[Miyukie’s P.O.V]
“Kuya, where did you get that kind of trash?” Naka-cross arm na tanong ng babaing maganda at kutis labanos. Straight ang buhok niya na may mapungay at maamong mga mata, manipis ang labi niya na may mahabang kuko na nilapatan ng iba’t-ibang desenyo. Naka maikling short lang siya ngunit wala kang makikitang peklat O kahit kalmot sa binti at paa niya. Nakataas ang kilay niyang nakatingin sa lalaking may pangalan na John Axle.
“Under the bridge.” Tipid na sagot ni John Axle.
Pinasadahan ako ng tingin ng babaing maganda pagkatapos nakataas ang kilay niyang tumingin sa’kin. “What is your name?”
“Me?” Tinuro ko pa ang sarili ko.
Minsan talaga hindi rin maganda ang mandaya sa klase ang mangopya sa mas matalino sa kaklase mo dahil sa ganitong kalagayan hirap makipagsabayan. Tulad na lang ako. Naka graduate ako ng hindi masyasdong natutong mag-english at iba pang talakayan sa loob ng klase. Noong nag-aaral kasi puro pakiusap ang tita ko para ipasa ako dahil bukod sa mahina ang IQ ko palagi akong absent. Tumutulong kasi ako sa tita ko sa paghahanap buhay noon para hindi kami maging pabigat ng kapatid ko kaya madalas akong absent sa kaklase. Inaamin kong naka-graduate ako ng walang masyadong alam kung hindi ang magbasa at magsulat lang.
Inirapan niya. “What do you think?”
“I-I think… I-I’m okay! Yeah, I’m okay.” Patawa-tawa pa ako.
Nagkatinginan ang dalawa pagkatapos umiling sila. “Idiot.” Sabi ng babae.
“Fritzie, wag mo na siyang kausapin baka mahawa ka pa sa pagiging tanga niya.” Sagot ni John Axle.
Matalim ko siyang tinitigan. Bakit ba nasali ang pagiging tanga? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
She sigh, “Mas mabuti pa nga.” Bigla itong tumalikod at umakyat sa hagdan patungo sa second floor ng malaking bahay nila.
“Nasaan na ba kuya si sir Frits?” Tanong ko kay John Axle.” Nang bumaba kasi ako ng kotse nila naunang pumasok sa loob ng bahay si sir Frits.
“Wag mo akong tawaging kuya hindi kita kapatid at lalong mas matanda kang tingnan sa’kin. Ang pangit mo na bobo ka pa.”
“Hoy! Nagtanong lang ako sa’yo ang dami mo ng sinabi. Dinaig mo pa ang babae na putak nang putak.” Inis kong sabi. Kung makapanglait kasi akala mo perfect na siya.
Mabilis kong pinasadahan ng tingin si John Axle. “Oo, matangkad siya, gwapo, mapula ang labi niya, may dimples, chinito, maputi at makinis ang balat, mabango. Malakas ang s*x apple. Malaki ang katawan may abs. Kapag ganoon ba perfect na? Hello? Hindi kaya.
“Anong tinitingin-tingin mo diyan? Gusto mo akong pagsamantalahan noh! Sapakin kita diyan.” Sabi ni John Axle.
Umiwas ako ng tingin. Kuyom ang kamao ko habang pigil na pigil ang galit ko. Sobrang yabang na talaga niya ang sarap na niyang gilitan sa leeg.
“Bakit hindi ka makatingin totoo di ba?”
Muli ko siyang tiningnan. “Isa’t kalahati talaga ang kayabangan mo F.Y.I ang panget mo sa paningin ko.”
“Panget ka na nga bulag ka pa. Pa-F.Y.I ka pa akala mo naman alam ibig sabihin.”
Napahalukipkip ako at pailalim akong tumingin sa kanya. “Of course! Alam ko ‘yon.” Pagyayabang ko pa.
Ngumisi ito. “Really? Ano ibig sabihin?”
Saglit akong napaisip. Ano nga ba ibig sabihin ng F.Y.I? For your Informatic ba or for you idiot?
“Ano hindi mo alam? Tanga talaga.”
“For— for your informatic.”pagyayabang ko.
Saglit itong huminto at pagkauway tumawa siya ng malakas na kinainis ko.
“May nakakatawa?”
“Yeah, you’re so funny.” Pagkatapos nauna itong naglakad sa loob ng malaking bahay.
“Teka! Wag mo ako iwan dito baka kagatin ako ng malaking aso.” Habol ko sa kanya.
“Follow me.”
Imagine bitbit ko lahat ng gamit na hindi man lang ako nagawang tulungan ng bwiset na lalaking si John Axle. Hindi talaga uso sa manila ang salitang gentleman. Sa probinsiya namin kahit matanda na gentleman pa rin.
“Ikaw ba si Miyukie?” Tanong sa’kin ng babaing tinulungan ko noon.
Saglit akong natigilan. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng maayos. Kung titingnan ang itsura nasa kwarenta pataas.
“Ako nga po.”
Isang ngiti ang naging tugon niya sa’kin. Nakahiga siya sa kama at may benda ang kanang kamay niya.
“Ako nga pala si Allyson. Maraming salamat sa pagligtas ng buhay ko.”
“Wala po iyon ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil tinulungan niyo akong makapagtrabaho sa inyo.”
“Walang anuman.”
Pagkatapos pumasok si sir Frits at hinalikan siya sa labi. Hindi ko maiwasang kiligin sa mag-asawa feeling ko teenager ang pinapanood ko. Ang sweet pa rin kasi nilang dalawa kahit matanda na sila.
“Husbie ko samahan mo na siya kay Yaya Ludy para maturuan siya ng dapat gawin.” Sabi ni Ma’am Allyson.
Agad namang tumalima si Sir Frits at hinatid niya ako doon sa katulong na si Yaya Ludy. Isang matanda at matabang babae si Aling Ludy. Mabait rin siya dahil tinuro niya sa’kin ang mga dapat kong gawin araw-araw.
“Si Senyorita Fritzie at Senyorito John Axle lang ang dapat mong bigyan ng mahabang pasensiya sa mag-asawa at sa ibang anak ni Sir Ally at Frits wala kang magiging problema.” Sabi ni Aling Ludy. Nasa loob na kami ng kwarto ko at tinutulungan niya akong mag-ayos ng mga gamit ko.
Tumingin ako sa kanya. “Mukha ngang sila ang problema ko rito, ang susungit at suplado po nila Aling Ludy.
“Naku hindi lang ‘yon masyado pa silang bossy.”
“Ano po yung bossy?” Kunot-noo ko.
“Palautos silang dalawa alam mo yung aabutin na lang nila iuutos pa nila. Hayss! Nakakainis ang mga batang iyon.”
“Sana po hindi ako utusan nila.”
“Good luck na lang sa iyo.”
Pagkatapos akong tulungan ni Aling Ludy. Iniwan na niya ako sa kwarto ang sabi niya bukas na lang daw ako mag-umpisang magtrabaho magpahinga muna raw ako. Ngunit ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa kama ko hindi pa rin ako dalawin ng antok kaya naman naisipan kong lumabas ng kwarto at mag-ikot-ikot sa malaking bahay ng mga Santiago ko. Sabi kasi ni Aling Ludy. Santiago raw ang apelyido ng mga amo namin. Pagpunta ko sa malaking living room nila kapansin-pansin ang malaking family picture nila ang isang malaking family picture nila ay ang mga anak nila sir Frits at maam Allyson. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga anak nitong lalaki napaka-gwapo kasi ng mga ito at kahit si John Axle ay gwapo rin sa larawan. Tiningnan ko rin ang family picture nila na kasama ang mga anak at asawa ng mga anak niya. Hindi mapagkakailang magagandang lahi silang lahat dahil para silang mga royal blood ang itsura.
“Baka dumikit mukha diyan!”
“Ay! Bakulaw!” Sigaw ko sa sobrang gulat ko dahil sa nagsalita.
Nakatayo sa harapan ko si John Axle ngunit para lang ako magulat. “Waahh! Bayawak!” Sabay atras ko palayo sa kanya. Tinakpan ko ang mga mata ko.
“Ang arte mong panget ka.” Sabi niya.
“W-Wag kang lalapit sa’kin.” Lumayo pa ako sa kanya na halos isang dipa. Sino ba ang hindi magugulat. Ikaw ba naman ang makakita ng nakahubong lalaki. Hindi pala naka-boxer pala siya pero kaasar bakit parang kasing taba ng papaya namin sa probinsiya ang bayawak este batutoy niya.
Nagsalubong ang kilay ni John Axle. “Bakit naman ako lalapit sa’yo? Feeling ka rin.” Sabi niya. Pagkatapos muli niyang pinagmasdan ang larawan na tinitingnan ko kanina. “Bakit basa ang mukha ng picture ni Kuya Shawn? Nilawayan mo noh?”
Umiling-iling ako. “H-Hindi ko ‘yan nilawayan.”
Tumingin siya sa’kin at pang-asar na ngumiti. “Hinalikan mo?”
“W-Wala akong ginagawa diyan.”
“Maganda si ate Ella kaya kahit ilang gluta laklakin mo at ilang beses kang magparetoke hindi ka papansinin ni Kuya. Panget mo kaya at wala ng lunas diyan.” Sabay tawa niya ng malakas.
Nanggigil akong lumapit sa kanya. Sobra-sobra na ang panlalait niya sa’kin. “Panget at mabaho pala!” Sa isip-isip ko.
“Anong gagawin mo? Sasampalin mo ako hmm.. panget?” Pangisi-ngisi pa ito.
Kulang na lang lumabas ang mata ko sa galit sa kanya. Kuyom ang kamao ko gustong-gusto ko sanang ipakita ang jacky chan side ko pero siyempre hindi pa pwede dahil bago pa lang ako rito.
“Hindi kita sasapakin.” Mariin kong sabi.
“So ano? Bakit galit na galit ka?” Pang-asar nito.
“Ito ang gagawin ko sa’yo!” Tumingkayad ako dahil mas mataas siy. Pagkatapos bigla ko siyang hinalikan sa labi ng smack with extra laway ko siyempre partida pa iyon hindi ako pa ako nagtotoothbrush.
“Lasapin mo ang halik ng mabaho, walang totoothbrush at panget na katulad ko. Hudas ka!” Sabay pihit ko patalikod at kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ko.
Ni-lock ko ang pintuan ng kwarto ko at nagtalukbong ako. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Ginaya ko lang kasi ang ginawa ng kaklase ko noon na mataba at panget sa school. Hinalikan niya yung nanlalait sa kanya sa harap ng maraming tao. Simula noon hindi na siya inaasar ng lalaki.
“Siguro naman hindi na niya ako aasarin sa ginawa ko.”