CHAPTER 3

2200 Words
[Miyukie's P.O.V] MALAMIG na hangin ang dumampi sa aking balat nang bumaba ako sa bus. Naka-jacket na ako ngunit dumidikit pa rin sa balat ko ang lamig. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti tanaw na tanaw ko na kasi ang bahay ng Tita ko. “Nakarating din sa wakas.” Bitbit ko ang tatlong bag at dalawang plasik na puro pasalubong ko sa kapatid kong si Huber at sa tita ko ang dala-dala ko. Nagtatakbo ako kahit hirap na hirap ako sa bitbit ko. Tita Selena! Tita!” Sigaw ko mula sa labas ng bahay. Alas kwatro pa lang ng madaling kaya wala pang tao sa kalsada ngunit alam kong gising na si Tita Selena dahil maaga itong bumabangon. “Tita Selena!” Kumatok ako sa pintuan ng bahay namin. Agad naman akong pinagbuksan ng pintuan. Isang ngiti ang sinalubong ko sa kanya. “Magandang umaga tita Selena.” Bati ko sa kanya. Malapad na ngiti ang tinugon niya sa’kin. “Miyukie!” Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan. “Mabuti na lang at dumating ka na.” Tinulungan niya akong magbibit ng mga dala-dala ko. Agad naman akong pumasok sa loob ng bahay upang hanapin ang kapatid kong si Hubert miss na miss ko na kasi ang kapatid kong iyon. “Wala si Hubert dito Miyukie.” Malungkot na sabi ni Tita Selena. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. “Nasaan po ang kapatid ko?” May namumuong mga luha sa mata ni Tita Selena nang tumingin sa’kin dahilan para mapaluha na rin ako. “Tatlong na araw na siyang nasa hospital si Miyukie na dengue siya.” “P-Po? Nasa hospital siya?” Sabay iyak ko. “Wag kang mag-alala dahil maayos na siya ngayon. Pinabantay ko lang siya sa kapitbahay natin ngayon para mag palit ako ng damit at para na rin sana maghanap ng bibili ng bahay na ito para pang bayad sa bill ni Hubert. Sabi kasi ng doctor. Bukas daw maari na siyang lumabas. May mga kailangan lang bilhing gamot para tuluyang gumaling niya. Nasa private hospital pa naman siya ngayon. Kulang kasi ang mga medical equipment sa hospital ng bayan kaya doon ko siya naitakbo.” “Gusto ko po siyang makita Tita.” “Halika sasamahan muna kita doon.” Tumango ako at agad naming pinuntahan ang kapatid kong si Hubert. Nasa jeep pa lang ako iyak na ako nang iyak dahil sa sinapit ng kapatid ko kahit na nga alam kong maayos na siya. Hindi ko ito inaasahan na mangyayari sa kanya. Nang dumating kami sa hospital tulog pa rin ito. Hinalikan ko siya sa noo habang hawak ang kamay niya. “Twenty thousand na ang bill niyo ngayon Selena.” Sabi ng kapitbahay namin. Inabot pa kay Tita Selena ang reseta ng gamot na bibilhin. “Kailangan niyo raw itong bilhin.” “Tatlong araw pa lang kami rito twenty thousand na ang bill. Itong reseta niya mamaya ko na lang siguro ito bibilhin maghahanap muna ako ng buyer ng bahay namin para makalabas na si Hubert bukas.” Sabi ni Tita Selena. “Dumukot ako sa wallet ko at inabot ko kay Tita Selena ang dalawang libo. “Tita bilhin niyo na po ngayon ang gamot ni Hubert, sabihin niyo lang kung kulang pa ‘yan. Wag niyo na rin isipin ang bayarin dito ako na po ang bahala.” “Sigurado ka Miyukie? Malaking halaga ang kailangan natin.” Tumango ako. “Opo. Maraming salamat po aling Nena sa pagbabantay sa kapatid ko.” Inabutan ko ito ng limang daang piso ngunit tinanggihan niya ito. “Ang pagtulong sa kapwa ay walang hinihinging kapalit, mas kailangan niyo iyan.” Sabay ngiti nito. “Salamat po.” “Walang anuman Miyukie.” “Aalis muna ako at bibilhin ko ito.” Tumayo si Tita Selena kasama ng kapitbahay naming nagbantay kay Hubert. Pinagmasdan ko ang kapatid ko. “Magpalakas ka kapatid ko pupunta tayo sa fast food chain na gustong-gusto mong puntahan.” Kausap ko sa kanya habang natutulog siya. Mabuti na lang pala at nakauwi ako kung hindi wala na kaming bahay sa susunod na araw. Malaking bagay ang binigay na pera ng mayamang pamilya na tinulungan ko. Makalipas ang isang linggo unti-unti ng bumabalik ang lakas ng kapatid kong si Hubert dinala ko siya sa bayan upang pumunta sa pangarap niyang puntahan na fast food chain. “Ate, ang sarap-sarap ng chicken at spagetti rito sana araw-araw mo akong dadalhin dito.” Masayang sabi ni Hubert habang kumakain ng Chicken. Nagkatinginan kami ni Tita Selena pagkatapos nginitian ko si Tita Selena. “Ate, sige na please!” Sabi pa nito. “Hubert, masama sa bata ang araw-araw na kumakain ng pritong manok.” Sabi ni Tita Selena. “Ang sarap po kasi Tita. Isa pa may libreng laruan pa siya.” Ipinakita pa niya ang laruan niya. “Basta magpalakas ka at maging good boy ka lang palagi palagi kitang dadalhin dito.” Sabi ko. “Yeheey!” Masayang sabi ni Hubert. “Mabuti na lang Miyukie at mabait ang pamilyang tinulungan mo. Nabigyan ka ng pera makakasimula ka na ng maliit na negosyo rito kahit tindahan pwede na.” “Oo nga po Tita, kung mag nenegosyo ako kayo po ang hahawak. Kayo na lang po ang mag patayo ng tindahan tita. Bibigayan ko po kayo ng puhunan para nasa bahay na lang po kayo.” “Paano ka naman?” “Babalik ako ng manila mag-isa para maghanap ng trabaho. Maliit pa si Hubert at kailangan kong pag-ipunan ang pag-aaral niya.” “Baka mapahamak ka uli Miyukie?” Umiling ako. “Hindi na po ako magpapaloko ako na mismo ang maghahanap ng trabaho.” “Ikaw ang bahala, basta palagi kang mag-iingat.” “Opo Tita.” Sabay ngiti ko. Sinabi ko na kasi kay Tita Selena ang nangyari sa’kin sa manila at kung paano ako nagkaroon ng malaking pera ngayon. Ngunit buo na ang desisyon kong bumalik ng manila para maghanap ng trabaho upang matustusan ang pangangailangan ng kapatid at tita ko. “Hello,Miyukie” Nagkatinginan kami ni Tita Selena nang may nakaparadang kotse sa harap ng bahay namin at dalawang lalaki ang nakatayo roon. “Parang kilala kung sino silang artista Miyukie nakalimutan ko lang ang pangalan.” Sabi ni Tita Selena. “Tita, bakit kilala ni ate ang artista?” Sabi naman ng kapatid kong si Hubert. “Hindi po sila mga artista Tita, sila po yung asawa at anak ng tinulungan ko.” “Ay sila ba? Napaka gwapo naman nila.” “Maraming salamat po.” Sabad ni Sir Frits. “Bakit po kayo nagpunta rito?” Tanong ko. “Yung wife ko kasi gusto ka niyang bigyan ng trabaho bilang pagtanaw ng utang na loob.” “Sobra-sobra na po ang binigay niyo para sa utang na loob sa katunayan malaking tulong po siya dahil nailabas ko sa hospital ang kapatid ko. Sapat na po iyon.” “Di ba Miyukie sinabi mo sa’kin kanina na maghahanap ka ng trabaho sa manila? Bakit hindi na lang sa kanila para naman makasiguro akong nasa maayos kang kalagayan.” Sabad ni Tita Selena. Natampal ko ang noo ko. Si Tita Selena talaga. Nabuking tuloy ako. Yumuko ako dahil sa hiya. “Iyon naman pala Miyukie sa’min ka na mag trabaho. Ano ba ang natapos mo?” “Wala akong natapos pwede bang katulong na lang po mas magagawa ko ang trabaho ko kung iyon ang gagawin ko.” Sabi ko. “Sige kung iyon ang gusto mo.” Nakipagkamay pa si sir Frits sa’kin gayundin ang anak nito. “Sa linggo pa ako luluwas ng manila sir Frits. Gusto ko munang makasama ang kapatid ko.” Sabi ko. “Sige, susunduin ka na lang namin dito sa linggo.” “Maraming salamat po.” Pagkatapos naming mag-usap umalis na ang mga ito. Pagkatapos pumasok na kami sa loob ng bahay ni Tita at ni Hubert. “Mas mapapanatag na ang loob ko kung pupunta ka sa manila.” Sabi ni Tita Selena. Tumango ako at pagkatapos inabot ko sa kanya ang perang natira sa binigay sa’kin. “Tita, itago niyo po ito para makapag-umpisa kayo ng negosyo.” “Maraming salamat, bukas na bukas din at magpapagawa tayo ng tindahan para naman bago ka umalis makita mo ang tindahan natin.” “Sige po.” “Kayo na sana ang bahala sa kapatid at Tita ko rito panginoon wala ako sa tabi nila. Kayo na rin sana ang bahala sa’kin sa manila.” Dasal ko habang nakahiga ako sa kama.                      ******* Dumating ang araw ng linggo ng pag-alis ko sa lugar namin. Natapos na rin ang tindahan ni Tita. Punong-puno ito ng laman may mga tinda rin siyang softdrinks at bigas at frozen foods. Masaya akong aalis ng probinsiya namin dahil alam kong hindi sila magugutom. Bitbit ko ang bag ko habang naghihintay kami sa tapat ng tindahan ng susundo sa’kin papuntang manila. Ilang minuto pa ang lumipas may pumaradang itim na kotse sa harap namin at bumaba si Sir Frits. “Let’s go! Miyukie.” Sabi niya. Nagpaalam muna ako sa tita ko at hinalikan ko sa pisngi ang kapatid ko bago ako sumakay ng kotse. Pagpasok ko ng kotse natigilan ako sa lalaking nasa likuran ko. Wala kasi siyang suot na pang-itaas na damit at abala sa pinanood niya sa cellphone niya. Sakop niya ang uupuan ko kaya hindi ako makaupo. “John Axle, umayos ka nga ng upo at magsuot ka nga ng damit nakakahiya kay Miyukie.” sabi ni sir Frits. Tumingin sa’kin si John Axle at inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko at bigla akong napasigaw sa ginawa niya. “Bastos!” Sigaw ko. “John axle anong ginawa mo?!” Sigaw ng Daddy niya. “Nothing Dad. I just greeted her with a kiss on the cheek, nothing more beyond that.” Kampanteng sagot nito. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya pero feeling ko nabastos ako sa ginawa niya. “She’s not like your friend. Say sorry to her.” Tumingin siya sa’kin. “I’m sorry!” Sabay kindat niya sa’kin. Sumimangot ako nakakainis! Wala pang humahalik sa’kin sa pisngi. Tapos siya gano’n lang kabilis ang sarap niyang gilitan sa leeg. “Pasensiya ka na diyan sa anak ko Miyukie. Sige na umupo ka na.” Sabi ni sir Frits. Wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa tabi niya. Tahimik lang ako at kahit galaw hindi ko ginagawa ko samantalang itong katabi ko napaka-ingay habang abala sa hawak niyang cellphone hindi tuloy ako makatulog. “Pst! Ukie.” Matalim ko siyang tinitigan. “Anong tawag mo sa’kn?” “Ukie short for Miyukie.” “Ang panget ng tawag mo sa’kin. Wag mo akong tatawagin sa ganoong pangalan.” “Why? Are you pretty?” “Pakitagalog nga!” “Psh! Ang bobo mo naman sabi ko. Bakit maganda ka ba?” Oo, sabi kaya ng Nanay ko maganda ako. Isa pa, hindi ako bobo. Bulol ka kasi kaya hindi ko naintindihan.” Alibi ko. Ngumisi siya. “Naniwala ka naman. Anyway Ukie, may ipapanood ako sa’yo maganda ito.” “Ayoko nga!” “Sige na!” Sabay hila niya sa’kin. Inilagay niya sa tenga ko ang headset niya at itinapat sa’kin ang cellphone niya. “Tingnan mo ang daming ahas na nakawala paano kaya niya iyon mailalagay lahat sa box.” Sabi ni John Axle. Nakatuon ang mga mata ko sa lalaking naghuhuli ng ahas na nakawala. Natatakot kasi ako para sa kanya dahil baka matuklaw siya. Ngunit habang nakatuon ang mga mata ko sa lalaki may bigla namang lumabas sa screen ng malaking cobra dahilan para mapasigaw ako ng malakas at mabitawan ko ang cellphone niya. “Ha-ha-ha-ha!” Malakas na halakhak ang narinig ko sa katabi ko. Sinadya pala itong ipakita sa’kin para magulat ako. “Gusto mo ba ako patayin sa gulat?!” Inis kong sabi sa kanya. “No,hindi siyempre baka magalit sa’kin mommy ko. Pa-welcome ko lang sa’yo ‘yan ukie.” Hinila niya ang likod ko palapit sa kanya at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko pagkatapos bumulong siya. "Welcome my new toy." Sabay ngiti niya sa'kin. "Nakakaasar ka!” Sigaw ko hindi ko kasi masyadong naintindihan ang english na sinabi niya. Nahihirapan kasi akong umintindi ng mga taong nagsasalita ng may english accent. “Wag kang maasar palagi pa naman tayong magkikita.” “Oh, know!” Anak nga pala siya ng magiging amo ko at doon ako titira sa bahay nila. Siguradong palagi ko itong makikita. “Ang saya may katulong rin kami sa wakas na bata ang edad pero matanda ang itsura.” sabi pa nito. Hindi ko na lang pinatulan ang panlalait niya sa’kin dahil sa huli ako ang talo. Mula sa oras na ito kailangan kong mag-ipon ng mahabang pasensiya para sa lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD