Chapter3

2077 Words
Amber’s POV “Hulaan ko, nakasalubong mo na naman kuya ko?” Agaw pansin sa akin ni Lee sabay turo sa mukha ko. Mahinang hinampas ko ang kamay nito paalis dahil naduduling ako. Sa lalim ng iniisip ko ‘di ko napansin na nakarating na pala ako sa tambayan, kakatapos lamang ng pangalawang subject ko. Nandito muli ang tropa sa tambayan habang hinihintay ang iba pa naming mga kaibigan para sabay-sabay kaming mag-lunch. “Barya lang po sa umaga!” Sabay na napalingon kami ni Lee kay Thirdy. Mula sa pagmumukha niya ay bumaba ang tingin namin sa hawak niyang round cap na may lamang fifty peso bill. “Ano yan?” I asked. “Kabo! Kita nang sobrero-” Pilosopo nitong sagot. Mabilis naman itong nakailag ng abutin ko ng sapak. Ang loko tawang-tawa. “Lapit ka ulit! Gonna throw this phone in your face!” Saad ko. “Bwesit!” “Meron ka ba ngayon? Aga-aga nakabusangot ka na naman.” Puna ni Thirdy. Tawang-tawa pa rin ang loko. “Bakit ba? Naghihirap ka na?” Singit naman ni Lee. “Daming tanong, ‘di nalang magbigay.” Kay bilis muli nitong nakailag nang lumipad ang palad ni Lee. “Hoy! Child abuse yan!” “Anong trip nga yan?” “Pahingi nga barya, paulit-ulit-” Patuloy na pamimilosopo nito. Kay bilis nitong nakayuko ng makitang patungo na sa kanya ang phone ko. “Amber!” Gulat na gulat ito sa ginawa ko. “Phone ko.” Utos ko sa napakaseryosong mukha. Ang hayop napa-puppy eyes habang nakatitig sa’kin. Ang cute parang ‘di gumagawa ng kalokohan. Nais kong matawa ngunit pinigilan ko. “Phone ko, bilis.” Istriktong saad ko. Saka ako ngumiti ng tumalikod ito upang pulutin ang phone ko ngunit nang humarap siya ay muling sumeryoso ang tingin ko sa kanya. Kunwari galit ako. Ang loko hindi makatingin ng diretso. Nilahad ko ang palad when he handed my phone. Muli ay napatingin siya sa akin with those puppy eyes again. “May sasabihin ka?” Pagsusungit ko. “Anong gulay ang maputi?” Heto na naman siya. Wala pa man natatawa na ako ng lihim. “Garlic.” Tamad na sagot ko. “Mali.” “Ano?” “PUTITO (Potato)” Naubo ako sa sagot nito dahil sa pagpipigil kong matawa. Nakakadala rin kasi ang pagpipigil ng tawa ng tropa. “O?” Pinanindigan ko talaga ang pagsusungit ko sa kanya. “Anong gulay ang mas maputi?” “Hayop may follow up question pa.” Singit ni Uriel. Nais ko na talagang pakawalan ang kanina ko pa pinipigilang tawa. “Ano?” Muil ay seryosong tanong ko. “MAS PUTITO (Mash Potato), ngeeek!” “Gago!” At hayop ‘di lang ako ang napabunghalit niya ng tawa kundi pati buong tropa. Lumipat siya sa likod ko then he hugged me from behind. Sa simpleng yakap niya dama ko ang respeto niya sa akin bilang Ate. Dama ko ang pag-iingat niya sa paghawak sa akin. “Sorry na, mami. Sorry na nga,” saad nito. Muli ay napangiti ako. “Siraulo talaga parang bata.” Saad ko. “‘Di ka na galit?” Tanong niya. “‘Di ako galit. Sinabayan ko lang kagaguhan mo. Natakot ka?” “Oo, shuta!” Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at inakbayan ako. “Pero bago lumayo usapan natin, pahingi muna barya.” Muli ay tinuon niya sa akin ang hawak niyang round cap. “Wala akong barya.” Saad ko. “Naks! Yayamanin!” Anas nito. “Heto, akin, o.” Saad ni Kiara sabay hulog ng isang libo sa round cap ni Thirdy. Kinuha muli ni Thirdy ang perang hinulog ni Kiara at binalik. “Ayoko ko niyan. Barya lang.” Reklamo ni Thirdy. “Wala akong barya, ‘di ako nagke-keep ng change.” Saad ni Kiara. “Ako rin, I’ll just give it away.” Segunda naman ni Shine. “Ako walang cash, card lagi gamit ko.” Saad ni Fifth. “Sige kung wala kayong barya, small bills nalang.” Saad ni Thirdy. “Here, five hundred.” Rain handed his money to Thirdy. “Small bill, five hundred? Mag-C-CEO ka niyan?” Saad ni Thirdy. Loko-loko talaga. “Gago! E, yan lang pinakamaliit na halaga sa wallet ko! I-uppercut ko kaya ngala-ngala mo!” Anas ni Rain. “Sikmuraan kita dyan, eh.” Ayaw naman patalo ni Thirdy. Natatawa nitong hinarang ang mga braso ng pabirong sinuntok siya ni Rain. “Heto, one hundred,” abot ni Uriel sa kanya. “O, pwede na yan!” Saad naman ni Thirdy. Pinahulog niya ni Uriel ang pera sa bitbit niyang sombrero. “May one hundred din pala ako,” saad ko ng pagkacheck ko sa wallet ko ay may nakita akong mga one hundred bills. Nagke-keep ako ng tig one hundred para sa mga batang kumakatok sa bintana ng kotse ko. HInulog ko ang one hundred sa round cap ni Thirdy. “How much do you need?” Tanong ni Zap. “Hindi ko alam. Siguro kung magkano lang abutin ng bigay niyo. Dapat lahat maka-ambag ” Sagot ni Thirdy. “Sino pa may small bills dyan, pahiram ako, I’ll just transfer to your bank account.” Saad ni Kiara. Nakagawa naman ng paraan ang lahat na makabigay. Kung para saan si Thirdy lang nakakaalam pero isa lang tiyak ko, malamang kalokohan na naman yan. Kinabukasan birthday ni Kiro. Pagkatapos ng klase ay dumiretso na agad kami sa A’choholic. Nasagot rin ang mga katanungan namin kung para saan yung pera. Ambagan pala iyon para sa cake ni Kiro. Nakalista pa ang mga pangalan namin sa cake at kung magkano inambag namin, loko-loko talaga. Tawang-tawa naman ang buong tropa. “Iba ka talaga mag-isip, hanep!” Saad ni Uriel. “Ako pa ba?” Pagmamayabang naman ni Thirdy. “‘Di niyo yan naisip no? Malamang wala kayong isip-Char! Char lang! Baka may lumipad na namang iphone 15 pro-max installment!” “Hoy cash ‘to!” Sigaw ko. “Hoy Thirdy! Ba’t wala pangalan mo rito?” Puna ni Rafa kaya ang buong tropa hinanap ang pangalan niya. “Wala nga, hayop na ‘to!” Saad naman ni Ian. “Ako nag-isip, papaambagin niyo pa ‘ko? Yung effort ko priceless yun! Mas mahal yun sa ambag niyo, maderpader!” “Raulo!” Nagsimula nang maginuman ang tropa. Kantiyawan, biruan, sapakan. Kapag nagsama-sama talaga, riot lagi. “Hoy! Sino kumain ng cake ko!” Naagaw ang atensyon naming lahat ng sumigaw si Kiro. Sinundan namin siya ng tingin habang hawak-hawak ang cake niya. Nilapitan nito si Thirdy na nakatalikod sa amin. “Hoy Thirdy! Kinain mo cake ko!” “Hoy! Masamang magbentang, Kiro!” Sagot ni Thirdy na nanatiling nakatalikod. “Ba’t ka nagtatago? Nagsisinungaling ka eh!” Sabi ni Kiro. Tinungga ko ang hawak kong bote ng beer ngunit agad ko ring naibuga ng biglang humarap si Thirdy. Napaubo ako habang naghagalpakan na naman ang buong tropa. Paano naman kasi, puno ng icing ang mukha nito, nahihirapan pa itong magsalita dahil puno ng cake ang bibig. “May ebidensya ka?” Tumatalsik pa ang nasa bibig nito habang nagsasalita siya. Napahawak na ako sa tiyan ko sa kakatawa sa hayop, raulo talaga. “Aminin mo na kasi ikaw ang kumain nitong cake ko.” Patuloy ni Kiro. “Hindi nga ako! Ang kulit! Napaka-ano mo sa cake mo, ‘di naman masarap!” Kakarating ko lang ng campus. I was still inside my car. I was looking for a spot to park my car. May favorite part ako ng parking lot kaya doon na ako dumiretso. Everyday dito na ako nag-pa-park. It’s under the tree kasi kaya gustong-gusto ko dahil hindi maiinitan baby ko. Sana lang talaga ay may bakante pa. Nasisikipan kasi ako sa basement at isa pa kay tagal makalabas dahil sa haba ng pila lalo na kapag labasan na ng mga estudyante. Gusto ko rito sa open area dahil malapit na lang sa gate. Hindi pa ako mahihirapan mag-manuever dahil napakalawak ng parking area. Malayo pa lang napangiti na ako nang makitang may bakante pa. Swerte ko dahil nag-iisa na lang yung vacant. Malapit na ako ng biglang may sumingit na sasakyan sa harapan ko. Dire-diretso ang pagmamaniho ng driver. Ganun na lamang ang pagtaas ng dugo ko when he took over the only spot that was left. Sumagitsit pa ang gulong nito sa lupa dahil sa pagmamadali upang mauna siyang makapag-park. Domuble ang pagka-badtrip ko ng makilala ko ang nagmamay-ari ng itim na Black Porsche Panamera. Gigil na diinin ko ang palad sa busina ng kotse ko, matagal, yung maramdaman ng gagong nag-mamay-ari ang galit at inis ko sa kanya. Nilapit ko pa ang sasakyan at mas diniin ko pa ang palad sa busina so he would realized what he had done! I don’t care if I get people’s attention around me and pissed them off, mailabas ko lang yung gigil ko sa driver. Napalingon ako sa kaliwa, I saw another car near me paatras na ito. I kept on horning but the jerk just casually got out of his car with his shades on na parang walang nangyari. Ewan pero nayayabangan talaga ako sa kanya with the way he dressed himself. He was wearing ripped jeans, a black fitted shirt and sneakers. Naka-display pa ang half sleeve nitong tattoo sa kaliwang braso. He also has that tiny black round piercing on his right ear na akala mo naman ay ikakagwapo niya. Yung mga kaklase ko gwapong-gwapo sa kanya, ewan, keso badboy looks daw but I find it really unattractive and untidy. Big turn on sa akin yung malinis at desenteng manamit just like my hubby. He looked at my direction and gave me that annoying face. Kunwari he was surprised to see me, gago talaga! Masyadong papansin, nakakabwesit! Sinamaan ko siya ng tingin. Muli ay sunod-sunod ko siyang binusinahan. Inis na binaba ko ang windshield ng driver seat at dinungaw ang ulo palabas. “Good morning, Lov-” “Get your f*cking car out from that spot! I came first! You knew, I was coming!” Singhal ko sa kanya. “You really know how to pissed me off!” He smirked. Sinamaan ko siya ng tingin. “If you came first then why is my car here?” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nadagdagan na naman ang inis ko sa hayop. “Because you’re a jerk! Kita mong magpapark na yung tao sumingit ka bigla! Alam mo kung anong tawag nun? Kabastusan! Napaka-ungentleman lang! And you’re asking me why I can’t like you back? Because you’re stupid! Arrogant! Mayabang!” Nakita ko kung paano nag-iba ang expression ng mukha niya sa sinabi ko. I know I hit something in him parang gusto ko tuloy pagsisihan ang lumabas .Ilang segundo itong hindi nagkapagsalita tila kinakalma ang sarili. Napalingon ito sa kanang bahagi. “Did you see that white car?” Sinundan ko kung saan siya nakatingin. “Mauuna siya kung ‘di ako sumingit?” Ang tinutukoy niya ay ang sasakyang nakita kong paatras kanina. Natigilan ako. Napaisip bigla dahil bigla akong naguluhan sa sinabi niya. “So what?” Pagsusungit ko pa rin. Tinignan ko siya pabalik. Now he was intently staring at me. “Hindi naman ako sumingit para unahan ka, yung puting sasakyan. I meant to save the spot for you not for myself.” Hindi ako napagreact because I don’t know how to. ‘Di ko alam kung anong iisipin o sasabihin ngunit bago pa man ako makapagsalita ay muling narinig ko siya. “Do you really have to shout when you can ask me nicely? You know I can trade off everything for you, Amber, everything.” Napakaseryoso niya habang titig na titig sa mga mata ko. Hindi muli ako nakapagsalita. Nakatitig lamang ako sa kanya. Nahiya ako bigla. “You’re welcome.” Saad na lamang niya bago siya sumakay ulit sa loob ng kotse niya. Hindi ko alam kung tama ang nakita ko ngunit dama kong nasaktan ko siya. Wala sa sariling naglakad ako patungo sa tambayan. Umalis nga si Kian sa parking space na iyon. Pinalit ko ang sasakyan ko. Ewan but I felt guilty. Ewan ko rin sa sarili kung bakit ganun na lamang ang inis ko sa kanya. Yung tipong makikita ko lang siya sira na agad ang araw ko, that’s how much I hate him…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD