CHAPTER 2

2030 Words
[Miyukie's P.O.V.] NANGINGINIG ako sa lamig habang naglalakad ako sa gitna ng kalsada habang bitbit ang isang plastik na naglalaman ng mga damit at kaunting gamit ko. Basang-basa na ako habang sinasalubong ang malakas na ulan. Wala akong payong na maaring gamitin para sana hindi ako mabasa. Dahil sa ulan hindi na halata ang luha kong kanina pa pumapatak. Ako si Miyukie Menji labing siyam na taon gulang. Galing akong probinsiya at nangarap na makarating ng manila upang makahanap ng trabaho para mabigyan ng magandang buhay ang nag-iisang kapatid kong lalaki na nasa edad apat na taon. Isang taon pa lang mula ng mamatay ang nanay ko sa sakit na cancer sa baga. Napakasakit tanggapin dahil wala akong nagawa para mahabain sana ang buhay ng aking Ina. Sampung taon pa lang ako nang mamatay ang tatay ko kaya naman naghanap ng bagong asawa ang nanay ko. Naging ma-swerte naman si Nanay sa bago niyang asawa dahil tinuring niya akong totoong anak. Ngunit nang pinagbubuntis ng nanay ko ang bunso kong kapatid na si Hubert namatay sa aksidente ang step father ko dahilan para malungkot ng sobra si Nanay. Pakalipas ng ilang taon sumunod naman ang nanay ko. Kaya naman halos ginawa ko ang lahat para maalagaan ang kapatid ko. Nang makatapos ako ng high school nag pasya akong maghanap ng trabaho at iniwan ko ang kapatid ko sa aking Tita upang siya muna ang mag-alaga. Ngunit ngayon narito ako sa manila habang naglalakad sa madilim na kalsada at malakas ang ulan. May isang taga probinsiya namin ang nag-alok sa'kin ng trabaho rito sa manila. Isa raw akong fast food crew sa isang sikat na fast food chain sa manila. Wala na raw akong gagastusin dahil sagot na raw ng agency ang gagastusin ko dahil kikakaltas naman ito sa sahod ko kapag nag-umpisa na ako. Ngunit nang nasa manila kami napag-alaman kong ibubugaw pala niya ako sa isang matandang amerikano na naghahanap ng aliw. Dinala nila ako sa isang hotel sa manila. At doon nila ako ikinulong habang wala pa ang amerikano na nakabili sa'kin. Dahil na determinasyon kong makatakas doon. Sumigaw ako nang malakas at sinikap na sirain ang pintuan. Pagkalipas ng ilang oras na pagsira sa pintuan nagawa ko iyon sirain dahilan para makatakas ako. Bitbit ko ang malaking plastik na pinaglalagyan ng damit ko nang tumakbo ako palayo sa lugar na iyon. Kaya heto ako ngayon naglalakad sa gitna ng ulan. Isang araw na akong hindi kumakain at nakakaramdam na ako ng lamig sa buong katawan. "Lord, ayoko pang mamatay wag niyo muna ako kukunin walang mag-aalaga sa bunso kong kapatid." Dasal ko habang naglalakad ako. Habang naglalakad ako sa kalsada. Napansin ko ang pagewang-gewang na kotse na papalapit sa'kin. Medyo mabagal ang takbo nito ngunit pagewang-gewang naman ito. Lumayo ako ng konti at hinabol ko nang tingin ang kotseng iyon hanggang sa napasigaw ako nang bumanga iyon sa malaking poste ng kuryente. Nagmamadali akong tumakbo palapit dito at nakita kong may matandang babae ang walang malay habang dumudugo ang ulo. "Patay na kaya siya?" Kinapa ko ang pulso niya at nang malaman kong buhay pa ito. Tumakbo ako palayo sa aksidente upang maghanap ng pulis O taong tutulong sa babaing iyon. Agad naman akong nakakita ng pulis na nagbabantay sa lugar na iyon. Agad akong humingi ng tulong sa kanya. Makalipas ng ilang minuto dinala na ang matanda sa hospital. Kasama ako sa hospital upang pansamantalang magbantay sa matandang babae. "Miss, ka-ano-ano ka ng na-aksidente?" Tanong sa'kin ng pulis. "Hindi ko po siya kilala, nakita ko lang po kung paano siya bumangga sa poste ng kuryente." Sabi ko. "Nawalan kasi ng preno ang kotse ng babae. Pwede ka ba naming maimbitahan sa presinto para magbigay ng statement?" Umiling-iling ako at kinabahan sa takot. Bakit ganito sa manila ikaw na nga ang tumulong pagbibintangan ka pa na ikaw ang nagtangkang pumatay. "W-Wala po akong kasalanan, wag niyo naman akong ikulong napadaan lang ako sa lugar na iyon. Maawa kayo sa'kin. Tumulong lang po ako." Sabay iyak ko. Tinapik ako sa balikat ng pulis. "Hindi ka namin pinagbibintangan gusto lang namin hingin ang nakita mo para mayroon kaming record dito sa nangyari sa babae." Pinahid ko ang luha ko sa pisngi. "Hindi niyo po ako ikukulong?" Tanong ko. "Hindi po Miss." "Salamat po." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Sinundo nila ako sa hospital upang dalhil sa presinto pagkatapos interview nila ako sa nangyari. Pagkatapos ipinanood nila sa'kin ang nangyari. "Manong arista na ba ako? Bakit nasa tv ako?" Tanong ko sa pulis. Bahagyang tumawa ang pulis. "Hindi ka artista pero pwede ka naman maging artista kung su-swertihin ka. Cctv camera 'yan. Nirereview lang natin ang nangyari sa aksidente." "Ganoon po ba? Ahh- pwede na ba akong umalis?" "Ihahatid ka muna namin sa hospital upang makilala mo ang pamilya ng tinulungan mo." "Kahit hindi na po aalis na ako." "Mayaman ang pamilya ng tinulungan mo, baka bigyan ka ng pera dahil sa paglitas mo ng buhay ng babae." "Pera?" Kailangan-kailangan ko ng pera ngayon para may matuluyan ako. Alam kong hindi maganda ang tumanggap ng pera sa taong tinulungan pero sa kalagayan ko ngayon kailangan ko iyon lalo na't nanghihina ako sa gutom at nilalamig. "Sige po, sasama na ako." Sabi ko sa pulis. Pagdating namin doon sa hospital nakita ko ang pamilya ng babae. Sa itsura ng mga ito ay pawang mayayaman bukod pa doon mga gwapo pa ito. Dalawang ang nakita ko sa loob ng patient room ang isa ay nasa edad trenta at ang dalawang lalaki ay nasa kwarenta O sinkwenta ang itsura. Lumapit ang pulis sa mga ito upang kausapin samantalang ako ay nasa isang tabi at nakayuko habang hawak-hawak ko ang malaking plastik na pinaglalagyan ko ng damit ko. Pagkatapos lumapit ang tatlo sa'kin. "Anong pangalan mo Miss?" Sabi ng matandang lalaki na sa pagkakamasid ko kanina ito yata ang asawa ng babae. "Miyukie po." "I just want to say thank you for saving my mother's life."sabad ng lalaking pinakabata. Hindi ko magawang mag salita dahil parang umurong ang dila ko. Nakaka star struck kasi ang lalaki sa malapitan dahil sa magandang lalaki ito at ang lakas ng s*x appeal niya. "Salamat sa pagligtas mo sa asawa ko miss. Sabi ng doktor mabuti na lang daw at nadala siya sa hospital dahil baka maubusan siya ng dugo salamat." Sabi naman ng lalaki na nagtanong sa'kin ng pangalan kanina. "W-Wala pong anuman." Tipid kong sagot. "Nabasa ka pa dahil sa pagtulong mo kay Allyson." Sabad naman ng isang lalaki na gwapo rin. Pakiramdam ko tuloy nasa langit na ako dahil napapalibutan ako ng mga anghel. "Kasalukuyan po akong naglalakad sa kalsada nang makita ko ang aksidente." tipid kong sagot. "John Ace, tawagan mo ang mga kapatid mo para ipaalam na na-aksidente ang mommy mo." "Yes, Dad." Pagkatapos umalis ang lalaking nasa edad trenta. Naglabas ng cheke ang asawa ng babae at pagkatapos pinirmahan niya iyon bago inabot sa'kin. "Dahil pagligtas mo ng buhay ng asawa ko. Ito lang ang tanging pwede ko ibalik sa'yo." Inabot niya sa'kin ang cheke. "One hundred thousand pesos!" Halos paulit-ulit kong binasa ang nakalagay. Kahit kailan hindi ko naranasan makahawak ng ganoong halagang pera. Nalula ako sa hawak ko. Naluluha akong humarap sa kanila. "Pasensiya na po kailangan ko itong tanggapin dahil para mabuhay ako sa manila." "Bakit?" Kunot-noong tanong ng isang lalaki. Pinahid ko ang luha ko. "Naloko po kasi ako ng isang kababayan ko. Dinala niya ako rito sa manila, sabi niya magkakaroon ako ng trabaho rito iyon pala ibebenta niya ako sa matandang amerikano. Mabuti na lang at nakatakas ako sa kanila. Kaya po ngayon pagala-gala ako." "Teo, tulungan mo siya." "Yes, Frits." Sagot nito. "Wala ka pa lang matutuluyan pwede ka munang tumuloy sa'min, para naman makilala ng asawa ko ang taong tumulong sa kanya." Ilang beses akong umiling. "Napakalaking halaga na po ang hawak kong pera. Babalik na lang po siguro sa probinsiya para alagaan ang bunso kong kapatid. Maraming salamat po rito sa tulong niyo." "Ikaw ang bahala." Sabi ng lalaking nag ngangalang Frits. "Dahil wala ka pang matutuluyan ngayon. Tumuloy ka muna sa isang condo unit ko at pagkatapos bukas na bukas rin tutulungan kitang ipapalit ng cash ang hawak mong cheke." Sagot naman ng lalaking si Teo. "Maraming salamat po sa inyong dalawa." Lumuluha kong sagot. Marami sa manila ang manloloko ngunit may mga tao rin pala rito ang may mabuting puso na handa rin tumulong sa iba. Tulad na lang ngayon hindi ko inisip na sa katulad nilang mayaman tutulong sa mahirap na tulad ko. Ang mayayaman kasi sa lugar namin ay matapobre na akala mo pati buhay naming mahihirap ay nabili na nila. **** NAMANGHA ako sa condo na pinasukan namin. Parang maliit na palasyo ito para sa'kin dahil halos mga bago pa ang kagamitan at kahit yata alikabok wala akong nakita rito. Halos manalin ka sa kintab ng semento at mga dingding na pakiwari ko'y yari sa marmol. Napayakap pa ako sa sarili ko dahil sa lamig ng loob ng condo ang lakas kasi ng aircon sa loob ng condo. "Dito ka muna pansamantalang tutuloy sabi ni Sir Teo." Sabi ng babae na naghatid sa'kin dito. "Dito po talaga?" Tumango siya. "Yes, pansamantalang dito ka muna pagkatapos bukas sasamahan kitang magpapalit ng cheke mo." "Para akong prinsesa sa lugar na ito." Tumingala ako habang nililibot ko ng tingin ang paligid. "Mukha ka namang prinsesa. Halika ituturo ko sa'yo ang mga dapat mong malaman." Sabi nito. Tumango ako at sumunod sa kanya. Hindi ako makapaniwala na lahat ng mga gamit dito ay high technology na halos lahat ng gamit dito ay sensor na. Parang hindi ko na kakailanganin masyadong gamitin ang kamay ko. "Pinasasabi pala ni Sir Teo kung kilala mo ang babaing nanloko sa'yo." Sabi niya matapos niyang ituro at i-demo sa'kin ang nasa loob ng condo. "Ang alam ko lang siya si Maritess Amid." "May larawan ka ba niya?" "Ay! Opo, pasimple kong kinuha ang Id niya na fake pala." Kinuha ko ang Id ni Marites na Fake. "Salamat ibibigay ko ito kay sir Teo para makulong ang babaing ito." "Naku! Mukhang malabong mangyari ang sinasabi niyo. Maraming pera iyon at kaya niyang bilhin ang hustisya. Isa pa po ayokong malaman niyang ako ang nagsumbong sa kanya dahil baka balikan ang kapatid at tita ko nasa probinsiya." "Wag kang mag-alala hindi ka madadamay rito isa pa, kahit gaano pa kayaman at laki ng konkesiyon sa batas ng taong ito walang makakalusot kay sir Teo." "Maraming salamat po." Sabi ko sa kanya. Hindi ko na tinutulan ang sinabi niya. Dahil sa dami ng ganitong klase ng tao na malakas ang koneksiyon sa batas kayang-kaya nitong baliktarin ang batas at ipagkait sa katulad kong mahirap ang hustisya. Kaya madalas nanahimik na lang at ipinipikit ang mga mata. Dahil ang hustisya ay para sa mga may pera lang at hindi para sa katulad kong mahirap. "Sige maiwan na kita babalik na lang ako bukas ng alas diyes ng umaga." "Salamat po. Ahm, pwede ko bang malaman ang pangalan niyo?" Tanong ko sa babae. Kanina ko pa kasi ito kausap ngunit hindi ko alam ang pangalan. "Ako pala si Rebecca." "Salamat po Maam Rebecca ako naman po si Miyukie." "Nice meeting you Miyukie." Nakangiting sabi nito. "Thank you po." Yumuko pa ako tanda ng paggalang sa kanya. Pagkatapos umalis na ito. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon habang nararamdaman ko ang maligamgam na tubig sa katawan ko, pakiramdam ko nasa panaginip ako. Ngayon ko lang naranasan ang maligo sa shower na may maligamgam na tubig. Pwede mo pang palitan ng cold at hot water. Hindi katulad sa probinsiya na kailangan mo pang magpainit ng tubig para maging maligamgam ang tubig na ipapaligo mo. Pagkatapos kong maligo nagluto rin ako ng ulam at kanin. Punong-puno kasi ng laman ang refrigerator ng condo na ito. Mabuti na lang at tinuruan siyang magbukas ng gas stove ni Rebecca. Pang tatlong tao ang niluto ko tinikman ko pa ang lahat ng dessert na ansa refrigerator. Minsan lang ito mangyari sa buhay ko kaya lubus-lubusin ko dahil bukas babalik na rin ako ng probinsiya. "Ang sarap pa lang mabuhay mayaman. Lahat ng pagkain makakain mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD