Amber’s POV “Kung ganun, uwi na ‘ko.” Tinangka kong tumayo ngunit kay bilis niya ‘kong nahawakan sa braso kong nasa ibabaw ng armrest ng couch. Pinigilan niya ang pagtayo ko. “Stay!” Saway niya. “‘Di pala ako safe rito then why should I stay here?” Napasandal ulit ako sa couch. “Just kidding, okay. Stay here, I’ll get us beer.” Napailing siya saka tumalikod muli at umalis. Saglit lang siyang nawala, agad rin siyang bumalik. May bitbit na siyang can beers. Nilapag niya iyon isa-isa sa lamesa at umupo sa isa pang couch katabi ko. Nagbukas siya ng isa at binigay sa akin. Inabot ko ang bigay niya at tinungga. Nagbukas rin siya ng para sa kanya. “You know, I don’t know why I am even here.” Saad ko matapos uminom. “You should be the last person I choose to be with.” “Why? Because yo