Chapter 20 "LOVE, this is Mommy Leticia and Daddy Lucio." Bumuka ang mga bibig ko ngunit walang namutawing salita. Pakiramdam ko'y bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Gustong-gusto ko na lang ibalik ang oras at sana'y hindi na lamang ako sumama kay Marga kahapon sa mall. Sana hindi ko na lang nakilala si Rafael. Sana'y hindi niya ako nahilang magpanggap na girlfriend niya. "It's nice to finally meet you, iha. I've heard a lot about you." Iyong daddy niya ang unang nagsalita. Inilahad nito ang kanyang kamay. "Ikinagagalak ko rin po kayong m—makilala." Nanginginig ang mga kamay kong tinanggap ang kanyang kamay. Nararamdaman ko iyong matatalim na titig ng kanyang asawa na siyang nagpapakalabog ng puso ko. "You're shaking, iha." Bahagyang tumawa ang daddy ni Sid. "Son, your girl
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books