Kian’s POV
I’ve been yearning to kiss her my whole life and as I tasted her heavenly lips for the very first time parang ayoko na siyang pakawalan pa. Lasang panghabang buhay.
Her lips are soft and fruity. It was the sweetest lips I’ve ever tasted. She didn’t respond but she didn't stop me either. She’s maybe still in shock at what I did. I took advantage of the moment habang hinahayaan niya akong halikan siya, habang hindi pa siya pumapalag, habang nagpapaubaya siya.
I held her tiny face with both of my hands. Her cheeks are as soft as her lips. I continued to brush my lips against hers. I am addicted, at wala akong balak na tumigil.
Nag-aanyaya ang mga halik kong tugunin niya. I tilted my head to the side. Mas naging mapangahas ako ng bahagyang umawang ang mga labi niya. I took the chance to explore the inside of her tiny mouth. I tasted the mint flavor of the toothpaste she used. Unti-unting namumuo ang init sa katawan ko. Kay bilis na nilipat ko ang palad sa likod niya upang alalayan siya ng maramdaman ko ang bahagyang pagkawala ng kanyang balanse ngunit naging dahilan iyon upang mapukaw ang katinuan niya.
She abruptly pushed me with all her strength the moment she gained her sanity.
"Hmpt!"
Ngunit mas humigpit lamang ang paghapit ng braso ko sa likod ng kanyang baywang. Tuluyang naglapat ang mga katawan naming dalawa. She kept on pushing me but I ignored her. Pinipilit niyang iniiwas ang labi niyang angkin ko ngunit wala akong balak na pakawalan siya. I took a step forward, she was forced to take a step backward. Lumaki ang awang ng pinto at tuluyan akong nakapasok sa loob ng kanyang unit. Pinipilit niyang kumawala sa hawak ko at manlaban ngunit walang wala ang lakas niya sa lakas ko. Gamit ang paa ko’y sinara ko ang pinto ng condo niya. Naging malikot siya. Binubuhos ang lakas at ginagawa lahat ng paraan upang makawala sa’kin. Hanggang sa tuluyang makalaya ang labi niya mula sa pag-angkin ko.
“No! Kian! Get off me! Bitawan mo ko! Ano ba!” Kung saan-saan na tumama ang labi ko. Tila ba sinaniban ako at ayaw kong tumigil.
“No!” Tili niya when I forced her to lay down on the couch at dahil mas malakas at sa laki ng bulto ko kumpara sa kanya ay nagawa ko ang gusto. Muli ay malakas siyang napatili. “Help!” Malakas na sigaw niya.
Nahiga siya sa couch habang nasa ibabaw niya ako. Sinisipa niya ako kaya pwenesto ko ang sarili sa gitna ng mga binti niya.
Nakapikit ang mga mata ko habang pababa ang labi ko sa panga niya, sa leeg niya. Pinagsasampal niya ako. Nagawa kong hulihin ang mga kamay niya and pinned it above her head. “Tulong! Umalis ka Kian! Ano ba! Lasing ka lang! Wag mo ‘tong gawin, please!” Pagmamakaawa na niya ngunit tila wala akong narinig. Desidido na ‘kong angkinin siya. Gusto ko lang naman na makakasigurong sa’kin siya mapupunta. Hindi ko naman siya tatakbuhan. Papanagutan ko siya, papakasalan, aalagaan at mamahalin. Kung hindi man niya ako mahal sa ngayon siguro nama’y magawa niya akong mahalin. Alam kong mali but this is the only way I can be sure she will be mine.
“Kian, let go! Ano ba! N-atatakot na ‘ko.”
Ngunit ng marinig ko ang pagkabasag ng boses niya tila’y natauhan ako bigla. Nahinto ako ngunit nanatiling nasa ibabaw niya. Nahabag yung puso ko ng mapansin ko ang panginginig niya. Saka ko lang napansin ang nararamdaman niyang takot. Nag-angat ako ng tingin. Galit na tinitigan niya ako ngunit bakas ang takot sa mga mata niya habang nag-uunahan na ang mga luha sa mga mata niya. I felt more guilty as I saw her tears streaming down to her beautiful face. Bakas sa mga titig niya ang mas lalong pagkamuhi niya sa’kin dahil sa ginawa ko.
Mabilis kong binitawan ang mga kamay niya. Bumangon ako at umalis sa ibabaw niya. Tumalukbong siya at tumalikod. Tinakip niya ang mga palad sa mukha niya kasunod ang mga mahihina niyang mga hikbi. Habang ako’y nasa paanan niya nakaupo. Nasa sahig ang mga paa. Nakabuka ang mga hita habang nakatungkod ang magkabilang siko sa magkabilang tuhod. Napahawak ang mga palad ko ulo. Inis na napasabunot ako sa sariilng buhok. Sising-sising sa nagawang kapahangasan. Bigla akong nahimasmasan.
“I-m so s-orry-”
“Get out!” Sigaw niya. Hindi na niya ako pinatapos.
“I didn’t mean-”
“Get out, Kian!” Muli ay sigaw niya ngunit nanatiling nakatalikod siya sa akin at umiiyak. “I said get out!” Sigaw niya ulit ng mapansing hindi ako kumilos. “Umalis ka bago pa ako makatawag ng pulis o ipaalam sa mga magulang natin ang kahayupan mo!” Ngunit nanatili pa rin ako sa aking pwesto. Tila ayaw gumalaw ng mga paa ko. Ayoko siyang iwan na ganitong nanginginig siya sa takot. Sobrang naaawa ako sa kanya.
“U-malis ka na nga!” She cried even more. “Utang na loob, please. Umalis ka na!” Saka lamang ako nagkaoon ng lakas na tumayo. Damang-dama ko pa rin ang takot niya sa’kin.
“I’m really sorry, Amber. Nadala lang ako. I’ll take all the consequences of my actions. Gawin mo kung anong gusto mong gawin, tatanggapin ko but please don’t be afraid of me. Hindi ko magawang saktan ka-”
“Hindi nga ba, Kian! You almost r*ped me! How could you! How could you do this to me?”
Mas lumakas pa ang hikbi niya. “Please just go! Get out! Get the F*cking out of here!” Napatitig na lamang ako sa kanya bago ko sinimulang ihakbang muli ang mga paa ko papunta sa pinto ng unit niya. Inabot ko ang doorknow ngunit bago ko pa tuluyang buksan ang pinto ay nahinto ako saglit.
“I’m so sorry. Mahal kita, Amber.” Mahinang saad ko but enough for her to hear it.
“You’re not in love, you’re obsessed, Kian! You are only making things worse between the two of us.You made me hate you so much.” Dama ko ang galit at bigat ng binitiwan niyang salita. Nais ko mang magsisi ngunit huli na.