CHAPTER 5

1749 Words
[John Axle’s P.O.V] NATIGILAN ako sa ginawa ng Ukie nang bigla niya akong halikan. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon sa ginawa niya. Napansin ko na lang na tumakbo na siya palayo sa’kin. “What’s wrong Kuya?” “Y-Yes?” Sabay lingon ko sa kapatid kong si Fritzie. Ang taas ng kilay niya habang nakatingin sa’kin. Napameywang pa siya sa’kin. “You look like a statue.” Huminga ako ng malalim upang makapag-isip ng magandang alibi sa maldita kong kapatid. “May bigla akong naalala kaya napahinto ako.” “I see nakita ko kasing tumakbo si Sussy.” Kumunot-noo ako. “Who’s Sussy?” May bago na siguro kaming katulong bukod kay Ukie. “Sussy, i don’t know what her real name. I prepared to call her Sussy amoy suka kasi siya.” Sumimangot pa siya. Hindi ko napigilan ang pagsimangot ko sa sinabi ni Fritzie. “Hindi naman siya amoy suka or amoy putok Fritzie.” “Wala naman akong sinabing amoy putok siya. I’ve said amoy suka siya dahil siguro sa pabango niya. Why you're so defensive?” Tinitigan ako ni Fritzie. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit nga ba ako kumukontra sa sinabi ni Fritzie. “Sinasabi ko lang sa’yo na hindi natin siya pwedeng pagtripan dahil mananagot tayo kay Mommy.” Alibi ko. “Don’t worry wala akong planong apihin siya. Bukod sa magagalit si Daddy at Mommy baka maging magkaaway pa tayo dahil sa kanya.” Nakakalokong tumingin si Fritzie sa’kin. Pagkatapos pumihit patalikod at umalis. Matalim kong hinabol ng tingin si Fritzie. Nakakainis talaga ang bunso kong kapatid na iyon masyadong pakialamera at usyusera. Muli kong tinanaw ang daan patungo sa silid ni Ukie bago ako bumalik sa silid ko at humiga sa kama. Gusto kong kalimutan ang nangyari kanina. Ngunit ilang oras na akong nakahiga at kahit anong gawin ko hindi ko makalimutan ang kapangahasang ginawa niya sa'kin. Namalayan ko na lang na ang bilis ng t***k ng puso ko sa tuwing binabalikan ko ang nangyari kanina. “Humanda siya sa’kin!” Bumangon ako at kinuha ko ang ginamit kong custume noong  holloween. Sinuot ko ang vampire na costume at sinuot ko ang mascara na mukhang bungo pagkatapos nagmadali akong pumunta sa silid ni Miyukie. “Psh! Zero IQ talaga. Hindi niya sinarado ang pintuan ng kwarto niya. Hindi ko na kakailanganing gamitin ang duplicate ng kwarto niya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kama niya. Nakita ko si Miyukie na nakahiga sa kama habang nakadapa ito. Hindi ko tuloy alam kung mahibing na ang tulog niya. Pinabuka ko ang kapa ko. “Pst! Pst!” Sitsit ko sa kanya. Ngunit nakasampung sitsit na ako sa kanya hindi pa rin niya ako naririnig. “Tulog na siguro ang panget na ito.” “Hoy! Panget gumising ka!” Niyugyog ko pa siya upang magising. “Ano ba— waaahhhhhh!” malakas ang sigaw niya na halos matanggal ang ear drums ko. Bigla itong bumangon at nagtatakbo paikot-ikot sa kwarto niya. “Bampira! Bampira! Waahh!” Sigaw niya. Pigil na pigil ang tawa ko sa kanya. Tumayo ako upang lapitan siya. Tumakbo siya papalabas sana ngunit inunahan ko siya sa pintuan. “Wrrhh!” Nag sign of the cross siya. “Sumasampalataya ako sa Diyos amang makapayarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa.” Pigil na pigil ko ang tawa sa itsura niya. Nakapikit kasi siya habang nagdadasal. Hinawakan ko ang kamay niya. “Wrrr!” Sabi ko. “Waahhh! Wag mo akong kagatin low blood na ako! Berde ang dugo ko!” Umiiyak niyang sabi. Nag-enjoy akong takutin siya kaya naman hinila ko ang braso niya upang aakma ko siyang kagatin sa leeg. Ngunit hinila niya ang braso niya ng malakas kaya nawalan ako ng panimbang. Mabuti na lang at bumagsak siya sa kama niya. Nasa ibabaw niya ako. “H-Huwag mo akong kagatin. Kailangan pa ako ng kapatid ko. Kapag kinagat mo ako mawawalan siya ng pamilya.” Nagmamakaawa niyang sabi sa’kin. Habang umiiyak siya sa takot. Natigilan ako sa sinabi niya at nakatitig sa basang-basa niyang mukha parang nakaramdam ako ng awa at guilty sa sinabi niya. “Pakiusap…” anas niya. Tatayo na sana ako nang bigla itong nawalan ng malay. “s**t! Ukie!” Bumangon ako at niyugyog siya. “Ukie! Wake up!” Sabi ko sa kanya. Nataranta ako kaya naghanap ako ng maaring magpabalik ng malay niya. Naghanap ako ng medicine sa kwarto ngunit wala akong nakita. Hindi na ako nagdalawang isip na buhatin siya papunta sa silid ko. May medicine kit kasi sa loob ng kwarto ko. Hiniga ko siya sa kama ko at pinaamoy ko sa ilong niya ang gamot na pang-amoy. “Ukie, wake up!” Sabi ko sa kanya. “Hmmm…” Bumuntong-hininga ako. Thanks God!” Sambit ko. Bumangon ako sa kama ko at hinayaan ko siyang natutulog sa loob ng kwarto ko. Tinanggal ko ang custume ng suot ko kanina. Baka kasi bigla naman itong himatayin kapag nakita akong nakasuot ng vampire custume. Pagkatapos naglaro na lang ako ng online games. Ngunit hindi ako makapag focus sa ginagawa ko dahil patingin-tingin ako kay Ukie. Kaya naman naisipan kong pagmasdan siya habang natutulog. “Mukha ka naman pa lang tao.” Kausap ko sa kanya habang natutulog. Nakaupo ako sa harapan niya habang nakahalukipkip ang mga kamay ko. Maikli ang buhok niya na kulay itim ang na parang walis tambo dahil sa kapal at gaspang ng buhok niya. Maliit ang mukha niya at may mahaba siyang pilikmata. Makipot at manipis ang labi niya. Sunog ang balat niya dahil sa sikat ng araw ngunit makikita mo naman na may tinatago siyang puti. “Konting make over lang sa’yo magiging tao ka na” Sabi ko pa. Habang pinagmamasdan ko siya nakaamoy ako ng mabaho na halos hindi ko mapaliwanag ang amoy. Lumapit ako ng kaunti kay Ukie upang kumirpahin na siya ang may mabahong amoy. “Yuck!” Sambit ko. Tinakpan ko ang ilong ko dahil sa naamoy ko mula sa kanya. “f**k! Totoo nga ang sinabi ni Fritzie amoy suka nga siya. Napadako ang tingin ko sa kilikili niya. Dahan-dahan ko itong inangat at inilapit ang mukha ko upang amoyin. Ngunit nang maamoy ko ito. Napamura ako sa galit. “f**k Asshole!” Halos mahilo ako sa baho ng amoy. “Kadiring babae! Hindi ba uso ang deodorant sa probinsiya niyo!” Halos sigawan ko na siya. Ngunit hindi pa rin ito nagigising. “Kadiring babae.” Tumayo ako upang lumayo sa kanya. “N-Nasaan ako?” Sabi niya. Pumihit ako paharap sa kanya at sumimangot sa kanya. “Hoy! Panget! Tumayo ka nga diyan sa kama ko. Amoy putok na ang kama ko. Kadiri ka ka-babae mong tao may putok ka!” Hindi ko napigilang sabi sa kanya. Para naman itong walang narinig sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa’kin na tila nasa ilalim pa rin siya ng panaginip. “Nasaan na ang bampira?” Sabi niya. Kinuha ko ang maliit na unan na nasa upuan at ibinato ko sa kanya. “Tumayo ka nga diyan! Ang arte mo!” Tinamaan siya sa mukha nang ibinato kong unan kaya dahan-dahan siyang bumangon. “Amoy putok na ang kama ko! Panget ka na mabaho ka pa!” Singhal ko sa kanya. Poker face siyang tumingin sa’kin. “Kahit galit na galit ka sa’kin iniligtas mo ako sa bampira. Utang na loob ko iyon sa’yo salamat.” Sabi nito. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. “Thank you!” sabi pa niya. Natigilan ako. Bumilis kasi ang t***k ng puso ko sa ginawa niya. “Hindi ka dapat maawa sa kanya John Axle.” Sa isip-isip ko. Inalis ko ang pagkakayakap niya sa’kin. “Wag mo nga akong yakapin. Kadiri ka!” Sabay tulak ko sa kanya. Bumagsak siya sa kama ko dahil sa malakas na pagkakatulak ko sa kanya. Pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niya. Dahan-dahan siyang tumayo sa kama ko at hinila ang kobre kama at mga punda ng unan. “Anong gagawin mo diyan? Nanakawin mong panget ka?!” Sabi ko. “Wala kasi akong pambili ng deodorant yung pambibili ko ng deodorant noon ibibigay ko na lang sa kapatid ko pang meryenda niya. Ngayon na lang ako nakabili kaya lang huli na.” Humarap siya sa’kin at may pait sa mga ngiti niya. “Lalabhan ko na lang po ito ngayon. Pasensiya po sir John Axle.” Nang makuha na niya ang mga punda ng unan at kobre kama. Tumalikod na ito upang umalis. “Ukie!” Hindi ko napigilang tawagin siya. “Yes, Sir.” Sabi niya. Nakita ko ang luha niya sa mga mata nang tumingin siya sa’kin. Dahilan para madurog ang puso ko sa kanya. “Wag mo na yang labhan kay Yaya Ludy ko na lang yan palalabhan.” Mahinahon kong sabi. Umiling siya at pilit na ngumiti. “Wag niyo na pong istorbohin si Aling Ludy. Ako naman po ang may kasalanan.” Muli siyang pumihit patalikod upang lumabas ng silid nang mapansin ko ang sugat sa braso niya na dumudugo. "Ukie!" Tawag ko sa pangalan niya. Pinahid niya ang luha niya sa mata niya gamit ang braso niya bago siya sumagot sa'kin. "Yes, sir?" “Come with me.” Tumalikod ako sa kanya at kinuha ko ang medicine kit. “Bakit po sir.” Sabi nito. Hinila ko ang braso niya at pinaupo sa maliit na sofa. “Gagamutin ko muna ang sugat mo dahil na gasgas.” Sabi ko. “P-Pero sir….” “Wag ka ngang masyadong mareklamo ikaw na nga ang ginagamot.” Kumuha ako ng betadine at bulak upang ipahid sa may sugat niya. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko at hindi ko iyon maipaliwanag kung bakit. “Ahh—salamat po.” Sabi niya. Nang matapos kong linisin ang sugat niya tumayo ako at tumalikod sa kanya. “You may go! Ayokong mangamoy putok ang buong kwarto ko.” Sabi ko. Tumayo siya at naglakad palabas ng silid ko. “Thank you kahit pintasero ka.” Sabi niya. Tinanaw ko siyang papalayo. “Ang slow niya. Hindi niya alam na ako yung nagpanggap na bampira. Pssh! Ang tanda-tanda na naniniwala pa sa bampira.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD