AMBER’S POV Nakita kong napadausdus siya pababa hanggang sa mawala siya sa screen ng monitor ko. Nilipat ko sa isang kuha ng CCTV camera sa labas ng unit ko kung saan kita ko ang hallway malapit sa pintuan ko and there, I saw him sitting down on the floor. Nakasandal ang likod niya sa pintuan ng unit ko. Nakataas ang magkabilang tuhod habang nakapatong ang dalawang siko sa magkabila nito. Sapu-sapu niya ang ulo. He looks so wasted. Hindi ko mapigilang mahabag but I can’t risk myself letting him get inside my unit again, not anymore. Ilang minuto ko siyang pinagmasdan hanggang sa napagpasyahan kong iwan siya. Tumalikod ako at pumasok sa loob ng kwarto ko. Hinayaan ko siya sa labas ng unit ko. Nakahiga na ako sa kama ngunit naiwan sa labas ng pinto ang isip ko. Ewan ba’t naba-bother ako