Amber’s POV
I was already inside my room. I was lying in my bed. Nakatagilid ng higa habang yakap ko ang isang unan. Ang mga mata’y nakatitig sa kawalan. Mag-uumaga na ngunit ayaw akong dalawin ng antok. Narito pa rin ang takot. Kanina pa umalis si Kian but I am still shaking, gagong iyon! Nagdadagan lang ang nararamdaman kong pagkadisgusto ko sa kanya.
Malakas akong napabuntong hininga. Paano kung hindi siya nag-paawat? Paano kong tinuloy niya ang masamang balak? Paano kung hindi siya huminto at nagpadala sa utos ng katawan? Ipapakulong ko talaga siya habang buhay! I’ll make sure he will suffer and pay for what he has done!
Hindi maalis-alis sa isipan ko ang ginawang kapahangasan ni Kian. Paulit-ulit iyong tumatakbo sa utak ko. Nagtaka rin ako sa sarili sa naging reaksyon ko sa unang mga segundong hinalikan niya ako. I should have pushed him the moment he kissed me. I shouldn’t have given him a chance to think that it was okay and that, I want it too. Kaya lumakas ang loob ng gagong iyon na mas laliman ang halik niya dahil hinayaan ko. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ko siya hinayaan, kung bakit ako nagpaubaya kahit ilang segundo lang. Siya pa naman iyong huling taong gugustuhin kong kahalikan ko. Basta ang alam ko nawala na lang ako bigla sa sarili nang halikan niya ko.
Magkahalong takot, inis, galit, pagkamuhi ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi niya na ako ginalang bilang babae at lalo bilang kinakapatid niya. Sa ngalan lang na sana na matalik na magkaibigan ang mga magulang naming dalawa. Isa pa, he also took my first kiss! It was supposed to be for the man I love or my husband to be and he stole it. Si Kennedy dapat yun, eh! Siya iyong ini-imagine ko na pagbibigyan ko ng first kiss ko, ng lahat ng sa akin, damn! Sa kaka-imagine kong kahalikan si Ken, nagkatotoo tuloy! Mukha nga niya ngunit ibang tao naman, yung tao pa na sobrang kinamumuhian ko, nakakainis! Ahhhhh! Sh*t! Napapikit ako. Napasuntok sa unan na yakap ko. Naikuyom ko ang kamao binunton ko sa unan ang nararamdaman kong galit. Naiinis ako ng sobra kay Kian. Gustong-gusto ko siyang sakalin hanggang sa malagutan siya ng hininga, hayop siya!
Sumisilip na ang sinag ng araw nang makatulog ako. At dahil late na akong natulog, late na rin akong nagising. Hindi na rin ako pumasok sa school. Wala rin kasi akong gana bumangon o gumalaw. Pagkagising ko kasi ay agad na naalala ko ang nangyaring kahayopan ni Kian sa akin kagabi. Kanina pa ako gising ngunit ayaw kong kumilos, ayokong bumangon, ni kahit ang kumain ay ayaw ko. Nanatiling nakatalukbong lamang ako sa ibabaw ng kama ko sa ilalim ng makapal kong comforter.
Halos isang oras akong nanatiling nakahiga sa kama, nakapikit ang mga mata ngunit gising ang isipan bago ko napagpasyahan na bumangon at maligo. Halos magkanda-sugat-sugat na ang leeg at labi ko sa pagkuskos ko upang matanggal ang bakas na naiwan ni Kian sa katawan ko. I maybe over acting but I really hate it, I hate the fact that he kissed me. Hindi ko kagustuhan yung nangyari. I was force, hayop talaga!
Hapon na ng lumabas ako ng kwarto. Tumambay ako sa sala. Nanood ako ng paborito kong Korean series. Nasa kalahati na ako ng isang episode ngunit wala akong maintindihan. Wala sa pinapanood ko ang isipan, naaagaw ito sa nangyari kagabi. I don’t know how long I can move on from what he did to me.
Napagpasiyahan kong patayin na lamang ang TV. Inabot ko ang phone sa ibabaw ng center table. Naisipan kong magpadeliver ng food. Wala akong gana nguit kumakalam na ang sikmura ko. Wala akong breakfast, lagpas na ang oras for lunch.
Abala ako sa pag-order ng food sa isang delivery app ng tumunog ang doorbell. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Napapikit ako at kinalma ang sarili. F*ck! Mukhang magkakatruma pa yata ako. Hindi ako kumilos. Nanatiling nakaupo lamang ako sa sala habang hawak ang dibdib ko at sa muling pagtunog ng doorbell ay tumayo na ako at tinungo ang pintuan ngunit ‘di na ‘ko katulad ng dati na nagbubukas agad. Tinignan ko muna ang monitor kung sino ang tao sa labas. Mahirap na at baka maulit pa ang nangyari kagabi. Napakunot ang noo ko ng makita ang isang lalaking hindi ko kilala ngunit tantiya ko ay isang delivery guy dahil sa nakasulat na logo sa suot niiyang uniform.
I pressed the button on the side of the monitor so he may be able to hear me.
“Sino po sila?” I asked
“Delivery po for Ms. Dianne Amber Montefalco po.” Sagod ng lalaki.
“Ano po yan? I didn’t order anything po.” Tanong ko ulit.
“Flowers po ma’am at two boxes of pizza po.” Saad ng delivery guy sabay taas ng dala niya.
“Ha? From who?”
“Wala pong nakalagay ma'am pero meron naman pong nakaipit na letter.” Sagot muli nito.
Na-curious ako at na-excite bigla. Who knows it came from Ken? Baka nag-alala iyon dahil absent ako sa pangungulit ko sa kanya.
Pinagbuksan ko ang delivery guy. Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng flowers. Agad kong tinignan ang nakaipit na card. Nothing is written aside from the word, sorry.
SORRY
Napaisip ako nung una ngunit kay bilis kong naikuyom ang kamao ko kasabay ang paglamukos ko sa hawak kong maliit na card ng mabasa ang nakasulat. Walang pangalan ngunit alam ko kaagad kung kanino galing. Isa lang naman ang may atraso sa’kin. Yung gagong bigla na lamang nanghahalik kagabi. Inis na binalik ko sa rider ang bulaklak. Nagulat rin ito sa ginawa ko dahil halos isaksak ko iyon sa dibdib niya.
“Ma’am, bakit po?”
“Pakitapon.”
Pagkasabi’y sinara ko kaagad ang pinto. Wala na akong paki kung anong sasabihin ng rider. Sa inis ko nagiging bastos na ang pag-uugali ko.
Sorry? Akala siguro niya madadaan niya ko sa pasorry-sorry niya! Kung noon nga na wala siyang ginawang masama ‘di ko na siya gusto lalo na ngayon!
Hindi ko na tinuloy ang pag-order ng food. Nag-cereal na lamang ako at milk at muling bumalik sa kama upang matulog.
Nagising ako ng pakiramdam ko ay may mga matang nakatitig sa’kin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata. Ganun na lamang ang gulat ko ng tama nga ang pakiramdam ko. Napabalikwas ako ng bangon sabay hawak sa dibdib ko.
“JESUS!” Bulalas ko.
“Kape pa more!” Anas ni Thirdy.
“Siraulo kayo! Papatayin niyo ba ako sa takot!” Paano ba naman kasi nakapalibot ang mga kinakapatid ko sa gilid ng kama ko habang nakatunghay sa’kin.
“Are you sick?” Saad ni Ian sabay dantay ng likod ng palad niya sa noo ko.
“Hindi.” Saad ko sabay tanggal ng palad niya sa noo ko.
“Ba’t absent ka?” Tanong ni Lee.
“Hangover lang kagabi. Masakit ulo ko pagkagising ko kaya napagpasyahan kong wag na pumasok. Tapos na naman ang exam.” Pagsisinungaling ko.
“Buong araw kang tulog? ‘Di ka sumasagot sa text at tawag namin.” Tanong ni Kiara.
“Oo.” Tipid na sagot ko. “Ba’t kayo nandito.” Tanong ko.
“We’re just worried ‘bout you kaya pinuntahan ka na namin.” Sagot ni Rain.
“Alis na tayo, humihinga pa naman.” Singit ni Thirdy. “Aray, naman!” Impit ni Thirdy nang sabunutan siya ni Fifth.
“Oo nga, sinira niyo tulog ko.” Segunda ko.
“Food trip daw, balut. Sama ka?” Singit ni Rafa.
Nakita ko na lamang ang sarili kong kasama ang buong tropa sa Boulevard habang kumakain ng balot. Tatlong tray na yata ang naubos naming lahat. Tuwang-tuwa naman ang mga balut vendors dahil ubos agad ang mga paninda nila.
“Kiro, paabot nga ng suka.” Mando ni Thirdy. Hindi agad nakakilos si Kiro dahil kasalukuyang tinatanggal nito ng balat ang balut. “Kiro, bilis! Shutangina-” Bulalas ni Thirdy sabay iwas ng mukha nito ng idutdot ni Kiro ang bote ng C2 na may lamang suka.
“Hoy hindi yan-” natigil naman kaagad si Uriel ng palihim siyang siniko ni Kiro. “Hoy, raulo ka.” Natatawang bulong ni Uriel. Si Kiro nama’y pinipigilan ang matawa. Napatingin ako kay Thirdy na agad na nilagyan ng suka ang balut niya sabay kagat at sipsip. Nakita ko ang pagngiwi ni Thirdy ng malasahan ang balut, agad na niluwa nito ang laman ng bibig habang si Kiro ay tawang-tawa.
“Ser, ‘di yan suka, downy yan!” Saad ng tindera na napakamot ng ulo. Tawang-tawa kami ng marinig ang sinabi ng tindera habang si Thirdy ay kay sama ng tingin na pinukol niya kay Kiro.
“Sorry sorry, tol. Ito pala ‘yun!” Natatawang abot ni Kiro ng bote ng suka kay Thirdy. “Tanggapin mo na, bilis!”
“Apakahayop mong gago kang timawa kang hinayupak ka!”
Ang buong araw kong pag-iisip at stress ko dahil sa ginawa ni Kian ay agad na napalitan ng hagalpak at bungisngis ngayong kasama ko ang buong tropa.
Kinabukasan ay pinilit ko ang sariling pumasok. Kailangan kong libangin ang sarili upang mawaglit sa isipan ko ang nangyari. Kailangan kong kalimutan at umusad. Ang importante, intact pa rin ang virginity ko.
Nasa loob ako ng classroom habang sinasagutan ang activity na nakasulat sa white board. Ihing-ihi na ako ngunit kailangan kong tapusing sagutan ang papel ko. Binilisan ko na lamang ang pagsagot at nang matapos ay agad akong tumayo at pinasa ang papel ko sa Prof namin.
“Sir, may I go to the bathroom?”
“As long as you're done, you can go, Ms. Montefalco.”
“Thank you, Sir.”
Pagkasabi ay tumakbo na agad ako palabas ng classroom at tinungo ang CR.
Agad akong nakaramdam ng kaginhawaan ng maka-ihi ako. Nang matapos ay nagpunas ako at naghugas ng kamay. Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin at inayos ang nagulo kong bangs bago ako lumabas ng bathroom ngunit pagkabukas ko ng pinto ay agad mukha ni Kian ang nabungaran ko. Nakasandal ang likod nito sa wall. Halatang may hinihintay. Agad na lumukot ang mukha ko ng makita siya. Kay bilis kong naihakbang ang mga paa upang iwan siya. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit tila wala akong narinig. ‘Di ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lamang ang mga hakbang ko.
Kay laki na ng mga hakbang ko ngunit naabutan pa rin niya ako. Inabot nito ang kamay ko. Natigil ako sa paglalakad. Hinarap ko siya at malakas na tinulak. Nabitiwan niya ang kamay ko at napaatras. Hindi pa man nakahuma ay agad na lumipad ang palad ko sa kaliwang pisngi niya. Narinig ko ang pagsinghap ng mga estudyante sa paligid.
“I should have done that, that day!” Duro ko sa nakatagilid niyang mukha. Tila humulma yong palad ko sa pisngi niya sa lakas ng pagkakasampal ko. Pulang-pula ito. “Kulang pa ‘yan! If you’re really sincere with your sorry please do me a favor, leave me alone! Stop ruining my day, pwede ba? I don’t like you! I hate you, Kian! I hate you to death! Isaksak mo yan sa kukuti mo!” Gigil na singhal ko sa kanya sabay dutdot ng hintuturo ko sa sintido niya. Wala na akong paki kung may makakarinig man sa sinasabi ko, he deserve it.
Nagpupuyos ang loob kong tumalikod. Naiyak ako sa galit na nararamdaman ko sa kanya. Muli ay kay laki ng hakbang ko upang iwan siya. Galit na galit ako ngunit may parte ng puso ko ang nahabag dahil sa ginawa ko, and I don’t get it… I don’t get that part of myself…