PROLOGUE

3028 Words
"Anak ng tipaklong naman, oh!" singhal ni Andrew sa kawalan, kasabay nang malakas niyang paghampas sa pinto gamit ang dalawa nitong kamay. "Buksan niyo 'to, ano ba!" Samantala ay tamad naman akong naupo sa isang single sofa, bago ito maiging pinagmasdan. Kanina pang hapon ako nagsimulang uminom, kaya wala na ako sa tamang huwisyo para makapalag pa kanina nang hilain kami papasok sa kwartong ito. Ang pangit ng idea na magkakasama kami ni Drew sa iisang kwarto. Honestly, hindi ko naman gusto ngunit hinayaan ko na lang din na mangyari. Besides kailangan din talaga naming mag-usap ni Drew. Sa nagdaang araw ay naging malupit siya sa akin. Iyong tipong wala naman akong ginagawa ay siya namang sungit nito, masyado siyang marahas pagdating sa akin. Kung hindi ko lang din napatunayan na lalaki nga siyang tunay ay baka noon ko pa ito napagkamalang bakla. Mapait akong napangiti bago isinandal ang likod sa sofa. Wala sa sarili nang mapabuntong hininga ako. Sa paninitig pa kay Drew ay natanto ko kung gaano kalaki ang ipinagbago niya sa nagdaang taon. Ibang-iba na siya sa unang lalaki na nakilala ko— na minahal ko. Hindi lang sa kung ano na ang nakamit niya sa buhay, maging sa pananamit niya at sa mga kilos niya. Sa madaling salita, nag-level up ang isang probinsyano. But he's still the Andrew Evangelista that I once knew. "Hindi ka pa ba pagod diyan?" maang kong pagtatanong sa kaniya dahil literal na ako ang nasasaktan sa mga kamao niya, naaawa rin ako sa lalamunan niya at baka magasgasan sa kasisigaw niya. Sa sinabi ko ay marahas siyang napalingon sa akin, kaya roon ko nakita ang hindi maipintang mukha niya. Actually, iyong galit na ipinapakita sa akin ni Andrew ay totoo at hindi lang basta galit o simpleng pagkainis. It's more than that. Iyong galit niya sa akin ay hindi mapapatawaran. Walang katumbas at hindi nauubos. Well, deserve ko naman din. After all the things I've done to him, hindi niya rin ako deserve. Hindi niya deserve iyong iniwan kong sakit sa kaniya. And he deserve someone else. Hindi ko sinasabing si Jinky iyon, kasi hindi ko matanggap. Parang ayaw tanggapin ng isip ko na sarili ko pang kaibigan, gayong napakarami namang babae sa mundo. But I suddenly realize how much effort he's putting to her. Iyong mga panunuyo at pagiging sweet niya ngayon kay Jinky ay minsan na rin niyang ipinaramdam sa akin— minsan— na mukhang hindi na rin mauulit pa kahit kailan. "Bakit? I am not like you, Elsa, iyong madaling mapagod. Ako kasi? Ipinaglalaban ko hangga't kaya ko. Ikaw ba?" balik tanong niya dahilan para hindi ako makapagsalita. Tinitigan ko lang siya, pilit ding iniisip kung anong pwede kong sabihin. Pagak siyang natawa, kalaunan nang tumigil din siya sa ginagawa niya at saka ibinigay sa akin ang buong atensyon niya. Nang hindi siya matuwa ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pwesto ko. Huminto lang nang nasa harapan ko na ito. May tamang espasyo sa gitna namin. Nakaharang din ang isang round table sa pagitan namin. Tiningala ko siya, pero ganoon na lamang din ako magsisi nang matanaw ko ang galit na galit niyang mukha. "You're acting like you haven't done anything wrong, as if you never left me dumbfounded. Remember what happened ten years ago," matigas niyang pahayag. This is not only about us— this is about our failed relationship. Nagbaba ako ng tingin sa pagkadismaya. Siya naman ay mas piniling maupo sa single sofa na nasa harapan ko lang din. Hindi na ako nagtangka pang tingnan siya, bagkus ay nananatili akong nakatulala sa artificial flower na nasa table. "Kung hindi mo na maalala o nawalan ka na ng kapal ng mukha para alalahanin pa iyon ay hayaan mong ako ang magpaalala sa 'yo," dugtong nito nang wala akong maging imik sa ilang minutong nagdaan. "Ten years ago, we're almost perfect couple. No third parties, no stress and problem. We're both legal, matured to think and to decide. Sabi nga nila, kasal na lang ang kulang." Hirap akong napalunok. Gusto kong sang-ayunan ang lahat ng mga sinabi ni Drew— I second demotion. Sa probinsya ng Cordova, kami ang pinakakilalang couple na ayokong sabihing kinaiinggitan kami, pero iyon ang totoo. Karamihan sa mga babaeng nakalakihan kong kaibigan ay naiinggit sa akin. Samantalang si Drew ay isa noong MVP sa sikat na basketball team ng Cordova. He's nearly to be called the campus heartthrob. Yes, a typhical teenage drama. Ang cliché and sounds corny, pero ganoon kami namuhay ni Andrew. Iyong relasyon na mayroon kaming dalawa ay tumagal din higit limang taon, since highschool to college. Siya ang una at naging huli kong boyfriend, kasi right after naming maghiwalay ay hindi na ako nagtangka pang pumasok sa panibagong relasyon, o humanap ng libangan. Hindi na ako bumalik at hindi ko na rin naisip pang balikan si Drew noon. Tama nga ang sinabi nila; kapag tumagal ka sa isang relasyon na tipong naibigay mo na ang lahat ng mayroon ka ay mawawalan ka ng ganang makipagrelasyon pa ulit sa iba— well, iyon ang naramdaman ko. "Pero isang araw, nagising na lang ako na wala ka na sa tabi ko. 24 hours kang nawawala noon, kaya nagpa-blotter na ako sa barangay natin. May nakapagsabi pa na lumuwas ka ng Maynila na may kasamang ibang lalaki," dagdag ni Andrew, kasunod nang marahas niyang pagbuntong hininga. "Ayaw kong maniwala, pero alam mo ba kung ano ang mga naiisip ko noon? Na ang dami pa palang kulang sa relasyon natin, kaya mo ako nagawang iwan at sumama ka sa iba. Hindi ko mapigilan na mandiri sa 'yo, kasi hindi naman ganoong Elsa ang nakilala ko. Ako lang ang mahal no'n, sa akin siya nangako, pero bakit ganoon?" Nang humikbi si Andrew ay doon lang ako nagkaroon ng lakas na mag-angat ng tingin sa kaniya. Mula pa rito sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang pamumula ng dalawang mata niya habang panay ang pag-agos ng kaniyang mga luha. "Kung hindi mo na ako mahal, kung hindi ka na pala masaya sa akin, sana man lang ay nagpahiwatig ka 'di ba? Hindi iyong ipinaramdam mo sa akin na hindi mo kayang mawala ako, pero ikaw rin ang kumain sa sarili mong mga salita— sana nagsabi ka man lang o 'di kaya ay nag-iwan ng sulat. Binigyan mo sana ako ng peace of mind bago ka umalis para mabilis ko rin matanggap sa sarili ko na wala ka na. Don't you get my point? Until now, Elsa, nangangapa pa rin ako sa mga paliwanag mo. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin iyong mga maaari mong dahilan, kasi hindi ako naniniwalang hindi mo ako minahal. Dito, oh," aniya at saka pa itinuro ang dibdib niya, banda kung nasaan ang kaniyang puso. Napatitig ako roon, gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa. Iyong pagbuka ng labi ko ay hindi para magbitaw ng salita, kung 'di para huminga nang malalim. Masyado akong nasasaktan para kay Andrew. Kung may isang tao man ang nagpakatotoo sa aming dalawa ay siya na iyon. Akala ko pa noon, sa oras na bumalik ako ay mabilis niya lang akong matatanggap ngunit nagkamali ako. Lahat ng mga panunuyo ko sa kaniya ay hindi gumana. Lahat ng mga effort at ginagawa ko ay naging baliwala sa kaniya. Naging bulag at bingi siya kapag nasa harapan niya ako, kahit pa magmukhang tanga na ako sa ibang tao ay hindi ko na iyon inisip pa. Ilang beses niya akong itinutulak palayo. Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit niya akong binara at pinahiya sa maraming tao, lalo sa harapan ni Jinky. Nasa utak ko kasi na baka may natitira pang pagmamahal si Andrew para sa akin. Baka may kaunting espasyo pa ako sa puso niya, pero ngayon ko lang din na-realize— mukhang tablado na ako. Talo na ako. Nariyan na si Jinky, baka nga si Jinky na iyong para sa kaniya na hindi siya magagawang iwan katulad ng ginawa ko. Sa totoo lang ay naiinis ako sa katotohanang wala akong magawa. Kinakapos na ako ng pwedeng gawin. Samantalang si Jinky na wala kahit isang effort, o kahit hindi na siya mag-effort ay madali lang nagustuhan ni Andrew kung kaya madalas ay naiinis ako. Hindi sa kanila, kung 'di sa sarili ko. Alam ko rin na wala akong karapatan. Partikular sa reyalisasyong nangyari sa amin ni Andrew, iyong iniwan ko siya na walang pasabi. Kahit man lang goodbye ay wala rin. "Kahit papaano ay naramdaman kong mahal mo naman ako, ramdam ko iyong kilig kapag sinasabi mong hindi mo ako iiwan, na ako lang ang para sa 'yo at wala ng iba. Kaya noong mawala ka habang iyong mga pangako mo ay naiwan sa akin, nasaktan ako. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Nakakatawa pa nga na nagawa kitang sundan dito sa Maynila, pero kahit anong hanap ko sa 'yo ay ayaw mong magpakita. Hindi na ako bumalik ng Cordova, kaya mag-isa akong nakipagsapalaran sa Maynila. Good thing, natanggap ako sa Dela Vega Publishing House." "Kung magpapaliwanag ba ako ngayon ay may magbabago ba?" alanganing pahayag ko sa mahinang boses dahil nag-aalangan pa ako kung tama ba iyong sinabi ko. Saka ko naman nakita ang pagtiim-bagang ni Andrew. Umigting ang kaniyang panga. Mas lalo lang nagalit ang kaniyang mukha na kulang na lang ay mamatay ako sa talim ng tinging ipinupukol niya sa akin. Kalaunan nang pagak siyang matawa sa kawalan. "Deserve ko ba ang paliwanag mo?" maanghang niyang sabi habang nasa labi ang isang mapang-uyam na ngiti. Naging kibit ang balikat ko; nasa sa kaniya na iyon. "Just hear me out. Kung may magbago man, salamat, pero kung wala— pagkakataon ko na rin para pakawalan ka." Sa narinig mula sa akin ay natanaw ko pa ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Ganoon pa man ay nananatiling galit ang expression niya. Labag iyon sa kalooban ko, but since wala na akong pag-asa, kailangan ko na ring gawin iyon para sa ikabubuti ng lahat. Hindi madaling kalimutan si Andrew, hindi rin dapat madamay dito si Marvin, kasi in the first place, hindi ko naman siya gusto. May oras lang talaga na kailangan kong magpanggap para masabing okay lang ako. Walang kaalam-alam si Jinky, maging sino man sa kung ano ang naging past namin ni Andrew. Sinarili ko iyon dahil hindi naman lahat ng taong pagsasabihan ko, o iyong may mga alam ay may maiaambag sa akin. Magsasayang lang ako ng laway at pagod na ipaliwanag sa kanila ang side ko, gayong hindi pa nga nakararating kay Drew ang paliwanag ko. Saka na siguro kapag may lakas na rin ako ng loob na ikwento sa iba ang mga nakaraan ko. "Guilty ako na iniwan kita noon. Oo, iniwan nga kita. Honestly, ilang beses ko iyong pinag-isipan. Kung tama ba na sabihin ko muna ang lahat sa 'yo bago ako umalis o hindi, pero ngayon ay nagsisisi ako na sana pala ay sinabi ko muna sa 'yo noon." Huminga ako nang malalim. Pinuno ko ng maraming hangin ang dibdib ko dahil pakiramdam ko na ano mang oras ay mapuputulan ako ng hininga. Mapait din akong ngumiti, kasing pait ng nararamdaman ko. "Ten years ago, I have a leukemia. Marahil ay hindi mo napapansin ang ilang pasa ko noon na itinatago ko. Hindi mo rin nakikita ang pagdugo ng ilong ko. Iyong lagnat ko naman ay alam kong naisip mo na normal lang dahil nagdadalang-tao ako. Napansin mo na pumayat din ako, pati ang panghihina ko. Kapag tinatanong mo kung okay lang ba ako, I would say yes with a smiling face, pero hindi mo alam na ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko," mahabang pahayag ko, kasunod nang isa-isang pagtulo ng luha ko. Gusto ko pang matawa at pahirin ang luha ko dahil hindi naman ako nakilala ng lahat na ganito. Iyong Elsa na ipinapakita ko ay masaya, happy-go-lucky, marunong makibagay at madaling makausap. Kung ano iyong nasa environment ko ay ina-adapt ko bilang pakikisama. Noong nakilala ko naman si Jinky ay saka ko nalaman na may future pala ako sa pagiging paparazzi na pwedeng pumalit kay Lolit Solis. At the same time; clown. "And all this time, naging sarado ang bibig mo para sabihin sa akin iyan—" "Patapusin mo muna ako. Hindi pa ako tapos," banggit ko, rason para mapamura ito. "Treatment for leukemia can be complex— but is depending on the type of leukemia and other factors. Sa lagay ko ay malala siya, but the good thing was, it can considered the most curable type of leukemia." Leukemia is cancer of the body's blood-forming tissues, including the bone marrow and the lymphatic system. Many types of leukemia exist. Some forms of leukemia are more common in children. Other forms of leukemia occur mostly in adults, lintik at napili pa ako. It's not a hereditary disease. However, having a close family member with leukemia increases your risk of chronic lymphocytic leukemia. Ang kaparehong sakit na ikinamatay noon ni Mama at ng kaniyang ina, that's why. "One time, may nakilala akong mayaman na lalaki. Kamag-anak siya ng isa sa tumatakbong gobernador sa probinsya natin sa Cordova, ang dami niyang pera kaya nalulula at naakit ako. Nalaman niya iyong sakit ko, so he extend his help in exchange na sumama ako sa kaniya. Hindi lang pala kami sa Maynila napadpad— para mapagamot ako ay dinala niya ako sa States. Naging succesful ang operation ko at after no'n ay tinulungan ko rin siya. Kailangan niya ng babaeng maipakikilala nito sa kaniyang ina para pakasalan niya." "So, pumayag ka naman? Nagpakasal ka sa kaniya?" anas nito, kapagkuwan ay bumaba ang kaniyang atensyon sa kamay ko marahil upang hanapin ang wedding ring namin. Hindi ko siya sinagot, bagkus ay nagpatuloy ako sa pagkukwento. "Iyon ang nangyari, ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya to have his money back. And to cut it short— pinalabas na lang namin na naghiwalay kami, saka naman ako bumalik ng Pilipinas." "Ang ganda ng kwento, hindi ba 'yan galing sa Dreame?" pang-uuyam niya dahilan para mapairap ako sa hangin. Imbes na suyuin ko pa siya ay naiinis lang talaga ako sa kung paano niya ako tratuhin na parang basura, pero dahil kasalanan ko naman ay bawal akong umangal. "Binalak ko na bumalik ng Cordova, pero naisip ko na ang kapal naman ng mukha ko para gawin iyon. Naisip ko pa na baka hindi mo naman na ako kailangan, baka rin ay masaya ka na sa buhay mo kung kaya ay nanatili na lang ako rito sa Maynila. At kapag masyado ka ngang pinaglalaruan ng tadhana ay nakita pa kita sa kumpanya ni Sir. M." Pagak na natawa si Andrew, wala siyang masabi dahil alam ko na hindi niya malaman kung ano ba ang sasabihin o dapat na i-react. Kaya nananatili siyang galit, kung totoo nga lang din na nakamamatay ang matalim na tingin ay kanina pa ako bumulagta sa sahig. Hindi pa nagtagal nang pahirin ko ang basang pisngi. Normal na sa akin ang umiyak sa kaparehong dahilan. Hobby ko na iyon sa gabi bago ako matulog, kaya ay hindi na ako ganoon humahagulgol. Minsan nakakapagod, pero knowing na sa akin lahat babagsak ang sisi ay wala naman akong ibang magawa kung 'di ang mapagod sa sarili ko ring kagagawan. Huminga ako nang malalim. Nagtagal din kami ni Andrew sa ganoong posisyon. Pinalipas namin ang oras, hindi ko na nga mabilang kung gaano na kami katagal naroon sa loob ng kwarto. Tantya ko pa ay natapos na silang mag-inuman sa labas dahil wala na akong naririnig na ingay. "Ano sa tingin mo iyong nagbago ngayon na nagpaliwanag ka?" kalaunan ay wika ni Andrew dahilan para matitigan ko siya. "Wala na sa akin ngayon kung hindi mo ako tatanggapin, ayos lang sa akin iyon. In-expect ko naman na ganito ang mangyayari," pahayag ko habang maang siyang tinitingnan. "Bakit ba sa tuwing nagsasalita ka ay parang wala lang ang lahat sa 'yo?" angil nito, nagawa pa niyang umahon sa pagkakaupo niya upang dumukwang sa gawi ko. "Nandoon na tayo sa tinanggap mo na, pero iparamdam mo naman na nagsisisi ka." "Ano mang sisi ang gawin ko ay huli na ang lahat, Andrew. Pagbalig-baligtarin mo man ang mundo ay iba na ang gusto mo. Hindi na ako, kaya nga tinanggap ko na. Mas pinili kong sumaya, hindi lang para sa 'yo— para na rin sa kaibigan ko na si Jinky. Sabihin mo na lang na quits na tayo, iyon na ang ganti mo sa akin." "Bullshít," anas niya, kapagkuwan ay marahas na napatayo at saka aambang susugurin ako nang kaagad siyang matauhan. "Hindi ko alam kung anong klaseng utak ang mayroon ka ngayon, hindi na ikaw 'yung Elsa na kilala ko. At oo, tama ka, wala ka ng puwang sa puso ko." Mapait akong napangiti bago napahinga nang malalim. Dagli ko pang nalingunan ang pinto nang makarinig ng ingay doon. Mayamaya lang nang mapagpasyahan ko nang tumayo. Nilampasan ko lang din si Drew at deretsong nagtungo sa pinto. "How's Analisa?" anang Andrew na naging mitsa para matigilan ako. Nakagat ko rin ang pang-ibabang labi ko bago hinawakan ang doorknob ng pinto. Nagbabasakali lang ako na nakabukas na iyon mula sa labas ngunit laking gulat ko nang bumukas iyon. Kamuntikan pa akong mapaupo sa sahig sa biglaan kong paghila. "She's fine... with me. She doesn't need a father, pero salamat pa rin sa suporta mo." Mabilis akong lumabas, mula pa sa parteng madilim na pathway papasok ng villa ay natanaw ko ang isang bulto ng katawan na hindi ko na magawang mamukhaan sa bilis niyang maglakad. Kaya ay maagap ko iyong hinabol, sa pagpasok ko sa villa ay wala na akong nakita. Akmang dederetso ako sa kusina nang may humila sa braso ko, rason para mapabalik ako sa kaninang kinatatayuan ko. "Deretso ka nang pumanhik sa taas." Dinig kong bulong niya sa tainga ko, kaya nagtaasan ang balahibo sa batok ko. Balak ko pa sana siyang lingunin sa pagitan ng balikat ko nang hawakan niya ang magkabilaang gilid ng ulo ko at itinuon niya ang atensyon ko sa harapan ko. Marahan niya akong iginiya paakyat sa hagdan. "Marvin," untag ko. "Hmm?" "Thank you for saving me three times in a row."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD