, Dad? Ni minsan hindi nag-exist si Dos sa paningin ni Mommy. Dahil ang nakikita niya sa katauhan ko. . .ay ikaw. Siguro para hindi siya tuluyang mawala sa katinuan na pilit niyang nilalabanan. Kaya iniisip na lang niyang. . . ako, ikaw." Pagtatapat ko na puno ng pakiusap ang mga mata at tono. Napalunok ito na kitang natigilan at namutla sa ipinagtapat ko. "A-Anong ibig mong sabihin? Akala ko maayos na siya?" nakatulalang tanong nito. Napailing akong lalong ikinamutla nito lalo na namuo ang luha sa mga mata. "Paano siya naging maayos, Dad? For twenty five years. . . sa silid niyo lang po umiikot ang mundo ni Mommy. Twenty five years, Daddy. Gano'n katagal na nagluluksa si Mommy hanggang ngayon sa pagkawala niyo. Hindi niya matanggap na wala na kayo. Nakikiusap po ako, Daddy. Balikan mo na si Mommy. Bago pa. . . mahuli ang lahat," mapait kong saad na ikinatulo ng luha naming mag-ama. "Pero--" Natigilan itong napapilig ng ulo na ikinakunotnoo kong matamang na nakatitig dito at binabasa ang tumatakbo sa isip. "s**t!" bulalas nito na biglang napatayo! "Ibig mo bang sabihin. . .ang Catrione na nagpapakita sa publiko ay hindi--" "Hindi siya si Mommy, kundi si Tita Cathleen 'yon, Dad," putol ko at napatayo na rin. Muli ring tumulo ang masaganang luha nito at mababasa ang matinding pagsisisi sa mga mata nito. Tinapik ko ito sa balikat sa pagkakatulala nito. "Umuwi na tayo, Daddy. Gawin mo 'to para kay Mommy. Gustong-gusto ko ng mag-exist si Dos sa paningin ni Mommy. Nakikiusap ako, bumalik ka na," pakiusap ko dito. Napailing-iling itong napayuko na yumugyog ang balikat at napahagulhol. "Paano pa ako haharap sa kanya? Hindi na ako ang Typhoon na minahal niya, hindi na ako karapat dapat sa kanya," mapait nitong turan. "H'wag mong sabihin 'yan, Daddy. Ikaw man si Typhoon. O si Suprimo ngayon, ikaw pa rin ang nag-iisang ama namin. Ang asawa ng ina namin. Alam kong mauunawaan ka ni Mommy. Matatanggap ka, kaya please, Dad? Umuwi na po tayo. Para makita mo kung anong itsura ng ina naming naghihintay pa rin sa'yo," pakiusap ko pa rin dito. "S-sige." MAGKAHALONG saya, kaba at excitement ang nararamdaman ko habang angkas si Daddy at pauwi kami ng mansion! Napakatahimik na ng mansion nang makarating kami dito dahil halos maghahating-gabi na rin. "Are you ready, Dad?" bulong ko na hawak na ang doorknob ng pinto sa silid ni Mommy. Kita ko ring kabado ito at namamawis ang mukha. Napabuga pa ito ng hangin at mariing napapikit na tila kinakalma ang sarili. "I'm ready, son." Napangiti ako at dahan-dahang pinihit ang pinto. Pinauna ko itong pinapasok at parang naninigas itong dahan-dahang naglalakad papasok habang nakamata sa ina kong nahihimbing na sa gitna ng malaking kama nito. Nakatulog na rin si Typhus ate Yoona sa couch na siyang nagbabantay kay Mommy. Tahimik lang akong nakasunod at inaakay itong nanginginig ang katawan habang tahimik na lumuluha at nakatutok kay Mommy ang paningin. Iniupo ko ito sa gilid ng kama katabi si Mommy at naupo sa likuran nito. Panay ang tulo ng luha ko pero luha na dulot ng sobrang tuwa na nasasaksihan ang eksenang maghaharap muli si Mommy at Daddy na akala ko'y sa panaginip ko lang mararanasan! "M-Mommy. . . M-Mommy, nandito na ako. Gumising ka," nanginginig ang boses na pagkausap nito. Napahagulhol ito ng unti-unting magmulat si Mommy na bakas ang kabiglaan at kaagad ding nanubing ang mga mata. Napaupo ito at agad niyakap ni Daddy kaya napahagulhol silang dalawang ikinaluha ko lalo at 'di na nakatiis na yakapin silang dalawa! "H'wag ka ng umiyak, Mommy. Nandito na ako. . .patawarin mo ako kung ngayon lang ako nagpakita sa'yo," humihikbing saad nito kay Mommy na napapalabing nakatitig at haplos siya sa pisngi. "Buhay ka," mahinang sambit ni Mommy na ikinatango-tango ni Daddy dito. Napatayo akong niyakap na si Mommy na sa wakas ay nagsalita na sa pagkakatulala kay Daddy na kaharap nito. "Buhay si Daddy, Mommy. At ako ang nakahanap sa kanya. H'wag ka ng malungkot, Mommy. Mabubuo na tayong pamilya. . . kasama si Daddy. Hindi na ulit kayo magkakahiwalay. Ako na ang tatapos. . . sa nasimulan ni Daddy," saad ko. Bumaling ito sa aking mahigpit akong niyakap na ginantihan ko kaya nakiyakap na rin si Daddy sa aming mag-ina nito. Lalong napahagulhol si Mommy na nakayakap na sa amin habang hinahaplos namin ito sa ulo at likod nito. "H'wag ka na ulit aalis, Daddy. Dito ka lang. Maawa ka naman sa akin," humihikbing pakiusap nito na kay Daddy na nakamatang muli. 'Di ko mapigilang kiligin nang hinaplos ito ni Daddy sa pisngi at siniil ng halik sa labi! Tumayo na ako at sinalubong si Ate Yoona na nakatulalang dahan-dahang naglalakad palapit sa amin. "A-Ano 'to. . . Dos, s-sino siya?" nauutal nitong bulong. Yumakap na ako dito sa sobrang tuwa ko sa mga nangyayari na tila isang magandang panaginip! "Si Daddy, buhay siya, Ate. Sinabi ko naman sa inyo. Dadalhin ko siya dito kay Mommy," bulong kong ikinanigas nitong tumingala sa akin. "S-Si Tito? B-Buhay pa siya?" Tumango-tango akong nakangiti ditong ikinaputla at lunok nito ng sunod-sunod. Napalingon kami kina Mommy at Daddy ng magsalita na si Daddy. "Pangako, Mommy. Hindi ka na ulit mag-iisa. Hinding-hindi na ulit kita iiwanan. . . dahil sa serbisyo." "Ibig mong sabihin--" "Wala na ako sa serbisyo, Mommy. At oras na rin siguro para sa'yo na matuon ang oras. . .at buong attention ko," agap nito sa pagtatanong pa ni Mommy. " 'Yon ay kung. . . matatanggap mo pa ako, Mommy?" ani Daddy. Naluha itong napatango-tango kay Daddy at kaagad niyakap na ikinatulo ng luha kong nakamata sa mga magulang ko. "Tama 'yan, Daddy. Ipaubaya mo na sa akin ang nasimulan mo. Kami ni Bagyo de third ang tatapos. . . sa naumpisahan mo. Pangalagaan mo na lang si Mommy. . .malayo sa lugar na 'to," saad ko na ikinalingon ng mga ito sa akin. Napatayo ito ng tuwid sa harap ko na napatango-tango habang hawak ang isang kamay ni Mommy. "A'right, ipagkaka tiwala ko na sa inyo ni Bagyo ang naumpisahan ko. Linisin mo ang pamahalaan natin, Captain Typhoon Del Mundo. . . Jr." Maawtoridad nitong saad na ikinatuwid ko rin ng tayo at sinaluduhan ito. "I will, Captain Typhoon Del Mundo. . .Sr!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD