CHAPTER 19

2088 Words
Asawa? Anong asawa? At sino naman? Nangunot ang noo ko, kapagkuwan ay dahan-dahan na nilingon ko si Andrew mula sa balikat ko at nakitang seryoso itong nakatingin sa ginang. "May asawa ka na pala, kung ganoon ay siya ba?" maang na pagtatanong nito at saka pa ako itinuro. "Opo," sagot ni Andrew bago tipid na ngumiti. "Pero bilang kaibigan po ni Jinky ay inihatid namin siya rito." Napatigalgal ako sa harapan ni Andrew, ganoon pa man ay hindi na ako nakaimik at ayoko ring pangunahan kung ano man ang pahiwatig ng sinabi nito, lalo ng puso ko. Wala sa sarili nang makagat ko ang pang-ibabang labi. "Oh, siya, mauna na kayo at mukhang inabala pa kayo nitong si Jinky," anang ginang kung kaya ay halos magkasabay pa ang pagtango naming dalawa ni Andrew. "Sige po, huwag niyo na lang po siyang pagalitan." May bahid man ng hiya ay nagawa iyong iparating ni Andrew, saka pa tipid na napangiti. Doon ko rin natanto na totoong kilala na nila ang isa't-isa. Well, kilala ko rin naman si Jinky, kaya ko nga nalaman na hindi sila in good term ng kaniyang ina dahil madalas ay palagi siyang napapagalitan sa kahit anong dahilan. Alam ko iyan, minsan nang nabanggit sa akin ni Jinky na mainit ang ulo sa kaniya ng ina nito na lahat ng galit niya sa mundo ay ibinubuntong nito kay Jinky. Marahil ang ipinapakita ngayon ng ginang ay pawang pagpapanggap lamang. Katulad din sa tuwing napapabisita ako sa bahay nila, kaya nga madalas ay sa labas na lang kami nagkikita ni Jinky. Mabibilang lang sa daliri ko sa kamay ang pagpunta ko sa kanila sa kadahilanang si Jinky din ang nahihiya para sa kaniyang ina. "Sige na at umuwi na kayo." Matapos iyon ay siya na rin ang unang tumalikod habang kinakaladkad si Jinky sa braso nito. Samantala ay sumusunod lang si Jinky sa paraang ano mang oras ay matutumba na ito dahil sa kalasingan. Napailing na lamang ako sa kawalan, kapagkuwan ay nagpakawala nang mahinang buntong hininga. Mayamaya lang nang umalpas ang mumunting ngiti ni Andrew. "She'll be okay I guess." Hindi ako nagsalita bagkus ay tumalikod ako at saka bumalik sa loob ng passenger's seat. Gusto ko na lang din ang umuwi, pakiramdam ko ay para akong lantang gulay at damang-dama ko ang pagod sa katawang lupa ko. Hindi rin naman nagtagal nang umikot si Andrew banda sa driver's seat, kasabay pa nito ay ang pagbagsak nang malakas na ulan na siyang kanina lang ay inaabangan ko. Gulat na napatingala ako sa kalangitan. Kalaunan nang pagak na lamang akong matawa bago isinandal ang likod sa kinauupuan ko at maang na napatingin sa labas ng bintana. Unti-unti ay pinuno ng tubig-ulan ang kabuuan ng kotse, maging ang patag na kalsada. Napipilan ko pang nilingon si Andrew mula sa pagitan ng leeg at balikat ko kung saan nagmistulang itong estatwa na hindi gumagalaw. Kagaya ko ay mas pinili niyang pagmasdan ang bawat pagbuhos ng ulan. Nakatingin ito sa gilid niya dahilan para may ilan akong pagkakataon na matitigan siya nang ganito katagal. Hindi pa maiwasan na umimpis ang labi ko para sa isang mapait na ngiti. Sa totoo lang ay gusto nang sumabog ng dibdib ko sa mga saloobin na gusto kong itanong dito. Masyado lang din akong naduduwag na patunayan na narinig ko ang lahat ng sinabi niya kanina sa cellphone. Isa pa, hindi ko nga alam kung saan ko ba uumpisahan at kung anong tamang salita ang sasabihin ko. "Andrew..." buntong hininga ko, maagap naman niya akong binalingan at saka nagtatanong ang mga matang tinitigan ako. Hirap akong napalunok, ilang minuto akong natameme at hindi na malaman kung paano pa susundan ang pagtawag ko rito. Rason naman para tumagal ang paglalabanan namin nang mainit na pagtitig. "Nag-break pala talaga kayo ni Jinky, akala ko ay nagbibiro ka lang," paunang sambit ko habang pigil-pigil ang sariling paghinga. Dahan-dahan ay tumango si Andrew. "Una pa lang naman ay wala ka ng tiwala sa akin..." Napakurap-kurap ako sa narinig, siya naman ay seryoso lang na nakatingin sa akin. Sa dilim ng paligid ay tila ba bumalot iyon sa kabuuan ni Andrew, madilim ang mukha niya at hindi ko mabasa ang mga emosyon nito. "Noong sinabi kong kaya kitang ipaglaban ano man ang pagsubok sa relasyon natin ay hindi ka naniwala, kaya mo nga nagawang iwan ako at humingi ng saklolo sa ibang tao," dugtong nito at saka pa siya mahinang natawa. "But since tapos naman na iyon, nagawa mo na, nasaktan na ako, napatunayan mo na ang sarili mo, ipinaliwanag mo na iyong dahilan mo... kaya gusto kong patawarin ka na rin." "Th—thank you." Nanginig ang labi ko bago nag-iwas ng tingin at mas piniling pagtuunan ng pansin ang naglulumikot kong mga kamay na naroon namamahinga sa kandungan ko. Muli ay napahinga ako nang malalim. "And I'm so sorry dahil nasaktan ko rin ang damdamin mo dahil sa pagsuko ko. Sorry kasi hindi kita sinundan sa States, sorry dahil napangunahan ako ng galit ko sa 'yo, sorry sa mga nasabi kong masasakit na salita, sa mga pagtataboy ko sa 'yo. Sorry for all bad things I've done to you, Elsa. But please, can you give me a chance? Just at least o—one chance?" Mabilis pa sa kidlat na napatingin ako kay Andrew kung saan naabutan ko ang tahimik nitong pagluha habang inaabangan ang mga mata ko. Bulgar namang umawang ang labi ko, tunay na wala akong masabi. Nagulat na lang din ako nang haklitin nito ang isang braso ko, rason para mapalapit kami sa isa't-isa. Wala na rin akong naging palag nang maging ang batok ko ay hinatak nito at walang pag-aalinlangan na sinakop ang labi ko. Sa nangyari ay pakiramdam ko pang saglit na tumigil ang pag-inog ng mundo na para bang ang oras na natitira ay nasa aming dalawa na lang ni Andrew. Nagulat man ang kaluluwa ko ay wala na rin akong naging pakialam pa. Ilang minuto lang nang nananabik kong sinusundan ang paggalaw ng labi niya sa akin. Kasabay nang bawat pagpatak ng ulan ay ang pinagsasaluhan naming init kung saan damang-dama namin ang pagka-miss sa isa't-isa. Mapaghanap at puno ng sensasyon ang bawat paghagod ng dila ni Andrew sa bibig ko dahilan para maramdaman ko ang bolta-boltaheng kuryenteng namumutawi sa mga ugat ko. Sa kalasingan ko ay mas ginusto ko ang nangyayari. Tila ba nagkaroon ako ng rason na huwag mahiya sa harapan ni Andrew, hindi ko na inisip kung ano ang magiging kahahantungan nito bagkus ay mas masaya ko pang tinutugon ang labi ni Andrew. Hindi naglaon nang mamalayan ko na lang din ang sarili na naroon sa kaniyang kandungan habang akap-akap ang leeg nito. Baliwala sa akin kung pareho man kaming naghahabol ng hininga, basta ay matugunan lang ang nag-iinit naming katawan. Panay ang paghaplos ni Andrew sa bandang likod ko na mas lalong nagpapahibang sa akin, saka naman pupunta ang kamay niya sa balikat ko at walang anu-ano'y pinadausdos ang kwelyo ng suot kong v-neck t'shirt. Wala akong naging reklamo o anong pagtutol. Kalaunan nang mapatingala ako nang bumaba ang labi ni Andrew sa leeg at balikat ko, roon ay isa-isa niyang pinatakan nang maliliit na halik ang balat ko mula roon. Gaano man din kaingay ang pagpatak ng ulan sa bawat bubungan ng mga kabahayan ay mas naging malakas sa pandinig ko ang walang humpay na pagririgodon ng puso ko, tila pa iyon ang naging musika ko sa mga oras na iyon. "Andrew," mahinang banggit ko nang maramdaman ang pagsipsip at pagkagat niya sa leeg ko. "Andrew..." Ang isang kamay naman nito ay naroon sa baywang ko habang iginigiya ang bawat paggalaw ng balakang ko sa ritmong kami lang ang nakaiintindi ni Andrew. Nabibingi man ay nagawa kong marinig ang mahihinang daing at ungot nito. Nang hindi matuwa ay kumapit ako sa magkabilaang headboard sa kinauupuan ni Andrew at ikinulong ito sa bisig ko. Mayamaya lang nang unti-unti nitong itaas ang damit ko hanggang sa maramdaman ko ang mainit nitong palad sa maselan kong balat. Lalo sa parteng tiyan at puson ko, rason para kumawala ang ilang halinghing sa labi ko. Hindi ko na rin alam kung paano pang baling ang gagawin ko nang dahan-dahan ay umaakyat iyon patungo sa dibdib ko. "Andrew!" ungol ko nang malaya nitong nadama ang tuktok ko sa ilalim ng suot kong bra. Hindi ko namalayan na sa kaninang paghaplos nito sa likod ko ay madali niyang natanggal ang hook ng bra ko. Nagmukha lang din siyang masahista sa ginagawa nito at alam na alam niya kung paano kunin ang kiliti ko. Ilang minuto kami na nasa ganoong posisyon, sa kawalan ko sa sarili ay huli ko nang matanto nang ihiga ako ni Andrew sa malambot na kama. Hindi ko alam kung nasaan kami, pero sigurado ako na nasa isang hotel kami. Hindi ko na rin kasi nasundan dahil pakiramdam ko ay lalagnatin ako habang tumatagal at lumilipas ang oras. Wala na ring pagdadalawang-isip na hinubad ni Andrew ang t'shirt at bra ko. Napanood ko pa ang pagbaba at paghila niya sa suot kong pantalon kung saan din ay nauna na niyang tanggalin ang mga saplot niya, kaya tanaw na tanaw ko ang nakalantad nitong pawisang dibdib. Sa bawat paggalaw pa nito ay ang pag-flex ng kaniyang mga muscle sa braso, para na akong malulula at nang hindi makuntento ay unti-unti akong nagbaba ng tingin sa tiyan niya hanggang sa matunton ko ang parteng nasa gitna ng kaniyang mga hita. Napatulala ako, gamit ang ilaw sa isang lampshade mula sa bedside table ay kitang-kita ko kung paano rin nag-mature ang bagay na iyon na halos hindi ko rin iyon makilala. Well, it's been almost ten years. Hindi ko nga alam kung kilala pa ba ako ng kaibigan nito? Kung sabagay, willing naman din akong magpakilala ulit. Sa mga naisip ay literal nang nababaliw ang utak ko, nang matapos pa si Andrew ay basta na lang din niyang inihagis ang pantalon ko sa kung saan. Maagap itong dumukwang palapit at umibabaw sa akin, saka naman niya itinukod ang dalawang siko sa pagitan ng ulunan ko upang suportahan ang kaniyang bigat. Doon ay saglit kaming nagkatitigan habang hinihinuha pa ang emosyon ng bawat isa. "Pwede ko na bang makuha ang sagot sa kaninang tanong ko, Elsa?" aniya sa baritonong boses na halos manindig pa ang mga balahibo sa batok at braso ko. Siya namang pagkunot ng noo ko. "Hindi na kailangan ng sagot, Andrew. Itong pagpayag ko sa 'yo ngayon ay siyang sagot na mismo— aba, ano ba sa tingin mo ang—" Hindi na ako nito hinayaan pang matapos nang muli niyang siniil nang mapusok na halik ang labi ko, kasunod nang pagngiti ko at ang pagyakap ko sa kaniyang leeg. Mas inilapit ko ito sa akin at wala nang itinirang espasyo sa gitna naming dalawa. Ilang sandali pa nang sundan ko ito ng tingin nang bumaba ang ulo niya sa dibdib ko, saka naman siya nagmukhang sanggol na sinisipsip ang isang tuktok ko habang ang isa ay pinaglalaruan ng isa nitong kamay. "Andrew... hmm," mahinang ungol ko, kapagkuwan ay inabot ang kaniyang buhok. Pababa pa nang pababa ang ulo ni Andrew hanggang sa marating nito ang puson ko, bawat madaanan pa ng labi niya ay isinasabay nito ang dila niya kung kaya ay para akong naninigas sa tindi ng pinagsamang kiliti at sarap na pumupuno sa kabuuan ko. "Andrew!" sigaw ko nang maramdaman ang hininga nito sa pisngi ng p********e ko, muli pa akong napahiyaw nang mas ibuka niya ang dalawang hita ko. Rason para mas damang-dama ko ang init ng kaniyang paghinga. Sa panonood kay Andrew ay nakita ko ang pagdila nito sa kaniyang labi, pati ang dagli niyang pagnakaw ng tingin sa akin kung saan nagawa pa ako nitong ngitian. Ilang segundo pa nang mahigit ko ang sariling hininga nang tila mangingisda ito nang sumisid siya roon na naging mitsa para bumagsak ang ulo ko sa malambot na unan. Mariin akong napapikit, kasunod nang pagbaluktot ng mga daliri ko sa paa. "Oh, God! Andrew!" ungol ko nang maging sunud-sunod ang pagdila niya sa hiyas ko. "Andrew! Ahh! Andrew!" Sa malakas kong ungol ay para bang ginaganahan ito na halos ipagduldulan nito ang sarili sa kaselanan ko. Ramdam ko ang panginginig ng dalawang hita ko, ganoon pa man ay pinipigilan iyon ni Andrew upang panatilihin ang pagkakabuka ko. "f**k! That's it, Andrew! Oh, my God! Lick me more, Andrew! Yes!" Para na akong baliw, pero kung ganito lang ang dahilan nang pagkabaliw ko ay ayos lang— I surrender.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD