CHAPTER 13

2050 Words
Sa kawalan ko nang masasabi ay literal na naging pipi ako sa harapan ni Anna. Hindi ko mawari kung ano pa ang sasabihin ko, o kung ano pang kasinungalingan at pagpapanggap ang gagawin ko. Sa tuwing maiisip ko kasing sabihin dito ang lahat na hindi naman talaga siya—kami iniwan ng kaniyang ama ay naduduwag ako. Nauuna iyong takot ko na baka iwan niya ako at sumama ito kay Andrew. Kaya ngayon na mas hinahanap nito si Drew ay mas lalo akong natatakot gaano ko man din kagustong isiwalat ang lahat. Katulad din nang parati kong sinasabi; pasensya na, pero hindi ko pa talaga kaya. Nangangamba ako na baka sa pagkakataong ito ay ako naman ang maiwanan, ako naman ang bawian ni Andrew at ilayo niya sa akin ang anak ko. Hindi ko iyon kaya, kasi totoong si Anna na ang naging buhay ko. Kapag nawala siya ay wala na ring saysay pa ang buhay ko. Ayoko— pero... kailangan ko talagang gawin. Sa mga sinabi kanina ni Anna ay nagpasya akong lumabas saglit sa kwarto para matawagan si Andrew. Baka kaya pa niyang humabol ngayong araw, siguro naman ay nakauwi na ito sa bahay nito at wala nang ginagawa. Tahimik akong napabuntong hininga, kapagkuwan ay inilabas ang cellphone sa bulsa ng pants ko. Nanginginig pa ang kamay ko nang mahawakan ko iyon na halos tumalon pa iyon sa sahig sa gulat ko nang may biglang sumulpot sa harapan ko. Wala sa sarili nang mapatigalgal ako at madaling nag-angat ng tingin dito. Siya namang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang isang lalaki na mariing nakatingin sa akin, seryoso ang mukha nito na para bang ano mang oras ay mangangain siya ng buhay. Ganoon pa man ay hindi maitatanggi ang pag-aalala sa mga mata nito. Magulo ang kaniyang buhok, suot pa nito ang white polo at kulay itim na pants kung kaya ay tantya kong hindi pa ito nakakauwi sa bahay niya. Kalaunan nang mapaatras ako at saka pa mahinang tumikhim. "Brandon..." usal ko sa pangalan nito. "Anong nangyari?" bigkas niya bago sinipat ng tingin ang kabuuan ng katawan ko na animo'y sinusuri ako. "Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako?" Imbes na sumagot ay iyon pa ang unang lumabas sa bibig ko. Nakakagulat lang din kasi na alam nito kung nasaan ako gayong wala pa naman akong pinagsasabihan. Kahit nga si Jinky na malapit sa akin ay naging tikom ang bibig ko, ngayon ko pa lang tatangkain na sabihin sana kay Andrew. "Kasama ko kanina si Melvin, nabanggit niya na nakita ka raw niya kanina rito," paliwanag nito, rason para mapatango-tango ako. "Ah, ganoon ba?" Umawang ang labi ko, nagulat pa ako nang hawakan ni Brandon ang balikat ko upang mas maigi niyang makita ang kabuuan ko. "Ano bang nangyari? May nangyari ba sa 'yo? Iyong leukemia mo..." Sa narinig ay mahina akong natawa, kapagkuwan ay marahang tinabig ang kamay ni Brandon na nasa balikat ko. Samantala ay maang lang niya akong pinagmamasdan habang nangungunot pa rin ang noo. "Ano ka ba, nakapagpa-opera na ako noon 'di ba?" wika ko ngunit napaismid lang ito. "Malay ko ba na pwede palang bumalik ang leukemia mo. Makausap nga si Gabriel." "Wala pa naman akong naririnig na ganoon, kaya hindi naman siguro." Hindi man sigurado ay sinabi ko na lang iyon para hindi na siya mag-alala pa. Ganito rin kasi siya palagi, simula nang maoperahan ako ay parati niya akong pinpaalalahanan na kahit magaling na ako ay itinuturing pa rin ako nito na parang babasaging pinggan. Si Brandon... yes, siya iyong lalaki na nag-offer sa akin noon ng pera sa Cordova, iyong lalaki na kasama kong umalis papuntang States para magpagaling, iyong lalaki na humingi ng tulong sa akin bilang kapalit din ng pagpapagamot ko. Siya iyong lalaki na palaging naka-black tuxedo na paminsan-minsan ay nag-aabot ng tulong at suporta sa amin ni Anna, kaya sobrang laki ng utang na loob ko kay Brandon. Wala akong masabi sa kabutihang taglay niya gaano man iyon sumasalungat sa pagkatao niya. Marami kasi ang nagsasabi na masama siyang tao, higit doon ay isang mafia leader ang kaniyang Lolo. Kaya rin ito palaging nakasuot ng longsleeve ay para takpan ang malaking tattoo nito sa braso. Gaano ko man din iyon napatunayan ay hinding-hindi mawawala sa paningin ko kung paano niya ako tinulungan. Kung paano ako nito binigyan ng pangalawang chance na mabuhay, pati na rin ang anak kong si Annalisa. Speaking of Anna, hindi siya kilala ng anak ko. Nang mailuwal ko kasi ito noon at matapos kong magpagaling ay kaagad din akong lumuwas pabalik ng Pilipinas, hindi nakalakihan ni Anna si Brandon ngunit kilalang-kilala ni Brandon ang anak ko. "Pero ano ngang nangyari sa 'yo?" untag nito dahilan para mabalik ako sa reyalidad. "Hindi ako... si Anna... naisugod siya rito dahil sa tangka niyang... pagpapakamatay," pahintu-hinto kong banggit dahil literal na nahihirapan ako sa tuwing sasahihin ko iyon. "Say what?" bulalas nito at madalian pa akong nilampasan, kaagad ko naman itong nilingon. Nakita ko ang tangkang pagpasok ni Brandon sa loob ng kwarto, pero nang makita marahil na gising si Anna sa maliit na glass window ay napahinto siya. Dumulas ang kamay nito mula sa doorknob ng pinto. Isa sa dahilan kung bakit din ayaw ako— ayaw ni Brandon na magpakita kay Anna ay dahil baka mapagkamalan ito na siya ang ama ni Annalisa. Naiintindihan din naman ni Brandon iyon, kaya hanggang tingin na lang sa malayo ang nagagawa niya. "Good thing that she's safe now," mababang pahayag nito, saka ako muling nilingon. Ngunit imbes na sa akin dumeretso ang atensyon niya ay tila ba napako ang mga mata nito sa likod ko, tila ba nakakita ito ng multo na kitang-kita ko pa ang gulat sa mukha niya dahilan para mangunot ang noo ko. Kung kanina lang ay si Anna ang may ganiyang itsura, teka— wala pa man ay nauna nang manlaki ang mga mata ko at saka mabilis pa sa kidlat na umikot ako upang tingnan iyon. Kasabay pa nito ay ang pagkakatigil ng hininga ko sa ere. Halos lumuwala ang dalawang mata ko, hindi ko na rin mahagilap ang kaluluwa ko na kung saan na naman naglalakbay sa kalawakan. Gulat na gulat na napagmasdan ko ang lalaking nasa harapan ko. Nagawa ko pang pasadahan ng tingin ang katawan nito pamula ulo hanggang sa paa niya, napansin ko na kung ano iyon suot nito kanina ay iyon pa rin ngayon. Kaya natanto ko na katulad ni Brandon ay hindi pa ito nakakauwi. "Andrew," buntong hininga ko. Papaano siya napunta rito? Kasama pa rin ba niya si Jinky? Sa katanungang iyon ay saglit kong nilingon ang likuran niya, nagbabakasakali na baka kasama nga nito si Jinky ngunit nabigo ako kung kaya ay muli ko siyang binalingan. "Ba—bakit ka nandito?" Nanginig ang labi ko na hindi ko malaman kung para saan. Okay pa naman ako kanina, bakit ngayon ay para na akong mahihimatay sa sobrang lakas nang pagtibok ng puso ko? Damang-dama ko iyong pagtataas-baba ng dibdib ko, pati ang paghinga ko ay naging limitado. Gusto ko pang tawanan ang sarili. Relax, si Andrew lang ito. Bakit ba ako sobrang naapektuhan sa presensya niya ngayon? Dahil ba sa katotohanan na nagawa nitong pumunta dito nang hindi si Jinky ang dahilan? Sa naisip ay hindi maitatanggi ang pagtalon ng puso ko sa galak ngunit nananatiling seryoso ang mukha ko. Natanaw ko pa ang paglingon nito kay Brandon, maging ang mapanuri niyang tingin sa aming dalawa. Tila ba hindi siya makapaniwala na makita kaming magkasama ngayon gayong alam niya na hindi naman kami magkakilala. Aware din naman ako na kasama sa bachelor squad si Brandon, kaya hindi na ako nagtataka kung minsan na silang nagkatagpo. "Bakit siya nandito?" takang pagtatanong ni Andrew na itinuturo pa si Brandon. "Kayo ba? I mean, magkakilala kayo?" "Uhm, excuse me," ani Brandon at saka pa hinawakan ang balikat ko, rason para sundan iyon ng tingin ni Andrew kung saan mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay nito. "Labas lang ako, yosi lang ako saglit." Matapos iyon ay wala nang lingun-lingon na tumalikod si Brandon. Pinanood ko pa ang papalayo niyang pigura, samantala ay mariin naman akong tinititigan ni Andrew na para bang humahanap ng kasagutan sa mukha ko. Kalaunan nang ibigay ko rito ang atensyon ko. Ano man ding galak ang nararamdaman ko ay nagtataka pa rin ako kung bakit siya napunta rito? Kaya kung anong ikinalito ng itsura niya ay mas naguguluhan ko siyang tinitigan. "Bakit ka nandito?" palatak ko. "Bakit kayo magkasama ng lalaking 'yon?" balik tanong niya sa akin na hatalang gustong makipagmatigasan sa akin. "Ako ang unang nagtanong, hindi ba?" Pinagtaasan ko ito ng kilay, ilang saglit pa nang sumuko rin siya at frustrated na nakamot ang kaniyang ulo. Huminga ito nang malalim, kapagkuwan ay namaywang sa harapan ko habang hindi pa rin inaalis ang mapagtanong niyang mga mata. "Kasama ko kanina si Sir Melvin, nabanggit niya sa akin na nakita ka niya rito. Okay na ba 'yon?" anas nito sa kaparehong paliwanag ni Brandon. Doon ko natanto na baka nga magkakasama ang magkakaibigan at itong si Andrew na palaging saling pusa sa kanila, tch. "So, bakit ka pumunta rito?" Tinapatan ko ang pagkakapamaywang nito nang humalukipkip ako, pinagkrus ko ang dalawang braso sa dibdib ko habang pinagtataasan pa rin siya ng kilay. Oo at natutuwa ako na nandito siya, pero syempre ay hindi ko naman pwedeng ipahalata iyon sa kaniya. "Hoy! Ako naman ang sagutin mo— bakit kasama mo si Brandon? May relasyon ba kayo? Aba at may pahawak-hawak pa siya sa 'yo," angil nito na hindi matapos-tapos ang bibig sa pagbuka. "Mas uunahin mo pa ba iyon kaysa sa anak mo na nasa loob?" balik singhal ko rito at saka pa itinuro ang pinto sa likod ko. Kaunti na lang talaga at pagkakamalan ko na siyang nagseselos. Pero... as if naman 'di ba? Sa sinabi ko ay awtomatiko itong napatigil, wala na ring pag-aalinlangan na lumapit siya sa pinto upang silipin doon si Anna. Nagulat na lang ako nang pihitin nito ang seradura ng pinto at dere-deretsong pumasok sa loob. "Andrew!" maagap kong pagtawag dito ngunit hindi niya ako pinansin. Hinabol ko ito ngunit hindi ko na nagawang makapasok sa loob nang pagsaraduhan ako nito ng pinto dahilan para manlaki ang mga mata ko. Ilang beses ko pa iyong kinatok, pero naging baliwala ako kay Andrew. Wala akong nagawa kung 'di ang tingnan ito mula roon, saka ko naman nakita ang paglingon sa kaniya ni Annalisa. Bumakas ang mumunting gulat sa mukha nito, kasabay nang pangungunot ng noo niya habang pinagmamasdan ito. Bumuka ang labi ni Anna, pero sa kadahilanang hindi ko marinig ay wala akong idea kung ano ang sinabi niya. Sinadya pa yatang takpan ni Andrew si Anna kung kaya ay literal na likod na lang nito ang nakikita ko. "Andrew!" Muli kong kinatok ang pinto ngunit sumakit na lamang ang kamao ko ay hindi pa rin niya ako pinapansin, pati si Anna ay hindi man lang ako magawang lingunin. Umawang ang labi ko, lalo pa nang mapanood ko ang pagbuka ng kamay ni Anna upang salubungin ang yakap ni Andrew. Sa nakita ay para akong nanigas sa kinatatayuan ko, bumagsak ang dalawang kamay ko sa gilid ko at maang na lamang silang pinagmamasdan. Natanaw ko pa ang panginginig ng balikat ni Andrew, kaya natanto kong umiiyak ito. Gaano ko man din kagustong pasukin sila ay hindi ko na ginawa. Nagtagal ang pagyayakapan ng dalawa na para bang ito na ang huling pagkakataon, o talagang sadya lang na na-miss nila ang isa't-isa. Wala sa tamang huwisyo nang mapaatras ako, mas pinili ko ang hayaan sila at sa kadahilanan pang nangangatog ang mga tuhod ko ay naupo na lamang ako sa upuang nasa gilid ng hallway. Doon ay natulala ako sa kawalan habang sapu-sapo ang bibig. Kusa ring umalpas ang luha sa mga mata ko padausdos sa pisngi ko, hindi ko na iyon pinunasan pa dahil sa patuloy kong pag-iyak nang tahimik. Nananatili ako sa ganoong posisyon na para bang naghihintay ako ulit ng resulta galing sa doctor. Itong pag-iyak ko ay hindi na dahil sa takot. Ngayon ko mas tinanggap na tama lang itong nangyayari na hindi ko kailangang mangamba, bagkus ay mas matuwa pa— since Anna needs help, so, she need Andrew, her father.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD