Kian’s POV
“What the hell?!”
Pahabol na sigaw ng kahalikan ko sa papaalis na si Amber.
“Hayaan mo na.” Lambing na saad ko sa kanya. Muli ay hinarap niya ‘ko. She was about to kiss me again when someone from behind suddenly pulled her hair.
“You b*tch! He’s mine!”
“Ouch!” Sigaw muli ni Cresilda. Napatayo ako sabay na pa facepalm nang mamukhaan ko ang babaeng ngayo ay hila-hila ang buhok ni Cresilda. Siya lang naman yung babaeng humarang sa’kin kanina, nayawa na! Agad namang nakabawi si Cresilda. Napaiwas ako nang biglang ingudngud nito ang babae sa harapan ng kotse ko. Tangina! Lihim akong napamura. Paano pa ‘ko makakaalis nito?
“Anong sayo? Ambisyosa ang pangit mo!” Bulyaw ni Cresilda sa babae. Napatingin na ako sa paligid ng unti-unti nang magsilapitan ang mga estudyante upang maki-osyoso. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang i-untog ni Cresilda ang mukhang babae sa bumper. Shuta! Yung baby ko! I am referring to my two months old car na gift ni Daddy sa birthday ko.
“Sh*t yung baby ko!” Bulalas ko. Nahinto naman ang dalawa at napatitig sa akin. Nakangiti yung babae habang umuusok sa galit naman si Cresilda.
“See? Rinig mo ‘yun? He calls me baby?” Napaawang ang labi ko nang mapagtanto ang sinabi nito.
“So baby mo ‘to?” Galit na saad nito sa akin. Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa dalawa. Bago pa man ako makasagot ay bigla muling hinila ng babae ang buhok ni Cresilda. Muling nagsabunutan ang dalawa. Nagkapalit pa ang mga ito ng pwesto. Naghampasan ng dala nilang bag at sa tuwing tumatama ang metal sa kotse ko’y napapangiwi na lamang ako.
Inis na napasabunot ako sa aking buhok.
“Jermaine Kendrey “Apakapogi nang hayop” Saadvedra!” Mabilis na napalingon ako nang marinig ang malakas na pagtawag ng pangalan ko kasabay ang malakas na serbato. Agad na nakasalubong ko mga nanunuksong mga titig ng mga hayop kong mga kaibigan. Lulan ang mga ito ng pick-up ni Alfred.
“Room tour pa more!” Kantiyaw sa akin ni Vincent. Sinamaan ko ang mga ito ng tingin sabay taas ng gitnang daliri ko sa kanila. Tinawanan lamang ako ng mga gago.
“You need help?” Pambwebwesit lalo sa’kin ni Eugene.
“Ano ako pungkol-” ‘Di pa ako natapos sa pagsasalita ay narinig ko na agad ang pagsabat ni Alfred.
“Makaawa ka muna!”
“Kapaki-pakinabang kayong mga gago kayo!” Bara ko sa apat.
“Ano pang tinayo-tayo mo dyan ‘di ka namang t*t*, arat na!”
“Yung sasakyan ko, yawa!”
“Ipaayos mo nalang, ‘di yan nakakabawas ng yaman mo!”
“Yung pera ko ‘di madaling maubos pero yung pasensya ng daddy ko, konti na lang!” Kay lakas ng tawa ng mga hayop.
Natigil kaming magkakaibigan ng marinig ang whistle ng Dean. Palapit ito kasama ang dalawang guard patungo sa kinaroroonan namin. Yari na kapag ako naabutan nito, ipapatawag na naman si Daddy nito.
“Hoy Gago! Sakay na bilis!” Agaw ni Vincent sa atensyon ko. Mabilis pa sa alas dose ang pagsakay ko sa sasakyan ni Dennis. Mabilis naman nitong pinaandar ang sasakyan at pinaharurot paalis ng campus.
Tawang-tawa kaming lima sa loob ng sasakyan.
“Nangangamoy dean’s office ka na naman bro.” Kantiyaw sa akin ni Dennis.
“Magiging Tito mo na naman si Taguro.” Saad ni Alfred. Si Taguro ay personal assistant ng daddy niya.
Muli ay nagtawanan kaming magkakaibigan.
“Hoy! Yung sasakyan ko pre!” Reklamo ko sa kanila ng maalala ko ang sasakyan ko.
“Bili ka nalang bago afford mo naman!” Saad ni Vincent.
“Magulang ko lang mayaman, nahihikahos pa ‘ko.” Saad ko.
“Daanan nalang natin si Jeremiah ipapakuha natin sasakyan mo.” Saad ni Eugene. Si Jeremiah ay pinsan niyang na sa kanila nakatira.
“Ayown!” Bulalas ko.
“So, sa’n tayo?” Tanong ni Dennis.
“Playlist.” Mabilis na sagot ko. Agad naman silang napalingon sa’kin nakakunot ang noo.
“Unusual.” Komento ni Alfred.
“Kailan mo pa naging tambayan yun?” Tanong ni Eugene. Hindi namin tambayan ang Playlist. Hindi kami mahihilig sa restobar magto-tropa na chill-chill lang. We always prefer wild places, maingay, magulo, mga lugar kung saan makakapaghasik kami ng lagim.
“Nandun si Amber.” Sagot ko na nagpatahimik sa kanila.
“That answers our question.”
Hindi lihim sa mga kaibigan ko ang pagkabaliw ko kay Amber. They support me kahit na nagmumukha na akong tanga.
Ilang saglit lang ay narating namin agad ang Playlist. Pagkapasok ko sa loob ay siya agad ang hinanap ng mga mata ko. Lihim akong napangiti when I saw her. Kay laki ng tawa niya, ang saya niyang tingnan, mas lalo siyang gumaganda.
“Hoy, bilis!” Tulak sa akin ni Vincent. Agad itong umiwas ng pabiro kong inumbahan ng sapak. Nilagpasan niya ko. Tawang-tawa ang gago.
Sumunod naman ni Eugene.
“Natatanga ka na naman.” Saad nito sabay turo sa akin. Mabilis nitong naibaba ang kamay ng hampasin. Muli ay nilagpasan niya ko.
Sumunod naman si Alfred.
“Tulo laway, o!” Muli itong napaiwas ng umbahan ko rin.
Sumunod ni Dennis. Nagkatitigan kaming dalawa.
“Ano?!” Inunahan ko na.
“Wala!”
Muli ko pang nilingon si Amber bago ako sumunod sa mga tropa ko. Nakaupo kaming apat sa isang round table. Si Alfred ang nag-order ng maiinom naming magtropa. May dalawang table sa pagitan ng table namin sa table nina Amber.
Ilang saglit lang ay dumating na si Alfred bitbit ang mga binili nitong beers. Habang nag-kwekwentuhan ang tropa ang atensyon ko ay na kay Amber lamang. Bawat kilos yata nito ay binabantayan ko kahit na siguro ang paghinga nito.
“Hanggang tingin na lang
Lagi na lang ganyan
Nasasanay na ang puso ko
Lagi na lang nabibigo”
Mabilis na napalingon ako sa mga tropa ko ng sabay-sabay ang mga itong kumanta ng Hanggang tingin ng Kamikazee.
“Mga gago!” Saad ko kasunod ang pagtungga ng hawak kong beer.
“Gamitan mo na kasi ng teknek.”
“Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.”
Bahagya ko lamang silang nginisihan sabay iling. Nakalahati ko ang laman ng beer ng ilapag ko.
“Mapapaamo ko rin ‘yan.” Saad ko.
“Kapag lumaki na si Kupido.” Kantyaw ni Dennis.
“Pagnamunga na ang cactus.” Saad naman n Vincent.
Tinawanan ko lamang sila. Nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit pagdating sa kanya nababahag lagi buntot ko. ‘Di ako makaporma. Siguro dahil hindi pa nga ako nagsasalita, binabara na niya ako pero sa tuwing sinusungitan naman niya ako mas lalo ko pa siyang nagugustuhan, mas lalo pa akong napupursigeng mapaamo siya.
Muli ay tinungga ko ang hawak kong bote. Kakalagok ko lang ng mapatigil ako nang makarinig ako ng pagkabasag. Paglingon ko’y nakita kong nagkakagulo na ang grupo nina Amber at ang mga ibang customer ng restobar. Mabilis ko itong nilapag sa mesa.
“Tayo!” Saad ko. Nagsitayuan kaming lima at nilapitan ang mga nagkakagulo. Tinulungan namin ang mga bouncer ng restobar na awatin ang magkabilang kampo.
Last thing I knew, kasama ko na sina Amber at ang mga nakaaway ng grupo nila sa loob ng isang presinto. Pinauna ko na lamang ang tropa ko sa Achoholic dahil pagkatapos naming maayos ito ay agad na susunod ako sa kanila.
Mabuti at kilala ko ang hepe ng presintong pinagdalhan sa amin at mabilis na naayos ang gulo. Nakipag-ayos lang rin agad ang may-ari ng bar ng bayaran namin ito.
Isa-isa nang nagsilabasan ang mga kinakapatid ko. Nahuli ako dahil nag-uusap pa kami ng kaibigan kong hepe. Sinadya kong bilisan ang pag-uusap naming dalawa upang maabutan ko pa si Amber.
Nagmamadaling lumabas ako ng presinto. Hinanap ko siya. Agad na nahanap siya ng mga mata ko para lamang madismaya. Inis na tinitigan ko ang dalawa. Nagtatagis ang mga bagang ko habang pinagmamasdan sila. Habang hawak niya ang pisngi ni Uno. Kitang-kita ko kung paano siya titigan nito. Kay lapit ng mukha ng dalawa, tangina.
Kuyom ang mga kamao kong inilang hakbang lamang ang sasakyan ko. Kinakalma ang sarili dahil baka ‘di ko mapigilan at masuntok ko nang wala sa oras si Uno. Pinaharurot ko ang sasakyan paalis, sinadya ko upang maagaw ang atensyon ng dalawa.
Hawak ng magkabilang kamay ko ang steering wheel, mahigpit, gigil, galit.
“Ambeeeer!” Sigaw ko sa loob ng kotse. Walang kami pero putangina selos na selos ako! Kasi dapat ako yun! “Ano bang mali sa’kin! Tangina!” Gigil na sigaw ko. Para na ‘kong baliw.
Mabilis ko lang na narating ang A’choholic. Pumasok ako sa loob. Gulat na gulat si Alfred ng agawin ko ang hawak niyang basong may lamang alak at mabilis na tinungga. Hindi pa ako nakuntento at yung mismong bote ang kinuha ko at nilaklak.
“Okay ka lang, bro?”
“Hindi! Tangina tol!” Singhal ko.
“Kalma lang, bro!”
“Hey handsome?” Napalingon ako sa babae sa kaliwa ko. She’s flirting. Napaigik ito ng sabunutan ko ang buhok nito sa likod sabay mariin itong hinalikan. She was shocked ngunit saglit lamang dahil agad rin niyang tinugon ang halik ko. Segundo lamang ang tinagal ng halikan naming dalawa. Una akong bumitaw.
“Why?” She asked.
“You taste awful.” I coldly said bago ko muling tinungga ang laman ng beer at tinalikuran siya.
“Asshole!” Bulyaw nito.
Hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito. Umiikot na ang paningin ko ngunit alam ko pa rin kung kaninong pinto itong nasa harapan ko. Malakas ko itong kinatok, sunod-sunod, walang tigil at wala akong balak tumigil hanggang sa pagbuksan niya ‘ko. Nahinto lamang ako ng umawang ang pinto. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya ng makita ako. Binalak niya akong pagsarhan ngunit mas mabilis ang kamay ko sa pagharang sa pinto niya upang wag itong tuluyang samara. Lalaki ako kaya mas malakas ako.
“Kian, lasing ka!” Saway niya sa akin.
“I just want to talk.” Saad ko habang namumungay ang mga matang nakatitig sa maganda niyang mukha. Habang patagal na patagal ko siyang tinititigan ay mas lalo siyang gumaganda.
“Pagod ako, Kian-”
“Why am I so f*cking crazy about you?”
“You know I don’t-” Hindi na nito natapos ang sasabihin when I quickly held her face and kiss her, madiin, mapang-angkin, nanabik.