Amber’s POV Nagising ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa pisngi ko. Mula sa pagkakadapa sa kama ay tumiyaha ako. Agad kong naramdaman ang p*******t ng ulo. Bumaon ang mga daliri ko sa aking buhok ng mapasapo ako sa gilid ng ulo habang nanatiling nakapikit ang mga mata. Dahan-dahan akong akong bumangon at umupo. Nakayuko habang nanatiling sapo ang gilid ng ulo. “Aw!” Napangiwi ako ng muling sumikdo ang sakit. Kalahating gising ang utak ko. Kay bigat ng mga talukap ko. What the hell I did again! “F*ck!” Napamura ako sa sakit. Agad na nag flashback sa utak ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Ang huling natandaan ko’y nakaupo pa rin ako sa couch habang panay ang tungga ng beer. Kian’s room, I said in my mind when I smelled his manly scent. Minulat ko ang mga mata at ginala