Chapter 8
Kian’s POV
“Hoy! Hinay-hinay lang! Ginawa mo ng tubig yang whiskey, raulo ‘to!” Saway sa’kin ni Alfred. Sinubukan nitong agawin ang hawak kong bote ngunit iniwas ko upang wag niyang makuha.
“Ano ba! Ba’t nang-aagaw ka.” Sita ko sa kanya. Kinuha ko ang black card kong nakapatong sa ibabaw ng center table at inabot kay Alfred. “Heto, oh. Bilhin mo lahat ng alak, ‘dun o! Nang ‘di ka nang-aagaw dyan.” Dagdag ko pa.
“Gago! Kahit bilhin ko pa ‘tong Achoholic, afford ko, raulo ka!”
“Ganun naman pala ba’t nang-aagaw ka?” Saad ko.
“Tigilan mo na yan baka kung ano na naman magawa mo’t pagsisihan mo na naman.” Singit ni Dennis. I told them what happened that night. Gusto ko mang pagsisihan ang nagawa ngunit huli na. Mas lalo ko lamang pinalayo ang loob niya sa’kin.
“Raulo kasi itong si Alfred. Binigyan ba naman ako ng idea na daaanin sa santong paspasan.” Paninisi ko.
“Tarantado! Sinisi mo pa ‘ko! Biro lang naman yung sinabi ko ba’t mo ginawa? Kung sasabihin ko sa iyong kumain ng tae, kakain ka-”
“Hoy, Alfred! Baho ng bunganga nito!” Saway ni Vincent. Muli ay nilagok ko ang laman ng bote.
“Siguro kung tinuloy ko baka kasal na kami ngayon.” Pait akong ngumiti kasunod ang pagtungga ko muli sa hawak kong bote.
“Yun kung simbahan ang patutunguhan mong gagong ka at hindi impyerno matapos mong nabugbog sa mga Ninong mo.” Natatawang saad ni Eugene. Bahagya akong natawa sa sinabi nito. Tama nga naman siya. Baka nga sasali pa Tatay ko sa pambugbog sa’kin pag nalaman niya ang nangyari.
“Mabubugbog oo pero ang pat*yin, imposible. Sasaluhin ko nalang bawat suntok, sipa, sapak kung ang kapalit ay maging akin siya, why not?” Seryosong saad ko.
“Lakas ng tama mo, pre!” Anas ni Eugene.
“I wish you were just kidding dahil baka imbes na mapasayo ay lalong mapalayo.” Paalala sa akin ni Dennis. “Think it twice, bro.” Napatitig ako kay Dennis. Napaisip saglit bago ko muling tinungga ang laman ng hawak kong bote. Muli ay naramdaman ko ang pagguhit ng init sa lalamunan ko ngunit tila nasanay na ito sa pait at tapang ng alak same with my heart, tila nasanay na rin na saktan niya.
“TANGINA!” Malakas na mura ko. Naisandal ko ang likod sa sandalan ng couch na inokyopa naming mag-tropa. Hawak-hawak ng kanang kamay ko ang may kalahating laman na alak. Inis na napasabunot ang kaliwa kong kamay sa buhok ko. “Ano bang kulang, yawa!” Muli ay sigaw ko. Wala akong paki kung maagaw ko ang atensyon ng mga tao sa loob ng bar. Malakas ang tugtug ngunit pumaibabaw pa rin ang malakas kong boses.
“Hoy, Kian, parang tanga ‘to.” Dinig kong saway ni Eugene sa’kin.
“Yaan niyo na ng mailabas niya nararamdaman niya.” Saad ni Dennis.
“Babae lang yan bro.” Napaayos ako ng upo. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Vincent ng malakas ko siyang kwenelyuhan.
“Anong babae lang, gago ka ba!” Galit na tinignan ko siya.“Si Amber ‘yun, pre! Mahal ko ‘yun!”
“Chill!” Kalmadong saad nito sabay taas ng dalawang kamay nito sa ere.
“Kian, Bro, kalma. Tropa tayo.” Awat sa akin ni Alfred. Halos mapunit ko ang suot ni Vincent. Pabalya ko siyang binitiwan.
“Yaan mo na, lasing lang yan.” Dinig kong saad ni Eugene.
Muli kong tinungga ang hawak kong bote. Biglang dumulas ito sa kamay ko at nabuhos ang laman sa suot kong t-shirt. Nalaglag ang bote sa paanan ng couch kasunod ang malakas na pagkabasag nito.
“F*ck!” Inis na mura ko dahil basang-basa ang suot ko. Mabilis na tumayo ako. Iniwan ko saglit ang tropa. Tinungo ko ang shop ni Caleb upang manghiram ng damit. Katabi lamang ito sa A’choholic. He both manage A’choholic and his tattoo shop.
Hindi uso ang katok saming dalawa kaya dire-diretso lamang ang pasok ko sa loob ng shop niya.
“Tol, pahiram ng shirt-” Natigil ako ng makitang hindi siya nag-iisa. Napakunot ang noo at pinalipat-lipat ang mga mata sa kanya at sa kasama niya. Yung reaksyon ng dalawa tila nahuli na may ginagawang masama. Kay lapit ng isa’t-isa. Nakaupo si Abby sa recliner chair na para sa magpapa-tatto habang nakatayo sa harapan niya si Caleb habang ang isang kamay ay nasa gilid ng baywang ni Abby. May naamoy ako ngunit wala naman akong paki, buhay nila ‘yan. Kung nagkakagustuhan ba’t pagbabawalan pero goodluck nalang kay Caleb kay Tito Justine.
Niligon ako ni Caleb. “What?”
“Hihiram lang ng T-shirt.” Pagkasabi’y tuloy-tuloy na akong pumasok. Tinungo ko ang kwarto nito sa loob ng shop. “Tuloy niyo na. Nahihiya pa kayo-” Natatawang napatakbo ako ng kay bilis nakapulot ng ibabato si Caleb sa’kin. Kasabay ng pagsara ko ng pinto ng kwarto niya ay ang paglagabog ng binato niya.
Hinubad ko ang suot at pumili ng itim na T-shirt ni Caleb. Matapos mag-bihis ay agad na lumabas ako. Nagulat pa ‘ko dahil naka-abang agad si Abby sa harapan ng pinto.
“Bakit?” Tanong ko ng mapatitig siya sa’kin.
“A-bout what you saw?” May pag-aalinlangan pa niyang saad. I zipped my mouth in response to her question. Ibig kong sabihin wala akong pagsasabihan. That her secret is safe with me.
“Thank you, Kian.”
“Kayo na?” Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Umiling ito.
“Kung walang label layuan mo na. Gagawin ka lang parausan niyan. Trust me, gawain ko ‘yan.” Saad ko saba’y kindat kay Abby. Kilala ko rin si Caleb, kung matinik ako, mas matinik ito.
“Naririnig kitang, tangina ka!” Singit ni Caleb.
“Sapul ba?” Nilapitan ko si Caleb. Umayos ito ng tayo at sinalubong ang mga titig ko. Tinitigan ko siya sa mga mata. “Kung ‘di mo rin lang kayang seryusuhin, tigilan mo na. Kung ‘di mo kayang panindigan, bitawan mo na. Respeto sa pamilya, bro. Date anyone you like, f*ck anyone you want wag lang tropa.” Saad ko habang mariing nakikipagsukatan ng titig sa kanya. Hindi siya nagsalita. Ako ang unang nag-alis ng tingin at nilingon si Abby. “Okay lang marupok wag lang tanga, ha?” Muli ay nilingon ko si Caleb. “Thanks sa shirt.” Pagkasabi’y nilisan ko ang shop nito.
I’m wasted as f*ck but still I managed to walk to her condo. And again I saw myself in front of her door. Hindi ko tinigilan ang pagpindot sa doorbell niya hanggang sa marinig ko ang boses niya. Narinig ko ang beep kasunod ang tinig niya.
“What do you want, Kian?” Dama ko ang inis sa boses niya. Tinukod ko ang magkabilang kamay sa pinto ng kanyang unit. Namumungay ang mga matang tinitigan ko ang maliit na bilog sa gitna nito. It’s the camera. Alam kong nakatitig siya sa akin ngayon mula sa monitor. It feels like we’re staring at each other.
“Let’s talk please.” I beg.
“It’s already late-”
“I don’t give a f*ck, Amber! I want to talk to you.”
“No!” Kay lakas ng boses niya, dama ko na ngayon ang galit niya. “How dare you come here after what you did!”
“I just want to apologize-”
“Apologize while you’re drunk?” Narinig ko ang pagak na pagtawa niya. “And you expect me to forgive you? Nababaliw ka ba?”
Amber’s POV
I was just watching him from the monitor. Napayuko ito, natahimik bigla. Ilang segundong hindi ito nagsalita.
“Go away, Kian. We have nothing to talk about.” Saad ko at tumalikod. Nakadalawang hakbang ako ng marinig ko muli ang boses niya.
“Ba’t ang tigas mo? Ba’t kay hirap para sa iyong papasukin ako sa buhay mo? Wala naman akong ginawang masama pero ba’t abot langit yung galit mo sa’kin even before that night happened? Bakit Amber?”
Napalingon ako at muling napatingin sa monitor. Muling naramdaman ko yung magaan na paghaplos sa puso ko. Sinandal nito ang noo sa pintuan ko. Ayaw ko mang aminin ngunit nakaramdam ako ng awa.
“Mahal kita, Amber.” Saad niya sa mahinang boses. Tila sumusuko. “Mahal kita, tangina!”