CHAPTER 1

2500 Words
Sino nga ba si Elsa? Sino si Elsa Adsuara? Karamihan ay nakilala akong makulit at palatawa, go with the flow, madaling pakisamahan at takas sa Mental Hospital— pero ang hindi alam ng lahat kung ano iyong mga pinagdaanan ko sa buhay. Walang nakakaalam kung sino ba talaga ako bago ako napadpad ng Manila. Way back ten years ago, sobrang saya pa ng buhay ko sa Cordova. Though, masaya rin naman ako ngayon sa kasalukuyan ngunit hindi iyong katotohanan na nakakasama ko nga si Andrew, pero hindi naman bilang ama sa anak naming dalawa. Alam ko na sobrang damot ko na ipinagdamot ko ang bata sa kaniya, kaya hindi na ako nagulat kung kasing taas ng Mt. Everest ang galit niya sa akin, kasi literal naman na deserve ko ang lahat ng lamig niya sa katawan— I mean, ng galit niya. May parte naman na gumawa ako ng paraan para mapaamo si Drew, pero siguro nga ay hindi iyon naging sapat para mawala iyong sama ng loob niya sa loob ng sampung taong hindi ako nagpakita sa kaniya. Walang puwang sa puso niya ang pagpapatawad. Marahil ay walang katumbas na sakit ang naidulot ko sa kaniya. Hindi na rin maitatama pa iyong mga maling nagawa ko sa isa pang mali na ginagawa ni Andrew. Kung masasabi ko nga bang mali iyon— na hindi na ako iyong mahal niya. Hindi ako tutol sa reyalisasyon na maaaring magkagusto nga si Andrew sa ibang babae, pero at some point, may parte na nasasaktan ako. I really did my best, I survive my leukemia, pero mukhang hindi ko kayang mag-survive ngayon. It feels like every time na makikita kong magkasama sina Jinky at Andrew, pakiramdam ko ay tinatraydor ako ng puso ko. Hindi maganda sa pakiramdam na para akong kinakain ng inggit at konsensya ko. Sa totoo lang ay masaya naman ako para kay Jinky. Masaya ako na nakikita ko na unti-unti na siyang napapamahal kay Andrew, pero sa tuwing iisipin ko iyong magiging kahihinatnan ko ay bumabawi iyong kalungkutan sa akin. Hindi ako masaya para kay Andrew, parang ayoko siyang sumaya at ayokong mangyari na maka-move on siya. I know na sobrang selfish ko na hinangad kong sana ay hindi na lang sila nagkakilala ni Jinky. Sana ay hindi na lang sila nagtagpo ng landas, baka sakali na may mabalikan pa ako. Baka sakali lang naman... na baka kami pa rin sana ni Andrew. Wala sa huwisyo nang mapabuntong hininga ako, kapagkuwan ay napatitig sa babaeng hindi ko akalaing kaiinggitan ko. Sa mga pinagdaanan at pinagsamahan namin ni Jinky, masasabi kong bestfriend na kung maituturing ko siya. Naging malapit siya sa buhay ko na kahit hindi ko ikwento ang talambuhay ko sa kaniya ay kaya niya akong intindihin. Nagagawa niya akong maintindihan gaano man kagulo ang utak at nakaraan ko. She's all I have, kasama na rin ng anak kong si Anna. Natatakot pa ako sa katotohanan na darating ang isang araw na kailangan naming magparaya sa isa't-isa. Ibig sabihin ay kailangan din naming maghiwalay. "Sobrang pangit ko na ba sa paningin mo?" untag sa akin ni Jinky nang mapansin ang kanina ko pang paninitig sa kaniya. "O may dumi lang ako sa mukha?" Sa narinig ay awtomatiko akong napakurap-kurap bago ibinalik ang naliligaw kong kaluluwa sa katawan ko. Muli akong napahinga nang malalim at saka pa tipid na napangiti sa kaniya. "Hindi ka naman naging pangit sa paningin ko," pahayag ko na naging dahilan nang pamumula ng pisngi niya. "Hoy! Kahit babae ka ay kinikilig ako sa 'yo. Ano ka ba? Huwag kang ganiyan!" Umimpis ang labi niya para sa isang ngiti kung kaya ay natawa na lamang ako. "Huwag mong sabihin na sa dinami-rami nang nagugustuhan mong lalaki ay babae talaga ang hanap mo? Don't tell me—" "Shut up, asawa ni Pacquiao." Inirapan ko siya, but honestly, hindi ko itatanggi ang sinabi niya na marami akong nagustuhan na sa madaling salita ay palabas lang ang lahat. Kasama iyon sa script. Gusto ko lang pagtakpan itong nararamdaman ko, partikular ang pagkatao ko. "Pero shít, bakit ba tayo nandito?" asik niya nang pareho kaming huminto sa tapat ng bahay ni Sir Melvin. "Ano na namang kailangan ni Mareng Chloe sa atin?" Naging kibit ang balikat ko. "Baka ibabalik na ulit tayo sa trabaho." Sa sinabi ko ay bumakas ang tuwa sa mukha ni Jinky. Madalian pa niyang pinindot ang doorbell mula sa malaking gate na iyon. Pasado alas otso pa lang ng umaga, kaya hindi ko rin alam kung bakit kami pinapapunta rito. Wala rin naman akong angal kung ibabalik kami sa Dela Vega Publishing House. Masaya ako na magkakatrabaho na ulit ako ngunit nagkaroon na ng alinlangan ang puso ko dahil sa nangyari noon sa Isla Mercedes. Hindi ko alam kung paano ko pa patutunguhan si Andrew. May pagkakataon na nahihiya ako dahil na rin sa ginawa kong pag-abandona sa kaniya noon, pero mas nangingibabaw iyong galit ko sa kaniya dahil sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko mawari kung sadyang sarado na ba ang utak niya para intindihin lahat ng paliwanag ko, o talagang maski ang puso niya ay sarado na rin para mas maintindihan at tanggapin ang paliwanag ko? Actually, gaano ko man sabihin na masaya ako para sa kaniya— para sa kanila ni Jinky, hindi ko pa rin maitatago iyong pangungulila ko sa kaniya. Iyong pagmamahal ko na unti-unting nagiging galit. Hindi pa nagtagal nang bumukas ang gate sa bahay ni Sir Melvin, mukha ni Chloe ang bumungad sa amin kung saan abot hanggang langit yata ang pagkakangiti niya ngayon. Ibig sahihin lang ay may masama siyang balak sa amin ni Jinky. "Mabuti naman at nakarating kayo kaagad," masayang turan niya at saka pa kami dinamba ng yakap. Mahigpit niya akong niyakap na para bang doon pa lang ay sinasabi na niyang wala kaming kawala. Ganoon din si Jinky na nauna nang pinagdiskitahan ang tiyan ni Chloe. Yumuko siya at marahan iyong hinahaplos. Ilang buwan na lang ay maisisilang na ni Chloe ang quadruplets nila ni Melvin. Kaunting panahon pa at mararamdaman na ni Chloe ang pagiging ina at kung gaano kahirap iyon. At the same time, kung gaano rin kasarap sa pakiramdam ng may anak. Ngunit kung sabagay din ay nariyan naman si Sir Melvin na alam kong hindi siya hahayaan. Unlike sa akin na simula't sapol ay mag-isa ko lang pinalaki at inalagaan si Annalisa, kaya alam ko kung ano iyong hirap ng pagiging single parent. "Pasok kayo sa loob, may ipapakita ako," anang Chloe dahilan para mabalik ako sa reyalidad. "Bakit parang kinakabahan ako, Mareng Chloe?" natatawa kong banggit. Niyakap ko pa ang sariling katawan, tipong takot na takot sa posibleng kahahantungan namin sa loob. Siya namang pagkulong niya sa braso ko gamit ang kamay niya na para bang iniiwasan niya akong makawala. Iniisip siguro niyang tatakas ako. Samantalang si Jinky naman ay nasa kabilang gilid niya at ganoon din ang higpit nang pagkakalingkis niya sa kaniyang braso. "Hoy, umayos ka, ah! Hindi ako natutuwa! Noong huli ay pinabili mo ako ng apple na kulay blue na imbes pula! At orange na kulay yellow!" bulyaw ko sa kaniya nang maalala ang paghihirap ko nakaraang buwan. Bakit ba kasi kami ang iniistorbo niya? Nasaan ba ang asawa niya? Hindi ba dapat ay mismong asawa ang nagsisilbi sa buntis nilang asawa? Naku naman. Gaano ko man din kagustong makawala ay hindi ako hinahayaan ni Chloe. Mas lalo lang humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Ayoko lang din siyang pwersahin at baka mapaano pa siya. Bandang huli nang sabay-sabay kaming makapasok sa malawak na sala ng bahay nila. "Tapos 'yung pinyang dalawa lang ang mata at may bibig daw! Siraulo ba ang buntis na 'to?" dagdag ni Jinky habang pinanlalakihan ng mata si Chloe ngunit matamis na ngiti lamang ang iginagawad niya sa amin. "Hindi mo kasi na-gets 'yung sinabi ko, 'yun bang parang bahay ni Spongebob? Hindi ba ay pinya ang bahay niya na may dalawang mata at bibig?" depensa ni Chloe. "Gaga, bintana at pinto 'yon! Sana ay lumangoy ka na lang ng Pacific Ocean at kinuha 'yung bahay ni Spongebob," patuloy na palatak ni Jinky kung kaya ay panay ang paghalakhak ko. "Hala, bakit ka nagagalit?" anang Chloe sa mababang boses na animo'y kaunti na lang ay maiiyak na ito, ang mga mata pa niya ay biglang lumamlam at nagpapaawa. Humagalpak ako ng tawa. Iyong pagiging sensitive niya ngayon na buntis siya ay ang cute lang tingnan, na kung tutuusin ay hindi ko nakilala kay Chloe noon. She's brave and tough. Ikaw ba naman na sinanay ang sarili sa martial arts and such. Kung ako lang din iyon— the cold never bothered me anyway ang peg ko no'n. Queen Elsa lang ganern! Oh, pak! Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko upang maiwasan na mas matawa pa at baka ma-special back kick na ako ng buntis. "Hindi ako galit, ganito lang talaga ang boses ko. Dati akong announcer sa video karera. Gusto ko ngang mag-apply din ng announcer kapag lalaban si Pacman my loves," lintanya ni Jinky, mayamaya lang nang malakas na tumawa si Chloe. "Ay, bagay nga sa iyo 'yon." Panay ang tawa ni Chloe na siyang pumupuno sa kabuuan ng malaking bahay nila. Samantala ay nagkatinginan naman kami ni Jinky. Kumibot ang labi niya, saka naman ako nagkibit ng balikat sa kabaliwan ni Chloe. May saltik din ang isang 'to. Ilang saglit pa nang hilain niya kami at maiging pinaupo sa kanilang pahabang sofa. Kumunot ang noo ko nang mag-angat ako ng tingin kay Chloe kung saan hindi pa rin maalis-alis sa kaniyang labi ang isang ngisi na nagpapatayo ng balahibo sa batok at braso ko. Huwag lang talaga niya kaming papakainin ng carbonara. Kapag nagkataon ay mag-friendship over na lang kami. Purgang-purga ka na ako! Mas maganda pang kumain ng puto na may dinuguan at nilagang saba na may bagoong isda. Inungasan ko si Chloe, kasunod nang pagkindat niya sa amin. "Sinasabi ko talaga sa 'yo, Chloe," anas ko rito, pero nagpa-cute lang siya. Tch, kinaganda niya 'yang malaking pakwan sa tiyan niya? At oo, maganda nga siya. Bakit noong ako 'yung nagbuntis, ano mang pagpapa-cute ko ay hindi naman ako ganiyan kaganda? Ang unfair talaga ng mundo. "Ano bang gagawin namin dito? Papanoorin ka naming mag-budots?" maang na pagtatanong ni Jinky kung saan din mula sa background music ay naririnig ko ang kantang budots. Halos matawa ako, pero pinigilan ko. Ang dami kong naiisip na kalokohan. "Maghintay lang kayo riyan at ikalma niyo 'yang egg cell niyo riyan," sagot ni Chloe. "Anyway, kumain na ba kayo? Bawal ang busog dito, ah?" Humalukipkip ako sa kinauupuan ko, kasabay nang may muling mag-doorbell sa labas. Maagap iyong pinuntahan ni Chloe. Mayamaya lang nang pumasok doon ang isang lalaki na may dala-dalang pagkain. "Andrew," bulalas ni Jinky sa gulat na makita si Andrew ngayon. Hindi ako umimik, bagkus ay pinanood ko lang ang mabagal niyang paglalakad patungo sa kinaroroonan namin. Nasa likod niya si Chloe na dumoble ang tuwa sa kaniyang mukha. Samantala ay ayaw naman akong tapunan ng tingin ni Drew. Hindi ko naman din hinangad na tingnan niya ako. Hindi naman siya gwapo, hmp. Mas okay na nga ito na parang wala lang ako sa kaniya, at least ay makakaya kong baliwalain siya. Kaya bahala siya sa buhay niya. Huminga ako nang malalim, kapagkuwan ay umahon mula sa pagkakasandal ko sa sofa. Umayos ako ng upo at pinilit ang sariling huwisyo na ibalik sa reyalidad. "Ano 'to?" casual kong tanong nang mailapag niya ang ilang plastic sa center table. "Carbonara," sagot ni Chloe, nagulat na lang din ako nang ilapag niya ang isang malaking bote ng bagoong alamang. "Sasamahan niyo akong kumain." "Sinasabi ko na nga ba!" singhal ko, pero malakas na pagtawa lang ni Chloe ang natanggap ko. "Chloe!" hiyaw naman ni Jinky na katulad ko ay tutol sa sinabi niya. "Sige na mga kumare ko. Wala kasi akong kasama ngayon, wala si Melvin at pumasok ng trabaho. Kaya naisipan ko na kayo na lang ang kasama ko. Magkakaibigan naman tayo 'di ba? Hindi niyo naman ako kayang tiisin. Kaya sige na, please?" pagmamakaawa ni Chloe, rason para matampal ko ang noo ko. "Jesus Christ!" bulalas ko. Gusto ko na lang maglaho na parang bula. Kung magkakaroon lang talaga ako ng kapangyarihan ay pipiliin ko iyong telekinesis. Para sa isang iglap ay nasa labas na ako ng kanilang bahay at tatakbo na lang pauwi sa bahay namin. O 'di kaya ay inivisible powers, para kahit anong hanap sa akin ni Chloe ay hindi niya ako makikita. Oh, God! Kunin niyo na lang po kaya ako ngayon, now na! Mayamaya lang nang malingunan ako ni Andrew kung saan pinanatili ko ang pangungunot ng noo ko. Halos magkadikit na rin ang dalawang kilay ko. Ano ba naman kasi itong si Chloe ko? Maglilihi na lang ay ang pangit pang ka-bonding. Ang dami-dami riyang paglilihian, doon pa talaga sa mahirap lunukin. Pride ko nga ay hirap kong lunukin, ito pa kayang pagkain na mukhang alien sa paningin ko? "Sige na, Elsa." Binalingan ako ni Chloe at saka pa niya pinahaba ang nguso, tanda na nagpapa-cute siya. "Pumayag na si Jinky, ikaw na lang ang hindi. Alalahanin mo na may pinagsamahan din tayo." Aba at nangonsensya pa ang buntis. "Kayo rin naman ni Drew, close din naman kayo. Bakit hindi mo siya isinasali?" palatak ko, rason para mapasigaw si Andrew. "Hoy! Huwag mo akong madamay-damay diyan!" maagap niyang pagtutol. "Ay, oo nga. Halika, Andrew, maupo ka riyan at samahan mo na lang kaming kumain." Mala-demonyong tumawa si Chloe. "Seryoso ka ba riyan?" asik niya kay Chloe at tuluyang nalaglag ang kaniyang panga. Nang malingunan ko pa siya ay nakita kong sa akin pala siya nakatingin, kaya nalaman ko na ako ang kausap niya. Bilang sagot ay naging kibit ang balikat ko. Bandang huli nang wala siyang nagawa kung 'di ang maupo sa bakanteng single sofa. Katapat niya si Chloe na nauna nang nilalantakan ang isang box ng carbonara na galing pa sa Greenwich na hinaluan niya ng bagoong. May chance pa sana kaming mabuhay kung hindi lang din niya nilagyan lahat ng bagoong iyong carbonarang natira sa lamesa. "Hindi pa ba kayo kakain?" takang tanong ni Chloe nang mapansin ang pananahimik naming tatlo na animo'y natuod na lang din sa kinauupuan namin. Ngayon pa lang na pinapanood ko ang pagsubo nito ay nasusuka na ako. Gosh! Mamamatay yata ako ng 'di oras. Kalaunan nang marahas akong mapabuga sa hangin. Nagulat pa ako nang bigyan ako ni Andrew ng disposable fork. Halos mapuno ng fireworks ang dibdib ko kung hindi lang niya iyon kaagad na binawi. "Kay Jinky 'yan," aniya kung kaya ay inirapan ko siya, saka ko naman ibinigay ang tinidor kay Jinky. Sa kadahilanang napapagitnaan nila akong dalawa ay kaunti lang iyong espasyo namin ni Andrew, kaya rin may pagkakataon na mapagmasdan ko ang bawat galaw niya. He hasn't change at all. Gentleman pa rin siya kagaya ng dati. Ma-effort at malambing, iyon nga lang ay hindi na sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD