DOS:
PALINGA-LINGA ako sa paligid pagkababa namin ni Rose sa bungaran ng kanilang nayon. Tahimik na ang paligid at may mga ilaw pa rin naman sa mga kabahayan ditong magkakatabi-tabi lang.
May mga iilang tao pa sa paligid pero normal lang naman ang kilos nila kung saan nagkukwentuhan habang nag-iinuman sa balkonahe ng bahay.
Wala rin akong makitang may mga dalang baril kung kuta man ito ng mga teroristang pinamumunuan ni Suprimo.
"Dito nakatira si Bagyo kasama ang ama niya," mahinang bulong nito pagkatapat namin sa pinakagitnang bahay.
"May hinahanap ka?" bulong pa nitong kaagad kong ikinailing at matamis itong nginitian dahil nanunuri ang ginagawad nitong tingin.
"Ang tahimik naman dito."
Nakitabi na ako sa pag-upo nito sa pahabang upuang kawayan dito sa loob ng balkonahe ng bahay nila Bagyo.
"Maagang natutulog ang mga tao dito dahil maaga rin gumigising," simpleng sagot nito.
"Ano bang pinagkaka abalahan niyo dito?" pag-uusyoso ko at pinapakiramdaman ang reaks'yon nito.
"Ano pa nga ba? Nasa bundok tayo kaya malamang pagsasaka," pabalang sagot nitong ikinanguso ko.
"Bakit ba ang sungit mo sa akin? Maayos naman tayo kanina ah."
Umusog ako sa tabi nito at matamang tinititigan pero tinaasan lang ako ng kilay at umusog din palayo kaya sinundan kong muli hanggang sumudsod kami sa dulo ng upuan at na-corner ko ito.
"Kasi niloko mo ako! Hindi ikaw ang kaibigan ko at wala akong planong kaibiganin ka," mahinang asik nito at tinutulak na ako pausog dahil magkadikit na kami.
"Ako rin naman. Wala akong planong kaibiganin ka," nakangising sagot kong ikinaikot ng mga mata nito.
Ang maldita niya pero hindi naman ako makaramdam ng irita kundi tuwang-tuwa pa!
"Tsk," ismid pa nito.
"Asawahin, p'wede pa," nangingiting segunda ko sabay kindat ditong ikinamula ng magandang mukha nito.
"Mangarap ka."
"Oo, pangarap na kita, aww!" napadaing ako sa pasimple nitong pagsipa sa nakadekwatrong binti ko.
"Ang brutal mo naman, but I like it, I love it rough, sweetheart," kaagad akong napatayo at iika-ika ng akmang maninipa na naman ito!
" Ang bastos talaga ng bunganga mo!" asik nitong halatang pikon pero pinamumulaan na sinasamaan ako ng tingin.
"Anong bastos do'n? Sweetheart, ah, ang dumi ng isip mo," tudyo kong ikinatagis ng panga nito.
"Alam mo. . . may mga alaga kaming. . . . dwende dito."
Namilog ang mga mata ko at kaagad naupo sa tabi nito at muling napalinga-linga sa paligid!
"Se-Seryoso? 'Di nga? May mga gano'n ba talagang creatures?" kabadong tanong ko at tinatayuan na ako ng mga balahibo sa katawan!
"Gusto mo silang makilala? Alam mo, magugustuhan ka nila. Mahilig kasi sila sa mga maiingay na kalaro, tara?"
Napayakap ako sa braso nito at mas nagsumiksik sa sinaad nito lalo't napakaseryoso nito! Kinikilabutan akong napapasilip-silip tuloy sa paligid dahil baka bigla na lamang may tumalong dwende sa akin!
"Lumayo ka nga, napipisat mo na ako!" mahinang asik nito at binabaklas ang kamay kong nakayakap sa braso nito.
"Ayo'ko. Bakit ka kasi na nanakot?" umiling-iling sagot ko.
"Makikipaglaro lang naman sila sa'yo, hindi ka nila makakain sa laki mo."
"Rose naman, hindi ka na nakakatuwa ah, kita mong natatakot na ako eh."
Napahagikhik itong tumayo na kaya napasunod akong nakakapit pa rin sa braso nito.
"Ano ba, Dos? Bitaw nga!" asik pa nitong binabaklas ang kamay ko.
Napanguso akong umiling-iling at nagsusumamong tumitig dito kaya tinaasan ako ng kilay.
"Saan ka ba kasi pupunta?"
"Hello? Uuwi na, naihatid na kita oh."
Namilog ang mga mata kong lalong napasiksik dito.
"Bumitaw ka nga, kanina ka pa yakap nang yakap ah! Akala mo, 'di kita nahahalata? Umayos ka nga, babalian na kita ng braso sige ka," madiing banta na nitong ikinalunok ko.
"H'wag ka namang mang-iwan. Alam mong kayo lang ang kakilala ko dito," pagpapaawa ko pang ikinangisi nito.
"At anong gusto mo? Bantayan kita magdamag? Hoy, Dos. Inaantok na ako. May pasok pa ako bukas. Pumasok ka na nga. Itulog mo na lang 'yan. Susunod din naman maya-maya si Bagyo. Hintayin mo na lang sa loob."
Kaagad akong umiling at hinila itong umupong muli.
"Sandali lang, hintayin natin si Bagyo. Idlip ka muna kung inaantok ka na," binawi naman nito ang kamay at sinamaan ako ng tingin.
"Kanina ka pa tsansing nang tsansing, hah! Sasamain ka na talaga sa'kin. Saka hindi ako p'wedeng matulog dito. Gusto mo bang habulin ka ng itak ng Tatay ko?"
Natigilan ako at sunod-sunod napalunok sa sinaad nito.
"Ang makaluma naman ng Tatay natin. Hello? Hindi na kaya uso ngayon ang ipagsisibak mo ng kahoy, mag-iigib ng balde-baldeng tubig at kung ano-ano pa makaligaw ka lang sa dalagang matitipuhan mo. Sa syudad nga eh, kaliwa't kanan ang manliligaw kong naggagandahang mga dilag. Actress, beauty queen at mga model, mapa local at international na binabasted ko lang."
Napangiwi pa itong inismidan akong muli.
"Tatay natin? Ang taas mo talagang mangarap eh," nakangising saad nito na ikinakamot ko sa ulo.
"Oh, buti naman nandito ka na. Uwi na ako, bahala ka na d'yan sa kaibigan mong may hangin sa utak," bungad nito kay Bagyo na bagong dating.
Napapalinga pa sa paligid kahit sarado na ang mga kabahayan at napakatahimik na ng paligid. Tanging mga kulisap at kung ano-ano pang uri ng insekto na lang ang naghaharing ingay sa paligid.
"Ang sama talaga ng tabas ng dila mo sa'kin eh. Hindi mo ba alam 'yong kasabihan na. . .the more you hate, the more you love, sweetheart?" nakangising saad ko na ikinaikot ng mga mata nito at tinapik pa si Bagyo sa balikat bago lumabas ng balkonahe.
"Uy, sweetheart. . . wala bang goodnight manlang d'yan?" pahabol ko pa pero iniumang lang nito ang kinuyom na kamao sa akin.
Natatawa na lamang akong nag-flying-kiss dito na sinalo nito at kunwari inihulog sa lupa at tinapaktapakan na ikanabungisngis namin ni Bagyo. Nagmart'ya na itong sumuot sa kabahayan kaya napapairit na lamang akong nangingiti sa inasta nito.
"Tuloy ka, Dos. Tara sa loob."
Napasunod ako dito at iginiya ang paningin sa maliit nilang silid. May dalawang pangsolohang katre dito na may nakalatag na banig, unan at kumot. Yari din sa kawayan at kugon ang bahay nila pero masinop naman at may solar silang gamit kaya maliwanag dito sa loob at presko din.
"H'wag kang mag-alala mamayang madaling araw pa uuwi si Tatay. Kumain muna tayo," saad nitong ikinatango-tango ko at napasunod sa sinuutan nitong pinto na konektado pa rin dito sa tulugan nila.
Bumungad sa akin ang may kasikipan din nilang kusina at maging mga kagamitan dito ay mga simple lang. Kahit nga lutuan nila ay yari sa kalan na may mga kahoy na nakasalansang sa taas nitong tila pinauusukan.
Naupo ako sa upuang yari sa kahoy na kaharap ang mesa nilang yari naman sa kawayan. Wala silang ni anong appliances dito at kahit lababo.
Pinanood ko naman itong naghain ng ulam at kanin. Napapilig ako ng ulo ng dahon-dahon ang inihain nitong ulam na may halong karne ng manok. Nagdikdik pa ito ng sili na hinaluan ng asin.
"Kain na, pasensiya ka na. Alam ko namang anak mayaman ka sa tindig mo pa lang pero. . . simple lang kasi ang pamumuhay at mga pagkain namin dito."
"Ano ka ba, okay lang h'wag ka ng mahiya. Bago sa akin ang mga ito kaya. . . excited akong masubukan mamuhay ng simple," agap kong ikinatango-tango nito.
Sinubukan kong tikman ang sabaw ng ulam na nasa harap ko at namilog ang mga mata kong napaangat ng mukha dito.
Nakangiti naman itong matamang akong pinapanood at inaabangan ang reaks'yon ko. Hindi pa ako nakuntento at makailang ulit pa akong sumubo sa sabaw ng ulam at napapapikit sa sarap ng lasa nitong ngayon ko lang natikman sa tanang buhay ko!
"Ang sarap naman nito! Anong tawag niyo dito? Ikaw ba nagluto?" sunod-sunod kong tanong at muling sumubo na nilagyan ko na ng sayote at dahon ang sabaw na sinubo ko.
"Pinikpikan ang tawag d'yan. Isa 'yang native na manok na iginisang maigi at sinahugan ng mga gulay, sayote at dahon ng malunggay ang best na pangsahog sa putaheng 'to. At. . . si Tatay ang nagluto nito," nakangiting sagot nito.
Napangiti na rin akong panay ang subo dahil nakakagana ang sarap ng ulam nila kahit isang simpleng putahe lang ito kumpara sa mga nakasanayan ko.
"Ang swerte mo. Kasa-kasama mo ang ama mo hanggang ngayon. Ako kasi ni hindi ko alam ang boses niya. Kung 'di ko lang napapanood noon ang mga videos niyang napakasaya niya kasama si Mommy."
Napapatango-tango naman itong sinasabayan akong kumain.
"Ang Mommy mo ba, Dos. . . hindi na ba nag-asawa? 'Di ba sabi mo maaga kayong naulila. So, maaga din siyang nabalo?"
Napailing akong malungkot na ngumiti dito.
"Masyadong mahal ni Mommy si Daddy kaya hindi na niya magawang magmahal pa ng iba. Hanggang ngayon nga nagluluksa pa rin si Mommy at 'di matanggap ang pagkawala ni Daddy."
Natigilan itong lumamlam ang mga mata at lumungkot din ang itsura.
"I'm sorry," mahinang saad nitong ikinangiti ko.
"Wala 'yon, tanggap naman na namin ang naging kapalaran ng mga magulang namin. Ikaw ba, Bagyo? Nandito din ba ang Nanay mo?" balik tanong ko habang kumakain pa rin kaming magkaharap.
Mapait naman itong napangiti at umiling na ikinatigil ko sa pagnguya.
"Nandito din siya, pero hindi sila nagsasama ni Tatay. Mahabang estorya, Dos. Pero para mapadali. May nauna ng pamilya si Tatay at dahil kay Nanay nagkasira sila ng asawa niya. Dating pulis si Tatay at katrabaho niya si Nanay sa headquarters nila. At 'yon nga, inuna ni Tatay ang misyon niya bago ang pamilya niya hanggang sa napadpad na sila dito sa nayon. . . kasama ni Nanay."
Kita ang pagdaan ng kakaibang sakit sa mga mata nitong nanubig na kaagad niyang pinahid.
"Pero. . .nabuo ka."
Mapait itong napangiti at napailing.
"Aksidente lang, Dos. Dahil sa kalasingan ni Tatay. . . kaya nabuo ako sa isang gabing pagkakamali niya."
"Kumusta ang relasyon niyo ng magulang mo kung gano'n?" usyoso ko pa at nagpatuloy muling kumain kasabay nito.
"Maayos ang relasyon namin ni Tatay, mula pagkabata ay siya na itong kasa-kasama ko. Pero kay Nanay. . . hindi. Galit sa akin si Nanay dahil mula bata ako ay inuutusan na niya akong aluhin ko si Tatay na pumayag magsama-sama kami dito sa bahay pero mahigpit na tumututol si Tatay. Dahil hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin nito ang asawang iniwan."
Napipilan ako sa narinig dito at nakaramdam ng awa at habag para dito.
MASAYA kaming nagkwentuhan ni Bagyo pagkatapos kumain. Magkatabi din kami sa higaan nito nahiga. Kahit hindi ako sanay sa masikip at matigas na higaan ay may kakaibang tuwa at comfort sa puso ko na makatabi ito sa bahay na kinalakhan niya.
Gusto ko rin makilala bukas ang ama niya at sana magustuhan ako nito katulad ng pagkagusto at pagka-komportable namin ni Bagyo sa isa't-isa.
Hindi na nga namin namalayan ang oras at maghahating-gabi na nang makatulog kami.
Napainat ako sa nangangalay kong mga braso. Napatakip ako ng unan sa tainga sa ingay ng mga matitinis na boses sa paligid.
Napabalikwas ako nang maalalang nasa nayon nga pala ako nila Bagyo at wala sa mansion!
Saka ko lang napansing maliwanag na at maraming batang naghahabulan sa labas na siyang maingay!
Napasuot ako ng reading glasses at bonet ko para itago ang itsura ko sa mga tao saka lumabas ng bahay.
"Good morning, bay!" masiglang bungad ni Tight na prenteng nakaupo dito sa balkonahe habang nagkakape at mukhang inaabangan ang paglabas ko.
"Good morning, ano 'yong bay na tinatawag mo sa akin?" mahinang tanong ko pagkaupo sa tabi nitong ikinabungisngis pa nito.
tinimplahan pa ako ng black coffee mula sa thermos na nandidito sa mesang kaharap namin.
"Bay, ibig sabihin. . . kaibigan. Kape mo, Captain" bulong pa nito.
Napalinga-linga ako sa paligid dahil tanging mga paslit at iilang ginang ang nandidito na sa mga kabahayan.
"Si Bagyo at ama niya?" bulong ko dito habang pasimpleng iginagala ang paningin at pinag-aaralan ang lugar nila kung may kahina-hinala ba.
"Si Suprimo nasa sakahan kasama ang mga tao dito sa nayon. Si Bagyo naman bumaba muna ng bayan kanina para hindi kayo pagdudahan dalawa kayong Bagyo dito. Panigurado kasing magsususpetsa si Tita Thea at baka mabisto ka pang isa kang pulis."
Napakunotnoo akong napatitig ditong napatikong ng bibig at napapangiwi.
"Sino naman 'yong Tita Thea na 'yon? May problema ba kung malaman nilang pulis ako? At bakit Suprimo ang tawag niyo sa ama ni Bagyo?"
Napailap ang mga mata nitong nagpalinga-linga sa paligid at inilapit ang mukha sa akin.
"Galit kasi si Tita Thea sa mga pulis, siya ang ina ni Bagyo. Nako sinasabi ko sa'yo, hindi mo gugustuhin makaharap si Tita dahil kung gaano kabait si Suprimo? Siya namang kabaliktaran ng ugali ni Tita Thea. Kaya hindi namin masisi si Suprimo na hindi niya gustong maging asawa ito. At kaya Suprimo ang tawag namin sa ama ni katukayo mo, dahil siya ang nagsisilbing Kapitan, pinuno o ama ng buong nayon. Kumbaga, siya ang boss na iginagalang ng lahat ng tao dito," daldal pa nitong ikinatango-tango ko.
"Gano'n ba? Hindi ba't Jr din si Bagyo so ibig sabihin. . . Typhoon Del Mundo din ang pangalan ng ama nito?"
Napalunok ako sa naitanong ko at nilukob ng kakaibang kaba na ikinanigas ko. Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang pagkaka-coincidence ng mga bagay-bagay sa amin ni Bagyo.
Malapit ang loob namin sa isa't-isang ramdam namin ang koneksyon namin. Magkamukha at magkapangalan. Nabanggit niya kagabi na dating pulis ang ama niya at dati ng may asawa. Pero dahil mas inuna nito ang tungkulin, kaya siya napadpad dito sa nayon.
Napatampal ako sa noo ko ng tapikin ako ni Tight sa pagkakatulala ko sa mga iniisip.
Napailing-iling ako para iwaksi sa isip ang kahibangang nabuo sa imahinasyon kong imposibleng mangyari.
Nakakatawa naman kasing sumagi sa isip kong. . . hindi kaya si Daddy Typhoon at ang Tatay ni Bagyo na Typhoon din ang totoong pangalan ay. . . ay iisa!
"Bay? Bakit, may problema ba?"
Napapitlag ako sa pagyugyog sa akin ni Tight na matamang na pala akong tinititigan.
"Na-Nasaan 'yong sakahan? P'wede mo ba akong dalhin doon? Hindi ko na kasi nahintay kagabi ang pag-uwi ni. . . ni Suprimo. Gusto ko sanang makilala ang ama ni Bagyo, baka lang kasi. . . alam mo na. Magkahawig din sila ng Daddy ko," pakiusap kong ikinangiti at tango nito kaya napatayo na akong parang nasapian ng enerhiya!
Isa lang ang solusyon para matigil ang guni-guni kong nagbibigay ng nakakahibang na pag-asa sa puso ko! Pag-asa na sana ay tama ako kahit napaka-imposible pero umaasang ang Typhoon na ama ko at Typhoon na ama ni Bagyo ay. . . ay iisang tao lang!
Halo-halong emosyon nararamdaman ko habang palabas kami ni Tight ng kabahayan para bumaba sa sakahan nila. Pero hindi pa man kami nakakalayo ay nag-ring ang cellphone ko.
Nanigas ako at parang nabuhusan ng nagyeyelong tubig ng mabasang si Ate Yoona ang tumatawag. Ang dami ko na palang missed calls at messages ng 'di ko napapansin dahil naka-silent mode ang cellphone ko.
"A-Ate? May problema ba?" kabadong tanong ko at mariing napapikit ng marinig sa kabilang linya ang pagsisisigaw ni Mommy at ang pagtitili ng mga kasama nito!
"God, Dos! Buti naman sumagot ka rin! Nasaan ka na ba?! Kagabi pa nagwawawala dito si Tita, hinahanap ka! Umuwi ka na, nagkasugat-sugat na naman siya sa pananakit sa sariling wala ka dito!"
Napako ako at parang sinasaksak ang puso kong nakaliktaan ko si Mommy!
"P-Pauwi na A-ate. Kausapin ko si Mommy."
Tumulo ang luha ko at nilukob ng guilt ang puso at isip kong sinaktan na naman ni Mommy ang sarili dahil hindi ako nakauwi! Pakiramdam ko'y napaka-iresponsable kong nawala sa isip ko ang ina kong naghihintay lagi ng pagdating ko!
"T-Tita. . . si Typhoon po, nasa kabilang linya," dinig kong pagkausap ni Ate Yoona kay Mommy.
Lalong rumagasa ang luha ko nang marinig kong humihikbi na ito.
"Ty-Typhoon. Na-Nasan ka na? Uwi na, Daddy."
Parang pinipiga ang puso ko na napaluhod sa panghihina ng mga tuhod ko. Inalalayan naman ako ni Tight at hinagod-hagod sa likod.
"M-Mommy. . . I'm sorry, pauwi na po ako. H'wag ka ng umiyak, h'wag ka na rin magwala d'yan. May inasikaso lang ako kaya hindi po ako nakauwi. Pero pauwi na ako, Mommy. H'wag ka ng umiyak at magalit d'yan, okay?" humihikbing pagkausap ko.
"U-Uwi ka na, p-please? Nasan ka na ba?" patuloy pa nitong pagkausap na halatang pagod na pagod at namamaos ang boses.
"Pauwi na, Mommy. Magpahinga ka muna. Nasa daan pa kasi ako. Hintayin mo ako, hmm?" paglalambing ko kaya natigil na rin ang paghikbi nito sa kabilang linya.
"Hello, Dos? Saan ka ba kasi nagsususuot? Alam mong ikaw ang nakakapagpakalma kay Tita," panenermon ni Ate Yoona kaya napatayo na ako kasabay si Tight na lumabas ng nayon.
"May nilakad lang dito sa probinsya. Pasensiya na, pauwi na ako. Saksakan mo muna ng gamot, Ate. Ilang oras pa kasi ang aabutin ko sa daan. Baka magwala na naman siya kapag 'di pa ako dumating."
Napahinga ito ng malalim na halatang problemado.
"Ano pa nga ba? Bilisan mo na lang at mag-ingat ka sa pagmamaneho mo," habilin pa nito bago binaba ang tawag.
"Tight, kailangan ko ng umuwi. Saan ako p'wedeng sumakay pababa ng bayan?" baling ko kay Tight na napapangiwi at kamot sa ulo.
"Dalawa lang ang sasakyan dito eh, nasa sakahan 'yong jeep ni Suprimo na kinakargahan nila ng gulay. Si Bagyo naman dala ang pick-up niya na sinakyan nila ni Rosas kaninang magliliwanag pababa ng bayan. Ma-marunong kang mangabayo? 'yon lang ang p'wede eh."
"Hindi eh, ikaw ba?"
"Marunong syempre! Tara! Angkas na lang kita."
Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na ako nito sa kamay at nagtungo sa ilang nakapastol na kabayo dito.
"Si-Sigurado ka ba? Baka naman maaksidente pa tayo," alanganing saad ko nang sumampa na ito sa itim na kabayo at inilahad ang kamay sa akin.
"Wala ka bang tiwala sa akin? Nakakatampo ka ah."
Inabot ko na ang kamay nito at pikitmatang sumakay sa likod nito.
"Yakap, Captain, yakapin mo ako. . . ng mahigpit."
Nabatukan ko ito sa sinaad nitong kinanta pa ang utos na ikinatawa lang naman nito.
"Puro ka kalokohan."
"Sige, bahala ka, hiyaaahh!!"
Namilog ang mga mata kong napayakap ng mahigpit dito sa biglaan niyang pagpatakbo ng kabayo na ngayo'y kumakaripas na sa kahabaan ng rough road na kalsada!
Lumilipad tuloy ang makapal na alikabok sa bilis ng pagtakbo ng kabayong sinasakyan namin. Napapikit na lamang akong mahigpit itong yakap na akala yata nasa laro kami ng karerahan!
"Hoohoo. Captain, humihinga ka pa ba?" saad nito na at tumigil na ang kabayo.
Unti-unti akong nagmulat at parang umiikot pa ang paligid ko sa pagkakahilo ko.
"Nandito na tayo sa bayan..Okay ka lang ba?"
Gigewang-gewang akong bumaba at nagtungo sa gilid nitong kalsada na napasuka sa pagkakahilo ko maging mga bituka ko! Tatawa-tawa pa itong bumili ng tubig sa kalapit na iniabot sa akin.
"Sorry, bay. Sa pagkakaintindi ko kasi sa usapan niyo ng tumawag sa'yo ay nagmamadali ka ng makauwi kaya pinalipad ko na pababa si Jupiter," seryosong saad nito habang hinahaplos ang likod ko.
"Hindi na ako aangkas sa'yo sa susunod. Akala mo yata siyam ang buhay mo eh. Kung nahulog tayo sa bilis ng patakbo mo? Hindi lang pilay ang inabot natin kundi kamatayan."
Napabungisngis itong napa-peace-sign sa aking ikinaningkit ko.
Hinatid pa rin naman ako nito sa kinaroroonan ng sportscar kong pinapalibutan ng mga tao at bakas sa mga mata nila ang kamanghaan.
Nagsihawi naman ang mga ito paglapit namin ni Tight at lalong namangha ang mga ito ng pindutin ko ang remote control nitong hawak ko at automatic na bumukas ang bubong ng kotse.
"Astig, next time d'yan mo naman ako isakay oh!" bulalas ni Tight na ikinangiti at tango ko.
"Sure, dalawin niyo ako sa syudad ah. Ikaw na rin bahalang magpaalam sa akin kay Bagyo at. . . Rose."
Napangiti ito ng nanunudyo sa pagbanggit ko sa pangalan ni Rose kaya napaiwas tingin ako at 'di mapigilang mapangiti.
"Sige, tawagan ka namin kapag napadalaw kami."
PANAY ang pag-over-take ko sa mga mangilan-ngilan kong nakakasabayan sa daan. Halos paliparin ko na ang kotse makarating lang agad ng syudad!
Paniguradong masasabon na naman ako sa mansion ng mga kapatid ko sa hindi ko pag-uwi!
Napakasarap naman kasing kakwentuhan si Bagyo ng kung ano-anong karanasan namin habang lumalaki. Nakaliktaan ko tuloy tumawag sa mansion para makausap si Mommy na naghihintay sa akin.
Atlis kahit paano ay nakalma ang utak ko sa mga guni-guni ko kahapon kung terorista ba sila Bagyo na sinasadyang makipaglapit sa akin. Ngayong narating ko ang nayon nilang wala namang kahina-hinala ay mas nakampante na ang loob ko.
"s**t!"
Napamura akong nahampas ang manibela ko ng maalala si Suprimo, ang lapit ko na pero nalihis pa ang landas ko sa kanya!
Napasabunot ako sa ulo sa sobrang inis na nawala siya sa isip ko sa pagmamadaling makababa ng bayan.
"Marami pang pagkakataon, Dos. Alam mo naman na kung nasaan sila nakatira," para akong hibang na kinakausap ang sarili para makalma sa inis kong hindi nakaharap ang ama ni Bagyo.
Mas lalo tuloy akong na-e-excite na bumalik dito para makaharap siya at parang baliw na umaasang magkatotoo ang guni-guni ng malikot kong imahinasyon.
HAPON na nang makarating ako sa mansion. Nahihilo pa ako sa ilang oras kong mabilis na pagmamaneho makauwi lang kaagad. Pagpasok ko ng maindoor ay napasubsob ako sa sahig sa biglaang pagsapak sa akin sa panga ng kung sino na lalong ikinahilo ko!
"Pasaway ka talaga! Saan ka nanggaling, huh!? Magdamag ka naming tinatawagan pero hindi ka sumasagot! Alam mong ikaw ang nakakapag pakalma kay Mommy pero nagagawa mo pang magliwaliw kung saan-saan!" bulyaw ni Kuya Tyrone na inaawat ni Kuya Taylor at inalalayan naman ako ni Kuya Typhus na makatayo.
Lalo tuloy nanghina ang mga tuhod ko sa dalawang kainang nakaliktaan ko sa pagmamadaling makauwi at ngayo'y nasapak pa sa panga!
"Oo na kasalanan ko na, sorry. Kailangan bang manapak ka? Hindi naman ako nagliwaliw ah, importante ang pinuntahan ko," inis kong sagot.
Napapahid ako ng labing ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa gilid ng bibig kong pinaputok nito.
"Importante?! Hoy, Dos! Si Mommy ang pinaka-importante sa atin dito! Itatak mo 'yan sa kokote mo!" bulyaw pa nitong dinuduro-duro akong nais pa yatang dagdagan ang pagbasag ng labi ko.
"Tama na 'yan, Tyrone. Nandito na siya at ligtas. 'Yon naman ang mahalaga. Sige na, Dos, puntahan mo na si Mommy, wala pang kinakain 'yon mula kagabi." Ani Kuya Typhus.
Walang imik na umakyat ako ng silid ni Mommy. Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si Mommy na nakaupong nakasandal sa headboard ng kama nito na kay lalim ng iniisip. Napatayong napabuntong hininga naman sina Ate Yoona, Cathryn, Carina at Yonyon na makita ako.
"Mommy."
Naupo ako sa gilid ng kama nito at hinaplos sa pisngi kaya napalingon ito sa akin at agad napahagulhol na niyakap ako ng mahigpit.
Tumulo din ang luha kong mas niyakap ito at panay ang halik sa ulo nito.
"Sorry, Mommy, hindi ako nakapag paalam sa'yo. Nandito na po ako, tahan na."
Kumalas ako at pinahid ang masaganang luha nito.
"Saan ka galing, huh? Bakit ngayon ka lang--"
Naputol ang ibang sasabihin nito ng mapatitig sa mga labi ko.
"Sinuntok ako ni Tyrone mo sa baba. Bakit ka kasi nagwala at sinaktan ang sarili mo, Mommy, kita mo na? Sinaktan din nila ako," pagsusumbong kong ikinalamlam ng itsura nito at hinaplos ako sa pisngi bago mariing humalik sa noo ko.
"Ako na, Yoona."
Natigilan kami sa pag-awat nito kay Ate Yoona na akmang lilinisin ang pagkakadugo ng labi ko.
"Sige po, Tita. Mabuti naman at kilala niyo po ako," nakangiting sagot nito.
Hindi kasi nakikipag-usap si Mommy sa lahat ng maalumanay bukod sa akin. Kahit sa mga kapatid ko. Kaya big deal sa kanila kapag hindi ako nakakauwi dahil magwawala si Mommy na tila takot na takot na hindi na niya ako makikita pang muli.
Napapangiti akong hinahayaan lang itong maingat na idinadampi ang bulak sa labi ko. Tutok na tutok pa itong akala mo nama'y malala ang sugat ko.
Nangilid ang luha ko ng maalala si Suprimo na ama ni Bagyo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya makakaharap.
"Mommy, may gusto akong itanong sa'yo kung okay lang?"
Tumango lang naman itong pinapahiran na ngayon ng bandaid ang gilid ng labi ko. Hinawakan ko ito sa mga kamay nitong dinala ko sa kabilaan kong pisngi at matamang tinitigan sa mga mata nito.
Nakiusyoso na rin ang apat kong Ate na naupo sa paanan ng kama ni Mommy, ang triplets kong pinsang mga babae at ang nag-iisa naming babaeng kapatid na si Ate Yonyon.
"Mommy, what if. . . may ipakilala ako sa'yong kamukha at kapangalan kong kaedaran ko? Magagalit ka ba?" kabadong tanong ko.
Napapilig pa ito ng ulo na kalauna'y napailing na ikinahinga ko ng maluwag.
"Eh kung. . .may ipapakilala ako sa'yong. . . kapangalan naman ni Daddy at medyo hawig niya? Matutuwa ka ba?"
Natigilan itong pinamutlaan at kaagad nanubig ang mga mata kaya naalarma ako at agad itong niyakap.
"Ano ba naman kasi 'yang mga pinagsasabi mo?!" mahinang asik ni Ate Yonyon na dinamayan na rin kami ni mommy na magkayakap dahil humagulhol na ito sa dibdib ko.
"Sorry, Mommy. Akala ko po matutuwa kayo."
Napaangat siya ng mukha kaya pinahid ko na ang luha nito.
"Saan? Nasaan siya, Typhoon?"
Napalunok ako at nagkatinginan kaming lima sa sinaad nito.
"G-Gusto mo ba siyang makilala, Mommy?" pigil hiningang tanong ko.
"Kaya ba hindi ka umuwi? Hinahanap mo ba ang Daddy para kay Mommy?"
Napalabi akong tumango na ikinayakap nito sa akin.
"Dos, ano ba? H'wag mo nga'ng paasahin si Mommy," mahinang singhal ni Ate Yonyon at kinurot pa ako ng pinung-pino sa hita kong ikinaiktad ko.
Sa sobrang pino nitong kumurot ay parang natapyasan ang balat ko. Langhiya! Nasapak na nga ako sa baba eh, nakurot pa ako dito sa taas!
"Hindi ko naman kasi siya pinapaasa, Ate. Why would I do that?"
Nagkatinginan ang mga itong pinandidilatan na ako pero ngumiti at tumango akong ikinamilog ng mga mata nila.
"Mommy, hindi ko sinasabing. . . siya si Daddy, huh? Pero. . .ipaiimbestiga ko siya at kung makumpirma kong siya si Daddy? Iuuwi ko siya sa'yo, Mommy. Pero. . . pero kung hindi naman siya si Daddy? Mommy, kailangan mo ng tanggapin na wala na talaga siya, maliwanag ba?" kalmado at malambing tanong ko habang nakatitig sa mga mata nitong ngayo'y makikitaan na ng pagkinang at emosyon.
Kita sa mga mata nito ang pag-asang katulad sa nakapaskil sa mga mata ko.
Ngumiti itong tumango-tango. Mariin akong humalik sa noo nito at nagtungo na ng banyo para makaligo at bihis.
Ako mismo ang mang-iimbestiga sa ama ni Bagyo. Dahil kung kamukha niya ang ama niya? Posible ring. . . kamukha ni Daddy ang ama nitong tinatawag nilang Suprimo. Lalo akong nagigimbal at halos hindi na alam ang uunahin! Lalo na't lalo lang nagkakatagpi-tagpi ang lahat sa utak ko ngayon.
Napalupasay ako sa panghihina ng mga tuhod ko ng maalala si Suprimo. Ang teroristang naka-face to face ko.
Napasapo ako ng ulo at napahagulhol habang pumapatak ang tubig sa akin mula sa shower head.
Mas lalong lumalakas ang kutob kong buhay pa si daddy at nagtatago sa katauhan ng tinatawag nila ngayong Suprimo!
Sumagi sa isip ko ang mensahe sa akin ng unknown number na inutusan ako sa lugar ng iginagalang na senador ng bansa para makita ko kung gaano karumi ang gobyernong pinaglilingkuran ko. At tama siya, ang pagsabi niyang masaya siyang makita ako, ang yakap niya, ang paglitaw ni Bagyo, ang pagbigay nito ng address nila ng ganon-ganon lang kadali, ang pagkwento niyang may dati ng asawa ang ama nitong dating pulis, pero dahil sa tungkulin na mas pinili nito ay napadpad ito sa kanilang nayon.
Kung gano'n hindi nagkataon na magkamukha at magkapangalan kami ni Bagyo! Dahil siya at ako ay malaki ang posibilidad na magkapatid kami. . . sa ama!
NAGTUNGO ako ng headquarters namin kahit hapon na para makaimbestiga na agad. Hindi ako p'wedeng magsayang ng oras. Kaagad kong hinalungkat ang mga folders na naglalaman sa dating impormasyon na hawak ni daddy at sa mga bagong impormasyong hawak ko!
Sa dami nila ay 'di ko na alam ang uunahin ko. Maya pa'y biglang tumunog ang radio ko.
"Captain, emergency! Namataan sa may Quiapo ang ilan sa mga tao ni Suprimo kasama ito!"
Napatayo akong kaagad lumabas ng opisina.
"Mauna na ako. Sumunod na lang kayo!" baling ko sa team kong naghahanda na.
"Yes, Sir!" panabay na sagot ng mga ito at agad ko ng pinasilab ang motor na sinakyan ko!
Maluha-luha akong kaagad iginala ang paningin sa harapan ng Quiapo church kung saan namataan ang grupo ni Suprimo.
Nanigas ako ng mamataan ang ilang grupo ng kalalakihan na nagpapalinga lingang nakikipag siksikan sa mga tao.
"Gotcha, Suprimo. Pagbabayaran mo sa mga kamay ko ang pagpatay mo sa ama ko," bulong ko.
Mukhang nakahalata ang mga ito kaya naghiwa-hiwalay kaagad sila.
"Hindi ka makakatakas sa akin!"
Napatakbo ako at sinundan ang tila leader nila. Napangisi ako ng sumuot ito sa iskinita kaya inikutan ko ito sa kabilang daan para masalubong.
"Freeze! Put your gun down, Suprimo. It is nice to finally met you," pang-uuyam ko at nakatutok dito ang baril ko.
Napataas ito ng mga kamay at unti-unting humarap. Natigilan ito pagkakita sa akin at ibinaba ang suot na bonet na ikinanigas ko at nagpaluha sa akin na masilayan ito ng malapitan!
"Bagyo. . . anak? Bakit ka nakasuot ng uniporme ng pulis?"
Natigilan ito na tila may na-realize pagkatitig sa mga mata ko.
"Hindi. . . hindi ito maari. D-Daddy, b-buhay ka? Totoo ba 'to? B-buhay ka nga!" nanginginig kong pagkausap.
"Suprimo, tara na!" biglang sulpot ng isa kaya napatakbo akong pinigilan ito sa braso!
"D-Daddy, buhay ka nga!"
Napahagulhol akong niyakap ito ng napakahigpit.
"Umalis na kayo. Pero iwan niyo sa akin ang Daddy ko. Alis na! Parating na dito ang buong team ko."
"Pero--"
"Sige na, tumakas na kayo. Maiiwan ako."
"Suprimo--"
"Alis na."