Matapos ang huling klase ay nanood kaming magkakaibigan ng banda, ito ang main event ng University sa Valentine’s Day. Napatingala ako sa langit. It was empty, walang mga bituin, mukhang uulan yata. “Guys, mauna na ako total pagkatapos nito may kanya-kanya na naman kayong date-” “Ako, Amber, wala! Date tayo.” Singit ni Uno. Si Uno? Mawawalan ng ka date? Kawawa ang babaeng maniniwala. Gagawin lang flavor of the day. Tinignan ko lamang siya at ‘di pinansin ang sinabi. “I’ll go now,” saad ko sabay talikod. Nakailang hakbang na ako ng akbayan ako ni Uno. Nilingon ko siya. “I’ll walk you to your car,” saad nito. Hindi ako umiwas. Sabay kaming naglakad dalawa. “Ayaw mo talaga akong ka date willing akong i-cancel booking ko ngayon para samahan ka.” Binalak kong lumayo ngunit ‘di niya ako pi