Chapter 4

1635 Words
Kian’s POV I patiently waited for her from her last class. The moment she went out from her classroom ay napangiti na agad ako. I walked towards her direction but my forehead creased nang makitang nagmamadali itong maglakad habang nakatanaw sa unahan na para bang may hinahabol. Sinundan ko ang direksyon ng mga mata niya ngunit agad na nalusaw ang ngiti ko nang mapagsino ang hinahabol niya, my twin brother. “Ken! Ken! Hintay!” Kay lakas ng boses niya habang tinatawag ang kakambal ko. Sa lakas ng boses niya’y napapalingon na sa kanya ang ibang estudyante. Alam kong naririnig siya ni Ken but Ken chose to ignore her when he recognized her voice. Nasasaktan ako para sa kanya at para sa sarili ko, para sa isang taong gustong-gusto siya. Nakakatawang isipin, I am chasing after her while she is chasing another man that looks exactly like me. Ironic, isn’t it? Binabalewala ng iba ang siyang pinapangarap ko, ang masakit, kapatid ko pa. Hindi ko lubos maisip kung bakit ‘di niya ko magawang mahalin. Kung bakit nagsasayang siya sa oras sa lalaki na ni tingnan siya bilang isang babae ay ‘di magawa dahil lalaki rin ang gusto. Hindi ko alam kung tanga ba siya o nagtanga-tangahan lang. Obvious naman na ‘di siya kayang magustuhan pabalik ni Ken dahil maliwanag pa sa sinag ng araw kung anong gusto nito. “Kian, babe!” Kay bilis kong na-i-preno ang mga paa ng biglang humarang sa harapan ko ang isang babae. She looks familiar ngunit ‘di ko matandaan ang pangalan. Sinubukan kong lagpasan siya ngunit muli nitong hinarang ang sarili sa harapan ko. “What? Nagmamadali ako!” Inis kong taboy nito. “Wow! After you took my virginity, you gonna act as if you don’t me? After I s*ck your d*ck!” Saglit na napapikit ako at napatingala sa langit. Narinig ko ang sabay-sabay na pagsinghap ng mga estudyante sa paligid. Muli ay tinignan ko siya. “Look!” Hinawakan ko ang magkabila niyang dulo ng balikat niya at tinitigan siya sa mga mata. Napamura ako ng makita ang pagmumuo ng mga luha sa mga mata niya. F*ck, dramas! “I don’t know you, okay! I don’t even know your name. Maybe it's some other guy but if something really happened between us, sorry, I was drunk! Honestly, I don’t remember anything. So, if you’ll excuse me, nagmamadali ako.” Pagkasabi ay ingat kong tinabi siya at nilagpasan. Hinanap ng mga mata ko si Amber. Hanggang sa dumako ang mata ko sa may gate ng campus hinahabol pa rin nito si Ken. “Ken, sandali.” Muli ay dinig kong tawag niya sa kakambal ko. Hanggang sa maabutan niya ‘to habang ako’y nasa likod lang niya naghihintay na mapansin niya, tangina! Nakakagago lang dahil sa dami ng babaeng gustong makuha ang atensyon ko, heto at naghahabol ako sa babaeng sukdulan ang pagkadisgusto sa’kin. Kung tutuusin patas lang ang laban pero shuta, ako yung lalaki pero ako itong mas nasasaktan. She grabbed Ken’s arm nang maabutan niya ‘to na siyang nagpatigil kay Ken sa paglalakad. Bakas ang inis sa mukha ni Ken nang lingunin niya si Amber. “Amber, why? Nagmamadali ako.” Iritableng saad nito. Kambal ko nga siya! Parehong-pareho ng linyahan, eh. “Ba’t sobrang sungit mo sa ‘kin? ‘Di ka naman ganyan sa iba nating kinakapatid. Crush mo ko no?” “Ew, gross!” Bahagya akong natawa sa reaksyon ng kapatid ko. Yung mukha diring-diri talaga. “Yang pagiging bakla mo, siguro disguise mo lang yan para lapitan ka ng mga babae.” Yung mukha ni Ken hindi na maipinta. Nagpipigil na akong matawa. “Sabihin mo na anong kailangan mo at may lakad pa ako.” Inis muling saad nito. “San punta mo, sama ako.” “Hindi! Magkikita kami ng jowa ko.” “Gwapo? Ipakilala mo sa ‘kin promise ‘di ko lalandiin.” “Alam mo? Sinasayang mo oras ko, kung wala ka namang importanteng kailangan lubayan mo ko. Shutang ina ka.” Lumapit na ako sa dalawa. “Bro!” Maangas na inakbay ko ang braso sa batok ni Ken. Masyado yatang malakas ang pagkaakbay ko dahil nagreklamo si Ken. “Aray! Tangina, Kian.” Mas domuble pa ang inis ni Ken sa ginawa ko. Nagpupumilit itong kumawala sa pagkakaakbay ko ngunit dahil hamak na mas lamang ang lakas ko sa serena kong kakambal ay nahihirapan tong tanggalin ang braso ko. Napatingin ako kay Amber. Kung kanina ay lapad ng ngiti niya habang nakatingin kay Ken ngayon nama’y dinaig pa ang San Juanico Bridge sa magkasalubong niyang kilay. I smiled at her. Mas lalo lamang itong na-inis ng ngitian ko. “Hi, Amber.” “Hi.” Binati niya ko pabalik, milagro ang bait parang sinaniban ni Mama Mary. Mapagpanggap rin ang isang ‘to. Nasa harapan kasi namin kakambal ko kaya heto parang santo. “Saan punta niyo, sama ako. Libre ko.” Saad ko sa dalawa. “O! Ayun nama pala! E ‘di kayong dalawa magsama.” Sa wakas ay natanggal ni Ken ang braso ko sa balikat niya at mabilis na tinalikuran kaming dalawa at umalis. “Kennedy, sandali.” Sinubukan siyang habulin ni Amber ngunit mas maagap ang kamay kong abutin siya upang pigilan ang balak nitong pag habol kay Ken. Agad na bumalik ito sa dating anyo. “Bitaw, Kian!” Sinubukan niyang bawiin ang kamay niyang hawak ko ngunit mas hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko sa kanya. “Let go, Kian! Don’t touch me!” “Why keep on running after my twin when it is so obvious na iba ang type niya. Wala kang pag-asa dun, mas babae pa nga yun sa’yo.” “Ano bang paki mo? E, kung gusto ko siya.” Napakamaldita talaga pag ako kaharap pero daig pang anghel pag si Ken. “Bakit si Kennedy? ‘Di ka mapapaligaya, nun.” Saad ko sabay ngisi. “Manyak!” Nabitiwan ko siya sa pagpupumiglas niya ngunit mabilis ko muli siyang hinawakan sa braso mahigpit ngunit sinisiguro kong hindi ko siya masasaktan. Nakatingala siya sa’kin habang naglalakbay ang mga mata ko sa kabuohan ng maganda niyang mukha. She’s so pretty, God! “Get off from me Kian! God!” “Kain tayo, libre ko.” “No thanks, I can afford it!” “You’re so weird, ayaw mo sa ‘kin pero sobrang gusto mo si Ken when in fact we’re twins, same good looking, same built, no, mas machu nga pala ako, mas matalino nga lang si Ken dahil nag-aaral, while me not fun of studying but still in the top list.” Puno ng kumpyansa sa sariling saad ko sa kanya. Nakita ko ang muling pagtaas ng kanyang kilay. Muli’y malakas niyang hinablut mula sa hawak ko ang braso niya at tuluyang nakawala sa’kin. Napayuko ito at inayos ang sleeve bago niya ko tiningala muli. Sinalubong niya ang maririin kong mga titig. “Simple lang, mapagkumbaba si Ken, napakayabang mo.” Pagkasabi ay agad niya akong tinalikuran at iniwan. “Ouch! One day, you're gonna beg for my attention, Amber, one day.” Nakita kong patungo siya ng parking lot. Sumunod ako. Hindi para sundan siya kung hindi dahil doon din nakaparada ang sasakyan ko. Nahinto siya sa paglalakad habang hawak ang cellphone sa magkabila nitong kamay. Abala ito sa cellphone kaya hindi nito namalayan ang paglapit ko. “San kana Ate Amber? Nasa Playlist kami.” She was texting Kiara but I was lost for a moment when I smelled her perfume. I am addicted to her scent. She smell so f*cking good as if there was magic casted in it. Ngunit bago pa niya ako mahuli at tarayan muli ay nilagpasan ko na siya habang abala pa rin siya sa pag-reply kay Kiara. Nasa harapan na ako ng kotse ko ng may tumawag sa pangalan ko. “Hey, Ken.” Hinarap ko siya. Muli ay familiar ang mukha nito ngunit muli’y hirap akong tandaan ang pangalan niya. My forehead creased while staring at her. “Cresilda? Remember?” “Oh, hi!” Still I couldn’t remember her. Nanatiling lukot ang noo ko. “I just wanna ask if you're still interested to have a tour in my place?” Then I remember her. I smirked. I was about to respond ngunit nahagip ng mata ko ang paparating na si Amber. “Of course!” I grabbed her nape and pulled her closer. I kissed her, agad naman siyang tumugon. I sat down on the bumper of my car, my legs parted as she stood in between my legs. I was kissing her ngunit ang utak ko ay nasa paparating na si Amber. Hindi ko alam kung anong nasa utak ko basta ang alam ko ay may gusto akong makita sa magiging reaksyon niya habang may kahalikan akong babae. Nakita ko kung paano ru-me-rehistro ang pagkadismaya sa kanyang mukha nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Mariin kog siyang tinititigan while kissing Cresilda torridly. She’s mad, I saw it in her both eyes ngunit imbes na mag-alala na baka mas ‘di niya ‘ko magustuhan ay tila tuwang-tuwa pa ‘ko na makita ang galit sa kanyang mukha. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paghakbang papuntang kotse niya. Hindi ko na siya kayang sundan ng tingin nang lumagpas siya sa paningin ko. Ilang saglit lang ay narinig ko na ang pag-ugong ng makina ng sasakyan niya. Nahinto sa pagkikipaghalikan sa akin si Cresilda ng bigla na lamang pinaharurot ni Amber ang sasakyan niya kasabay ng malakas na serbato. Sh*t! Ba’t dama ko yung gigil at galit, ang cute naman magselos ng bebe ko. Tumaas ang isang gilid ng labi ko habang aliw na sinusundan ng tingin ang papaalis niyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD