Chapter 2
Amber’s POV
“In the simplest terms, business development is a process aimed at growing a company and making it more success—Shucks!” Nahinto ako sa pagbabasa at gulat na nag-iwas ng mukha nang maramdaman ko ang pagtama ng mainit na buga ng hangin sa gilid ng aking leeg at tenga. Napahawak ako sa bahaging natamaan at sa mga balahibo kong nagsitayuan, damn! Mabilis na napalingon ako sa bandang kaliwa ko.
“Who the f*ck-” Natigilan ako at otomatikong napaatras ang mukha sa gulat ng muntikan nang magkabungguan ang mukha naming dalawa. Hindi agad ako nakapagsalita. Napatitig ako sa mga mata niya na ngayo’y mariing nakatitig sa’kin. Hindi ako marunong bumasa ng tao ngunit sa mga titig niya dama ko ang nararamdaman niyang paghanga. Ewan, hindi ko siya gusto, God knows how much I hate him pero gustong-gusto ko yung paraan niya kung paano niya ako titigan. Pakiramdam ko kasi ang ganda ko, pakiramdam ko napaka-special ko, na kakaiba ako and how I wish that one day Ken will look at me the way every time Kian would stare at me…
“Stop staring, Love.” Mula sa mga mata ko ay sinundan ko ang pagbaba ng tingin niya, dumako ang mga mata niya sa mga labi ko. Nanatiling wala akong imik at nakatitig lamang sa kanya. The way he stare at my lips, I felt his desire to kiss me. “I’m afraid I can’t stop myself and kiss you,” halus pabulong iyon ng sabihin niya. Ang hina ng pagkakasabi ngunit siyang nagpukaw sa katinuan ko. Kinabahan kasi ako bigla. Siraulong lalaking ‘to! Masyado akong nadala sa paninitig niya na ‘di ko namalayang kanina pa ako nakatitig sa kanya. Baka isipin nito nagkakagusto na’ko sa kanya!
“I bet you’re falling for me, now…” I was right! I scoffed as I heard him say. Iba talaga ang confidence nito. Kung wala lang talaga kami sa library, sinuntok ko na ‘to.
I composed myself at agad siyang sinamaan ng tingin nang makahuma ngunit tila natuwa pa ito sa naging reaksyon ko as one of the corner of his mouth turned up slightly in a smile. Pakiramdam siguro ng hayop nakakagwapo ang ginawa niya! Kung sa iba nakakalaglag panty, hindi sa akin! Nabwe-bwesit talaga ako sa presensiya niya!
“How did you do that?” Aliw na nginitian niya ako. Mas lalo lamang napakunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.
“Do what?” Inis na tanong ko kasabay ng pagtaas ng isa kong kilay.
“Remained gorgeous kahit nakasimangot,” saad niya habang titig na titig sa mga mata ko. I rolled my eyes in response. Akala siguro niya katulad ako ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya na isang ngiti, isang matamis na salita ay bibigay na agad. “Why so cute, Love-” Kay bilis kong hinampas ang kanyang palapulsuhan ng sinubukan niyang abutin ang aking pisngi.
“No!” Malakas na saway ko sa kanya.
“Quiet!” Nagitla ako ng marinig ko ang malakas na boses ng Librarian. Nasa library ako dahil nag-re-review ako ng mga notes ko para sa exam namin mamaya. Dumoble ang inis ko sa kanya. Naglakihan ang butas ng aking ilong dahil sa bwesit ko kay Kian. Sa inis ko’y napalakas ang pagkatulak ko sa kanyang mukha gamit ang isa kong palad. ‘Di nito inasahan ang ginawa kaya napaatras ito at natumba kasama ang mga plastic na upuan sa likuran niya. “Student! Respect!” Muli ay malakas na sigaw ng Librarian.
I grabbed the opportunity to escape from him. Tumayo ako at mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at basta ko na lamang sinilid sa dala kong shoulder bag at nang matapos ay dire-diretsong humakbang ako patungo sa pinto palabas ng library.
“Sungit!” Napaismid ako ng marinig ko ang malakas na boses niya ngunit hindi ako huminto upang lingunin siya. Really? Kahit library ‘di nirerespeto? Saad ko sa sarili. Mas nadagdagan lamang ang mga rason ko kung bakit ‘di ko kailanman magustuhan ang isang tulad n’ya na sobrang layo sa kakambal niyang si Kennedy.
Napatingin ako sa librarian, I was expecting her to scold him ngunit pagtingin ko’y napaismid na lamang akong muli when I saw her flirtatious smile. Sinundan ko kung saan nakatuon ang tingin nito at hindi nga ako nagkakamali. Paglingon ko’y nakita ko ang pakikipagtitigan ni Kian sa librarian bago niya mabilis na nilipat ang tingin sa akin. ‘Sing bilis rin ng kidlat ang pagtaas ko sa aking middle finger ng kindatan niya ako. At ang gago tawang-tawa kahit wala namang nakakatawa, nakakabwesit, oo!
Nagpatuloy ako sa pagmartsa palabas ng library. Aga-aga sira na agad ang araw ko. Nakasimangot ako habang binabagtas ko ang daan patungo sa pangalawang klase pero sadyang mahal lang talaga ako ni Lord dahil agad na napawi ang inis ko ng mahagip ng tingin ko ang future hubby ko palabas ng canteen. Nakasipsip ito sa straw ng dala niyang ice coffee habang abala sa pag-scroll ng kanyang phone. Ang gwapo niya at ang lalaki niyang tingnan. He is wearing white short sleeve fitted polo emphasizing his biceps. Sumisilip ang dibdib nito mula sa unang tatlong butones na nakabukas. He partnered it with his faded blue jeans and leather shoes. He is wearing eyeglasses too na mas nakadagdag sa pagiging good boy looking nito. I bit my lower lip as I admired the man I love from afar. Who have thought na may halong berde yung dugo niya. Lalaking-lalaki kasi ang pomorma nito.
Tinignan ko muna ang oras mula sa wrist watch ko at napangiti ako nang makitang may seven minutes pa ako bago ang kasunod na klase. Agad na lumihis ako ng daraanan upang salubungin ang hubby ko.
“Good morning, Hubby!” Huminto ako sa harapan niya at nginitian. Natigil rin ito sa paglalakad at sa ginagawa. Nag-angat siya ng tingin sa akin. When he smiled, my heart melted.
“Good morning, Amber.” Pormal na bati niya sa akin.
“Masarap?” Kunwari ay interesado ako sa iniinom niyang ice coffee. Mula sa akin ay nalipat ang tingin niya sa dala niyang drinks.
“You mean this one?” Tukoy niya sa iniinom niya.
“No, you.” Pilya kong sagot. Napailing ito.
“Here we go, again, Amber. Here,” saad niya sabay abot sa’kin ng dala niyang ice coffee.”Go taste it yourself.” Nakangusong tinanggap ko naman ito.
“I thought, ikaw titikman ko.” Bahagya akong natawa ng makita ko ang pagngiwi niya. Yung mukha niya diring-diring talaga.
“I’ll go now baka ma late pa ako.” Oo lalaking-lalaki si Ken pomorma wag lang talagang magsasalita. Nilagpasan niya ko. Nakailang hakbang na siya ng tawagin ko ulit ang pangalan niya.
“Ken, saglit.” Nilingon ko siya at dahan-dahan na humarap sa kanya. Huminto siya at muling hinarap ako.
“Why?” He asked. Napatitig ako sa mga mata niya, puno iyon ng pagmamahal at paghanga na ni katiting ay ‘di ko makita sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. “Amber?” Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatulala at kinailangan niya pang tawagin ang pangalan ko upang makuha ang atensyon ko.
“Is there really no chance?” I asked him again for the nth time kahit alam ko ang magiging sagot niya. Wala, nagbabakasali lang na baka meron na kahit konti, baka may progress. Saglit siyang natigilan habang ako’y nanatiling nakatitig sa mga mata niya.
“Why’d you love hurting yourself,huh? I already answered you a hundred times. You will just get the same answer over and over again. It will never change, Amber. This is me forever. I don’t need a woman in my life, okay.” Nginitian niya ako saka niya ko tinalikuran muli at nagpatuloy ulit sa paghakbang at tuluyang iniwan ako habang ako heto broken hearted na naman sa ‘di ko na mabilang na pagkakataon. Wala akong nagawa kung hindi ang sundan lamang siya ng tingin hanggang sa tuluyang mawala siya sa paningin ko.
“Weird, how can you love someone who really looks like me while hating me to death?” Itong isa ‘to para ring kabute. Bigla-bigla na lamang sumusulpot out of nowhere.
Inis na nilipat ko ang tingin kay Kian. Tinaasan niya ko ng kilay, naghihintay sa magiging sagot ko.
“Seriously? ‘Di mo alam? Try mo google search!” Sarcastikong sagot ko sa kanya bago muling nagmartsa patungo sa building ng kasunod kong klase.
“Sungit now, hahabol-habol ka rin later!” Pahabol pa niya. Napaismid muli ako.
“Yuck!”
Umalingaw-ngaw sa buong ground ng campus ang malakas niyang tawa.
Kakaasar talaga!